Scotty Pov.
" Diego pakiusap kausapin mo ako" sigaw ni White habang naglalakad sa aking likuran. Napatigil ako bigla ng hilain niya ang kaliwang braso ko.
" Paumanhin kong nasabi ko ang mga bagay na yun. Sana maunawaan mo na nag- aalala lang ako" nakatungo niyang sabi tinanggal ko ang braso na hawak niya bago nagsalita.
" Ano ang sunod niyong gagawin pagkatapos na nangyari?"
" Hindi ko rin alam pero hindi namin basta ibibigay ang lupang pagmamay ari namin"
" White hindi na magbabago ang aking pasya tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya" inilahad niya ang kanyang kamay tinapunan ko naman siya ng tingin na may pagtataka.
" Tanggapin mo ang kamay ko tanda na nagkakasundo tayong dalawa" kumuha ko naman ang kamay niya.
Magkasama kaming bumalik sa bayan ng Manangpula. Pagdating namin mayroong nagaganap na isang pagtitipon.
" Ginoo'ng Sebastian anong nangyayari dito?" Tanong ni White ng makalapit kami sa kanila.
" White, Deigo mabuti naman na nakabalik na kayo"
" Kailangan nating mag- usap tungkol sa mga nangyari kahapon"
" Tama si Ginoo'ng Fredo kailangan nating pag-isipan ang susunod nating hakbang" pag sang ayon ni Ginoo'ng Hener.
" White, Diego kailangan ko ang mungkahi niyong dalawa" dinala kami ni Ginoo'ng Sebastian sa kanyang bahay para doon mag- usap.
Umupo sila sa sala habang ako nakatayo at nakikinig sa mga pinag- usapan nila.
" Kailangan nating lumaban hindi nila pwedeng kunin ang nabuhayan natin" panimula ni Ginoo'ng Hener.
" Wala silang ginawa kung di abusihin tayo alam natin na mahirap lang tayo pero hindi Ibig sabihin na papayagan natin ang kanilang ginagawa" matapos kong marinig ang mga sinasabi nila mayroong akong isang bagay na naalala.
Flashback 5 years ago
" Young Master sigurado kaba dito pa-paano ang mga tao?" Tanong ni Greg matapos basahin ang mga papeles.
" Greg I don't care gusto kong makuha ang property na yun. Isa pa ako ang nagmamay- ari sa mga lupain hindi sila" pagmamatigas ko.
" Alright Ill do what you want" nakita ko na labag sa kalooban niya ang mga inuutos ko.
" Greg huwag ka ngang sumimangot gawin mo nalang ang mga utos ko" tumango siya bago lumabas ng kwarto.
" Sandali bago yun bakit mukhang badtrip si Greg sayo?" Tanong ni Stacy ng pumasok siya sa loob.
" What's bring you here?" Umupo siya sa tabi ko bago ako binatukan sa ulo.
" Alam mo ang sama ng ugali mo para hindi ka masaya na makita ako" nakasimangot niyang sabi.
" Stacy kailangan ko palang umalis kailangan kong samahan si Greg" tumayo ako sa kama at iniwan siya sa loob.
" Greg hintayin mo ako sasama ako" binuksan niya ang pinto ng sasakyan magkasama naming pinuntahan ang isang private property na dapat matagal ng nilisan ng mga tao.
Pagdating namin sinalubong kami ng mga taong galit. Lumabas kami ng sasakyan at humarap sa kanila.
" Mr. Anderson nagmamakaawa kami huwag niyo kaming paalis dito"
" Tama wala kaming ibang pupuntahan " pagmamakaawa nilang lahat . Mas lalong uminit ang ulo ko gusto ko lang kunin ang bagay na pagmamay ari ko masama ba yun.
" Problema niyo na yun pwede ba magsilayas kayo" sigaw ko bumalik ako sa loob ng sasakyan matapos masabi ang kailangan kong sabihin.
End of the flashback
Hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos kung kunin ang ikinabubuhay at tahanan nila. Kahit na sabihin na pagmamay - ari ko yun hindi parin ako naawa sa kanila.
" Deigo ayos ka lang ba?" Nakita ko na nakatitig si White sa akin.
" Deigo narinig naman na marunong ka ng wika nila. Gusto namin sana silang kausapin bago tayo hahantong sa dahas"
" Huwag kayong mag alala tutulong ako" sagot ko
" Maraming salamat Deigo yun lang ang pabor na hihingin namin sayo"
" Kaya ko kayong tulungan sa isang pang bagay" lahat sila napalingon sa pwesto ko.
" Deigo sigurado kabang kaya mo?" Tanong ni White naglalagay siya ng mga lata sa harapan bilang target ko.
Gusto kong ipakita ang galing ko sa paghawak ng baril para mapatunayan kong kaya ko ring lumaban. Tinuon ko ang hawak na baril sa target at isa isa yung pinatumba.
" Mga Ginoo pasado na ba ako bilang maging kakampi niyo sa laban?" Tanong ko bago lumingon sa kanila.
Makikita ang pagkabigla sa ekpresyon ng mukha nila.
" Diego ang galing mo " papuri ni Ginoo'ng Sebastian
" Hindi ko akalain na ganyan ka kagaling" sabi naman ni White tinapik ko ang balikat niya bago ibinigay ang baril na hawak ko.
" Alam kong lahat sa inyo ay marunong humawak ng baril. Pero dapat kaya niyo ring patamaan ang mga bagay na gumagalaw gaya nito" kinuha ko ulit ang baril sa kamay ni White ang bahay ni Ginoo'ng Sebastian ay malapit mismo sa gubat.
Kinalabit ko ang gatilyo kasabay nang pagbagsak ng isang manok.
" Paumanhin maari isa sa inyo ang nagmamay -ari sa manok na aking napatay gusto ko lang ipakita kung ano ang nais kong sabihin" ibinaba ko ang baril sa lamesa.
" Diego maliit na bagay lang yun kung ang paghusay sa paghawak ng baril ang makakatulong para maitaboy silang lahat gagawin namin.Ikinararangal kong matuto sayo"
" Tama siya kailangan natin silang mapaalis " pag sang ayon ng isang Ginoo.
" Alam ko na hindi ito magiging madali pero umaasa parin ako na hindi hahantong sa paghawak ng baril para makamit ang tapas na paghatol. Kailangan man ang paggamit ng baril sa dahas ay hindi katanggap tanggap"
" Yun din ang hiling namin pero kapag nagkagipitan wala na kaming magagawa" sabi ni Ginoo'ng Sebastian.
" Okay ngayong araw magsisimula ang ensayo ng bawat isa para mas mapahusay ang kakayahan niyong lahat sa paghawak ng baril"
Pagkatapos ng pagpupulong naghanap sila ng tagong lugar para malaya silang mag ensayo. At para na rin hindi malaman ng mga taong tinuturing nilang banta.
" Ginoo'ng Joselito huwag mong kalabitin agad ang gatilyo tiyakin mo na matatamaan mo ang target"
" Ginoo'ng Sebastian tama yan ang ginagawa mo ipagpatuloy mo lang" sigaw ko kapag may nakitang mali sa ginagawa nila.
Napatingin ako sa pwesto ni White hawak niya ang baril habang nakatingin sa target na nakalagay sa kanyang harapan. Sa palagay ko may iba siyang iniisip kaya lumapit ako sa kanya.
" White may problema ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot mukhang malalim at napakalayo ng kanyang iniisip na hindi ko kayang abutin.
Tinapik ko ang balikat niya sapat lang na makuha ang attensiyon niya.
" Oh Diego may kailangan ka?" Tanong niya pagkatapos mahimasmasan.
" Ayos lang ba mukhang napakalayo ng iniisip mo"
" Paumanhin may naalala lang ako bigla" naramdaman ko ang tensiyon sa mga boses niya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit.
" Huwag kang masyadong mag alala magiging maayos ang lahat" tumango siya bago itinutok ang baril sa target, napatumba niya lahat ng yun.
I am deply impress by him. I can't imagine na ganoon siya kagaling humawak ng baril.
Lumipas ang mga araw na hindi nagparamdam ang mga taong banta sa bayan ng Manangpula. Bumalik sa dati ang lahat kasalukuyan kaming naghahanda ng isang pagsasalo dahil ngayong araw ang paglabas ng hospital ni Ginoo'ng Ronaldo.
" Mga kasama parating na sila" sigaw ni Jaylo habang tumatakbo papalapit sa amin.
" O siya dapat sabay sabay tayo" sabi ni Ginoo'ng Sebastian paglapit nila sa bahay sabay sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin.
" Maligayang pagbabalik" sabay sabay kaming sumigaw napahawak sa kanyang puso si Ginang Ronaldo makikita sa mukha niya ang pagkagulat.
Napayuko siya habang may luhang bumabagsak sa kanyang mga mata.
" Maraming salamat" sabi niya na humihikbi
" Ano ang hinihintay natin kainan na" nagsialisan ang mga tao at pumunta na sa hapagkainan.
" Deigo maraming salamat " sabi niya ng makalapit sa akin
" Huwag niyong alalahin yun ang mahalaga maayos na ang lagay niyo"
" Ano ang hinihintay niyo diyan halina kayo" Tawag ni Ginang Taba nagtapos ang salo salo namin sa isang masayang kwentuhan.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan namin may dumating na mga alagad ng batas. Napatigil kaming lahat sa mga ginagawa namin nang lumapit ang pulis kay Ginoo'ng Sebastian mayroon siyang ibinubulong dito. Tumayo si White sa pagkakaupo at lumapit sa kanila sumunod din ako gusto kong malaman kung ano ang kailangan nila.
" Mga Ginoo anong kailangan niyo?" Tanong ni White habang nakabigkis ang mga braso niya.
" Mayroon kaming itatanong sa inyo tungkol sa mga nangyari nang nakaraang araw. Sanay masagot niyo ng pawang katotohanan ang mga itatanong ko" sabi ng pulis may hawak siyang isang papel.
" Huwag kang mga aalala Ginoo tutulong kami sa imbestigasyon" sagot naman ni Ginoo'ng Sebastian
" Mabuti kong ganoon hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Nandito kami dahil mayroon nagsampa ng reklamo laban sa mga tao dito" panimula ng pulis
" Anong uri ng reklamo Ginoo?" Tanong ni White nakita ko ang pagbago ng ekpresyon sa kanyang mukha.
" Naghain ng reklamo si Ginoo'ng Tan sinaktan niyo daw ang mga tauhan niya"
" Isa yang kasinungalingan mga Ginoo sila ang sumugod dito kaya kailangan naming ipagtanggol ang aming mga sarili" sagot ni Ginoo'ng Sebatsian mukhang alam ko na kung saan papunta to.
" Aminado kayo na mayroong dahas na nagaganap sa pagitan niyo at Ginoo'ng Tan?"
" Mga Ginoo paumanhin pero ano ang gusto niyong palabasin?" Nabaling ang attensiyon ng dalawang pulis sa akin.
" Ginoo gusto lang namin malaman ang totoo" sagot ng isa sa kanila.
" Kung gusto niyong malaman na ang totoo tama ang sinabi ni Gino'ong Tan mayroong dahas na nangyari dito pero hindi lang kami ang sangkot dito. Kahit sila mismo ay kasali sa mga nangyari kaya kung huhulihin niyo ang mga tao dito dapat kasama sila kung di mag iisip ako na hindi kayo nagpapatupad ng patas ng husga" nakita ko ang galit sa mukha nilang dalawa.
" Babalik kami sa susunod na araw" sabi nila bago tuluyang umalis. Isang malakas na sigawan ang sunod na narinig tuwang tuwa ang mga tao ng makita silang tuluyang umalis.
" Deigo maraming salamat"
" Tara na ipagpatuloy natin ang kasiyahan"
" Diego ayos ka lang ba?" Tumango ako bago tumingin sa kanya.
" Bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya ng makita na kung paano niya titigan ang mukha ko.
" Nakasimangot ka habang nakatingin sa kawalan" sagot niya sa akin.
" Wala pakiramdam ko nagsimula ko ng kamunghian ang aking sarili" binaba niya ang hawak niyang baso at hinawakan ako sa mukha.
" Bakit mo nasabi yan?"
" Wala huwag mong nalang isipin yun" hindi ko sinabi kung ano ang dahilan. Maguguluhan lang siya kapag ginawa ko yun.
Natapos ang kasiyahan sa pagpatak ng 6 ng gabi. Pagdating ng kubo nakita ko siyang hawak ulit ang kanyang kuwaderno. Lumapit ako sa kanya at sinubukang silipin kung ano ang isinusulat niya.
" Deigo paumahin pero hindi mo dapat makita to" tinakpan niya ng dalawang kamay ang pahina.
" Bakit naman? May masama ba?" Umiling iling siya bago tumayo at tinago ang kuwaderno sa aparador.
Umupo siya ulit sa harap ko sa palagay ko may gusto siyang itanong pero nag aalangan siya.
" May gusto kang sabihin?"
" Pwede bang magtanong?" Tanong niya pabalik sa akin tumango naman ako.
" Paano ka natuto humawak ng baril?" Nilagay ko ang dalawang braso sa lamesa habang nilalaro ang aking daliri.
" Mula pagkabata natuto na ako gumamit ng baril sa tulong ni Greg" sagot ko biglang bumalik sa alala ko kung paano ako nagsimula. Nang una aminado ako na mahirap pero nang tumagal nagustuhan ko na rin.
Kapag gusto mo ang ginawa mo mas lalo kang masisiyahan.
" Sino si Greg?"
" Siya ang taong handa gawin ang lahat para sa akin. Para ko na siyang nakakatandang kapatid" nakangiti kong tugon.
" Hindi madaling makahanap ng taong gagawin ang lahat para sayo. Napakapalad mo kapag nakahanap ka ganoong tao" tumawa ako ng malakas pakiramdam ko mayroong laman ang bawat salita na lumalabas sa bibig.
Para siyang pahinga sa isang libro. Madaling basahin pero hindi mo alam ang laman ng mga salita.
" Bakit ka tumatawa?" Tanong niya habang nakasimangot
" Wala sadyang naaaliw lang ako sayo" umiling iling lang siya bago tumayo sa harap ko.
" Saan ka pupunta?" Naglakad siya papalayo sa akin tingin ko nagalit ko yata siya.
" Matutulog na ako magandang gabi" pumasok siya sa kanyang kwarto ako naman nakaupo parin sa sala.