bc

Marrying Mr. Wrong (My Billionaire Husband Series 8)

book_age18+
84
FOLLOW
1.2K
READ
billionaire
HE
age gap
brave
heir/heiress
drama
bxg
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

PART 1

Sa awa at pagmamahal ni Dani sa kanyang Ate Kara, tinulungan niya itong makatakas sa kasal nito kay Chris. Tapos nagpanggap ang dalaga na siya ang ate niya sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Nang malaman ito ni Chris, binantaan siya nitong gagawing impiyerno ang buhay niya. Natakot man si Dani sa banta ng binata sa kanya, pinanindigan pa rin niya ang pagpapanggap. Natuloy ang kasal nila ni Chris. Ngunit katulad nang ipinangako nito, naging impiyerno ang buhay niya sa piling nito. Hindi asawa ang turing nito sa kanya, kung hindi isang alila. Tiniis niya ang lahat dahil mahal niya si Chris noon pa man. Pero nang mahuli niya ang asawa na may kasiping na ibang babae, bigla siyang natauhan. Nagpasya siyang umalis at nagpakalayo-layo. Ngunit hindi nagtagal nalaman niyang buntis siya. Natuwa siya dahil kahit paano may alaalang maiiwan sa kanya si Chris kahit hindi siya nito minahal.

Lumipas ang limang taon, nagkrus ang landas nila ng dati niyang asawa. May-ari pala ito ng pabrikang pinapasukan niya. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala dahil sa takot na parusahan siya nito at bawiin ang anak nila sa kanya. Pero makulit ang dati niyang asawa at sinusuyo pa siya nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin niya. Aaminin ba niya ang totoo? O gagamitin niya ang pagkakataong ito para gumanti sa lahat ng kasalanan nito sa kanya noon?

PART 2

Bata pa lang si Steph, very vocal na siya sa pagsasabing crush niya si Josh, ang nag-iisang anak ng bestfriend at business partner ng papa niya. Tinatawanan lang naman siya ng binata lalo na at ang layo ng gap nila. Sampung taon ang tanda nito sa kanya.

Nang tumuntong si Steph ng eighteen, laking tuwa niya dahil nagkasundo ang mga magulang nila na ni Josh na ipakasal sila sa isa't isa. Akala niya magkakaroon na siya ng happily ever after na lovelife ngunit noong araw ng kasal nila, walang dumating na Josh. Tinakasan siya nito nang wala man lang pasabi. Kahit ang sarili nitong magulang, hindi alam kung saan ito nagpunta. Sa galit niya, isinumpa niya ito at ang pesteng pag-ibig.

Makalipas ang pitong taon, muling nagkita sina Steph at Josh. Si Steph naman ngayon ang hinahabol ni Josh. Pero walang balak magpahabol ang dalaga. Mas gugustuhin na raw niyang maging single kaysa patulan pa ang binatang minsan nang nang-iwan sa kanya.

Mapapanindigan kaya ni Steph ang binitiwan niyang salita? Ano ang dapat gawin ni Josh para makuha ang puso ng dalaga?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ILANG beses na kumurap si Dani. Nagbabakasakali siyang magbabago ang nakikita niya. Ngunit wala pa ring nangyari. Dalawang linya pa rin ang nasa pregnancy test strip na hawak niya. Pakiwari niya ay naging jelly ang mga paa niya. Halos hindi na siya makatayo nang maayos. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng asawa niya kapag nalaman nito na buntis siya. Pero hindi rin naman niya puwedeng itago ang katotohanan. Malalaman pa rin nito ang totoo kapag lumaki na ang tiyan niya kaya mas maganda siguro na sabihin niya ang totoo habang maaga pa. Mabigat ang dibdib na lumabas siya ng banyo. Sinipat niya ang relo sa dingding. Alas-otso na ng gabi. Kararating pa lang ni Chris mula sa opisina. Kailangan niya itong makausap. Maingat siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Naabutan niya ang kanyang asawa na nasa hapag-kainan. Pumuwesto siya sa kanyang upuan. Hindi siya agad kumuha ng pagkain niya, sa halip, binalingan niya ang asawa. “Chris, puwede ba kitang makausap?” lakas-loob niyang tanong dito. Nilingon siya agad ni Chris. “Anong kailangan mo? Bilisan mo, nagugutom na ako,” walang kangiti-ngiting saad ni Chris. Napalunok si Dani. Imbes na sumagot, kinapa niya ang bulsa ng kanyang jogging pants. Inilabas niya ang pregnancy test strip at inilapag ito sa tapat ng asawa. Nagkasalubong ang mga kilay ng asawa niya. “Ano naman iyan?” Binasa muna ni Dani ang labi niya bago siya sumagot. “Chris, buntis ako.” Nanlaki ang mga mata ni Chris. Matalim ang mga matang tinitigan siya nito. “What did you say? Buntis ka? Paano kang nabuntis? Wala namang nangyari sa atin!” “Chris, hindi mo lang ̶ ˮ Hindi na siya pinatapos na magsalita ni Chris. Bigla itong tumayo at nilapitan siya saka siya nito sinakal. “Ang kapal ng mukha mong lokohin ako! Sino’ng ama ng batang iyan? Sino?” Hindi makasagot si Dani dahil sa sobrang gulat. Halos hindi na rin siya makahinga dahil humhigigpit pa lalo ang pagkakasakal sa kanya ni Chris. “Sino siya, Dani? Bakit ayaw mong sumagot?” Marahas na umiling si Dani. Pilit din niyang inaalis ang kamay ni Chris sa leeg niya. Baka mapatay siya ng asawa niya sa ginagawa nito. “Sumagot ka!” bulyaw nito sa kanya. “H-Hindi k-kita…n-niloloko! A-Anak…m-mo...i-ito!” Napaluha na lang si Dani dahil nanlilisik na ang mga mata ni Chris. “No! You’re lying!” marahas na sigaw ni Chris. Bigla siya nitong binitiwan saka nito pinagsusuntok ang pader. Sa takot ni Dani ay napaluhod siya sa tabi ng kanyang asawa. “Chris, nagsasabi ako ng totoo! Anak mo ang ipinagbubuntis ko! Maniwala ka sa akin!” Binalingan siya ni Chris. Kuyom pa rin ang mga kamao nito. Ang isa ay may sugat na at dumudugo pa. Napaatras si Dani nang mapansin ang madilim na anyo ng asawa niya. Namumula ang buong mukha nito kasama na ang leeg. “Get out! Out!” sigaw nito. Napatakip ng kanyang bibig si Dani. Nag-uunahang malaglag ang mga luha niya. “I said, out! Lumayas ka rito sa pamamahay ko!” Itinuro pa ni Chris ang direksyon kung nasaan ang main door. Napailing si Dani. “Please, huwag mong gawin sa akin ito, Chris,” pagmamakaawa niya. Akmang kakapit siya sa binti ng asawa niya ngunit mabilis siya nitong tinalikuran. Walang nagawa si Dani kung hindi ang umiyak na lang. Eksaktong pagtayo niya ay siya namang pagbalik ng kanyang asawa. “Aalis ka o hindi?” seryoso nitong tanong. Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Dani nang mapansin niya ang baril na hawak ni Chris. “O baka gusto mong pasabugin ko na lang iyang ulo mo para mamatay na kayo ng anak mo!” Itinutok nito ang baril sa mismong ulo niya. Biglang umalingawngaw sa isip ni Dani ang sinabi ni Chris noong araw ng kasal nila. “Mark my words. I’ll make your life a living hell!” Hindi niya lubos akalaing aabot sila sa ganitong punto. Mahal niya si Chris kaya siya pumayag na maging substitute bride nito. Pero ganito lang pala ang kalalabasan ng lahat ng paghihirap niya sa piling nito. “Bibilang ako ng tatlo! Kapag hindi ka pa umalis, sasabog ang ulo mo!” Nang marinig ni Dani ang pagkasa ng baril ni Chris, napilitan siyang humakbang paatras. “Isa!” Napapailing na muling umatras si Dani. “Dalawa!” Napilitan siyang tumalikod at nagmamadaling humakbang palayo sa kanyang asawa. Mabilis namang tumabi ang mga maid na nanonood pala sa kanila. “Tatlo!” Nasa harapan na ng main door si Dani nang marinig niya iyon. Nang lingunin niya ang kanyang pinanggalingan ay napansin niyang naglalakad na si Chris palapit sa kanya habang nakatutok ang baril nito. Binuksan niya ang pinto at nagmamadaling lumabas. Tinakbo niya ang kahabaan ng driveway. Nang makarating siya sa gate ay kusang bumukas ito. Nakalabas na siya nang muli niyang lingunin ang bahay. Nakasunod pa rin sa kanya si Chris at malapit na ito sa gate. Sa takot na maabutan siya nito ay nagtatakbo siya palayo. Ilang metro lang ang layo ng bahay nila sa entrance ng subdivision. Tuloy-tuloy siya sa paglabas. Hindi niya napansin na nasa kalsada na pala siya. Napahinto na lang siya nang makarinig ng tunog ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang rumaragasang SUV. Bago pa siya makakilos ay nahagip na siya nito. Tumalsik siya at bumagsak sa gilid ng kalsada. Kahit nanlalabo ang kanyang paningin ay napatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napansin niya ang dugo na kumalat sa paanan niya. “I’m sorry, baby. I’m really sorry,” sabi niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Kasabay nang pagluha niya ay ang pagbagsak ng ulan. Kasunod nito ay ang malakas na kulog at kidlat. Pinilit niyang bumangon ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Napaiyak na lang siya sa gitna ng ulan. Muling bumalik sa alaala niya ang pinagmulan ng kalbaryo niya. “DANI, please, tulungan mo ako. Hindi ko kaya ito. Hindi ko gusto si Chris. Ayokong magpakasal sa kanya.” Napakunot ang noo ni Dani nang marinig ang pagmamakaawa ng ate niyang si Kara. Ngayon ang araw ng kasal nito sa anak ng bestfriend ng papa nila. Pero ayaw nito sa lalaking iyon. Wala itong gusto kay Chris. Ang papa lang naman nila ang nagpupumilit na ipakasal ito kahit ano pang pagtanggi ng ate niya. Ultimo ang kanilang mama ay ayaw pakinggan ng papa nila. Katwiran ng papa nila matagal na raw napag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal ng ate niya at ni Chris. “Paano kita matutulungan, ate?” “Tulungan mo akong tumakas.” “Huh? Paano ko naman gagawin iyon?” Napa-buntunghininga ang ate niya. “Madali lang. Magpanggap ka na ako.” “Ano?” Namilog ang mga mata ni Dani. Napangiwi naman ang ate niya. “Sige na, please. Ikaw na lang ang magpakasal sa kanya para matakasan ko siya.” “Ate naman! Nagbibiro ka ba? Mabibisto ako ni Chris. Kilala ka niya.” Napakaimposible naman ang hinihingi ng ate niya. “Alam ko. Pero kapag nakita niyang ikaw ang magiging bride niya, baka hindi na rin niya ituloy ang kasal. Tapos sigurado ako na hindi rin papayag si papa na magpakasal ka dahil nag-aaral ka pa lang. Kaya wala ring kasalang magaganap. Kailangan mo lang na ma-divert ang atensyon nila para may oras pa akong tumakas.” Napahilamos ng kanyang mukha si Dani. “Sige na naman, Dani. Kung sakali man na matuloy ang kasal ninyo, hindi ka naman malulugi kay Chris kasi guwapo siya. Hindi ba’t type mo iyong mga lalaking katulad niya — tall, mestizo, and handsome?” Nalukot ang mukha ni Dani. “Dani, please. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Hindi mo ba ako gustong tulungan? Maawa ka naman sa ate mo. Kapag kami ni Chris ang nagkatuluyan, wala ng pag-asa na maghiwalay pa kami. Kawawa naman ako. Tatanda ako na hindi man lang naranasang magmahal at mahalin ng totoo. Pero kung sakaling magpakasal ka sa kanya at darating ang panahon na umayaw ka, puwede kang humingi ng tulong kay papa. Siguradong tutulungan ka niya. Paborito ka niya, eh. Samantalang ako, hindi niya ako tutulungan kahit pakiusapan pa siya ni mama.” Napakagat-labi si Dani. May katuwiran naman ang ate niya. Halata naman kasi kung sino ang madalas paboran ng papa nila. Siya na bunso ang mas malapit sa kanilang ama. “O-okay. Pero paano ba iyan? Nakasuot ka na ng wedding gown. Samantalang ako pang-maid of honor itong suot ko.” Napatingin pa si Dani sa kanyang suot. “Wait, huhubarin ko itong wedding gown. Alisin mo na rin iyang suot mo.” Wala nang nagawa si Dani kung hindi hubarin ang suot niyang gown. Ganoon din ang ginawa ng ate niya. Tapos ay ipinasuot sa kanya ng ate niya ang wedding gown nito kasama na ang belo. Pagkatapos nilang mag-ayos ay nagbihis,ang ate niya ng tight fitting jeans at crop top na tinakpan ng jacket. Pinalitan din nito ng sneakers ang suot na stiletto saka nagsuot pa ng baseball cap at shades. Nakita din niyang naglagay ng gamit sa backpack ang kapatid niya bago ito dumaan sa bintana. Tahimik na pinanood na lang ni Dani ang kapatid na umaakyat sa gate. Kinawayan pa siya ng ate niya bago ito patakbong lumayo. Nang mawala na sa paningin niya ang kanyang kapatid ay saka niya narinig ang pagbukas ng pinto. Kinakabahang lumingon siya rito. “Iha, halika na. Magsisimula na ang weddig march,” anunsyo ng mama ni Dani. Napalunok ng ilang beses si Dani. Sa lahat ng puwedeng makakita sa kanya ngayon ay ang mama pa niya talaga. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag dito. “Nakita mo ba si Dani? Kailangang mauna siyang magmartsa bago ikaw,” saad ng mama niya. Napapikit na si Dani. Hindi pa napansin ng mama niya na hindi siya ang ate niya kaya dumoble ang bilis ng t***k ng kanyang puso. “Hey! Bakit hindi ka sumasagot, Kara? May problema ba, anak?” Nilapitan na siya ng mama niya. Hindi na nagawang umiwas pa ni Dani. Halos malaglag ang mga mata ng kanyang ina nang titigan siya nito. “D-Dani? A-Anong ̶ “ “Mama, sorry po. Pero umalis po si ate. Hindi raw po niya kayang magpakasal kay Chris,” nanginginig ang boses na saad ni Dani. Marahas na napailing ang mama niya. “Tapos iniwan niya ang kanyang responsibilidad sa iyo?” Halos hindi na makatingin nang diretso si Dani sa mama niya. Paano ba niya ipaliliwanag sa kanyang ina na pumayag siya sa gusto ng ate niya hindi lang dahil gusto niya itong tulungan? Ang totoo ay may iba pa siyang dahilan. Pero hindi niya gustong aminin iyon sa mama niya. “It’s okay, mama. Mahal ko naman po si Ate Kara kaya ko siya tinulungan. Saka magagalit si daddy kapag hindi natuloy ang kasal, hindi po ba?” Hindi nakaimik ang mama niya. Ilang segundo itong nakatitig lang sa kanya. “Mama, let’s go. Hinihintay na nila tayo.” “You’re a good child. Sana hindi masayang ang sakripisyo mo,” wika ng mama niya bago siya nito inalalayang lumabas ng kuwarto. Nang makarating sila sa garden kung saan gaganapin ang kasal ay agad na pinatugtog ang wedding march. Habang naglalakad siyang mag-isa sa aisle ay iniiwasan niyang mapatingin sa unahan kung saan naroon ang groom. “You are not Kara,” seryosong saad ni Chris nang makarating siya sa harapan nito. “I’m sorry. But she ran away. I’m Dani, her younger sister,” pabulong niyang sabi. Mahigpit na hinawakan ni Chris ang kamay niya. “I will make you pay for what Kara did.” Hindi nakaimik si Dani.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook