~Diego Dela rama~
“Team, aralin nyong mabuti ang bawat galaw ng opponent hero nyo” sabi ni Coach Mamba namin na naglalakad sa likod ng aming upoan at isa-isang tinitingnan ang laro namin.
Nandito kasi ako ngayon sa E-game room kasama ang buong team at naglalaro para sa paghahanda ng upcoming International E-game na gaganapin sa MOA at kami ulit ang napiling mag re-represent sa bansa.
Ang E-game room na sadyang ginawa para sa mga manlalaro ng Online games gaya ng DOTA, ML:BB, LOL at iba pa na kasama sa International E-sports or E-game.
Bawat manlalaro na kabilang sa ganitong sports ay may kanya-kanyang gaming computer at upoan na naka-pangalan sa bawat membro at fully aircon ang buong room.
“Basahin nyo ng maigi ang laro ng kalaban, kailangan alam nyo ang bawat items na gagamitin nila!” Dagdag pa ni Coach.
“Alam kung magagaling na kayo pero kailangan nyo paring tandaan ang mga sinabi ko!” sabi nya.
Hanggang sa marinig namin ang sabay-sabay na pagsabi ng “Victory!” at nag tayo-an kami ng team ko at nag taas ng kamay na animo'y nanalo na nga kami sa totoong competition.
Napa-ngiti naman si Coach dahil sa ginawa namin. Si Coach Rody Salut or mas kilala sa palayaw na “Black Mamba” tulad ko dati rin syang online gamer. Nasa early 50's na ang edad at para syang si Ariel Rivera sa kilos at pangangatawan.
“Ang aga pa para mag celebrate kayo, practice palang ito. Pero malaki ang tiwala ko inyo lalo na sa iyo Diego at alam kung hindi nyo bibigo-in ang bansa natin" may pag-mamalaking sabi nya at pumalakpak.
Ngumiti ako sa sinabi nya , but, at the back of my mind “Grabe naman itong si coach, pagpuri ba yon sinabi nya o pini-pressure nya kami. Kinabahan tuloy ako bigla" sa isip ko.
“Don’t worry coach, kasi malaki din ang tiwala ko sa mga kasama ko at alam kong hindi karin nila bibigo-in!” sabi ko at inakbayan ang katabi kung si Jun na kasama ko sa team. Ngumiti din sya sakin.
“Break time muna tayo dahil alam kung pagod na yang mata at kamay nyo sa kaka-pindot ng keyboard at kakatingin sa monitor” naka-ngiti nyang sabi samin.
“Libre mo ba kami coach?!” pagbibiro ko.
“Nako diego mas marami ka pang pera kaysa sakin. Kay ikaw na ang manlibre!” sagot naman nya sakin na totoo naman.
Hindi naman kasi ganoon kalakihan ang sahod nya bilang coach namin at ganon din kaming mga player.
“Ewan ko nga ba sa'yo, meron ka nga nang sarili mong publishing company at ngayon partnership owner kapa sa bigating TV network dito sa bansa natin. Kaya nga naiingit na sa'yo ang ibang gamer” sabi nya sakin habang naglalakad kami sa hallway palabas ng building.
“Na kwento ko naman sayo ito diba, eto talaga ang gusto ko!” sagot ko at inakbayan ko pa sya habang naglalakad kami. Para kaming mag ama kung titignan.
“Kaya malaki ang pasasalamat ko sa’yo dahil nagkaroon kami ng maraming sponsor.At kahit papaano ay merong mahingi-an kapag may kailangan” naka-ngiti nyang sabi.
“Ah, alam ko na takbo ng usapang ito! Bakit ano ba ang problema?” tanong ko.
“Yong isa sa member ni Coach ron, namatay ang ama” malungkot na sabi nya.
“Ibigay mo nalang sakin yong address at contact number. Patatawagan ko na lang sa secretary ko!” agad kong sagot.
“Hay, bilib naman talaga ako sa'yo captain! Paano mo ba nahahati ang oras mo sa trabaho at sa paglalaro mo?” Tanong naman ni gary sakin.
“Kaya nga hindi na'yan nag kaka-girlfriend dahil sa sobrang busy nya!” sabad naman ni jun.
“Tumigil nga kayo!” saway ko.
Pagkalabas ng building ay dumiretso kami sa isang fast food chain na kaharap lang ng building. Doon ay masaya kaming kumain habang nagkwe-kwentohan.
“Excuse me!” sabi ng lalaking naka-suot ng executive attire samin. Natahimik naman kaming lahat sa bigla nyang pagsulpot.
“Are you coach Rody Salut?” Direkta nyang tanong kay coach. Halata ang pagka-professional sa galaw at pananalita nya.
“Yes, ako nga!” formal naman na sagot ni coach mamba sa kanya. “Bakit?” tanong naman ni coach.
“Ma-upo kana muna, sir!” magalang ko naman syang binigyan ng upoan at umupo naman sya.
“Pasensya na kong na istorbo ko ang masaya nyong kainan. I'm Lary Walt, pinadala ako ng Montealto Legacy Foundation" magalang nyang pakilala nya samin.
“Ah, oo! Nag pasa ako ng sponsorship contract sa company nya para sa buong team, approve ba!?” excited na tanong ni coach sa lalaki nag pakilala na si Lary Walt.
Pagkarinig namin ng sinabi nito na tungkol sa sponsorship ay natuwa kaming lahat.
Madarag-dagan ulit ang allowance ng mga teammates ko at gustong-gusto ko iyon.
“Pero parang hindi ko gusto ang amor ng lalaking ito! Iba ang pakiramdam ko sa kanya” sa isip ko.
“Gusto kayong maka-usap ng personal ni Don. Montealto tungkol don sa contract para sa sponsorship ng team nyo" sagot ng lalaki.
“Pwede ba kaming sumama, coach?” tanong ko kay coach.
“Gusto kong malaman ang nilalaman ng contract, hindi sa wala akong tiwala kay coach sa ganitong bagay. Pero dahil mas sanay ako sa pasikot-sikot ng contrata kaysa sa kanya at alam yon ni coach"
“Ahm, pwede ba syang sumama? Alam mo kasi sya ang star ng aking team at baka meron syang planong gawing model itong si Diego” pagmamalaki man ni coach don sa lalaki.
“Ikaw lang ang kailangan nya at gustong maka-usap coach Rody. Kung tungkol naman sa endorsement na tinutukoy nyo, kayo nalang ang magsabi nyan sa kanya" walang emosyong sagot nya.
“Bakit wala ka bang tiwala sa coach mo?” biglang tanong nya sakin at seryoso akong tinitigan.
Napatingin naman ako kay coach sa biglang nitong tanong sakin.
“May ibang gustong sabihin ang lalaki ito sa'kin!” sa isip ko.
“Malaki ang tiwala ko sa kanya” “Sa’yo lang ako walang tiwala!” gusto ko sanang idugtong sa sinabi ko.
“Kaya nga nagtagal ako sa kanya!” dugtong ko pa.
“Ganon naman pala, eh! Bahala na ang coach ninyo ang mag negotiate in-behalf sa team nyo!” Sagot nya sakin. “Tatawagan ka nalang namin for the exact date ng pagkikita nyo ni Don. Montealto. Iiwan ko sa'yo ang business card ko kung sakaling may kailangan ka at ng team mo!” sabi na lumingon pa sakin.
Natapos nalang ang kainan namin na ang pinag-uusapan ay ang sponsorship ng Montealto Legacy.
“Ba't ang tahimik mo?” biglang tanong sakin ni Coach na ikina-gulat ko naman.
Pabalik na kami ngayon sa E-game room para maglaro ulit.
“Wala ‘to, coach!” at ngumiti ng pilit para hindi nya mahalata na kanina ko pa iniisip ang tungkol sa Montealto Legacy.
“Alam ko na'yan!” sabi nya at tiningnan pako ng makahulugan.
“Hindi mo maitatago sa’kin yan. Matagal na tayo magkasama bago pa man na buo ang team na ito. Kaya basa ko na yang kilos mo!” sabi nya at inakbayan pa ako.
“Ano ba yang iniisip mo?” tanong nya.
Hindi ko sya sinagot bagkos umiwas ako ng tingin ko sa kanya
Ayokong malaman nya na nag-aalangan ako don sa sponsorship sa Montealto Legacy na alam kung pinaghirapan nyang gawin para samin.
“Alam ko na yan tinatakbo ng isip mo!” seryoso nyang sabi. “Halika samahan mo ako sa rooftop nitong building" pagyaya nya sakin na ipinag-taka ko naman.
Pagkarating namin sa rooftop ng building ay bumungad sakin ganda ng view ng buong Quezon City. At ang hangin ang presko pakiramdam katulad ng hangin sa cavite, na miss ko tuloy bigla ang lugar nayon.
“Diba maganda rito nakaka-gaan sa kalooban” sabi ni coach na katabi ko at maging sya ay nakatingin rin sa magandang view ng Quezon city.
“Bakit naman tayo pumunta rito?” tanong ko.
“Para lumanghap ng sariwang hangin?” dugtong ko.
“Oo, parang ganon. Pero meron pang iba" sabi nya.
“Ano yon?” tanong ko.
“Tingnan mo ang building nayon" turo nya sa isang malaking building na may lettering na DML. Kapansin-pansin na mas mataas ito sa mga katabing building at kakaiba ang modern structure nito.
“Bakit? Ano yong tungkol sa building?” takang tanong ko. "pero hindi ako interesado dahil para sakin maganda parin ang building structure ng publishing company ko. Ako yata ang nag design at nag architect ng building ko" pagmamayabang ko sa sirili ko.
“Diba agaw pansin ang ganda nang building structure nya at mas mataas pa ito sa mga katabi nyang building” sabi ni coach na nakatuon parin ang tingin doon sa building.
“Halos dalawangtaon ginawa ang building na'yan” may paghanga na sabi nya.
“Hindi ako interesadong malaman ang kasaysayan ng building na’yan, coach" sa utak ko.
“Pero mas kilala ang DML company dahil sa pagtulong nila at pag support sa mga ibat-ibang None Government Foundation at sa tulad nating mga manlalaro ng bansa” naka ngiti nyang sabi.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya nya.
“Katulad mo, matulungin sa lahat!” sabi nya na sakin nakatingin. “kaya nong sinabihan ako ni Hon. Monico na subukan kung kausapin ang DML baka sakaling makakuha ako ng sponsorship sa kanila kaya hindi na ako nag dalawang-isip pa. At mukhang hindi naman nila ako binigo" pag kwento nya.
“Alam mo naman na para sa ikabubuti ng buong team natin ang ginagawa ko. Hindi naman kasi pwedeng sa'yo ko nalang ipa-ako ang lahat! Ayokong abusin ang kabutihan mo para sa amin” maluha-luha nyang sabi.
“Hindi naman ganyan ang iniisip ko coach!” sagot ko.
“Alam ko, kaya nga sinasabi ko sa’yo ang dahilan kung bakit dapat mo silang pagkatiwalaan. Sigurado ako na mabuting tao din si Don. Montealto, kay wag ka nang mag duda dyan!” seryoso naman sya ngayon.
“Sabi mo, eh!” sagot ko naman. “Siguro, ayoko lang don sa lalaking naka-attire kanina. Masyado kasi nyang kamukha si Direk Ramsy” pag bibiro ko. Dahilan para tumawa ito ng malakas.
“Hay, nako! Si Shwan Mendes ayaw kay Direk Ramsy!” at muli itong tumawa.
Napa-ngisi naman ako “pero wala parin akong tiwala sa Lary Walt na'yan at sa DML company” sa isip ko.
Natapos din ang isang araw na training at oras na ng uwian.
Nang bigalng tumunog ang caller ringtone ko. Nakita kong naka-register ang pangalan ni kuya ronie na personal driver ko.
Agad ko naman itong sinagot. “Hello, kuya ron!” bati ko sa kabilang linya.
“A, sige po hintayin nyo nalang kami dyan” sabi ko at nag-end call.
“Guy’s sa parking area na tayo!” pag-yaya ko sa aking team kabilang na si Coach.
Sa kotse ko na silang lahat sumakay, gaya ng dati ay ako ulit ang maghahatid sa kanila pa-uwi.
“Coach, si kuya ronie na muna ang maghahatid sa inyong lahat ngayon" sabi ko sa kanila habang binabagtas namin ang kahabaan ng Quezon Avenue.
“E, paano ka, sir?” tanong sakin ni kuya ronie.
“Mag papaiwan ako sa Ayala mall meron kasi akong bibilhin” sagot ko. At hindi naman ulit sya nag tanong pa.
“Eh, baka naman kasi may date ka ngayon!” panunukso ni gary.
“Wala, may importante lang akong bibilhin” pagde-depensa ko.
“Ah, kuya ronie. Pakisabi kay nanay na wag nyang kakalimutan mag day-off sya ngayon" sabi ko.
“Hayaan mo sasabihin ko sa kanya. Sino naman ang maghahatid sa’yo kina Doc. Christian?” tanong naman nya.
“Magpapa-sunod ako kay Rylle” sagot ko.
Hanggang sa marating namin ang Ayala mall at nag pag-iwan na ako.
“Ano pa ang gusto nyong pasalubong?” tanong ko kina Selena at Jean sa kabilang linya habang tumitingin ako sa mga cake na naka display.
“Ok!” At nag end call ako. “Ms, chocolate flavor!” sabi ko sa cashier na naka-ngiti sakin.
“Ok, sir!” sagot nya. “Ito po ang PR no.
Paki-hintay nalang sa table nayon, sir!” turo nya sa bakanteng table.
“Ok, thanks!” sagot ko.
Pagka-upo ko ay agad kung tinawagan si Rylle.
After two rings ay sinagot din nya ang tawag ko.
“Hello, Rylle!” bungad kung bati. “Asan kana?”
“Kakatapos lang ng meeting ko together with the investor at paalis narin ako. Saan kita susunduin?” tanong nya sakin mula sa kabilang linya.
“Sa may parking area nalang ng mall!” sagot ko naman.
“Ok, don’t forget to buy a wine. Mag ce-celebrate tayo sa successful partnership mo sa bigating TV network!” sabi pa nya.
“Alam ko! Kaya bilisan mo na dyan at sunduin mo ako!” sagot ko.
“I’ll call once nasa parking area na'ko!” sabi nya.
“Ok, take care!” at nag end call ako.
“Ang gwapo talaga ni Diego!” rinig kong bulongan ng mga babae sa kabilang table.
“Excuse me!” sabi ng magandang babae na lumapit sakin.
“Yes?!” naka-ngiti kong tanong.
“Pwedeng magpa-picture sa'yo?” nahihiya nyang tanong.
“Sure!” agad kong sagot.
“Lea, halika picturan mo kami ni Diego!” excited nyang tawag don sa isa pang babae na kasama nya.
“Wait! Familiar sa’kin ang mukha ng babaeng ito. Hindi ako maaaring magkamali, sya yong babaeng naka-bangga ko sa KTV bar seven months ago!”
Naka-ngiti naman syang lumapit samin at inihanda ang cellphone para kuha-an kami ng babaeng kasama ko.
“Sya nga! Sya yong may-ari ng bracelet na pulot ko nong magka-banggan kami! hindi ko akaling magkikita kami dito. Ang ganda nya gaya nong makita ko sya!”
“1…2…3, smile!” naka-ngiti nyang sabi.
Pagkatapos nyang kaming kunan ay agad akong lumapit sa kanya.
“Ahm, excuse me, ms!” tawag pansin ko sa kanya.
“Ay, hindi ako magpa-picture sa’yo, sir!” agad nyang sagot sakin.
Hindi ko tuloy alam ang kung ma o-offend ba ako o matatawa sa sagot nya sakin.
“Ah, hindi! gusto lang sana kitang maka-usap saglit?” nakitaan ko agad sya ng pagtataka sa mukha.
“Hindi yata effective sa babaeng ito ang charismang taglay ko!”
Napakamot tuloy ako ng aking ulo.
“Lea, gusto ka nyang maka-usap! Dali na minsan lang mangyari sa buhay mo ito!” pilit sa kanya ng kasama nyang babae.
Nag-aalangan man ay lumapit parin ito sakin at nag-offer pa ako sa kanya ng makaka-in, pero magalang nya akong tinanggihan at hindi ko na sya pinilit pa.
Nag-umpisa na akong magsalita at kwenento ko sa kanya ang nangyari seven months ago.
Naalala naman nya ang pangyayaring naganap samin, hindi nga sya maka paniwalang maaalala ko pa sya st magkikita kaming muli.
Nalaman kong Lea ang pangalan nya at birthday daw ng kaibigan nya ng araw na magkita kami sa KTV bar at nandon sila para mag celebrate.
Pansin ko na kumportable na sya sakin, kaya pinikita ko sa kanya ang bracelet na suot-suot ko sa aking kamay at never kong tinanggal sa loob ng seven months.
“Sa'yo to diba?” tanong sa kanya sabay abot ng silver chain bracelet na may plated word in capital letter na FRIEND.
Ngumiti sya habang tinitingnan ang bracelet.
“Sorry, pero hindi ito akin!” sabi nya at ibinalik ito sa kamay ko.
“Excuse me, sir! Eto na po ang order mong chocolate cake!” magalang na sabi ng cashier sakin.
“Salamat!” sagot ko pagkatapos ay binalingan ulit ang babaeng nasa harap ko.
“Sigurado ka ba na hindi sa'yo to’?!” pag sisigurado kong tanong.
“Oo at sigurado ako, baka nandon na yan bago paman tayo magka-bangga-an. At malamang ang may ari nyan ay may initial na JET sa pangalan” sabi nya at tinuro ang naka-encrave na letter sa likod ng plated word na FRIEND, na ngayon ko lang din napansin.
“I’m really sorry to disappoint you, pero hindi talaga akin yan. Sige aalis na ako!” at tumayo sya at naglakad patungo sa kasama nyang babae.
Ako naman ay naiwang hindi alam ang gagawin. For almost seven months na paghahanap ay nauwi lang sa wala.
“Saan ulit ako mag sisimulang hanapin ka? Paano kung hindi ko na makita ang may-ari nito? Bahala na!”
Nang tumunog ang caller ringtone ko at pangalang ni Rylle ang naka-register.
Agad ko naman itong sinagot. “Hello, Rylle! Nasa parking area kana? Sige, papunta nako!” sagot ko at nag end call.
“Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa, makikita ko rin ang may-ari ng bracelet na eto! Sayang naman gusto ko pa naman ang ganda ni Lea”
Pagkarating ko sa parking area ay agad kong nakita ang Audi RS6 ni Rylle.
“Kamusta!?” bungad kong tanong sa kanya ng tuluyan na akong makapasok sa kotse nya.
“Successful ang meeting ko with my investor. So, magkaka-roon na ng panibagong branch sa bacolod!” masaya nyang kwento sakin.
“Ikaw kamusta? Hindi man lang kita nakitaan ng stress sa mukha, ah!” naka-ngisi nyang sabi habang nag mamaneho.
“My whole team did it well kaya naging matagumpay ang deal namin” sagot ko.
“Good job!” sabi nito at nag-aper pa sakin.
“Celebration na this!” ngising sabi nya. Bigla syang natahimik, pansin nya siguro ang panana-himik ko.
“Rylle, meron sana akong itatanong sayo" panimula ko.
“Ang seryoso ng mukha mo, hindi ako sanay!” sagot nya.
“Ano ba seryoso ako!” sabi ko naman.
“Kung ang itatanong mo, eh kung napapansin ko bang nagiging malapit lately sina Selena at Martin? yes!... napapansin ko yon pati yong patagong pagse-selos ni Christian? Yes!... pansin na pansin ko rin yon!” mahabang sagot nya.
“Bakit sa tingin mo manhid ako para hindi mahalata ang mga yan?! Ano kaba?!” sarkastiko kong sagot sa kanya.
“Ang itatanong ko sa’yo, ay kung may alam ka tungkol sa kompanyang DML or Don. Montalto Legacy na'yan!” tanong sa kanya.
“Montealto!” pagtatama nya sa pronunciation ko.
“Ewan! Basta yon!” inis kung sagot.
“Wow! Your one of the famous young successful business man icon dito sa bansa natin, tapos hindi mo man lang sila kilala?!” hindi nya maka-paniwalang sabi sakin.
“So, what kung hindi ko sila kilala?!” Sarkastiko kung sagot.
“Fine! Akala ko pa naman kung ano na ang itatanong mo!” sabi pa nya.
“The famous DML or Don. Montealto Legacy Corp. Is one of the leading company in terms of providing products and services. Just like, P&G, Unilever, Colgate Comp. at meron din syang shipping comp. at marami pa!” sagot nya sakin.
“Teka, bakit mo ba na tanong?” takang tanong nya sakin.
“Sila kasi ngayon ang bago namin sponsor!” sagot ko habang nakatingin sa madadaan namin.
“I will do my own research tungkol sa DML na'yan!”
“My trust issue kaba sa kanila? Kaya ka nagtatanong!” naka-ngising sabi ni Rylle.
“Yes!” walang halong pagsisinungaling kung sagot sa kanya.
“Ano kaba naman, diba dapat magpasalamat ka kasi may bago kayong sponsor!” rason nya sakin.
“Ewan! I just don’t feel good about them!” sagot ko at natahimik na kaming dalawa sa buong byahe.
“Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon, …nalulungkot, dahil ang taong matagal kung hinanap na uwi lang sa wala. At hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip tungkol sa DML na’yan”
Napa buntonghininga nalang ako dahil sa mga iniisip ko.
Unknown
“Gumawa ka ng paraan para mapalapit tayo sa kanya! Mahirap na baka iniisahan lang tayo ng babaeng ‘yon!” galit na sabi ng babae sa kabilang linya at bigla nalang nitong e-neend call.