Chapter 1
Hoy sam gumising kana jan tanghali na alas 7 ang pasok mo diba bumangon kana jan at kumain ng almusal narinig kung tawag sa akin ni nanay antok pa ako eh napuyat nanaman kasi ako kagabi kakaisip kung ano ang magiging buhay ko pag nakapag tapos ako ng pag aaral marami kasi akong pangarap gusto kung yumaman gusto kung maiahon sa hirap ang mga magulang ko tumayo na ako nakapa ko yung gilid ng higaan ko basa siguro umulan nanaman kagabi ng hindi ko namalayan tumutulo kasi ang bubong namin kaya pag umuulan palaging basa ang gilid ng higaan ko. pag labas ko ng kwarto naka hain na ang almusal ganyan lagi ang inay maagang nagigising para ipag luto kami ng almusal.
Kumain lang ako saglit at naligo 6:30 palang ng umaga tapos na akong mag ayos hindi ko muna sinuot ang uniform ko nilagay ko lang ito sa bag ko kasi maglalakad lang ako papasok ng school ayuko naman na amoy pawis ang uniform ki mamaya magbibihis nalang ako pag dating ko ganito palagi ang ginagawa ko nagbaon nadin ako ng kanin para mamaya ulam nalang ang bibilhin ko sam kunin mo nalang yung 20 pesos na naka patong sa may lamesa narinig kung sabi ni inay ganyan lagi ang baon ko araw araw 20 pesos pero hindi ako nagrereklamo nakakasave naman kasi ako at naglalakad lang ako papasok saka pa uwi nay aalis na po ako paalam ko dito sige anak mag ingat ka.
Habang naglalakad ako iniisip ko nanaman kung ano ba ang magiging buhay ko pag nakapag tapos ako ng pag aaral gusto ko magtrabaho sa isang malaking kompanya tapos ipagawa ko ang bahay namin papatigilin ko nadin ang itay sa pamamasada nito ako nadin ang magpapa aral sa kapatid ko dahil sa kakaisip hindi ko namalayan na nakarating na pala ako ng school kilala naman na ako ng guard dito kaya pinapasok niya ako kahit hindi naka uniform pagkapasok ko dumiritso agad ako ng CR para maka bihis kahit kasi mahirap lang kami malinis din naman kami sa sarili namin ayoko kasi na pagsasabihan ako na mabaho.
College na ako at Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong kurso mahilig kasi akong mag luto after ko mag bihis pumasok na ako sa room namin hindi pa ako naka pasok pero rinig na rinig ko na ang boses ng mga kaklase ko maaga pa naman kasi kaya wala pa ang professor namin ganyan ang mga yan mahirap mayaman walang pakialaman lahat kami magkakaibigan kaya gustong gusto ko ang mga kaklase ko kasi palagi nila akong nililibre at sino ba naman ako para tumanggi sinasabi ko nalang sa sarili ko na makakabawi din ako sa kanila balang araw.
Oh Sam anjan kana pala tawag sa akin ni agatha ah oo at yang boses mo paki hinaan rinig na rinig ka sa labas baka mapagalitan nanaman tayo sagot ko dito pero natawa lang ito palagi kasi kaming napapag sabihan ng ibang Professor at nakaka istorbo daw yung kaingayan namin sa klase nila 2nd year college na kami pero pag umasta eh parang mga high school lang.
Good morning ano nanaman ang pinagkakaguluhan niyo? at malayo palang ako rinig na rinig ko nanaman ang boses niyo? tanong samin ni Mr.tan ang professor namin hindi pala namin namalayan na naka pasok na ito good morning sir parang hindi naman po kayo nasanay sa amin eh sagot ni agatha dito oh Miss Agatha Cruz lalong lalo na ikaw yang boses mo dinig na dinig ko kahit malayo palang ako class matatanda na kayo hindi na kayo mga high school student para sa ganyang pag uugali pangaral neto samin gayan yan araw araw hindi nagsasawa pero matitigas talaga ata nga bungo namin at hindi parin kami nagbabago.
Okay class alam ko naman na nagsasawa na kayo na araw araw pinapangaralan ko kayo pero para naman sa inyo yun 2months nalang graduate na kayo para sa dalawang taon na kurso alam ko naman na ang iba sa inyo hindi na magpapatuloy para tapusin ang apat na taon kaya dapat ngayon palang tanggalin niyo na ang pagiging isip bata kasi paniguradong pagkalipas ng dalawang buwan maghahanap na kayo ng trabaho walang employer ang tatanggap sa aplikante na isip bata mahabang wika nito nakikinig lang kami dito alam naman namin na para sa amin ang lahat ng sinasabi nito.
Pagkatapos kaming pangaralan ni Mr. Tan nag umpisan na itong mag discuss malapit na kasi ang final namin nakikinig lang kami dito kahit matitigas ang mga bungo namin eh gusto rin naming makapag tapos.
Hoy Sam Tawag sakin ni Agatha oh bakit? ipagpapatuloy mo padin ba ang pag aaral mo after ng graduation natin? hindi ko nga alam Agatha eh alam mo naman na mahirap lang kami sa ngayon nga nahihirapan na ang mga magulang ko kung saan kukuha ng pang tuition ko eh pag hindi na talaga siguro kaya ng mga magulang ko mag hahanap muna ako ng trabaho para makatulong sa kanila mahabang sagot ko dito.
Sayang naman kasi Sam kung hindi ka magpapatuloy mas madali kasi maka hanap ng trabaho pag 4 years graduate ka kaysa naman sa dalawang taon lang alam ko naman yun Agatha eh pero wala akong magagawa at pinanganak lang akong mahirap kahit anong trabaho papasukin basta matino sagot ko nalang dito.
Halika na nga lumabas muna tayo total vacant naman natin ngayon wag nalang muna natin pag usapan yan aya ko dito wala naman kaming ibang mapuntahan kaya pumunta nalang kami ng Library kahit kasi mga pasaway kami nag aaral din naman kaming mabuti.
Natapos ang maghapon na hindi ko nagastos ang pera na ibinigay ng inay kanina kasi nilibre ako ni agatha at hindi ko na tinanggihan sabi kasi nila wag tanggihan ang grasya itatabi ko nalang ang pera hindi naman kasi ako magastos kaya ang pera na binibigay sa akin ng magulang ko pag hindi ko nagastos tinatago ko nalang kaya kahit papaano may ipon ako.
Miss Guiller bago ka umuwi dumaan ka muna sa office ko biglang sabi ni Mrs.Belo bago lumabas ng classroom kaya napatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin napa kibit balikat lang ako kasi wala din akong idea kung bakit Sam samahan na kita sabi sakin ni Agatha kaya hinayaan ko nalang pagdating namin ng office nagpa iwan si Agatha sa labas at doon nalang daw niya ako hihintayin.
Kumatok muna ako bago pumasok pagkapasok ko nakita ko si Mrs. Belo na naka upo nag iisa nalang ito siguro umuwi na ang mga kasama niya ma'am bakit niyo po ako pinapatawag? tanong ko agad dito maupo ka muna Miss Guiller kaya na upo ako pinapunta kita dito Ms. Guiller dahil napag disisyunan namin ng iba pang mga teacher na sayo namin ibibigay ang scholarship nakikita kasi namin na matataas ang mga grado mo ikaw ang nangunguna sa klase niyo.
Kaya nagulat ako hindi ako agad naka sagot kaya nagsalita ito ulit Ms. Guiller ang scholarship na to hindi sya full half of your tuition fee lang ang babarayan pero alam ko na malaking tulong na sa iyo yun kaya napaisip ako ma'am hindi ko po kasi alam kung magpapatuloy pa po ako ng pag aaral alam ko po na malaking tulong sa akin yung scholarship pero po hindi na po kasi talaga kaya ng mga magulang ko na bayaran ang matitirang kalahati kaya po pag iisipan ko po muna ma'am kung tatanggapib ko yung alok niyo mahabag sagot ko dito nakatitig lang iti sa akin ikaw ang bahala Ms. Guiller basta pag nakapag disisyon kana lumapit ka lang sa akin sagot nito sige po ma'am maraming salamat po pwede na po ba akong lumabas? maglalakad lang po kasi ako pa uwi paalam ko dito sige Ms. Guiller mag iingat ka pagkatapos kung mag paalam lumabas na ako pagkalabas ko nakita ko agad si Agatha na dali dali tumayo sa pagkaka upo ng makita ako.
Oh ano ang sabi sayo ni Mrs. Belo tanong nito agad sa akin kaya sinabi ko sa kanya lahat ng pinag usapan namin ni Mrs. Belo habang nag lalakad ewan ko ba sa babaeng to kung bakit naglalakad hahatid daw niya daw kasi ako sa amin at doon nalang daw sya sasakay pa uwi sa kanila alam mo Sam tanggapin mo nalang yung alok ni. Mrs. Belo sayang din kasi kaya naman siguro nila tita at tito na bayaran ang matitira, alam ko naman na kaya na nila itay at inay na bayaran ang matitira pero alam ko din na pag binayaran nila yun wala nadin matitira sa kanila ayoko na nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko kahit ako nanghihinayang din sa alok sa akin pero siguro tutulong muna ako sa mga magulang ko pag naka ipon na ako saka ko nalang siguro ipagpapatuloy ang pag aaral ko mahabang sagot ko dito hindi ito agad naka sagot alam ko naman na naiintindihan ako ng kaibigan ko.
Alas 5 ng hapon na kami nakarating ng bahay kilala na ng mga magulang ko si Agatha kasi ilang beses nadin ito laging pumunta dito kahit yung kapatid ko close nadin sila magandang hapon po tita,tito bati nito sa inay at itay magandang hapon din sayo iha gusto mo ba mag meryenda nag luto ako ng bilo bilo alok ng inay dito kaya nanlaki ang mga mata neto alam ko kasi na paborito nito ang bilo bilo mayaman kasi ito kaya dito lang sya sa amin naka tikim nun talaga po ba tita hindi ko po kayo hihindian alam niyo naman po na paborito ko yung bilo bilo niyo tuwang tuwa na sabi nito kaya natawa nalang ang inay Sam ipag hain mo na ang kaibigan mo at tatawagin ko lang yung kapatid mo nasa kapitbahay nanaman naglalaro.
Inaya ko si Agatha papasok saglit lang Sam kausapin ko lang si tito alam alam ko na kung ano ang sasabihin nito magpapahatid nanaman ito sa itay ganyan lagi ang ginagawa nito at subra subra pag nag bayad ng pamasahe iba talaga pag mayaman.
Nauna na akong pumasok sa bahay alam ko naman na susunod din agad sa akin yun habang nag hahain ako bigla itong pumasok at na upo sa lamesa Hoy Agatha dahan dahan naman hindi ka tatakbuhan ng kinakain mo kasi naman pag kumain akala mo mauubusan sya paborito talaga niya yung bilo bilo, alam mo naman Sam na paborito ko to diba sabi ko nga sa katulong namin magluto sya ng ganito kaso hindi daw sya marunong si mommy naman hindi rin daw sya marunong.