SANRIO chapter 1
"Ang Gandang lalaki talaga ng anak ko manang mana sa kaniyang pinagmanahan."
"Naku 'Ma syempre naman maganda ang nanay ko at gwapo ang tatay ko saan pa ba ako magmamana ng lahi."
" Hahahaha! Iyan ang gustong gusto ko sa'yo anak e nagsasabi ka ng totoo at nagsisinungaling ka din."
"HAHAHAHA! ' Ma naman marinig tayo ni Papa sabihin na naman 'nun inapi na nanaman natin' sya."
" Oh bakit totoo naman Rio, Sa akin ka nagmana dahil kong sa Ama mo lang hindi gan'yan ang itsura mo."
Ang ibig sabihin ng mama ni Rio ay maputi at makinis s'ya. Ang Ama n'ya kasi ay maitim ang balat at lalong umitim dahil sa klase ng trabaho nito at hindi na nakakapagtaka. Isa kasi etong sundalo palaging bilad sa init.
" Naku 'Ma, nilalait mo pa si Papa e dun ka naman din na In love."
" Heheehehhe!" Sige na kumain ka na ng almusalan mo baka ma traffic ka alalahanin mong first day mo ngayon sa work. "
Magana at masayang kumain si Rio ng kaniyang almusal. Si Rio Soler ay isang fresh graduate bilang isang abugado, 26 years old, Matalino at Isa sa mga nakapag kamit ng mataas na marka sa board exam. Kaya madali sa kanya ang makahanap ng trabaho dahil sila mismo ang lumalapit kay Rio.May mga kilalang private law firms na nag-alok sa kan'ya ngunit mas pinili n'ya ang maglingkod sa Government law firm.
Pagkatapos n'yang kumain nang inihandnag creamy sopas ng kaniyang Ina ay nagpaalam na eto upang umalis.
"MA, alis na ako."
"Sige umalis ka na."
"MA, naman! wala bang Good luck d'yan anak o kahit kiss sa pisngi wala?"
"Letse! kang Bata ka ang laki laki mo na bente sais anyos ka na nagpapakiss ka pa sa akin. Humanap ka na kasi ng girlfriend para mag-sawa ka sa halik."
"Sinabi mo 'yan Mama ha' bahala ka d'yan baka magulat ka na lang may apo ka na."
"E di mas mabuti kong ganun. Hala sige humayo ka na at magpakarami."
Okay, bye bye na Ma,kiss mona ako sa mabait at maganda kong Mother,...Mwuaahhhh! Babye Ma."
"Etong Batang 'to hala sige na magiingat ka' Nak Good luck!"
"Thank you Ma! bye."
Tuluyan nang lumabas si Rio ng kanilang bahay nasa labas na s'ya ng kanilang Gate at nagaabang ng masasakyan na tricycle papunta sa labasan sa sakayan ng mga Jeep at Bus. Tamang tama naman tyempong may parating na tricycle at may sakay etong isang magandang dilag na naka uniforme ng pang Nurse, at may dalawang naka angkas naman sa likuran ng driver.
Huminto ang tricycle sa harap n'ya at sumakay s'ya sa loob katabi ng babaeng pasahero nito. Nginitian s'ya ng babae at umayos ng pagkakaupo Para makaupo din s'ya ng maayos sa loob ng makipot na tricycle.
Sinuklian din naman ni Rio ng matamis na ngiti ang magandang dilag na ngayon ay katabi na n'ya sa upuan. Pinaandar na ng driver ang tricycle at binagtas ang daan patungong labasan sa sakayan ng mga Bus at jeep.
" Maputi, Balbon parang Anghel ang mukha at ang bango bango pa n'ya. Maganda talaga ang araw ko ngayon biruin mo paglabas ko ng bahay eto agad ang nakita ko. Tssskkk...Ano kaya ang pangalan n'ya?" Ang tahimik na sinasabi ng isip ni Rio sa mga sandaling iyon. Hanggang sa huminto ang tricycle dahil naruruon na kami sa babaan. Ka-agad naman bumaba si Rio at sumunod ang magandang dilag na katabi n'ya. Dere deretso etong naglakad patungo sa waiting shed Para maghantay ng masasakyan.
"Manong bayad po,"
"Naku! isang daan din ang Pera mo ke aga aga puro buo mga Pera 'nyo." Ang sabi at reklamo ng Driver kay Rio, na nuon naman ay hangad na ma-abutan ang magandang dilag upang makipag kilala. Naghahanap ng panukli si Manong driver nagbibilang pa eto ng mga barya kasi hindi sapat ang perang papel na panukli n'ya. Kulang na lamang ay sabihan n'ya si Manong driver na paki bilisan naman dahil napakabagal magbilang ng panukli dahil may hahabulin pa s'yang babae. Ang kaso umiral ang hiya nya at ang pagiging mabait na tao. Lalo na't medyo matanda na si Manong Driver.
Nakita ni Rio na nakasakay na ng jeep ang magandang dilag na balak n'yang habulin.
"Oh heto na sukli mo boy, pasens'ya ang daming barya nya'n buti nga may panukli pa sa isan daan mo."
"Okay ,Lang po Manong salamat po!"
Naglakad si Rio patungong waiting shed at sandaling naghantay dahil may dumating nang Bus pa Cubao at sumakay na rito.....
Samantala sa isang abandonadong gusali tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw dito. May mga kalalakihan na animo'y kulto na nagtitipon tipon duon. May Isang lalaking nasa edad trenta pataas ang nakatali sa isang poste at tila bogbog sirado eto.
" Sino ang boss mo? Bakit ka pumasok sa teretoryo ko? At ano ang pakay mo huh?"
" Wala kang mapapala sa akin. Kahit patayin mo pa ako." Ang nahihirapan na sabi ng lalaking nakatali.
"Matigas ka huh etong bagay sayo." Biglang malakas na suntok sa sikmura ng lalaking nakatali ang pinadapo ng isang matiponong lalaki na katabi ng lalaking nagsasalita kanina. Walang iba kong hindi si Sanjo Jovani isang Napakayaman at Matagumpay na negosyante. Ngunit law profile hanggat maari ayaw niyang mapunta sa anumang spot Light. Bukod kasi sa pagiging negosyante ay Isa s'yang may mataas na katungkulan sa isang Mafia na kong tawagin ay White Yakuza. Isang lihim na organisasyon na matagal nang nakatayo at maraming mga kuro kuro tungkol dito.
" Binok ikaw na ang bahala d'yan, Kong ayaw magsalita walang problema madali akong kausap. Ipalaman mo na 'yan sa dagat... Mayruon lang akong importanteng appointment ngayon kaya hindi na kao magtatagal."
" Yes boss Sanjo. Kami na ang bahala dito."
Tumalikod na si Sanjo at tumungo sa itim na van na nakaparking sa tapat ng abandonadong gusali. Kasunod ang kaniyang personal Bodyguard at assistant na si Lanz. Kagaya ng Boss n'ya tahimik eto hindi pala imik Ngunit mapanganib. Bihasa sa martial Arts at sa Ibat Ibang klase ng Armas kagaya din ni Sanjo.
Tumungo sila sa isang five star Hotel upang makipag meeting sa isang kliyente. Napag kasunduan nila na duon magkikita sa isang silid na kinuha din ng ka meeting n'ya na si Mr. Roman Oy. Pagdating sa silid ng Hotel naratnan niyang naruruon na si Mr. OY na naghahantay. Kaagad naman silang nagusap tungkol sa negosyo at naging maayos naman ang kanilang paguusap at nagka pirmahan.
Nang matapos ang meeting ka-agad nang nagpaalam ang ka meeting ni Sanjo sa kan'ya. Ngunit bago eto umalis ay may ibinulong eto sa kanya.
"Boss Sanjo dito ka lang mona may regalo ako sa'yo na tiyak ay magugustuhan mo bilang pasasalamat on the way na iyon kakatext ko lang. " Ang masaya at pilyong sabi nito.
Kaagad naman na gets ni Sanjo ang ibig sabihin nito.
"Okay, Basta seguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yan. Dahil kapag hindi babawiin ko ang pirma ko." Ang seryosong sabi ni Sanjo Kay Mr. OY.
"Naku Boss Sanjo huwag kang magalala hindi man one hundred percent na ayon sa tipo mo pero senesegurado kong malinis at may ipagmamalaki."
Hindi na tinugon ni Sanjo ang sinabi ni Mr. OY tumalikod na eto at muling naupo sa sofa. Hinayaan n'yang Makaalis na si Mr. Oy. Tinawag n'ya si Lanz dahil may balak siyang ipabili dito.
" Lanz ibili mo ko ng condoms wala akong dala.Ibili mo na din ako ng makakain at beers. " Ang utos nito na agad naman na sinunod ni Lanz. Naiwan magisa sa silid na iyon si Sanjo. Naisipan n'yang magshower mona upang sumigla at ganahan ang kaniyang fatigue na katawan sa maghapong abala sa trabaho. Bago tumungo sa shower room ay seneguro nya monang bukas ang pinto para sa hinahantay na kaligayahan.
Pumasok s'ya sa shower room at naligo. Hindi s'ya masyadong nag tagal dahil alam n'yang nakabukas ang pintuan at may hinahantay s'ya.
Pagka labas nya ng shower room ay wala s'yang nakitang tao. Suot ang puting robe ng hotel ay tinungo n'ya ang pintuan upang isirado ng may biglang pumasok na lalaki kamuntikan na s'yang mauntog ng pintuan sa pagbukas nito. Buti na nga lamang at naagapan n'yang pigilan ang pinto upang hindi s'ya mauntog.
Pagkapasok ng lalaki ay mabilis nitong isinirado ang pintuan. Sumandal sa pinto at pumikit eto na tila hinihingal.
Pinagmasdan ni Sanjo ang lalaking nasa harapan n'ya nakapikit eto habang hinahabol ang paghinga. May makinis at maputing balat, gwapo, maganda ang hubog ng lips at ng ilong. Maganda din ang hugis ng kilay nito at makapal na pilik mata. Dumagdag din ang maliit at cute nitong nunal sa kaliwang ibabang bahagi ng kaniyang pinkies na labi. Nang biglang dumilat eto habang pinagmamasdan nya eto ng maigi. Lalo tuloy n'yang nabatid na napakaganda ng mukha ng lalaking nasa harapan n'ya ang mga mata kasi nito ay maaamo at mapang-halina. Hindi n'ya mapigilan na idikit ang katawan at mukha n'ya sa lalaki at binulungan nang..
" Your so pretty Baby!"
Napaigtad si Rio sa narinig n'ya at sa mainit na hininga nito sa kaniyang leeg. Tila sinisinghot singhot ang amoy n'ya kaya malakas n'ya etong itinulak papalayo sa kaniyang katawan.
Knock! Knock!
May kumakatok sa labas ng pintuan at nagkatinginan silang dalawa.Tumabi sa gilid ng pintuan si Rio at hinayaan n'yang pagbuksan ni Sanjo ang pintuan.
Nang buksan n'ya eto si Lanz ang nasa labas ng pinto at may maganda at sexy na babae etong kasama.
"Boss, eto yong babaeng sinasabi ni Mr. Oy. Miss pasok pumasok ka na kanina ka pa hinahantay ni Boss." Tuloy tuloy naman na pumasok ang dalawa sa loob at napansin din ni Lanz si Rio na nakatayo sa likod ng pinto.
" Salamat!" Ang Sabi ni Rio Kay Sanjo at ka-agad na lumabas ng pinto subalit hindi pa eto lubusang nakakalabas ng pinto ng silid ay biglang umurong pabalik eto.
"Ahm! P-pasensya na pwedeng dito mona ako uli." Ang nakangiti na sabi ni Rio kay Sanjo. Hindi naman s'ya nito inimikan sa halip ay binuksan ang pinto at lumabas upang alamin kong tama ang kutob n'yang may pinagtataguan eto. At tama ang kaniyang hinala may dalawang lalaki sa hallway na palinga linga tila may hinahanap. Pumasok s'ya at tuluyan na isinirado ang pinto.
" Come here?" Ang sabi ni Sanjo kay Rio sabay hawak sa braso nito at pinaupo s'ya sa sofa sa sala. Napasunod na lamang si Rio sa kan'ya. Nakatingin naman si Lanz kay Rio na nagtataka kong sino s'ya.
Lumapit si Sanjo kay tauhan n'yang si Lanz at binulungan eto.
" Lanz move to other rooms and take that girl with you? sa'yo na 'yan, mas gusto ko ang isang eto."
"Okay boss, Yong pinabili mo nakapatong sa lamesa." Tumango lamang si Sanjo at sumesenyas na eto kay Lanz na umalis na silang dalawa ng babae. Kinuha ni Lanz ang babae at iginiya palabas ng silid na iyon naiwan sina Sanjo at Rio.
" May pinagtataguan ka hindi ba? " Ang tanong ni Sanjo kay Rio.
" OO, at naghahanap ako ng matataguan ng magawi ako sa pintuan mo at bumukas eto kaya pumasok ako pasensya na."
" May ginawa ka ba sa kanila kaya ka Nila hinahabol?"
" Huwag kang magalala hindi ako kriminal, good citizen ako parte Lang ng trabaho ko kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon. "
" Bakit police ka ba? NBI? Spy? "
" Hindi,.. Isa akong Lawyer. "
" Oh! Nice!... Bagay sayo. "
" Thank you! "
" So May I know your name? "
" I'm Rio Soler."
"Age?"
" Twenty two."
"Ahm!.... I'm Sanjo Jovani and you have to remember that name." Ang maawtorisado nitong sabi kay Rio habang malagkit ang pagkakatitig sa kan'ya.
" Grabe namang makatitig ang lalaking eto akala mong hinuhubaran ako. Haaaaayy! Kinikilabutan tuloy ako." Ang nasa isip ni Rio.
" By the way Let's eat? "
" What? "
" You choice we will eat together or I will eat you?"
" Ano? Tama ba ang narinig ko? He will eat me? Naku Rio nahihibang ka lang kinakabahan ka pa kasi kaya kong ano ano ang naririnig mo."