Scotty Pov.
Ngayong araw ay sabado ibig sabihin hindi ako magtuturo sa mga bata.
" Tulungan niyo ako" sigaw ko habang tumatakbo kasalukuyan akong hinahabol ng isang inahin nagalit ko yata siya ng hawakan ko ang kanyang sisiw.
Tumakbo ako papalapit kay White at nagtago sa likod niya. May narinig akong tawanan sa paligid lahat ng mga tao dito nakatingin sa akin na nakangiti.
" Diego ayos ka lang ba?" Tanong ni White na halatang nagpipigil ng tawa lumayo ako sa likod niya ng mawala ang inahin na humahabol sa akin.
" Teacher takot ka pala sa isang inahin?" Tanong ni Jose na magpapakain din sa iba pang manok.
" Hindi ako natakot nagulat lang talaga ako" sabi ko bago ulit kumuha ng palay sa lalagyan. Ito ang ginagawa nilang pagkain sa kanilang alagang mga manok.
" White, Diego" tawag ni Ginoo'ng Sebastian lumapit siya sa amin habang dala ang isang garab yun ang gamit panggapas ng palay.
" Ginoo'ng Sebastian may kailangan kaba?"
" Pwede bang humingi ng pabor sa inyo" pakiusap niya tumango si White at nakinig sa mga sasabihin niya.
Pagkatapos ng pag uusap namin dinala niya kami sa isang palayan lahat ng tao ay abala sa pagtatrabaho. Nandoon din sina Aryan at ang mga magulang niya.
" Ginoo'ng Hener ako na po ang mag aararo ng lupa" sigaw ni White bago lumusong sa ginagawang palayan.
" White maraming salamat sa tulong mo" sabi niya bago binaling ang tingin sa akin.
" Ito ba ang bagong guro sa bayan natin?"
" Hello po Ginoo'ng Hener ako po si Deigo ikinagagalak kong makakikala kayo" magalang kong sabi ngumiti siya bago umahon sa palayan maraming putik ang nasa paa at kamay niya.
" Tama nga ang sinasabi nila isa kang gwapong Ginoo" tumawa ako ng marinig ang papuri niya.
" Marami pong salamat sa papuri"
" Siya nga pala kaya mo ba itong ginagawa nila. Mukhang hindi mo pa ito nasusubukan" tiningnan ko ang mga tao na nagtatanim ng panibagong palay.
" Huwag po kayong mag alala nandiyan si White para turuan ako" sabi ko na nakaturo sa kanya tumango naman siya bago umalis sa harap ko.
" Sigurado kabang kaya mo ito?" Lumusong ako sa putikan at lumapit sa kanya nakaapakan ko ang madulas na parte ng palayan kaya nawalan ako ng balanse.
Bumagsak ako sa putikan sinubukan pa akong saluhin ni White pero nahuli na siya. Inalalayan niya akong tumayo bago tumawa ng malakas. Hinawakan ko siya sa pisngi at nilagyan ng putik ang mukha niya.
" Ang gwapo mo naman Ginoo" sabi ko bago siya niyakap ng mahigpit lahat ng dumi sa damit ko napunta na sa kanya.
" Diego" bago pa niya ako mahuli tumakbo na ako papalayo sa kanya naghabulan kami sa gitna ng putikan.
" Teacher dito" sigaw ni Aryan lumapit ako sa kanya at nagtago sa likod niya tumigil si White sa harap nito bago tumingin sa akin.
" Ginoo kaya mo bang saktan ang isang dalagang katulad ko" nakapamaywang na sabi ni Aryan bigla siyang napakamot sa ulo saka itinaas ang kamay niya.
" Suko na ako Diego umalis kana sa likuran ng isang magandang dalaga" ginawa ko ang sinabi niya hindi siya gumanti sa akin sa halip bumalik siya sa trabaho at nagsimulang mag araro.
Tumulong ako sa pagtatanim sa paglipas ng ilang oras naramdaman ko ang p*******t ng aking likuran mabuti nalang tapos na kaming magtanim.
" Deigo ayos ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa braso habang naglalakad kami paalis sa putikan.
" Masakit yung likod ko" sabi ko habang hawak hawak ang aking baywang bigla siyang umupo sa harap ko saka sumenyas na sumakay sa likod niya.
Binuhat niya ako papunta sa ilalim ng kahoy at pinaupo sa damuhan sinandal ko ang aking katawan habang nakapikit.
" Maraming salamat sa pagtulong sa amin dito alam kong hindi yun kasama sa trabaho mo"
" Wala yun masaya akong nakatulong" sagot ko na nakapikit parin. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangiti siya.
" Alam mo dahil masipag ka aalis tayo bukas para pumunta sa syudad" minulat ko ang aking mga mata saka tumingin sa kanya hindi ko maiwasang manabik sa bukas na darating.
Pagtatanim ng kamote ang sumunod namin na ginawa. Unang hakbang sa pagtatanim ng kamote kailangan mong gumawa ng butas gamit ang pambungkal ng lupa. Ilalagay ang puno ng kamote pagkatapos apakan mo ng iyong mga paa ang paligid nito para matiyak na maayos ang pagkakatanim. Halos dalawang oras rin naming ginawa yun bago natapos, nagdala ng masasarap na pagkain si Ginoo'ng Hener at ibinigay sa amin. Sabay kaming kumain ng tanghalian mas lalo akong ginanahan kapag maraming kasabay sa pagkain.
" Mga kasama gusto niyo bang pumunta sa bahay mamaya kaarawan ng aking panganay na anak. Magkakaroon tayo ng kunting kasiyahan doon" sigaw ng isang lalaki agad namang sumagot ang mga tao na pupunta sila sa kaarawan mamaya.
" Deigo pagkabalik natin sa kubo maligo ka pupunta tayo sa bahay ni Ginoo'ng Tiban" sabi ni White habang kumakain kami gusto ko sanang pumunta pero hindi maalis sa akin ang pag aalangan.
" Ikaw nalang siguro ang pumunta" ibinaba niya ang platong hawak niya bago hinawakan ang aking kamay.
" Hindi ako pupunta kapag hindi ka sumama alam mo bang magtatampo si Ginoo'ng Tiban kapag hindi tinanggap ang kanyang paanyaya" mukhang wala akong pagpipilian kung di pumayag sa gusto niya.
" Payag na akong pumunta tayo mamaya" sabi ko bigla niya na lang akong niyakap natuwa yata siya dahil pinagbigyan ko ang gusto niya.
" Maraming salamat Diego" sabi niya bago ako binitawan
Pagkatapos ng tanghalian bumalik kami sa kubo sabay kaming naligo sa sapa para matanggal ang dumi at pawis sa katawan namin. Hindi parin sanay ang katawan ko sa sobrang lamig ng tubig sa sapa umahon ako habang yakap yakap ang aking sarili.
" White ayaw ko ng nagbababad diyan mauuna na ako sayo" sabi ko bago tumakbo sa pabalik ng kubo.
Agad akong nagbihis ng damit at hinintay ang pagbalik niya. Tumigil siya sa harap ko at tinitigan ako mula ulo hangang paa.
" Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko ng makita kong gaano siya makatitig.
" Alam mo baka ikaw ba ang unang makapag asawa sa ating dalawa" tugon niya bago naglakad papunta sa kwarto niya.
" Anong ibig mong sabihin?"
" Gusto ko lang sabihin na sobrang gwapo mo ngayon sa suot mong damit. Sigurado akong lahat ng attensiyon ng mga binibini ay napapasayo" dagdag pa niya bago sinara ang pinto nagseselos ba siya.
Nang lumabas siya sa kwarto tinitigan ko ang suot niyang damit. Tingin ko nagkakamali siya mas maraming mga binibini ang magkakagusto sa kanya. Kahit simpleng damit lang ang kanyang suot sapat na para makuha ang attensiyon ng isang magandang binbinibi. Kapag nasa 20th century siya magiging isa siyang sikat na modelo o artista.
Isang Ginoo na pagkakaguluhan ng lahat. Umalis kami magkatapos niyang magbihis. Halos sampung minuto ang nilakad namin bago maraming ang bahay ni Ginoo'ng Tiban. Isang Ginang at binibini ang sumalubong sa amin.
" White masaya akong pumunta kayo" sabi ng isang Ginang
" Maligayang kaarawan Binibining Kate" bati ni White bago halikan ang kanyang kamay.
" Maraming salamat White" isang ngiti ang namuo sa labi ng binibini nakita ko ang paghanga niya kay White sa kanyang mga mata.
" Sandali siya ba si Diego ang bagong guro dito sa bayan natin?" Tanong ng Ginang
" Tama po kayo Ginang Alma "
" Ako nga pala si Diego, maligayang kaarawan sayo Binibining Kate"
" Ikinagagalak naming makilala ka Diego" sabi ng Ginang marami pang ibang mga bisita na dumarating.
"White, Diego lumapit kayo dito" tawag ni Ginoo'ng Sebastian sa amin lumapit kami sa pwesto nila mayroong isang petsel at baso sa gitna ng lamesa.
" Diego hinahamon kita sa isang inuman" tinitigan ko ang laman ng petsel hindi naman yun isang alak dahil iba ang kulay nito.
" Ano po yan?" Tanong ko bago tinuro ang laman ng baso
" Nakalimutan ko galing ka pala sa isang mayamang pamilya sa palagay ko hindi mo ito alam" umiling iling ako at naghintay ng kanyang paliwanag tungkol tinutukoy nilang alak.
" Deigo makinig ka tuba ang tawag namin dito galing ito sa puno ng niyog. Sobrang tamis at nakakawala ng pagod kapag uminom ka nito" paliwanag ni Ginoo'ng Sebastian
" Huwag kang mag alala hindi ito nakakalasing" sabi ni White bago ininom ang laman ng baso.
Ininom ko rin ang binigay nila sa akin nalasahan ko ang matamis na lasa ng itinuturing nilang alak.
Araw ng linggo
" Ginoo'ng Sebastian maraming salamat sa paghatid" sabi ni White ng makarating kami sa labasan. Dito dumadaan ang lumang train papunta sa syudad.
" White titiyakin mong malilibang si Diego sa pamamasyal"
" Opo huwag kayong mag alala ako ang bahala sa kanya" umalis si Ginoo'ng Sebastian sakay ng kabayo hinatid niya kami gamit ang bagonita.
" Nasasabik kaba sa lugar na pupuntahan natin?" Tumango ako na nakangiti Ilang sandali pa ay dumating na ang train.
Sumakay kami sa loob halos dalawang oras din ang biyahe ng marating namin ang syudad. Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid mas maganda pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Kahit na kunti lang ang mga gusali masasabing angkop ito na tawaging isang syudad.
" Deigo nagustuhan mo ba?" Tanong ni White ngumiti ako ng malapad saka tumango.
" Saan tayo pupunta?" Sa halip na sagutin niya ang tanong hinila niya ako papasok sa isang gusali. Maraming tao sa loob lahat sila nakapila papasok sa isang pinto.
" Anong mayroon diyan?" Tanong ko bago kami pumila
" Isang teatro " sagot niya hindi naman akong mahilig nanood ng teatro pero walang masama kung susubukan ko.
Nagbayad siya ng twenty centavos bago kami pumasok sa loob. Sa likuran kami upuan at hinintay na magsisimula ang palabas. Sa kalagitnaan ng palabas biglang naiyak si White kumuha ako ng panyo at binigay sa kanya.
" Mas mabuting lumabas nalang tayo" tatayo na sana ako puro hinawakan niya ang aking braso.
" Sandali hindi pa tapos ang palabas" sabi niya bago pinunasan ang kanyang mga luha.
" O siya kung yan ang gusto mo huwag ka kasing umiyak" akala ko titigil na siya pero patuloy parin ito sa pag iyak masyado siyang nadadala sa palabas.
" Grabe sadyang nakakalungkot ang kinalabasan ng kwento" sabi niya ng makalabas kami lumuwag ang pakiramdam ko hindi kasi karaniwan sa akin na makakita na umiyak ang isang lalaki.
" Ayos ka lang ba?" Tanong ko saka hinipo hipo ang likod niya umupo siya sa isang tabi at tumingala sa akin.
" Bakit hindi ka umiyak ayaw mo ba sa palabas?"
" Gusto pero hindi naman yun nakakaiyak iiyak ako kapag namatay lahat ng tao sa palabas" nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang humagolhol hindi ko akalain na ganito kalambot ang kanyang damdamin.
Bago paman bumaha ang buong gusali ng kanyang mga luha hinatak ko siya paalis.
" Saan tayo susunod na pupunta?" Tanong ko habang hawak parin ang kamay niya.
" Mayroong malapit na parke dito" tumigil siya sa pag iyak at dinala ako sa pasyalan.
" White bumili ka ng ganyan" sabi ko na nakaturo sa isang lalaki na nagtitinda ng sorbetes.
" Ginoo pabili nga ng dalawang piraso" ibinigay sa akin ng nagtitinda ang isang piraso agad ko yung tinikman sobrang sarap talaga ng ice cream.
Pagkatapos niyang magbayad naglakad lakad kami sa parke. Maraming tao ang namamasyal dito mayroong magkapamilya, magkasintahan, yung iba sulo na namamasyal. Nabaling ang attensyon ko sa kanya ng maramdaman kong nakatingin siya sa akin.
" May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko umiling iling siya bago umiwas ng tingin.
" May gusto kabang sabihin?"
" Wala gusto ko lang masigurado na masaya ka ngayong araw" tugon niya tumayo ako sa harap niya at pinakita ang malapad na ngiti.
" Ngayon alam mo na kung ano ang sagot sa tanong mo Ginoo" nilagyan ko siya ng sorbetes sa mukha bago tumakbo.
Sinubukan niya akong habulin pero hindi niya nagawa. Lumapit ako sa kanya ng bigla siyang napaupo at halatang naghahabol ng hininga.
" Ayos ka lang ba?"
Nang makalapit ako sa kanya hinatak niya ako bigla at kiniliti sa katawan. Tumawa ako ng malakas habang sinusubukan na maitulak siya palayo. Laking pasalamat ko ng tumigil siya pakiramdam ko kakapusin ng hininga.
" Handa kana ba sa susunod nating pupuntahan?"
" Oo naman ano ba yun?" Bumangon siya sa pagkakahiga at nilahad ang kanyang kamay.
" Tara na " tinanggap ko yun tinahak namin ang daan patungo sa isang lugar.
Mayroong isang bukal sa gitna ng isang hardin. Nakakamangha ang kagandahan ng mga bulaklak isama mo pa ang bukal tamang tama ang lugar na ito sa mga magkasintahan. Kumuha siya ng limang centavos at binigay sa akin.
" Nagawa mo na ba ito dati?" Ngumiti ako saka tumango pinikit ko ang aking mga mata bago hinagis ang pera sa bukal.
" Ano ba ang hiniling mo?"
"Hindi ko yung pwedeng sabihin sayo"
Siya naman ang pumikit bago hinagis ang pera sa bukal.
"Ano ang hiniling mo?"
" Sana matupad ko lahat ng parangap nating dalawa" tumawa lang ako matapos marinig ang sinabi niya
Dumaan kami sa isang palengke para mamili bago umuwi ng Manangpula.
" Deigo gumising ka nandito na tayo" narinig ko ang pagbulong ni White nakatulog pala ako habang nakasandal sa braso niya.
Bumaba kami ng train sa labasan naghihintay sa amin si Ginoo'ng Sebastian kasama ang mga bata.
" Teacher" bumaba sila sa bagonita at tumakbo papalapit sa akin.
" Bakit kayo nandito?"
" Gusto lang namin na makita kayo" labis kong ikinatuwa ng makita sila magkasama kaming bumalik habang masayang nagkukwentuhan sa daan.