CHAPTER 2

2164 Words
Tahimik na kumakain sina Sanjo at Rio pinagsasaluhan nilang dalawa ang nabiling pagkain ni Lanz. Kanin, pork bicol express at pakbet na gulay.Alam ni Rio na habang kumakain ang lalaking nasa harapan n'ya ay hindi umaalis ang paningin nito sa kan'ya. Kahit hindi na bago sa kanya ang ganuong sitwasyon dahil madalas naman napupuna n'ya eto, na kahit saan s'ya magpunta ay may mga taong tinitingnan sya. Mapa babae man o kapwa lalaki, mga kaklase, kaibigan, nakakasabay sa jeep, sa bus, sa LRT, MRT at kahit saan. May nararamdaman s'yang hindi maipaliwanag na pagkailang sa lalaking eto. Hanggang sa natapos ang kanilang pagkain at nagtulungan silang dalawa na ligpitin at itapon sa trash bin ang kanilang pinagkainan na styro at plastic. "Dito ka ba naka stay?" "Hindi, May kinausap lang ako na client dito." "Ah! So negosyante ka?" " Yes!" "Salamat nga pala sa pagpapa tuloy mo sa akin dito at sa libreng pagkain, ganito ka ba sa lahat ng mga tao na ngayon mo lang na meet.?" " Hindi,.. At huwag kang magpasalamat dahil may bayad 'yan." "Ha?" Ang nagulat na wika ni Rio na halos lumaki ang mga mata habang nakatitig kay Sanjo na pilit inaalam kong totoo o nagbibiro lamang eto. "Walang libre sa panahon ngayon at Isa akong negosyante." " E gago din pala etong isang eto. Akala ko mabait na lalaki. " Ang nasa isip ni Rio sa mga oras na iyon. "Okay How much?" "Hindi How much? , Because I don't need your money marami ako n'yan." " Ha? Hindi ka din mahangin no?" "Nagsasabi lang ako ng totoo wala akong nakikitang mali duon." " Okay sige, So ano bang gusto mong kabayaran? kong talagang ayaw mo ng pera." " Ikaw." "Anong Ako?" " Mas matanda ako sa'yo ng walong taon, kaya makakaasa kang aalagaan kita,palagi kitang uunawain at proprotektahan kahit kanino.Ano man ang naisin mo just tell me at ibibigay ko Sa'yo. " "Ha? Are you crazy? Anong pinagsasabi mo? At bakit mo ako aalagaan at proprotektahan bakit ano ba kita?" " Because...... I'm your Husband from now on . Get it?" Hindi nakapagsalita si Rio sa mga narinig n'ya mula kay Sanjo. Talagang nagulat s'ya sa hindi nito inaasahang Sasabihin nakabuka pa ng pa O ang kanyang bibig na tila may gustong sabihin subalit walang mabigkas na mga salita. Wala sa sariling kinuha ni Rio ang isang lata ng beer sa harap n'ya na nakapatong sa lamesa at iyon ay kaniyang binuksan at ininom ng deretso na animo'y tubig lang. " Aalis na ako , salamat!" Tumayo na si Rio nang maubos inumin ang kaniyang beer. " Maupo ka hindi pa tayo tapos magusap?" " Ganun? Hoy Mr. Sanjo hindi mo ako tauhan o bayaran kong makapag utos ka kala mo pag-aari mo ako." " Kaya nga sinasabi ko sa'yo maupo ka mona dahil hindi pa tayo tapos magusap. Hindi mo pa nauunawaan ang ibig kong sabihin sa'yo. " " Anong pinagsasabi mo d'yan." "Simple lang, Ang maunawaan mong Your my wife and I'm your Husband from now on, at makakaalis ka na dito. Get it?" "Tssk! Tsssk! Sayang!.... Napaka Gwapo at Hot Sana na lalaki kaso ang tindi naman ng sayad sa utak nito." Ang nasa isip ni Rio habang nakatingin kay Sanjo na nuon ay hindi rin maalis ang titig sa kan'ya. "Okay sige I'm your Wife and you are my Husband ano pwede na ba akong umalis?" Tila naman lumiwanag ang awra ng mukha ni Sanjo ng marinig ang sinabi ni Rio. " Wait, Sabay na tayo Ihahatid na kita." "H-hindi na kailangan. Sige na bye." Nagmamadaling umalis si Rio sa silid na iyon. Ngayon wala na s'yang paki kong makita s'ya ng mga lalaking humahabol sa kan'ya kanina lamang. Kasalanan kasi eto ng prinsipyo nya ang magtanggol ng mga mahihina at mahihirap na mga tao sa lipunan. Gusto n'ya kasing patunayan sa mga kasamahan n'ya sa Law firm na kahit baguhan s'ya ipapanalo n'ya ang unang kasong hawak n'ya. Para sa kan'ya ang mga ganitong specialty ang gusto n'yang hawakan. Mga inaapi ng mga makakapangyarihan sa Gobyerno. Tungkol eto sa kasong Rape sa menor de edad na babaeng estudyante na ang sangkot ay isang mayaman at ma empluwensyang Mayor. Sa kagustuhan n'yang makakuha ng ebedensya sa tunay na pagkatao ng mayor ay sinusundan nya eto palagi. Nakasubaybay s'ya saan man eto pumunta. At Bingo, sa halos tatlong linggo n'yang pagmamatyag dito ay nakakuha s'ya ng ebedensya. Nakuhaan n'ya eto ng video na may kasamang teenager na babae at ang babae ay mukhang wala sa katinuan dahil parang mahina eto at tulala. Hinahalik halikan pa eto ng mayor sa leeg at labi habang papasok sa sasakyan sa parking Lot ng mapansin ng tauhan ni mayor si Rio at may hawak na cp na nakatutok sa kinaroroonan nila. Agad naman siyang umalis at hinabol s'ya ng mga tauhan ni Mayor. Sumakay agad s'ya ng elevator ng makita nyang bumukas eto. Hanggang sa napunta s'ya sa fifth floor ng gusali. Akala nya wala na ang mga humahabol sa kan'ya Ngunit nagkamali s'ya dahil muli nyang natanaw ang mga eto buti na lang at hindi s'ya nakita ng mga eto dahil mabilis din syang kumilos at naghanap ng matataguan. Naka face mask s'ya kaya alam nya hindi s'ya makikilala ng mga eto. Hanggang sa mapadpad sya sa pintuan nang silid na kinaroroonan ni Sanjo ng hindi sinasadyang maisandal nya ang kaniyang likod dito at bumukas eto kaya nakapasok s'ya dito. "Baby sa akala mo ba nagbibiro ako.Alam mo bang the more na nahihirapan ako the more akong ginaganahan lalo. Can't wait to taste your smooth and pinkies lips." Ang nakangiting wika sa sarili ni Sanjo habang iniisip si Rio na nuon ay hindi na n'ya eto napigilang umalis. Nakauwi ng maayos si Rio sa kanilang bahay at ngayon ay naka harap sa kan'yang personal computer pinapanuod ang nakuhang video mula kay Mayor Yano Madrigal. " Todo tanggi ka pang hayop ka wala Kang awa sa mga biktima mo may mga Anak ka din na mga babae pero ano etong pinag gagawa mong animal ka." Gigil na gigil na wika ni Rio habang pinagaaralan ang lahat ng datus at ebedensya na may kinalaman sa kasong hawak n'ya. Kompyensya sya ngayon na maipapanalo n'ya ang kasong eto... Pagkatapos ihanda ang lahat ng mga dokomento na gagamitin ni Rio sa paglilitis ay tumungo na eto sa Korte. Buo ang loob na maipapanalo n'ya ang kaso dahil sa nakuha n'yang matibay na ebedens'ya. Umpisa na nang paglilitis unang pinatawag si Mayor Yano Madrigal upang litisin. "Pwede mo bang sabihin ang iyong buong pangalan sa Hukuman na eto." Ang sabi ni Rio na naka Americana suit. Halos lahat ng atensiyon ng mga taong nasa loob ng silid na iyon ay sa kan'ya nakatitig. Para kasi etong Kpop Idol at BL thai actor sa Thailand. Gusto din nilang malaman ang mangyayari sa kaso at kong ano ang kaniyang kakayahan. "Ako si Yano Madrigal fifty five years old kasalukuyang nauupong Mayor sa lungsod ng Manila." "Mayor Yano Madrigal sumusumpa ka ba na magsasabi ng totoo at pawang katotohanan lamang sa harap ng Hokuman na eto, at anumang kasinungalingan o hindi pagsasabi ng totoo ay may nakalaan na parusa." "Opo sumusumpa po ako na magsasabi ng katotohanan lamang." "Kong gayon nalalaman mo ba kong bakit ka naririto Mayor Yano Madrigal." "Opo! Naririto ako sa Paratang na Rape po." "Paratang? Ibig nyo bang sabihin ay walang katotohanan ang inaakusa sa inyo?" "Wala pong katotohanan ang sinasabi nila dahil Isa po akong mabuting toa at sa aking nasasakupan. Anim na toan po akong naninilbihan ng tapat sa aking nasasakupan at kilala nila ako kong anong klaseng tao po ako." "Kong gayon kong ang sinasabi mo na Isa kang mabuting tao at walang katotohanan ang binabato nila sayong may mga Ni rape ka na mga kabataan babae. Sa palagay mo bakit ka nila inaakusahan ng ganito Mayor Yano Madrigal anong dahilan?" "Simple lang, Baka pakana ng mga kalaban ko sa politika gusto nila akong pabagsakin, paalisin sa pwesto. At syempre Isa din dahilan na nakikita ko ay Pera, baka gusto nila akong huthutan. Dahil alam nilang Mayaman ang pamilya Madrigal nuon pa man. Hindi pa ako nauupo sa pwesto ay kilalang Mayaman na ang pamilya ko." " Sunod na katanungan Mayor Yano Madrigal kilala nyo ba si Miss Andrea Solis ang babaeng Nag-aakusa sa inyo sa salang panghahalay? " "Aaminin kong kilala ko s'ya dahil minsan ko na s'yang natulungan at ang pamilya n'ya." "Paano nyo s'ya nakilala at anong tulong ang sinasabi nyong Ibinigay mo sa kan'ya? Pwede bang paki e detalye ang buong pangyayari Mr Mayor?" " Nakilala ko s'ya sa Daan umuulan nun sakay ako ng aking sasakyan sinabi ko sa aking driver na ihinto ang sasakyan dahil nga nakita ko nga si Andrea na basang basa pati ang dala nitong Bilao na may lamang kakanin. Naawa naman ako kaya pinasakay ko s'ya at nakita kong basang basa ang kakanin na dala dala n'ya. Ang ginawa ko tinanong ko s'ya kong ano ang pangalan n'ya at sabi ko nagtitinda ka ba ng kakanin.Ang Sabi n'ya OO at umiiyak s'ya kasi iyon lang daw ang inaasahan n'yang pera sana kaso nabasa. Ang ginawa ko naman binigyan ko na lang s'ya ng two thousands pesos bilang tulong ko sa kan'ya. E hindi ko akalain ganito ang gagawin sa akin sana pala hindi ko na sya tinulungan o binigyan ng pera. Ang mga taong katulad nya ay mapagsamantala akala nila ganuon lang nila ako pagkakaperahan. "Ang ma dramang kwento ni Mayor Yano. Tumingin si Rio sa kinauupuan ng biktima na s'yang ipinaglalaban n'ya. Panay ang iyak nito at pailing iling tila sinasabing hindi totoo ang sinasabi ni Mayor Yano. " Iyon lamang po Your Honor. " Humarap si Rio sa mga Judges ng kaso upang ipaalam na tapos na ang kaniyang pagtatanong Kay Mayor Yano Madrigal. At ngayon ay ipinapaalam nya na ang gusto n'yang tanungin ay ang Biktima. Na sinang ayunan naman ng mga Judges. " At ang next na tatawagin upang litisin ay ang nag-aakusa at biktima na si Mis Andrea Solis.Maari bang pumunta ka dito sa harapan Miss Andrea Solis." Tumayo ang Biktima at pumunta sa pwesto kong saan sya tatanungin o lilitisin. Tinanong ni Rio ang babae kong ano ang pangalan nito. Edad, Anong trabaho at pinanunumpa din s'yang magsasabi ng pawang katotohanan lamang sa Korteng iyon. Hanggang sa dumako na ang katanungan kong paano sila nag kakilala ni Mayor Yano Madrigal. "Pagkabigay po n'ya sa akin ng two thousands pesos po ay sinabihan nya po ako na Ipapasok daw nya po ako ng Trabaho sa kaibigan n'ya. Kaya sumama daw po ako sa kan'ya. Pagkatapos po pumunta po kami sa isang Condo at pumasok po kami duon. Sabi n'ya sa kasama n'ya maghantay sa labas at inilock nya po ang pintuan. Tapos pag pasok po sa loob sinabihan n'ya akong hubarin ang suot kong damit. Ang sabi ko bakit ko po huhubarin? A-ang Sabi n'ya po kasi daw basang basa daw ang damit ko. Pero hindi naman po ako tanga Para hindi makuha ang sinasabi nya ng oras na iyon. Kaya tumalikod po ako Para buksan ang pinto upang umalis. T---tapos po b--bigla nya po akong niyakap sa likod at hinila papuntang kama. T---tapooos!!!!huhuhuhu!!! Duon na po nya ako ne rape. Nagmakaawa po ako sa kanya pero wala po s'yang awa hayop po s'ya binaboy po n'ya ako ng paulit ulit. Huhuhuhu!!! " Marami pang naganap na paglilitis, nagtanong din ang abugado ng kabila, Abugado ni Mayor Yano, at pinapalabas nilang walang Rape na naganap sinungaling si Andrea Solis at gusto lamang pagkaperahan si Mayor. Ang mga taong saksi ay gumagawa na nang ingay nagpapalitan na ng mga kuro kuro sa bawat Isa. Ayon sa kanilang mga nasaksihan at narinig sa mag kabilang panig. Ngunit lumalabas na dehado ang biktima dahil walang gustong tumestigo para sa kan'ya. Ang security Guard, Ang Receptionist sa condo ay tumatangging ni rape si Andrea ni Mayor. Sinabi nilang ipinunta duon si Andrea upang bigyan ng trabaho bilang House keeper. Mukhang napaikot ng kapangyarihan ni Mayor Yano ang mga tao sa Condo kong saan dinala ang biktima at duon isinagawa ang panghahalay sa kaawa awang menor de edad na si Andrea. Kaya inilabas na ni Rio ang hawak n'yang alas ang kuha n'yang video na magpapatunay na Isa s'yang rapist. Ngunit laking gulat nya nang inilabas ng kabilang kampo ang babaeng kasama ni Mayor sa Video. At ang Nakakagulat ay hindi daw sya nito ginawan ng masama Ipinasok daw sya ni Mayor sa Hotel na iyon bilang House Keeper dahil kakilala nito ang me ari duon. At masama lang daw ang pakiramdam n'ya ng nakuhaan s'ya ng video dahil pagod s'ya at may dinaramdam. Kaya lumalabas na walang silbi ang video n'ya. Laglag ang balikat hanggang sa natapos ang unang hiring ng kaso. Nakaupo s'ya sa kan'yang swivel chair sa kaniyang maliit na opisina habang umiinom ng kape at nagiisip. Kailangan makahanap s'ya ng matibay na ebedensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD