bc

SUBSTITUTE BRIDE: The Vow I Never Meant

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
substitute
like
intro-logo
Blurb

WARNING: (R-18+). This story contains strong language and explicit scenes. Also, this is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

TEASER:

Nang tumakas ang sosyalitang si Amanda Ramirez mula sa isang sapilitang kasal sa akala nitong naghihingalo at hindi kaakit-akit na lalaki, na si Gideon Del Franco, napilit nitong kumbinsihin ang mabait at mahinhin nitong pinsan, si Ashlianna Ramirez, na pansamantalang palitan ito—para lamang sa seremonya at ilang buwan, hanggang sa makabalik ito.

Bagamat nag-aalinlangan, pumayag si Ashlianna, sa desperasyon na hindi mawala ang scholarship ng kanyang nakababatang kapatid at bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang yumaong tiyuhin.

Hindi alam ni Gideon ang pagpapalit ng kanyang magiging asawa—hindi rin siya dumalo sa seremonya. Nilagdaan lamang niya ang marriage certificate at ipinagkatiwala ito sa kaniyang abogado. Para kay Gideon, ang kasal ay isa lamang kasunduang pangnegosyo.

Ang akala ni Ashlianna, matapos ang kasal ay makakauwi na siya sa bahay ng kanyang tiyahin, lalo na’t hindi naman niya nakikita ang asawa. Ngunit napilitan siyang manatili sa Altamirano Estate dahil iyon daw ang gusto ni Gideon. Sa kanyang pananatili, nadiskubre niya ang lihim na itinago sa lahat—ang iniisip ng lahat na may sakit at pangit na CEO at Presidente ng Altamirano Holdings ay isa palang malusog at napakaguwapong lalaki.

Habang unti-unting nalalantad ang mga lihim, nagsisimulang umibig si Ashlianna kay Gideon. Ngunit nang tila may katugon na ang pag-ibig niya sa lalaki, bumalik si Amanda at inaangkin muli ang buhay nito na pansamantalang iniwan sa kaniya.

Ngayon, kailangang pumili ni Ashlianna—ibunyag ang katotohanan at isugal ang lahat, o iwan ang pag-ibig na hindi niya inasahan sa maling kasal ngunit sa tamang lalaki.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Ayaw ko, Amanda,” madiing tanggi ni Ashlianna sa pinsan niyang si Amanda. Nakiusap ito sa kaniya na siya ang pumunta sa mansyon ng mga Del Franco para magpakasal kay Gideon Del Franco, na kailanman ay hindi pa niya nakita ng personal. Yes, she had heard about him. Panganay ito sa tatlong magkakapatid nina Don Dionesio Del Franco at Donya Beatrice Del Franco. She also heard that the old matriarch of the Del Franco family was extremely strict and valued reputation and bloodline above all. Kaya uso sa pamilya ang arranged marriage, dahil ayaw ng mga itong makapag-asawa ang mga anak ng kung sinu-sino lamang—lalo na kung hindi ito galing sa prominenteng pamilya at walang benepisyong makukuha sa pagpapakasal. “Sige na, Lianna. Hindi ko kayang pakasalan ang lalaking ’yon. Hindi ko siya mahal! At lalong ayokong makapag-asawa ng taong malapit nang mamatay at hindi pa kaaya-aya ang hitsura,” bakas ang pandidiri sa mukha ni Amanda habang sinasambit ang huling salita. Suminghap si Ashlianna. Maldita at maarte si Amanda, pero ngayon lang niya ito narinig na lumait ng ganoon ka-direkta. At hindi niya iyon nagustuhan. Matagal nang napagkasunduan ang pagpapakasal nito kay Gideon Del Franco. Buhay pa si Tito Virgilio, ang ama ni Amanda, nang in-arrange ang kasal. Noon, hindi niya naringgan si Amanda na nagrereklamo. Pero nang mabalitaan nitong naaksidente ang lalaki sa ibang bansa at nasunog ang mukha, saka pa lang ito nagsimulang umayaw. “Tatlong buwan lang naman. Pero kung suswertehin, puwede namang mapaikli—lalo pa’t nasa kritikal ang kondisyon ni Gideon.” Napaawang ang bibig ni Ashlianna. Sinuway niya agad ang pinsan. “Huwag kang magsalita ng ganyan, Amanda. Hindi ‘yan maganda.” Umirap lang si Amanda. “Whatever.” Tumayo si Ashlianna at umiling. “Bakit hindi ka na lang magsabi ng totoo sa mga Del Franco na ayaw mo na? Na hindi ka na magpakasal." “Alam mong hindi ganoon kadali ’yon, Lianna. Magagalit si Mommy kapag nalaman niyang umatras ako. Lalo na ngayon na kailangan natin ang pamilya Del Franco para maisalba ang papalubog na nating kompanya.” “At ako ang isasakripisyo mo para hindi ka mapagalitan at maisalba ang kompanya?” may hinanakit na tanong niya rito. Pero hindi man lang niya ito nakitaan ng pagsisisi. Matanda ng dalawang taon sa kaniya si Amanda. Pero ayaw nitong tinatawag niya itong ate. Bata pa lang sila ay hindi na sila nito magkasundo dahil akala nito mas mahal siya ni Tito Virgilio kaysa rito. Lagi siya nitong pinapahirapan at ginagawan ng mali para lang mapagalitan siya. Hanggang sa magdalaga sila at nakapagtapos ng kolehiyo. Mas lalo pa silang hindi nagkasundo nang mamatay si Tito Virgilio at siya ang dahilan n'yon. Her heart clenched in pain. Hindi niya iyon sinasadya. Kung kaya lang niyang ibalik ang araw na iyon... gagawin niya. “Ikaw na lang ang may choice. Wala ka namang boyfriend. At kung tutuusin, dapat na magsakripisyo ka talaga dahil utang mo sa pamilya ko kung ano ka ngayon at ang kapatid mo," Natahimik siya. Totoo nga naman. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya nito lalo na kay Tito Virgilio. Malayong kamag-anak ng Tatay niya si Tito Virgilio at magka-apilyedo rin. Matagal ng magkaibigan sina Tatay at Tito Virgilio kaya nang mamatay ang mga magulang nila ni Santi, si Tito Virgilio ang kumupkop sa kanilang magkapatid. Pinag-aaral siya at ang kapatid niya hanggang sa makapagtapos siya sa koliheyo. At hindi naman niya kinalimutan iyon. Pero ibang usapan na ang magpanggap siya na si Amanda at magpapakasal sa taong ni anino ay hindi niya pa nakikita. “Sa tingin mo ba, na kung tuluyang bumagsak ang kompanya, maipagpapatuloy pa ni Santi ang pag-aaral niya? Hindi na, Lianna. At ’yang maliit na jewelry store na meron ka ngayon, sa tingin mo ba, sasapat iyan para suportahan ang pangangailangan ni Santi? Hindi rin, Lianna. Kaya mag-isip ka.” Nanlulumong napaupo siya pabalik sa upuan, pinipilit pigilan ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Tila binagsakan siya ng napakalaking bato sa ulo sa mga sinasabi ni Amanda. At alam niyang lahat ng iyon ay totoo. Nakapag-aral ngayon si Santi dahil sa scholarship ng Ramirez Foundation na sinusuportahan ng Del Franco Holdings. At ang maliit na jewelry store na ipinatayo niya noong nakaraang taon, mula sa kaniyang naipong allowance na ibinibigay sa kaniya noon ni Tito Virgilio, ilang buwan na ring hindi masyadong kumikita. "At kung hindi rin naman dahil sa 'yo, hindi mamamatay si Daddy. Kasama pa natin sana siya hanggang ngayon. Hindi sana babagsak ang kompanya,” panunumbat na naman nito sa kaniya. Kumuyom ang mga kamay niya at pumikit ng mariin. “Paano ko iyon gagawin? Anong sasabihin ko sa kanila?” mahina niyang tanong, nang matigil na ito sa panunumbat sa kaniya. Mula nang mamamatay si Tito Virgilio, walang araw na hindi siya sinisisi ng mga taong nakapaligid sa kaniya, lalo na sina Amanda at Tita Amalia. Napaangat ang tingin niya rito. Nakangisi na ito. "Bata pa ako nang huling makita ako ng mga Del Franco kaya iisipin lang nila na ikaw ay ako. Si Gideon naman ay hindi pa niya ako nakikita kaya safe pa rin tayo. For sure din naman, hindi na iyon magpapakita pa dahil sa kalagayan nito ngayon," Tila siguradong-sigurado na sabi nito sa kaniya. Pero hindi man lang nabawasan ang kaba sa dibdib niya. "You can act natural too. No need to pretend except my name, of course. Walang dapat na makakaalam na hindi ikaw si Amanda Ramirez,” dugtong pa nito. Mabuti naman. Akala niya pati kilos at pag-uugali niya babaguhin din niya at gayahin ito. Mas lalong hindi niya kaya iyon. Kahit kailan hindi niya kayang gawin ang mga ginagawa nito at gayahin ang mga kilos nito, lalo na ang pananamit nito, na halos wala ng saplot at kita na pati kaluluwa. But in fairness with Amanda, she has the body to flaunt. Wala siyang maipipintas dito kung pisikal na anyo ang pag-uusapan. “Paano si Tita Amalia? Paano kung malaman niya na hindi ikaw—” “Hindi niya malalaman kung walang magsasalita sa atin," “Maaaring hindi nga niya malaman dahil wala siya rito. Pero paano kung makabalik na siya ng bansa? Paano kung makita niyang ako ang nandoon at hindi ikaw?” “Tatlong buwan pa bago uuwi si Mommy at sasabihin ko kaagad sa kaniya para hindi siya makakagawa ng eskandalo hanggang sa mamatay si Gideon at makuha mo bilang si Amanda Ramirez, ang mga iniwan niyang ari-arian. At kapag nangyari iyon, hindi ka na mamomoroblema pa sa pera. Makapagtapos na ng pag-aaral si Santi.” Parang gusto na niyang matumba sa mga pinagsasabi ni Amanda. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit, matakot, o magpakalayo-layo. Ngunit isang imahe lang ang pumasok sa isip niya—ang kapatid niyang si Santi. Ang pangarap nitong maging doktor. Ang pagod at puyat nito para lang makakuha ng matataas na marka at panatilihin ang scholarship. At ang posibilidad na mawala ang lahat kung hindi niya gagawin ang gusto ni Amanda. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Ngunit sa huli, ang lumabas lamang sa kaniyang bibig ay ang malamig na, “Kailan ang kasal?” Nang makauwi ang kapatid niya galing sa eskwela, kinausap niya ito. Na mawawala muna siya ng tatlong buwan dahil sa trabaho. Ibinilin din niya ito kay Manang Celia, na nangako naman na hindi pababayaan si Santi. Kinabukasan, sinundo siya ng itim na SUV ng mga Del Franco gaya nang sinabi ni Amanda sa kaniya. Hila-hila niya ang maliit niyang maleta palabas ng mansyon. Binati siya ng driver at in-address as Amanda. Pagkatapos ay kinuha nito sa kaniya ang maleta at pinagbuksan siya ng pinto sa likurang bahagi ng sasakyan. Nag-atubili siyang pumasok. Saglit pa niyang nilingon ang mansyon ng mga Ramirez. Mawawala siya ng tatlong buwan at makukulong siya sa isang buhay na hindi kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Nagpasalamat siya sa driver at pumasok na sa loob ng sasakyan. Ipinasok din ng driver ang maleta niya sa compartment ng sasakyan, pagkatapos ay pumasok na rin ito at pumuwesto sa driver seat at nagsimula ng mag-drive. Habang nasa biyahe, pinilit ni Ashlianna na hindi titigan ang labas ng bintana. Pero sa bawat pagliko ng sasakyan, sa bawat kilometrong tinatahak, parang unti-unting lumalayo ang dating buhay niya—isang buhay na, na kahit puro pasakit ay kaniya naman. Napatingin siya sa kaniyang mga kamay na mahigpit na nakakuyom sa kandungan. Sa pagitan ng kanyang mga daliri, naramdaman niya ang bahagyang panginginig. Hindi niya alam kung dahil sa takot, kaba, o sama ng loob. Amanda had planned everything so flawlessly, so cruelly. At sa kabila ng lahat, wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin. Para kay Santi. Para sa kinabukasan nito. Isang oras pa ang lumipas bago sinabi ng driver na papasok na sila sa Del Franco Estate. Parang lalo pang bumigat ang dibdib ni Ashlianna, kasabay ng muling pagbilis ng t***k ng puso niya—hindi dahil sa excitement, kundi sa kaba. Pumasok ang sasakyan sa ginto at napakatayog na gate. Napaayos siya sa pagkakaupo, nang makita niya ang kagandahan ng lugar na pinasukan nila. Huminto ang SUV. Bumaba ang driver at pinagbuksan siya ng pinto. Nang lumabas siya, para siyang malulunod sa tanawin—ang malawak na bakuran, nababalot ng berde at malasutlang Bermuda grass, at sa bawat dulo, mga naglalakihang palm tree at makukulay na bulaklak. May fountain sa gitna ng roundabout driveway, napapalibutan ng perfectly trimmed hedges. Ang tanawing nakikita niya ay unti-unting nagpapagaan sa kanina pang mabigat na pakiramdam niya. Inakala niya pa na mas aayawan niya itong lugar na pupuntahan niya, pero nagkamali siya. Naglakad siya patungo sa fountain. The driver was already on his way to the large and elegant mansion just beside where she was. Mas lalong namangha siya nang matanaw niya ang dagat. s**t. This is heaven. The mansion is beside a wonderful long stretch of beach. Ang buhangin nito'y kulay puti. Para na rin niyang nakita ang Boracay. Napangiti siya nang makitang kumikinang ang mangasul-ngasul na tubig ng dagat nang matamaan ito ng sinag ng araw. Para iyong mga diyamante na kumikinang. Napangiti siya nang may ideyang pumasok sa isip niya na ido-drawing niya para sa naisip na disenyo sa gagawin niyang jewelry. "Ma'am Amanda?" She snapped out of her dreamy reverie when she heard the driver calling her. Nang tingnan niya ito, nasa bungad papuntang porch ng mansyon na ito nakatayo. The modern Spanish inspired mansion is standing proudly with its majestic arched windows and properly colored walls. Nakatingala siya habang pinagmamasdan ng maigi ang mansion. From the windows to the bannisters, every detail exudes grace, making it a true gem in Spanish architecture. "Dito po, Ma'am Amanda," Muli siyang napatingin sa driver nang muli itong magsalita. Napatingin siya sa malaking pintuan na nasa likuran nito. Nakabukas iyon na tila handa ng tumanggap ng bisita. Naglakad siya patungo roon. Nang umabot siya sa tapat ng driver, iminuwestra nito sa kaniya ang pinto, pinapapasok siya. Inakyat niya ang tatlong baitang na hagdanan papunta sa porch at muling naglakad papasok ng mansyon. Bumungad sa kaniya ang lawak ng tanggapan. Tumingala siya. Agad niyang hinangaan ang mga kuwadro na nasa itaas, tulad ng pagbukas ng langit ngunit hindi para salubungin, kundi para hatulan. Wings so magical and pristine spread enough to emphasize that they were angels. A large chandelier hung just on the center of the whole large living room. Sa tapat ay isang magarbo at engrandeng hagdanan, with red carpets on, bannisters in lazy curls, and porcelain lions on each side as guards. Sa taas naroon ang mga painting ng mga taong maaring may-ari ng mansion. Ang ilan ay napakatanda na, ang ilan ay bagong hitsura at mas masalimuot. Ang mga muwebles ay purong mamamahalin. "Finally, you're here, hija," Isang matandang babae ang bumungad mula sa itaas ng hagdanan. Mahaba ang suot nitong dress na kulay ivory at may telang dumadaloy hanggang sahig. May mga alahas sa leeg at pulso nitong tila ginto at brilyante, at ang itsura nito'y hindi kailanman pwedeng tawaging 'lola'. Mas tamang tawagin itong reyna. "Senyora Clara," sabi ng driver na nasa likod niya. Bahagya itong yumuko bilang pagbibigay galang. Hindi alam ni Ashlianna kung paano kikilos. Kinabahan siya sa titig ng matanda. Matulis. Mabagsik. Tila ba isang sulyap pa lamang ay nahubaran na siya ng lihim. "M-Magandang hapon po," mahinang bati niya, pilit pinanatiling matatag ang boses at ngumiti rito. "Magandang hapon," sagot ng Senyora, habang dahan-dahang bumaba ng hagdanan. Nagpaalam ang driver na lalabas na at iniwan nito ang maleta niya. Nagpasalamat siya. Tumango lang ang Senyora bago siya muling tiningnan. “Ikaw si Amanda Ramirez?” Napalunok si Ashlianna at bahagyang tumango. “Opo.” “Hmm.” Tila hindi kumbinsido ang matanda. Lumapit ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Hindi kita maalala, pero matagal na nga naman noong huli kitang nakita. Bata ka pa noon.” “Matagal-tagal na rin po talaga. At... marami na pong nagbago,” tugon niya, halos hindi makahinga. Napatango si Senyora Clara, saka muling nagsalita. “Tama. Lahat tayo nagbabago. Lalo na ang apo ko.” Biglang bumigat ang paligid. “He is not the same man you were arranged to marry. At kung iniisip mong madali ito, nagkakamali ka, hija.” Napako ang tingin ni Ashlianna sa matanda. “Ano pong ibig n’yong sabihin?” Lumapit pa lalo ang Senyora. Mas malapit na ngayon, kaya dama niya ang presensya nito—matigas, malamig, at hindi puwedeng suwayin. “I arranged this marriage because I believe in legacy. In duty. Hindi ko hahayaang masayang ang pangalan ng pamilya namin. At hindi ko rin hahayaang maikasal si Gideon sa isang babaeng hindi karapat-dapat.” Muling napalunok si Ashlianna. Tila may ibig sabihin ang matandang sa huling pangungusap na binitiwan nito. Tahimik si Senyora Clara. Parang sinusukat siya. Pagkalipas ng ilang segundo, nakita niya itong ngumiti, na nagpabawas naman sa kabang nararamdaman niya. “I can't believe that Amalia let you come here alone. Hindi ka man lang niya inihatid at siguraduhing ligtas kang makarating dito.” Tipid na napangiti siya lalo pa at nakita niya sa mukha ng Senyora ang concern nito para sa kaniya. “Okay lang po ako, Senyora. Nasa bakasyon po kasi si Mommy ngayon.” “Oh, yeah. I heard. Saan ba siya nagbabakasyon?” “Sa Paris po,” Tumango-tango ang Senyora at ngumiti. “Anyway, I've already prepared your room. Get some rest first. The wedding is in two days.” Nanlaki ang mga mata ni Ashlianna. Dalawang araw lang? Bakit ang sabi ni Amanda, dalawang linggo pa mula ngayon? Kaya lang siya pinapasundo ng maaga para makilala ng husto ng pamilya ng Del Franco. Pero bakit biglang nagbago? Nang maalala niya ang aksidenteng nangyari sa lalaking pakakasalan, kinakabahan siya. Mas lalo kayang lumala ang kalagayan nito kaya ayaw ng patagalin ng Senyora ang kasal nila? Ngumiti muli ang matanda. “We don’t waste time here, Amanda, " sabi nitong tila nabasa nito ang mga katanungan sa utak niya. Tumalikod ito at tinawag ang isang babae na nakatayo lang malapit sa kanila na tila kanina pa naghihintay na utusan ng Senyora. Inutusan nito ang babae na ihatid siya sa inihandang kuwarto para sa kaniya at asikasuhin. Nagpakilala sa kaniya ang babae na si Martina at ito raw ang itinalaga para maging personal maid niya na ikinamangha niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook