KATATAPOS lang ng duty ni Steph kaya pagod na pagod siya. Sa dami ng pasyente nilang naoperahan pakiwari niya, bibigay ang mga tuhod niya at kamay sa pagod. Ni hindi siya sigurado kung kaya pa niyang mag-drive pauwi ng bahay nila. Isang buwan pa lang siya sa ospital pero pakiramdam niya para na siyang matagal ng doktor. Nakakapagod lang, lalo na at nag-straight duty siya ng bente-kuwatro oras. Nakatulog naman siya ng dalawang oras pero kulang pa iyon kaya uuwi muna siya para mas makakatulog siya nang maayos tutal off- duty siya ngayon. Bukas ulit ang susunod niyang duty. Malapit na siya sa lobby ng ospital nang mapansin niya ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Nakatalikod ito sa kanya at nakatapat ang cellphone sa tainga nito. Napabuga ng hangin si Steph. Parang matutuluyan yata

