Kabanata-8

2142 Words
Scotty Pov. Akala ko magiging madali na ang lahat dahil nagawa ko ng mapapunta sila dito sa kubo para mag - aaral pero nagkakamali ako. Matapos naming mapakain ng mga damu ang kalabaw ni Jaylo bumalik ako sa kubo para maghanda na sa pagdating nila. Sinuot ko ang damit na binigay ni White kahit na old fashion talaga at tingin ko hindi bagay sa akin. Pa-paano ba naman sobrang laki ng layang nito tingin ko mga anim na pulgada ang laki. Isang simpleng damit ang pan itaas at tsinelas ang sapin sa paa. " Magandang umaga guro "bati ni Jose siya ang unang dumating dito. " Magandang umaga Jose maupo kana hihintayin pa natin ang mga kapwa mo mag -aaral" hinanda ko ang pisara at tisa bilang panulat mamaya. " Magandang umaga guro" sabay na sabi ni Aryan, Lessel at Jaylo. " Magandang umaga umupo na kayo" sabi ko habang ipinagpatuloy ang pag aayos ng lamesa bigla akong napatigil at iniisip kung ano ang ituturo ko sa kanila. " Goodmorning Teacher" isang malakas na sigaw ang nakapagputol ng pag iisip ko. " Goodmorning Kim, Ginang Merlenda" bati ko pabalik umupo si Kim sa tabi ni Jose. Okay Scotty kaya mo ito maniwala ka. " Hmm.. alam niyo naman siguro ang dalamput isang titik hindi ba?" Tanong ko bago dinampot ang isang tisa. " Opo" sagot ni Aryan, Jaylo, Lessel at Jose Binaling ko ang tingin kay Kim gaya ng inaasahan hindi nito naunawaan ang mga sinabi ko. Kailangan ko siyang turuan ng wika na ginagamit ng mga taga Manangpula. " Kim are you familiar with 21 letters on alphabet right?" Ingles ang salitang ginagamit ko kapag kinakausap ko siya. " Yes teacher that was basic" napaisip ako kung hangang saan ang mga bagay na alam niya. " Anong sinasabi nila?" Bulong ni Jaylo kay Aryan ito na nga ba ang magiging unang problema hindi sila magkakaunawaan dahil iba ang wika na kanilang ginagamit. " Hindi ko din alam kung ano ang sinasabi niya" tugon ni Aryan mayroon akong isinulat na mga salita sa pirasa bago kinuha ang isang patpat na nakalagay sa lamesa. " Mga bata tingin dito sa pisara ngayong araw pag- aaralan natin ang salitang Ingles" masigla kong sabi para mas lalo silang gaganahan pero kabiktaran ang nangyari. Nakapalumbaba sina Aryan, Lessel, Jaylo at Jose sa tingin ko si Kim lang ang nasasabik sa ituturo ko. " Hindi niyo nagustuhan ang ituturo?" Umiling iling silang apat sagot sa tanong ko. " Teacher if they don't want to listen let them you still have me" sabi ni Kim habang nakataas ang kamay niya. Napakamot ako sa ulo wala sa oras paano kayo ito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. " Magandang umaga" isang tao ang pumasok sa kubo sino pa nga ba kung di si White. Tumingin siya sa akin na nakataas ang hinlalaki niya. " Aryan, Lessel, Jaylo, Jose kung ayaw niyong matutunan ang salitang Ingles ano ang gusto niyong pag- aralan natin?" " Guro hindi naman sa ayaw namin kasi baka----------------- " Mga bata hindi naman masama ang sumubok o matuto ng ibang wika. Ayaw niyo ba na marami kayong nalalaman katulad ni Kim" sabi ni White para kumbinsihin sila mukhang gumagana yun. " Guro papayag na kami na matuto ng Ingles para kaya naming unawain ang mga sinasabi ni Kim" nakangiting sabi ni Jaylo mabuti naman ang laki ng tulong na ginawa ni White mukhang kailangan kong magpasalamat sa mga tulong niya. " Sige magsisimula na tayo" sabi ko bago tinuro ang mga sinulat ko. Aaminin ko ng una mahirap pero sa paglipas ng mga oras nakikita ko naman naaaliw sila. Sabay sabay rin kaming kumain ng tanghalain palaging nagtatalo si Kim at Aryan habang si Jose ang nagsisilbing taga- awat nila. Nagdala ng pagkain si White at Ginoo'ng Sebastian. " Bakit di ka kumakain?" nabaling ang attensyon ko kay White nakalimutan ko nakaupo pala siya sa tabi ko. Ewan ko ba wala akong ganang kumain. " Busog ako" tipid kong sagot bago tumingin sa mga bata na masayang kumakain. " Deigo tumingin ka sa akin" tawag niya dahan dahan kong binalik ang tingin sa kanya. Maigi niyang tinitigan ang mukha ko gaya ng palagi niyang ginagawa. " Mukhang namumutla ka" hinawakan niya ang labi ko dahil sa gulat naitulak ko siya ng malakas papalayo sa akin. " Paumanhin " sabi ko bago siya inalalayan patayo natigil sa pagkain ang mga bata at tumingin sa amin. " Teacher Diego is everything okay?" Tanong ni Kim ng makita ang pagbagsak ni White sa sahig. " Huwag kayong mag- alalala maayos lang ako" inabot niya ang kamay ko. Inalalayan ko siyang tumayo bago inayos ang natumbang upuan. " White paumanhin hindi ko sinasadya nagulat lang ako ------- Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang kanang kamay. " Huwag mong isipin yun mga bata ipagpatuloy niyo lang ang pagkain niyo ng tanghalain para mas lalo niyong matutunan ang itinuturo ni Teacher Diego" isang salita niya lang sinusunod agad ng mga bata. " Diego ayos ka lang?" Isa talaga siyang mabuting tao kahit na siya ang nasaktan nagawa pa niyang magtanong sa kalagayan ko. " Kumain nalang tayo" bumalik kami sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain. Sa bawat pagsubo pilit kong nilolonok ang pagkain masarap naman ang pagkain sa hapagkainan pero tila wala akong ganang kumain. Medyo mabigat din ang pakiramdam ko. Pagkatapos ng isa at kalahating oras natapos ang tanghalian. Nagpatuloy ako sa pagtuturo sa kanila gumawa din ako ng mga aktibidad para mas lalo silang mapalapit sa isat. " Teacher aalis na po kami bukas ulit" sabay sabay nilang sabi. " Diego aalis na kami maraming salamat dahil sayo hindi na malungkot si Kim" sabi naman ni Ginang Merlenda " Mas masaya ako dahil matuturuan ko sila" sagot ko sabay silang umalis sa kubo at naghahabulan sa daan. " Deigo anong gusto mong meryenda?" Nakita ko si Ginoo'ng Sebastian sa labas ng kubo. " Marami pong salamat pero hindi ako nagugutom" sagot ko habang nakakaramdam ng pagkahilo. " O siya aalis na ko mamaya pupunta dito si White para dalhan ka ng pagkain" umalis siya matapos sabihin yun humawak ako sa dingding ng kubo habang hawak ang ulo ko. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid. " Deigo dinalhan kita ng pagkain" narinig ko ang boses ni White napaluhod nalang ako sa sahig dahil sa pagkahilo. " White tulungan mo ako" unti unting lumalabo ang paningin ko at bigla nalang naging kulay itim ang buong paligid. Nagising nalang ako na nakahiga sa higaan. Nakita ko si White na nakahiga sa tabi ko. " Ano ba ang nangyayari sa akin sobrang nanghihina ang katawan ko" sabi ko bago bumangon sa pagkakahiga. " Yoh!! Ayos ka lang ba?" Biglang sumulpot si Jhon sa harap ko. " Bakit ngayon ka lang nagpakita tinawag kita ng nakaraang araw" " I'm sorry may inasikaso akong ibang bagay kaya ngayon lang ako ulit nagpakita sayo. Mayroong kang itatanong hindi ba?" bigla siyang naglaho sa isang iglap nakaupo na siya sa higaan ko. " Anong nangyayari sa akin sa kasalukuyan?" " Pasensiya na pero hindi ko pwedeng sagutin yan" " Kailangan ko ba talagang maging guro dito?" " Yun ang maging susi mo para mapalapit ka sa taong natutulog sa tabi mo ngayon" sagot niya na nakaturo kay White. " Pakiramdam ko mayroon silang galit sa mga taong tulad ko" tumingin siya sa sa akin bago ngumisi ng malapad. " Kung gusto mong malaman gumawa ka ng paraan para alamin yun" bigla ulit siyang nawala sa harap ko. Mas lalo akong naguguluhan dahil sa kanya. " Deigo gising kana pala kamusta kana?" Nakita kong nakamulat na ang mga mata niya. Bumalik ako sa pagkakahiga at humarap sa kanya. " Ayos lang ako maraming salamat sa pag alaga sa akin" hinawakan niya ang aking noo bago hinawakan ang kamay ko. " Mabuti naman wala kang lagnat sobrang nag alala ako sayo" He sighed with relief " Dito ka muna magluluto lang ako ng pagkain" sabi niya bago bumangon sumunod ako sa kanya sa kusina para panoorin siyang magluto. " Saan mo nakuha yan?" Tanong ko ng makita ang karne ng manok sa ibabaw ng lamesa bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom. " Nagpabili ako kay Ginoo'ng Sebastian sa palengke alam ko naman na hindi ka sanay kumain ng gulay" bigla akong napangiti sa naging sagot niya. " Mukhang mapalad ang isang binibining iibigin mo Ginoo" pabiro kong sabi bigla namang napawi ang ngiti sa mukha niya. " Paano mo nasabi yan?" lumingon siya sa akin at hinintay ang sagot ko. " Hmm.. isa kang mabait at maalaga" sagot ko bago umupo sa sala. " Sana nga magiging sapat na yun na dahilan para mahalin ako ng bibinibining iniibig ko" nagsimula siyang naghiwa ng mga sangkap. Pinagmamasdan ko ng maigi ang mga galaw niya at nakita ko kung gaano siya ga kagaling sa ginagawa niya. " Gutom ka na ba?" tanong niya bago kumuha ng panggatong sa taas. " Hindi pa naman" kinuha niya ang isang payapa at sinimulan itong balatan nakakaaliw siyang panoorin sa kusina. Pagkatapos niyang magbalat may kinuha siyang kulay berdeng dahon at hinugasan yun sa tubig. Lumapit ako sa kanya para matandaan ang mga ilalagay niya sa kawa. Una niyang nilagay ang mantika sunod ang sibuyas at hinintay niya yung maging golden brown. Pagkatapos nilagay niya ang karne ng manok at naglagay ng paminta. Kumuha siya ng tatlong baso ng tubig at nilagay yun sa kawa. " Tara na hintayin nalang natin na lumambot ang Karne bago ilagay ang payapa at saka ang dahon ng sili" tumango lang ako bago naglakad papunta sa sala. Umupo siya sa tabi ko bago ako ulit tinitigan. Medyo naiilang ako sa mga tingin niya. " Deigo sabihan mo lang ako kapag may gusto kang kainin. Sa palagay ko pumayat ka mula ng dumating ka dito" tiningnan ko ang braso ko at sinukat gamit aking kamay. " Hindi naman medyo malaki lang kasi ang damit na binigay mo" pagtanggi ko kahit na alam kong tama siya. " Ang damit na binigay ko ay magkasing laki ng mga damit na dinala mo dito. Kaya simula ngayon sisiguraduhin kong nakakakain ka ng maayos" nakaramdam ako ng kunting kilig dahil sa mga sinasabi niya hindi ko tuloy maiwasang di mapangiti. " Masaya akong makita ang mga ngiti sa labi mo" " A-ah White tingnan mo muna yung niluluto mo" tumayo naman siya sa harap ko at bumalik sa kusina. Grabe sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Arrggh Scotty kalmahan mo lang dapat siya ang iibig sayo at hindi ikaw ang iibig sa kanya. " Ayos ka lang ba sobrang pulang pula ang mukha mo" tumayo ako at tumakbo papasok sa kwarto kung saan nakalagay ang salamin. Nang makita ko mismo ang mukha ko parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Parang kamatis ang mukha ko sa sobrang pula. " Deigo ayos ka lang ba?" Sigaw niya mula sa kusina " White ayos lang ako tawagin mo lang ako kapag kakain na tayo" sagot ko sa kanya kinuha ko ang kumot at binalot ang buo kong katawan. Pagkalipas ng ilang minuto may narinig akong mga yabag papalapit sa akin. " Deigo halika kumain na tayo" tawag niya sa akin kinuha ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko bago bumangon. " Tamang tama nagugutom na ako" inabot niya ang kanyang kanang kamay para sana tulungan ako tumayo pero hindi ko yun tinanggap. " Tara na" sabi ko bago siya hinila palabas ng kwarto Pagdating namin nakahanda na ang pagkain. Kumuha siya ng plato at nilagay sa harap ko. " Maraming salamat " sabi ko bago kumuha ng pagkain " Diego sandali magdasal muna tayo bago kumain" sabi niya habang hawak ang kamay ko. Tumango naman ako bago binaba ang kutsara at tinidor. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimulang magdasal. Pagkatapos nang panalangin kumain na kami ng hapunan. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko kaya mas lalo akong ginanahan kumain. " Nagustuhan mo ba?" Tumango tango ako na patuloy lang sa pagsubo. " Sobrang sarap" sigaw ko ng maubos ang dalawang platong kanin napahawak ako sa tiyan ko habang nakaupo. Nagsimula siyang magligpit ng mga plato inagaw ko naman yun sa kanya at nagpresenta na magligpit ng hapagkainan. Pero hindi siya pumayag kailangan ko daw magpahinga para may lakas ako bukas sa pagtuturo sa mga bata. " Deigo gusto mong mamasyal sa syudad?" Tanong niya habang naghuhugas ng plato. Napaisip ako kung anong mayroon sa syudad sa ganitong panahon. " Oo naman gusto kong mamasyal kasama ka" " Natutuwa akong na pumayag ka sa susunod na linggo tayo pupunta ng syudad para maipasyal kita" Lumingon siya sa akin habang nakangiti napangiti na rin ako na nakatingin sa kanya. Naisip ko hindi naman pala kasama ang mamuhay ng ganito ka simply at payapa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD