Kabanata-12

2101 Words
Scotty Pov. Bigla kong nabitawan ang hawak kong tisa ng marinig ang sunod sunod na putok ng baril. Sa hindi malaman na dahilan bigla akong napatakbo palabas ng kubo hindi ko alam kung saan ako papunta. Nakita ko ang mga bata na naglalakad kaya lumapit ako sa kanila. " Jose, Aryan, Jaylo, Lessel, Jaylo, Kim, Ginang Merlenda yumuko kayo" sigaw ko ng makita ang mga taong nagpapuputok ng baril malapit sa kanila. " Teacher anong nangyayari?" Nakita ko ang takot sa mga mata nila kahit na ako nanginginig habang pinakikinggan ang bawat putok ng baril. " Ayos lang ba kayong lahat?" Tanong ko lahat sila tumango nagsimulang umiyak si Aryan at Lessel. " Makinig kayo sa sasabihin ko gumapang kayo papalayo dito Jose ikaw ang mauuna" " Teacher natatakot po ako" sabi niya habang nanginginig niyakap ko siya ng mahigpit para kumalma siya ng kaunti. " Huwag kang mag aalala nandito lang ako basta sundin niyo lahat ng sasabihin ko" tumango naman silang lahat unang gumapang paalis si Jose, sumunod si Lessel, Aryan, Kim, Jaylo, at ang huli si Ginang Merlenda. " Deigo sumunod ka sa amin" makikita ang pag aalala sa mukha ng Ginang. " Huwag kayong mag aalala sa akin kayo na muna ang bahala sa mga bata" " Sige basta mag iingat ka" Nang makaalis silang anim sinubukan kong silipin ang mga tao sa di kalayuan. " Kahit anong gawin niyo hindi namin ibibigay ang aming lupain" sigaw ng isang lalaki sandali tingin ko pamilyar ang boses na yun. " Ibibigay niyo ito sa amin sa ayaw at gusto niyo. Ito ang buong lupain ay pagmamay- ari na ni Mr. Tan" " Hindi yan totoo ipinamana pa ng aming mga ninono ang mga lupain na to. Kaya isang kasinungalingan ang mga sinasabi niyo" Sinubukan ko pang lumapit sa lugar hindi ko nakikita ng maayos ang mga taong nagtatalo sa di kalayuan. Basi sa mga narinig ko pinag-aagawan nila ang mga lupain. " Kung ayaw niyo sa mabuting usapan daanin nalang natin ito sa isang dahas" Nagsimula ulit ang barilan sa pagitan ng dalawang grupo. Tumigil ako sa paggapang at tinakpan ng dalawang kamay ang mga tainga ko. " Diego na saan ka?" Narinig ko ang boses ni White " Nandito ako" sigaw ko dumating siya na may dalang isang baril. " Saan mo nakuha yan?" Natataranta kong tanong ewan ko ba hindi ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng baril pero ngayon sobrang kinakabahan ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito. " Sino ba sila?" Tanong ko hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa lugar kung saan galing ang mga putok. " Deigo bumalik kana sa kubo ngayon din hindi ka ligtas dito" " Hindi ako aalis dito baka kung anong mangyari sayo" pagtutol ko isang malamig na tingin ang itinapon niya sa akin na ikinagugulat ko. " Diego umalis kana" pag uulit pa niya kahit na ayaw ko wala akong nagawa. Mabilis akong tumakbo paalis sa lugar habang tumatakbo bigla kong naalala si Greg ang taong handa gawin ang lahat para protektahan ako. " Teacher mabuti naman ayos ka lang" umiiyak si Jaylo na tumatakbo papalapit sa akin. " Teacher I'm happy that you're safe" isa isa silang yumakap sa akin " Diego mga bata ano pa ang ginagawa niyo dito" sumulpot si Ginoo'ng Sebastian sa harap namin may dala rin siyang baril. " Halika na kayo kailangan nating pumunta sa tagong lugar" sabi ni Ginang Taba ang Ina ni Aryan. " Ginoo'ng Sebastian ano po ba ang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong habang tumatagal mas lalong dumadami ang mga putok ng mga baril. " Deigo huwag kang mag aalala ayos lang ang lahat" sabi niya bago tumakbo paalis. Dinala kami ni Ginang Taba sa gitna ng kagubatan habang naglalakad kami bigla kong naalala na ito ang lugar kung saan ko sinusundan si White. Nadaanan namin ang kubo sa itaas ng punong kahoy. " Teacher is everything okay?" Tanong ni Kim patuloy parin siya sa pag iyak. " Kim don't worry we will be fine" sabi ko kahit na alam kong hindi tiyak ang aming kaligtasan. " I want to talk to my parents" sinubukan siyang pakalmahin ni Ginang Merlenda. Habang tumatagal mas lalo kaming napapalayo tingin ko nasa gitna na kami ng kagubatan. " Nandito na tayo" may nakita akong mga bahay mukhang bagong lang gawa ang mga yun. " Halika kayo pansamantala dito muna tayo titira" Bumaba kami sa bangin kung saan nakatirik ang mga kubo. Doon kami nanatili bakas sa mukha ng mga tao dito ang takot hindi ko rin sila masisisi. Lumubog ang araw at hindi parin sila dumadating pabalik balik lang ako sa paglalakad habang ang iba ay mataimtim na nagdadasal. Ilang sandali pa ay dumating sina Ginoo'ng Sebastian at ang mga kasamahan niya lahat sila duguan at may mga tama ng bala sa katawan. " White ayos ka lang ba?" Inisa isa kong tingnan ang katawan niya nakahinga ako ng maluwag ng wala siyang sugat sa katawan. " Diego ayos lang ako pero may mga tama ang kasamahan natin" isa isa silang pinasok sa loob ng kubo lahat ay hindi mapakali ng makita silang sugatan. " Ama ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Aryan na umiiyak yakap yakap niya ang kanyang Ama. " Anong gagawin natin ngayon masyadong malayo ang hospital sa bayan natin. Kung di tayo kikilos maaari silang mamatay " sabi ng isang Ginang kaya mas lalong nadadagdagan ang tensiyon. " Tumahimik kayo ang kailangan natin ngayon ay gamutin ang mga sugat nila. Pakiusap kumuha kayo ng mga halamang gamot na pwedeng gawing panlunas" mahinahon kong sabi lahat sila tumahimik at nakatingin sa akin. " Gawin niyo ang sinabi ng Ginoo" sigaw ni Ginoo'ng Sebastian kaya kumilos sila ang iba naiwan dito para alalayan ang mga nasugatan. " Diego mayroon kabang alam sa paggamot?" Tanong ni White " Nag aral ako ng medisina " sagot ko ng makabalik ang mga tao na kumuha ng halamang gamot sinumulan ko ng paggamot sa kanilang mga sugat. Kahit na nanginginig ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa mga sugat at ang paglagay ng mga halamang gamot. Maraming tumulong sa akin, mayroong kumukuha ng pamunas, malinis na damit na maaring gawing pantakip sa sugat. Mabuti nalang hindi gaano kalalim ang mga sugat nila. " Maraming salamat Deigo sa pagtulong sa kanila" sabi ni Ginang Taba habang pinagmamasdan ang asawa at kababayan niyang natutulog. " Huwag niyo pong alalahanin ang bagay na yun" sagot ko para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang maayos silang lahat. " O siya matulog kana alam kong napagod ka" nakaupo lang ako habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa bayan na ito. Kinabukasan " Diego.. diego" nagising ako sa malakas na sigaw na tumatawag sa akin. " Diego gumising ka" sandali boses yun ni White minulat ko ang aking mga mata nakita ko siyang nakatayo sa harap ko. " May nangyari ba?" Bumangon ako sa sahig at inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Nang makita ko si Ginoo'ng Ronaldo na nanginginig agad akong tumayo saka tumakbo papunta sa direksyon niya. " Teacher ayos lang ba ang aking Ama?" Tanong ni Aryan habang umiiyak hinipo ko ang noo niya gaya ng inaasahan mayroon siyang mataas na lagnat. " Kailangan siyang dalhin sa hospital" sabi ko bago ito inalalayang tumayo dali dali naming siyang inilabas sa gubat. Habang naglalakad mayroong mga tao na biglang lumitaw at agad kaming pinalibutan. Lahat sila may hawak na baril at mukhang handang pumatay. " Doko ni iku no?" nagsalita ang leader ng mga taong may na hawak na baril tingin ko isang hapon ang amo nila. " Kare o byōin ni tsureteiku hitsuyō ga arimasu" pakiusap ko para mapayapa makaalis agad kami. "Mōshiwakearimasenga minasan o ika seru koto wa dekimasen" " Onegaidakara, Jihi o onegaishimasu " "Mōshiwakearimasen ga wakai otoko" itinaas nila ang mga dala nilang baril. "Kare ga watashitachi o korosu no o tetsudaitainara" sobrang lakas ng t***k ng puso ko bago pinikit ang aking mga mata hinintay ko nalang ang pagtama ng bala sa katawan ko. "Chottomatte, wakai otoko to hanasa sete kudasai" minulat ko ang aking mga mata ng marinig ang ma authoritadong boses. Isang matandang hapones ang nakatayo sa harap namin. Nakasuot siya ng magarang damit, mayroon siyang malalamig at nakakatakot na tingin. He is giving me a mafia boss vibes. "Watashi wa Tan-sandesu watashi wa kono basho no atarashī shoyū-sha ni narimasu" pakilala niya sa akin "Anata no seimei o shōmei suru tame no kami wa arimasu ka" tanong ko ng bigla niyang angkinin ang mga lupain ng mga tao. "Watashi wa motte imasenga, watashi wa shinjitsu o katatte imasu" "Watashi wa anata o shinjite imasen" "Sore wa anata shidaidesu wakai otoko" "Sate, watashitachiha iku hitsuyō ga arimasu" "Tsudzukete chūi shite kudasai" halos tumindig ang mga balahibo ko matapos marinig ang sinabi niya na may halong pagbabanta. Sa kabilang banda nakahinga ako ng maluwag matapos niya kaming paalisin. Agad naming sinakay si Ginoo'ng Ronaldo sa bagonita mabilis ang pagpapatakbo ni White ng kabayo kaya nakarating kami agad sa labasan. Sa kabutihang palad nagkataon rin na dumating ang train. Pinakiusapan ni White ang nagsisilbing drayber kaya mabilis kaming nakarating sa isang hospital. " Miss please take care of him he needs medicine" sabi ko sa doktor Ginamot siya sa loob habang kami nanatili sa labas. Nakatayo lang ako na hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Binaling ko ang attensiyon kay White tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip. " White sabihin mo nga sa akin ang lahat sino ba ang mga taong nanggugulo kanina. Sila rin ba ang dahilan kung bakit maraming sugatan sa mga kasamahan natin?" Hindi niya sinagot ang tanong ko tahimik lang siya habang nakatungo. Hindi ko siya mapipilit na magsabi ng totoo mas pinili ko nalang manahimik hanggang siya na mismo ang magsabi. Paglabas ng doktor kinausap ko ito para tanungin kung ano ang kalagayan ni Ginoo'ng Ronaldo sa kabutihang palad maayos ang lagay niya kailangan niya lang ng kunting pahinga para makabawi ng lakas ang kanyang katawan. " White maayos na ang lagay ni Ginoo'ng Ronaldo kail----------". Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nakita ko siyang nakatungo habang umaagos ang mga luha sa mga mata niya. Nanginginig rin ang buo niyang katawan lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ng sobrang higpit. " Diego paumanhin hindi ko na kayang pigilan ang mga luha sa mga mata ko" " Huwag mong alalahanin yun ang mahalaga maayos lang ang lahat" hinipo hipo ko ang likod niya para unti unti itong kumalma. " Natatakot ako baka mayroon pang ibang madamay sa mga nangyayari" panimula niya " Matagal na ba itong nangyayari bakit hindi kayo nagsumbong sa mga pulis?" Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin, mas lalong naging seryoso ang mukha niya. " Diego si Ginoo'ng Tan ang taong kayang bilhin ang lahat maging batas man maraming siyang koneksyon galing sa mataas na opisyal ng gobyerno. Matatalo lang kami dahil isa siyang makapangyarihang tao" " White makinig ka hindi lahat nabibili ng pera naniniwala ako na mayroon paring mabubuting pulis na gagawin ang tama at makatarungan " pinunasan ko ang mga luha niya sa mukha bago ulit siya niyakap. Bumalik si White sa Manangpula naiwan naman ako para magbantay kay Ginoo'ng Ronaldo. Sa kanyang pagbalik kasama na niya sina Ginang Taba at Aryan. "Teacher, kamusta si Ama?" Bungad ni Aryan ng makapasok sila sa loob. "Maayos lang siya kailangan niya lang magpahinga" tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papalapit kay White. "Kamusta ang ibang tao sa bayan?" "Ayos lang naman ang lahat umalis na din ang mga taong nanggugulo" sagot niya habang nakapamulsa "Mabuting balita yan ibig sabihin wala ng gulo" nakangiti kong sabi makikita parin ang pag aalala sa mukha niya. " Hindi tayo nakakatiyak sa ganyang bagay kilala namin si Ginoo'ng Tan hindi siya matatahimik kapag hindi niya nakukuha ang kanyang nais" tinapik ko ang balikat niya "Huwag kang mag alala handa akong tulungan kayo" " Hindi yun maaring mangyari ayaw kong mapapahamak ka" pagtutol niya " Kaya ko ang sarili ko magaling din akong humawak ng baril" " Diego mas makakabuti kung babalik ka muna sa bansang pinanggalingan mo. Sobrang delikado kapag nanatili ka sa bayan natin tiyak akong madadamay ka" mungkahi niya na nagpakulo sa kumulo ang dugo ko. " Mananatili ako dito, tutulungan ko kayo sa ayaw at gusto ko" sabi ko bago naglakad paalis iniwan ko siya sa loob ng hospital. " Deigo sandali hintayin mo ako" nagpatuloy lang ako sa paglalakad gagawa ako ng paraan para tulungan sila sa abot ng aking makakaya. Kahit na mabahiran ng dugo ang sarili kong mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD