Prologue
“Hydra, Happy Hearts Day traditional gift ko sayo” bati ni Kiel kay Hydra sabay abot ng regalo niya na nakasanayan na niyang gawin tuwing February 14
“Salamat, ito greeting card ko sayo. Pasensya ka na wala pa kasi akong pera kaya di ko pa afford bumili ng pangregalo sayo” balik naman niya sa lalaki
“Okay lang” tugon naman sa kanya nito
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Naguguluhan naman si Hydra sa kinikilos ng lalaki dahil tila napapansin niyang may gusto itong sabihin ngunit wala namang boses. Hanggang sa di na siya nakatiis at siya na ang bumasag sa katahimikan.
“May sasabihin ka ba” tanong niya dito habang nakatitig sa mukha nito. Napansin naman niya ang pagbuntong-hininga nito bago sumagot
“Naalala mo pa noong Grade 11 tayo? February 14 din noong unang nagtapat ako sayo ng feeling ko” mahabang tugon ni Kiel
“Ah…yun ba oo naman through letters pa nga diba” nakangiti naman sabad niya
“Kasi Hydra gusto ko sanang sabihin sayo na ito na ang huling regalong ibibigay ko sayo” pahayag ng ni Kiel sabay yuko
“Hah? Di kita maintindihan?” naguguluhang tanong niya dito
“May nililigawan na kasi ako. At siya na ang pagtutuunan ko ng pansin. Siya na ang bibigyan ko ng regalo sa hinaharap” tugon muli na lalaki sabay angat ng tingin sa kanya
Ng mga oras na iyon tila nabingi si Hydra at pakiramdamn niya isang punyal ang tumusok sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mga narinig mula kay Kiel. Pinilit man niyang lakasan ang loob pero bigla na lamang nagsilandasan ang mga luha sa kanyang mata na animoy ilog na hindi mapigil sa pag-agos. May iba ng mahal ang lalaking minsang nangako sa kanya na hihintayin siya hanggang makatapos sila ng pag-aaral, pinuputol na nito ang pangako na ihaharap siya nito sa altar upang makasama habang buhay. Hindi niya maipaliwanag ang sakit lalo na ng tuluyang itong tumalikod sa kanya. Wala na iyong tingin nito na may pagmamahal at ningning na tila siya lang ang pinakamagandang babae sa mata nito. Napagod na ang lalaking minsang ipinagdasal niyang maging ama ng mga anak niya. Unti-unting nanghina ang tuhod niya at napaupo na lamang sa kinatatayuan. Nawalan siya ng lakas at paulit-ulit na naririnig ang huling katagang sinambit ni Kiel
“May nililigawan na kasi ako. At siya na ang pagtutuunan ko na pansin. Siya ng ang bibigyan ko ng regalo sa hinaharap”
“May nililigawan na kasi ako. At siya na ang pagtutuunan ko na pansin. Siya ng ang bibigyan ko ng regalo sa hinaharap”
“May nililigawan na kasi ako. At siya na ang pagtutuunan ko na pansin. Siya ng ang bibigyan ko ng regalo sa hinaharap”