Kabanata-9

2088 Words
Scotty Pov. Pagmulat ng aking mga mata isang lumang tugtugin ang narinig ko mula sa labas ng kwarto. Bumangon ako sa kama bago nag unat- unat ng mga buto. Pakiramdam ko sobrang magaan ang katawan ko nawala na din ang matinding pagkahilo ng naranasan ko kahapon. Lumabas ako ng kwarto at nakita si White na nagluluto ng agahan sa kusina. May nakita din akong lumang radyo kung saan nanggagaling ang tugtog. " Gising ka na pala kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya bago lumapit sa akin. " Ayos lang ako" maigi kong pinakinggan ang lumang tugtog medyo kakaiba pakinggan para sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nakinig ako sa lumang awitin. " Nagustuhan mo ba ang tugtog?" Nabaling ang attensyon ko sa kanya na kasalukuyang nakatayo sa harap ko. " Ah oo ang ganda pakinggan" ngumiti siya saka ginulo gulo ang buhok ko bago bumalik sa kusina. " Alam mo ba kung bakit nagawa ng isang mang- aawit ang kantang yan?" Ang awit ay tungkol sa pag- ibig( lovesong) kadalasan ginagawa yun kapag umiibig ang isang tao o para sa mga nag- iibigan. " Alam mo kung sino ang nagsulat ng kanta?" Tanong ko pabalik. Binuksan niya ang kawa at tinikman ang niluluto niya bago lumingon sa akin. " Oo siya ang Lolo ko" nanlaki ang mga mata ko matapos marinig yun. Sandali ibig sabihin malaki ang posibilidad na isa rin siyang mang- aawit. Lumapit ako sa pwesto niya para magtanong bigla kong gustong umusisa ng mga bagay tungkol sa kanya. " Kaya mo ring kumanta o gumawa ng kanta?" Binaba niya ang hawak niyang sandok bago tumingin sa akin. " Hindi ako katulad niya" sagot niya habang bakas ang kalungkutan sa boses niya. Bigla akong na dismaya gusto ko sana siyang marinig kumanta. " Maligo kana malapit ng maluto ang pagkain natin" tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa dingding. Nang makita ko ang oras napatakbo ako sa labas ng kubo. Pagkatapos kong kunin ang batya dumeretso ako sa sapa kung saan naliligo ang mga tao sa lugar na ito. Sobrang lamig ng tubig na nanggagaling sa isang talon kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko. Pagkatapos maligo bumalik ako sa kubo nagtaka naman siya ng makita ng bumalik ako agad. " Sigurado kabang naligo ka?" Hindi ko siya sinagot dumeresto lang ako sa kwarto hindi yata kakayanin ng aking katawan ang matinding lamig ng tubig. Pagkatapos kong magbihis lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina. " Mukhang masarap yan" sabi ko na tinitingnan ang pagkaing hawak niya. Umupo ako sa upuan habang siya naghahanda ng pagkain sa lamesa. I am lucky to have him as my personal assistant. He is a great cook and attentive guy in short he is a total package. Sabay kaming kumain ng almusal pagkatapos ng agahan namin. Hinatid niya ako sa kubo na nagsisilbing paaralan ng mga bata. Nang araw na nawalan ako ng malay dinala niya ako sa kubo niya at hindi na pinabalik sa dati kong tinutuluyan. Right now I am living with him Nang maihatid niya ako sa kubo binigyan niya ng makakaing damu si Tata kapag hapon tinulungan ko siya sa panggapas para makapag- aral si Jaylo. Matapos kung mahanda ang gamit sa pagtuturo hinintay ko ang pagdating nilang lima. At gaya ng kahapon unang dumating si Jose, sumunod si Lessel, Aryan, Jaylo at ang huling dumating si Kim kasama si Ginang Merlenda. Kumuha ako ng mga papel at binigay sa kanilang lima. Gusto kong malaman ang mga talento nila sa pagguguhit. " Makinig kayo sa akin gusto kong gumuhit ng isang bagay na mahalaga o pinahahalagan niyo sa buhay" sabi ko habang hawak ang isang papel. " Teacher kahit anong bagay?" Tanong ni Lessel na nakataas ang kamay. " Kahit ano basta sa tingin mo yun ay isang mahalagang bagay o tao sa buhay niyo. Kim read written on the board at do it on your paper" Nagsimula na silang gumuhit habang ako isa isang tinitingnan ang ginagawa nila. " Teacher pwede bang huwag mong tinititingnan ang ginuguhit ko" pakiusap ni Jaylo bago tinakpan ng dalawa niyang braso ang kanyang papel. Sa palagay ko nahihiya siya na makita ang gawa niya. Lumayo ako sa kanya para maipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pagkalipas ng kalahating oras lahat sila nagtaas ng kamay. " Mukhang tapos na kayong lahat sino ang gustong unang tatayo dito sa gitna at magbahagi ng tungkol na bagay na iginuhit niya sa papel" sabi ko habang nakataas ang kamay nagtinginan sila at nagtuturuan kong sino ang mauuna. " Teacher kailangan ba talaga namin ipakita sa gitna?" Tanong ni Lessel "Oo naman huwag kayong mahihiya ayaw niyo bang ibahagi sa akin at sa mga kaklase niyo ang bagay na mahalaga sa inyo" " Gusto namin" sabay sabay nilang sagot tumayo si Kim sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa gitna. " Let me go first " sabi nito sabay pakita ng kanyang guhit si Ginang Merlenda ang kayang naging paksa. " She is Grandmother, she is also someone who take care of me. That's why she is the most special person in my life" pumalakpak ako ng dalawang beses at pinabalik siya sa kanyang upuan. " Gayahin niyo si Kim hindi siya nahihiya magsalita dito sa gitna at magbahagi ng kanyang gawa" sabi ko para maglakas loob silang apat tumayo si Jaylo at naglakad papunta sa harap. " Ganyan nga Jaylo ngayon ipakita mo sa kanila ang gawa mo" iniharap niya ang kanyang guhit habang nakangiti. " Ito si Tata ang alaga kong kalabaw para sa akin kabilang na siya sa pamilya namin kaya mahalaga siya" " Isang masigabong palakpakan para kay Jaylo" sabi ko ng matapos siyang magsalita sa gitna. Isang ngiti ang namuo sa labi niya bago bumalik sa kayang inuupuan. " Teacher ako ang susunod" taas kamay na sabi ni Lessel tumayo siya at naglakad papunta sa gitna. " Ang ginuhit ko ay ang aking pamilya para sa akin sila ang nagsisilbing yaman ko" isang maikling salita pero sobrang sarap pakinggan sa tainga. " Magaling Lessel maaari ka ng umupo" Si Aryan ang sunod na pumunta sa gitna pinakita niya ang kanyang guhit. " Ito ang lupain namin para sa akin mahalaga to dahil dito kami kumukuha ng pagkain sa araw araw" paliwanag niya bago umupo pabalik. " Maraming salamat Aryan" Sumunod na pumunta sa gitna ay si Jose at ipinakita niya ang kanyang guhit. Isang diploma ang kanyang naging paksa hindi na ako nagulat dahil makikita ang kagustuhan niyang makapagtapos ng pag- aaral. " Gusto ko maging isang tanyag na abogado para maipaglaban ko ang ating karapatan" sa mura niyang edad matanda na siya kung mag- isip. " Maraming salamat Jose anong masasabi niyo sa ginawa natin ngayon?" Tanong ko sa kanila na nakataas ang kamay. " Teacher masaya po kami" sabay nilang sabi bago sila umuwi binigyan ko ng aralin si Kim. Alam kong nakakaunawa siya ng wika na ginagamit ng taga rito pero hindi niya kayang bumigkas ng salitang tagalog. Pagkatapos ng klasse bumalik ako sa kubo ni White. Wala siya doon kaya nagkusa akong gumawa ng mga gawaing bahay. Tiningnan ko ang mga plato na nasa kusina kumuha ako ng tubig at nilagay sa palanggana. Kumuha ako ng isang plato bago inabot ang pamunas saka nagsimulang maghugas ng pinggan. Nalalaglag ang bawat na nahahawakan ko at nabasag. " s**t!! Anong gagawin ko baka magalit si White" bulong ko habang nakatingin sa mga basag na plato. " Deigo nandito kana ba" narinig ko ang boses niya papasok ng kubo kaya mas lalo akong kinabahan. " Anong ginagawa mo diyan" lumingon ako sa pwesto niya " Paumanhin hindi ko sinasadya na mabasag ang mga plato" paliwanag ko habang nakataas ang dalawang kamay binitawan niya ang kanyang dalang supot at tumakbo papunta sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay na masigawan niya. Pero isang mainit na kamay ang humawak sa akin. " Hindi ka ba na nasugatan?" Nag aalala niyang tanong kaya minulat ko ang mga mata. " Hindi ka galit sa akin?" " Bakit naman ako magagalit sayo sa susunod huwag kang gumawa ng gawaing bahay" pangaral niya bago ako hinila palayo sa kusina. "Gusto lang naman kitang tulungan masama ba yun" pinaupo niya ako sa sala bago hinawakan ang pisngi ko. " Sa susunod kung may gusto kang matutunan sabihin mo sa akin ako mismo ang magtuturo sayo. Paano kung napahamak ka kanina" makikita ang sobrang pag aalala sa boses niya. Hindi naman ako mamamatay sa ginawa ko kanina. He remind me of my Grandfather. " Maraming salamat sa pag alala pangako ko sa susunod sasabihan kita" ngumiti siya bago naglakad palayo sa akin. Kinuha niya ang supot na binitawan niya kanina. " Diego halika ka may binili akong pagkain para sayo" inilabas niya sa supot ang kanyang mga pinamili. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mga bagay na binili niya. May nakita akong isang malaking tinapay tinanggal ko ang balot nito at nagsimulang kumain. " Ang sarap ko" sabi ko na patuloy sa pagsubo ng pagkain. " Masaya akong nagustuhan mo" kumuha ako ng isang piraso at isinubo yun sa kanya. " Ipagpatuloy mo lang ang pagkain mo asikasuhin ko lang ang mga plato sa kusina" aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Pinaupo ko siya sa sala at minasahe ang mga ang balikat niya. " Mamaya na yun alam kong pagod ka" ngumiti naman siya at sinandal ang ulo sa akin. " Umayos ka para mamasahe kita ng maayos" " Ang saya naman magkaroon ng magmamasahe kapag dumating ng bahay" " Bakit wala bang massage spa dito?" Lumingon siya sa akin na may pagtataka bigla sumagi sa isip ko na nasa 1920 pala ako ngayon. " Hindi ko alam kung ano yun pero walang massage spa dito kung gusto mo ng isang masahe kailangan mo munang mag asawa" paliwanag niya tumigil ako sa pagmamasahe at lumayo sa kanya. " Bakit hindi ka maghanap ng asawa" sabi ko bago umupo sa harap niya. Tumingin siya sa labas ng kubo saka nagpakawala ng isang malungkot na ngiti. May nasabi yata akong masama o mayroon siyang pinagdadaanan sa pag ibig sigurado akong isa siyang sawi sa pag-ibig. Kinagabihan Pagkatapos kumain ng hapunan nakita ko siyang naglalakad palabas ng kubo. Dala dala niya ang isang lampara habang naglalakad dali dali naman akong bumaba at sinundan siya ng palihim. Pumasok siya sa isang gubat kalahating kilometro ang layo mula sa kubo niya. " Saan kaya siya pupunta?" Bulong ko habang nakasunod parin sa kanya tumigil siya sa harap ng isang punong kahoy. May nakita akong hagdan na gawa sa kahoy papunta sa taas. Nasa ibabaw ng punong kahoy ang isang maliit na kubo. Ano na naman yan? Pilit kong inaninag ang kabuuan ng kubo pero madilim iniwan niya sa baba ang hawak niyang lampara bago umakyat sa taas. " Diego anong ginagawa mo dito?" Halos napasigaw ako dahil sa gulat ng lumingon ako nakita ko si Ginoo'ng Ronaldo na nakatayo sa aking likuran. " Magandang gabi Ginoo'ng Ronaldo nakita ko kasi si White na umakyat sa taas ng kahoy" paliwanag ko habang nakaturo sa taas. " Mabuti pang bumalik kana halika sasamahan kita" tumango naman ako bago sumunod sa kanya hindi parin nawawala ang takot kapag kausap ko siya. Pagkatapos niya akong ihatid nagpaalam na siyang umalis. Nagpabalik balik ako sa paglalakad sa sala habang hinihintay si White. " Diego ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses niya kaya lumingon ako. " White saan ka galing?" Bungad kong tanong sa kanya mayroon siyang hawak na isang kuwaderno sa kabilang kamay. " May kinuha lang ako" sagot niya bago itinaas ang kuwadernong hawak niya. Lumapit siya sa akin at nilagay yun sa harap ko. " Maaari ko bang tingnan?" Tanong ko ng tumango siya agad ko yung binuksan. Isang manuscript ang nababasa ko na nakasulat sa kuwaderno. " Isa kang manunulat?" Isinara ko ang kuwaderno bago tumingin sa kanya. Ngumiti siya bago tumango ayun sa nabasa ko nakakamangha kung paano niya gamitin ang mga salita. " Mula pagkabata naging libangan ko na ang pagsusulat hangang ngayon" "White ipinagmamalaki kita" sabi ko sabay iniabot ang kuwaderno pabalik sa kanya. " Maraming salamat Deigo" yan ang huling sinabi niya bago kami matulog. Pumasok siya sa kwarto niya at ganoon din ako. Habang nakahiga hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Mayroon talaga akong ibang kutob na hindi ko kayang ipaliwanag. Scotty matulog ka nalang kaya ang dami mong iniisip pinikit ko ang aking mga mata at natulog ng makaramdam ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD