~Rylle David~
It’s Thursday evening at maaliwalas ang kalangitan tanaw namin ang bituin nagkukumpulan sa dilim.
“Ang ganda talaga dito sa garden area nila Christian. Magandang venue para sa ganitong celebration!”
“Cheer's!!” sabay-sabay namin sabi at pinag-dikit ang basong hawak namin na may alak.
“Nag ce-celebrate kami ngayon sa successful partnership ni Diego sa isa bigating TV network sa bansa, hindi na nga maikakailang nabibilang na sya sa bachelor millionaire dito sa bansa. At masaya ako para sa kanya, actually, proud ako sa kanilang tatlo sa kung ano man ang narating nila ngayon!” at napapangiti nalang ako sa kanila habang tinitingnan silang nag-aagawan sa chocolate cake.
Kahit ano pa ang estado sa buhay ng tatlo ito ay hindi parin nawawala ang hilig nila sa chocolate cake, ang pagiging childlike nila lumalabas talaga kapag yan na ang nasa harap nila.
“Oy, matuto kayong magtira!” sabi kung naka-pouty lip pa.
“Oy, ang Cha Eun-woo namin nagtatampo!” naka-ngising sabi ni Martin halatang lasing na.
“Grabe! Hindi ko lubos akalain na ganito pala kayo kung uminom, para kayong mga lasenggerong tambay sa kalsada!” naiiling na sabi ni Jean.
“Kung sabagay ngayon nya lang kami nakasamang uminom kaya wala syang kaalam-alam!” ngisi ko.
“Bakit?! hindi… ba halata… sa mga mukha namin??!!” nauutal na sabi ni Diego dahil sa kalasingan.
“Ewan ko sa inyo!!” sabi ni jean.
Naiinis na siguro sya dahil sa kaingayan at kakulitan naming apat.
“Rylle, eto oh!” sabay abot sakin ni Selena ang isang platito na may isang slice ng cake.
“Maraming salamat, Selena!” naka-ngiti kong sabi.
“Eh, ikaw selena?! Gwapo parin… ba ako kahit na… lasing ako?!!” malumalay na tanong ni Diego at sinabayan pa nya ng pa-beautiful eyes.
“Nako, selena ayosin mo ang sagot mo! Nakakamatay na ang tingin ni Christian sa’yo!”
“Oo, naman!” agad na sagot nito kay Diego.
“Kayong lahat naman gwapo kahit lasing na!” nakangiti nyang sabi.
“Ang ganda talaga ng ngiti nang babaeng ito!”
Napa-tongga ako ng dalawang basong may alak dahil sa sagot nito. Dahil kitang-kita ko kung paano nagseryoso bigla ang mukha ni Christian.
“Talaga…?! E, di… pwede ba kitang ligawan?” sabi nito.
Nagulat kaming lahat sa harap-harapang sabi ni Diego kay selena.
Si selena napa-buga ng iniinom nyang juice pakarinig nito. Si Martin at Christian naman tahimik lang na parang walang narinig, pero seryoso kung titigan si Diego. Si jean nakatulalang nakatitig lang kay Diego.
Walang ano-ano'y nahulog bigla si Diego sa kina-uupo-an nito at patihaya itong bumagsak sa bermuda grass.
“Sir, Diego!!” sigaw naman ni Jean at agad na nilapitan ito para alalayang maka-bangon ulit.
“One, down!” sabi ko sabay tongga ng baso kung may alak.
“Mukhang hindi na kinaya ni Diego ang kalasingan nya!” nag-aalalang sabi ni Selena.
Ang tahimik lang nina Martin at Christian, hindi na pinansin pa ang tulog ng si Diego.
“Ahay, iinom hindi naman pala kaya!” sabi ko at nilapitan si jean na hirap na hirap dahil sa bigat ni Diego kaya pinag-tulongan namin syang buhatin.
“Hatid na muna namin itong si lasing sa taas!” sabi ko.
“Selena, dyan ka lang!! Kaya na namin ‘to!” pagtigil sa kanya ni jean nang tumayo rin ito para tumulong.
Hindi naman sya nagsalita pa at bumalik nalang sa kanyang kina-uupo-an.
“Ang bigat-bigat naman ng lalaking ito!” reklamo ni jean habang paakyat kami ng hagdan.
Naka-akbay kasi ito saming dalawa at ang ulong parte ni Diego ay naka subsob na sa leeg ni jean.
“Malamang… kumakain sya…eh!” pautal-utal ko na rin sabi.
“Ume-epekto narin yata ang alak sa utak ko, nahihilo na ako!”
“Hay, sa wakas nakarating din tayo!” hingal na sabi ni jean.
Nang bigla akong ma out balance na kamuntikan na namin ika-bagsak sa sahig.
“Lasing kana rin yata, sir rylle!” sabi ni jean na naka-taas ang kilay.
“Naiinis na siguro ang babaeng ito dahil sa bigat ni Diego at idagdag mo na ako!”
“Bilis!! Buksan muna yong pinto-an!” utos nya sakin.
“Sandali…. bakit.. dalawa itong… door knob nya??!” naduduling na ako dahil sa kalasingan.
“Isa lang naman yan, eh!!” inis na sabi nya.
Nang mahawakan ko ng maayos ang door knob ay pinihit ko ito ng makailang beses, pero hindi parin bumubukas ang pinto-an.
“Naka… lock..yong ..pintoan!” naka-ngising sabi ko sa kanya.
“Anong lock?!!” di maka-paniwalang sabi nya. “Subukan mo ulit!” utos ulit nya.
Sibukan ko muli itong buksan, pero hindi ko talaga ma buksan. Kaya sa inis ay sinipa ko nalang ito na sya naman pinag-sisihan ko.
“Aaaarrraaayy!!!” sabi kong paikang-ikang at paikot-ikot sa sobrang sakit, biglang natanggal ang lango ng alak sakin utak dahil sa nararamdaman kung sakit.
Dahil hindi naman nabuksan ang pinto-an at nasaktan lang ang mga daliri ko sa paa.
“Hay, ang sungà mo naman!! Kitang mong nakasuot ka lang ng crocs sandal sinipa mo pa!!” naiinis nyang sabi sakin.
“Nakaka-sakit… ka ng… damdamin ha!!” maluha-luha kong sabi at hinimas-himas ang isang paa ko.
Maluha-luha akong napa-upo sa gilid ng pinto-an.
“Tumabi ka nga dyan!!” pagtaboy nya sakin.
“Ang harsh naman ng babaeng ito, nasaktan na nga ako pero nagawa pa nya akong di pansinin!!”
Hindi na nya ako pinansin at sya naman ang muling sumubok na bumukas ng pinto-an.
“Eh, hindi naman pala eto naka-lock, eh!” at makahulugan nya akong tiningnan. “Nang-iinis kaba?!”
“Eh, sa hindi ko sya mabuksan kanina!” pagrarason ko habang sapo ang paa kung namumula na.
“Alam mo naman na ang bigat-bigat nitong kaibigan mo, tapos nagawa mo pang magbiro!” Inis nyang sabi sakin.
“Grabe, Amazona din pala sya tulad ni ate!”
“Jean, masakit yong paa ko!!” at nag pouty lip pako sa kanya.
“Buti nga sa'yo!!” sabi nito at mag-isang ini-akay papasok si Deigo at naiwan akong mag-isa sa labas ng pinto-an.
“Mabuti pa si Diego, may nag-aalala para sa kanya ako wala!” naiiyak kung sabi na nilakasan pa para marinig ni jean sa loob.
“Wala man lang epekto ang charming face ko sa kanya!”
Na curious tuloy ako kung ano na nga ba ang ginagawa nya sa loob, baka hinahalay na nya si Diego!
Sinobukan kung tumayo para tingnan sya sa loob at sakto naman ng paglabas nya kaya na gulat ako at out balance.
“Oh, no!! Babagsak ako nito sa sahig!”
Pero merong maagap na mga braso ang sumalo sakin… mga braso ni jean.
“Ah, ano ba!! Hindi ka naman nag-iingat eh!” pag-aalala nyang sabi sakin.
“Hay, kotang-kota na ‘ko sa babaeng ito ah!”
“Salamat!!” at inismiran ko sya ng mukha at tumalikod na ako.
Kahit nahihirapan ako sa paglalakad dahil sa masakit ang aking paa. Ay pinilit ko parin at sinubukan ang maglakad ng maayos.
Hindi pa’ko na kakalayo sa kinatatayo-an ni Jean kaya rinig na rinig ko pa ang pag buntonghininga nito.
Pero binalewala ko lang ito nagpa-tuloy sa paglakad.
Nang may marinig akong mga yabag na sumusunod sakin.
“Hindi nya rin ako matiis!” sa isip ko at napapa-ngiti ng lihim.
“Halika tulungan na kita!” sabi ni jean mula sa likod.
“Hindi ok lang ako!” pag-papakipot ko.
“Ewan ko sa’yo!” sabi nya at na-una ng maglakad sakin.
“Teka, sandali!!” tawag ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig. Nagsisi tuloy ako kung bakit nagpakipot pa'ko kanina.
“Grabe, naturingan pa naman syang nurse pero hindi nya man lang nya ko tinulungan at nagawa pa nya akong iwan!!!”
Naka-hinga na ako ng tuloyan ng sa wakas ay narating ko rin ang aking kwarto at agad-agad akong pumasok para makahiga na.
“Itutulog ko nalang muna ang sakit ng paa ko at bukas na bukas ay papatingin ko'to kay Christian!”
Nang makahiga na ako sa aking kama at nakapikit na ang aking mata ay may biglang kumatok mula sa labas ng aking pinto-an.
“Pasok!” walang ganang sabi ko at hindi na ako nag atubiling tingan kung sino ang pumasok.
Rinig ko ang paglapit ng mga paa patungo sa kama ko.
“Bakit?!” tanong ko, pero hindi ito sumagot sakin.
Nagulat nalang ako ng may biglang humugot ng medyas sa paa kung may injured, dahilan para imulat ko ang aking mata.
“Anong--?!!” hindi ko na ituloy pa ang sasabihin ko dahil nakita ko si jean na may hawak na icebag at inilagay ito sa aking pa-ang na mamagà na.
“Masakit pa ba??!” tanong nya sakin.
“Kaya pala iniwan nya ako kanina, kumuha pala sya ng ice na ilalagay sakin paa! How, sweet!”
Bumangon muna ako at sinandal ang aking likod sa head board.
“Medyo kumikirot pa!” nahihiya kung sagot.
Nakita kong meron syang dinukot mula sa bulsa ng short nya.
“Eto, inomin mo! Para maibsan yang nararamdaman mong kirot!” sabi nya sabay abot ng pain reliever na gamot sakin.
“Sandali, kukuha ako ng tubig dito sa mini-ref mo!” at tumayo ito para kumuha ng tubig pagkatapos ay bumalik sakin dala ng isang basong tubig.
“Uminom kana!” utos nya na syang ginawa ko naman.
“Wag kang mag-aalala, hindi mamatay yang mga kuko mo sa paa. Nag clog lang yong dugo dahil sa impact ng pagkaka-sipa at yan ang dahilan naramdaman mong magà, pero bukas patitingnan natin yan kay Doc!” paliwanag nya.
Tumango lang ako sa lahat ng pinagsasabi nya, hindi ko kasi sya matingnan ng maayos dahil nahihiya ako sa paghusga ko sa kanya kanina.
“Matulog kana!” sabi pa nya at tumayo na ito at naglakad patungong pinto-an, pero bago paman sya makalabas ay nagsalita ako.
“Salamat!!” naka-ngiti kong sabi. “Pasensya kana kanina, lasing kasi!” dagdag ko pa.
“Naiintindihan ko! Sorry din dahil sumobra ang pagka-inis ko kanina, ang bigat kasi ni Diego" naka-ngiti nyang sabi.
“Ok na tayo?!” tanong nya at tumango lang ko bilang sagot. “Good night!” sabi nya bago sinara ang pinto-an.
“Good night!” sabi ko sa kawalan.
At nakaramdam ako ng antok at natulog na.
“Aaaahhh!!! late na ako!!” na ulinigan kung sigaw mula sa kabilang kwarto.
Dahilan para magising ako mula sa mahimbing kung pagkaka-tulog.
“Ahh, nakaka-inis naman oh! Ang aga-aga nambobolabog kayo ng natutulog!!” sigaw ko.
Nang biglang may bumukas ng pinto-an ko ng walang pasabi.
“It’s already 8am ng umaga, baka nakalimutan mong merong kang mahalagang meeting ngayon!” rinig kung sabi ni Martin.
“What?!” pagkarinig ko nito ay agad akong napa balikwas ng bangon mula sa pagkakahiga.
Nakalimutan kung ngayon pala ang araw na magkakaroon ulit kami ng meeting para sa gaganapin muli na Charity Exhibit sa National Museum.
“Mabuti nalang at nasabi ko eto kay Martin!”
“Aray!!” sabi ko ng maramdaman ang muling pag-kirot ng paa ko.
“Oh, anong nangyari sa'yo?!” nag-aalala nya akong nilapitan at tiningnan ang paa ko.
“Anong nangyari dito?!” takang tanong nya “bakit namamagà ang isang paa mo??!!” dagdag pa nya.
“Iba tagala mag-paramdam ng concern si Martin pagdating samin! Ramdam mo talaga ang kanyang TLC!”
Sasagot na sa ako ng biglang sumulpot mula sa likod si Christian na may dalang med kit.
“Dala yan ng kalasingan nya kagabi!” sabi nito at agad na nilapitan ang paa kung namamagà.
“Aray!!!” na pa-impit ako sa sakit dahil bigla nya kasing ini-angat ang parte ng paa kung namamagà.
“Dahan-dahan…!!” sabi kong pinipigil ang pagluha.
“What do you mean?!” takang tanong ni Martin kay Christian.
“Na e-kwento sakin kanina ni jean ang nangyari sa kanya kagabi" sabi ni Christian habang nilalagyan ng gauze bandage ang aking paa.
“Sinipa daw nya ang pinto-an ni Diego dahil hindi nya ito mabuksan. Kaya eto ang napala nya!” at ipinakita pa ang paa ko kay Martin.
“A-ah!” sabi kung napapa-angat ang pwet dahil sa ginagawa ni Christian.
“Dahan-dahan naman, nasasaktan sya!” pag-aalala ni Martin.
“Ginaganito ko eto para ma-strech ang ugat nya dahil may nabubu-ong dugo!” sagot naman ni Christian.
“Ganyan ba yan??! Masakit, eh!!” para akong batang nagsusumbong sa ina dahil sa kirot na nadarama.
“Sorry, kailangan ko lang talagang gawin yon!” paliwanag nya.
“Kamusta ang pakiramdam mo??” tanong ni Martin.
“Kaya mo na bang bumangon?” dagdag pa nya.
“Medyo masakit parin!” reklamo ko.
“Ang sarap talaga maging bunso sa grupo, todo care ang mga kuya!!!” ngisi ko sa aking isipan.
“Eto ang gamot mo!” abot sakit ni Christian ng gamot at isang basong tubig.
“Kailangan mo ng inomin yan para mawala ang sakit at makatayo kana!” sabi nya habang umiinom ako.
“Salamat!” sabi ko.
“Anong meron rito??!!” takang tanong ni Diego na bigla rin sumulpot sa usapan at napa baling ang tingin sa paa kung may bandage.
“OMG!!! Anong nangyari sa'yo??!! Sino ang may gawa nito sa'yo!” galit nyang sabi.
“Kagagawan nya yan, kaya wag kang OA!!” sabi ni Martin.
“Hah??!! Bakit kailangan na bang putulin ang paa ni Rylle??!!” taka nyang tanong kay Christian.
At takang tiningnan namin syang tatlo.
“Alam mo parati kana lang huli sa balita, ikaw nga itong nauna samin matulog kagabi pero ikaw pa ang huling nagising!!” panunumbat ni Christian.
Napakamot nalang ng kanyang ulo si Diego dahil sa pagka-hiya. Dahilan para mapatawa kaming tatlo at napatawa rin sya.
“Sana laging ganito ang nakikita ko sa inyong apat!” boses mula sa pinto-an.
Napalingon naman kami sa pinanggalingan nito.
“Si selena, naka-ngiting nakatayo sa harap naming apat!”
“Kanina kapa ba nandyan?!” tanong ni Diego.
“Hindi naman, ngayon lang!” sagot nito.
“May kailangan kaba?!” tanong ni Martin.
“Gusto ko lang sabihin pinapa-tawag kayo ni Ate michelle para sa agahan!” sagot nito.
“Sige, susunod kami! Salamat!” sagot naman ni Christian.
Naka-ngiti syang nilisan kaming apat at kami nama'y nakasunod din ang tingin sa kanya.
“Kaya munang bumangon? O, kailangan mo ng tulong?” tanong ni Martin sakin.
“Kaya ko na'to!” sagot ko.
“Sumigaw ka lang ng tulong at darating ako!” pabirong sabi ni Diego.
“Loko!” sagot at binato ko sya ng unan at ngumisi pa sakin.
“Alis na kami!” sabi naman ni Christian.
At umalis na nga silang tatlo at na iwan akong mag-isa. Bumangon naman ako para maligo na dahil mamayang 10am na ang meeting namin.
Natapos ng masaganang agahan ng walang bumabanggit sa mga pinag-sasabi ka-gabi ni Diego, ayaw na narin nila sigurong maalala pa ni Diego ang kalokohan nya.
“Ah, Christian pwede bang hiramin ko muna si kuya jerson, hindi kasi ako maka-drive ng maayos dahil sa paa ko!” paghingi ko ng pahin-tulot sa kanya.
“Wag na, chris!” sabad ni Martin. “ako na muna ang driver nya ngayon!” at ginulo-gulo pa ang buhok kung pinag-hirapan kong iayos.
“Hay, ba't kailangan mo pang gawin yan?! Pinaghirapan ko kayang suklayin ang buhok ko!” pagreklamo ko.
“Para ka paring bata! Halika ka na nga!” pag-yaya nya sakin.
Habang nasa daan ay panay ay tanong ko sa kanya tungkol sa kaso ni selena.
Halos anim na buwan na pero wala parin kaming lead.
“Hanggang ngayon, walang may naghahanap sa kanya" sagot nya.
“Eh, baka talagang ulila sya!” conclusion ko.
“Oo, maaari!” sagot nya.
“Pero hindi naman natin pwedeng isantabi na meron gustong pumatay sa kanya!” sabi ko.
“Wag ka nga mag-isip ng mga ganyang bagay! Hindi yan maganda sa creative mind mo!” sabi pa nito.
“Hindi ko lang kasi maiwasan!” sagot ko.
“Tama, na yan! Nandito na tayo!” sabi nya at inihinto ang sasakyan sa mismong tapat ng museum.
“Oh, pano?! Tawagan mo lang ako kung susunduin na kita!” pagpapa-alam nya.
“Ah, teka! Bago ko makalimutan, tumawag sakin si ate at gusto sana nyang tingnan natin yong resort nya!” sabi ko.
“Meron ka bang free time??” tanong ko.
“Susubokan ko mag-day off!” naka-ngiti nyang sagot.
“Ok! Ingat sa pag-drive!” sabi ko at bumaba na.
“Rylle!!! My darling!!” rinig kong tili ng isang bakla mula kakarating lang na Black SUV.
“Hi!” iksing bati ko.
Agad naman nya akong niyakap at binigyang ng mag-asawang halik sa pisngi.
“I miss you!” sabi nito na parang kinikilig.
“Tatlong araw lang tayong hindi nagkita na miss mo kaagad ako?!” pang-aasar ko sa kanya habang binabagtas namin ang daan patungong office lounge ng museum kung saan ang venue ng meeting.
“Syempre naman na miss ko yang kagwapohan ni Eun-woo!” sabi pa nya.
“Ewan ko sa’yo!” pabirong sagot ko.
“Rinig kung successful ang ginawang deal Diego sa bigating TV network dito sa bansa, bigatin na sya ngayon!” manghang sabi nya.
Pero tahimik lang ako at walang sinabi.
“Nakaka-inggit naman ang mga kaibigan mo, Rylle! Hindi ko na sila ma-reach!!” sabi pa nya.
“Wag kang mag-alala dahil nakatapak parin sila sa lupa kaya maabot mo parin sila!” aabi ko na totoo naman.
Tamang-tama lang ang pagdating namin dahil magsisimula na ang meeting, kabilang sa mga artist na kasama namin ay sina Vincent Kristan Quilop, Benedicto Cabrera, Arturo Luz, Elmer Borlongan at iba pa.
Natahimik na kaming dalawa at seryosong nakinig sa meeting.
Habang nasa kalagitnaan ng meeting ay nakatanggap ng tawag si Felipe, nag excuse muna ito bago umalis.
Makalipas ang halos 30 mins ay hindi parin ito bumabalik kaya nag alala na'ko sa kanya. Kaya pasimple akong nagtext sa kanya kung na saan na ito.
After a few minutes ay nakatanggap ako ng message reply mula sa kanya na pabalik narin sya.
Makalipas lamang ang halos 10 mins ay dumating na itong pinag-papawisan at parang hindi mapakali.
Hinayaan ko nalang muna sya at hinintay na matapos ang meeting bago sya komprontahin.
“Ok, everything is settled and finalize, we expect you all artist to do your best. God bless and good morning!” sabi ng head operation ng museum bago naglakad paalis ng lounge.
Palabas na ako ng lounge ng bigla akong hawakan ni felipe sa kamay at hinila sa kung saan.
Mabilis ang ginawa nyang paglakad kaya mabilis din akong humahabol sa kanya kahit na meron akong iniindang kirot sa paa.
Ni isa samin ay walang nagsalita at nagpapatangay lang ako sa paghila nya sakin.
Hanggang sa makarating kami sa parking area ng museum, nagtataka man ay hindi parin ako nagsalita.
At tumigil kami sa harap ng sasakyan nya at inutusan nya akong pumasok. Nang makapasok na kami ay saka ako nagtanong.
“Bakit? Anong problema at bakit mo ako kinaladkad dito sa kotse mo? Plano mo na ba akong gahasain??” sunod-sunod kung tanong.
Imbis na sagotin ay inabot nya sakin ang isang small brown envelope.
“Heto, tingnan mo!” sabi nya.
Tiningnan ko ang laman nito, puro mga larawan ng isang lalaki sa iba’t-ibang anggolo. Meron din akong nakita na kapirasong papel na may address ng isang lugar sa Ilocos Sur.
“Ano ang mga ‘to?!” nagtataka kung tanong.
“Tingnan mo nga ng mabuti ang mga litrato!” inis nyang utos sakin.
Muli ko naman itong tinitigan at mapalaki ang mata ko sa gulat.
“Paano??!!..” di maka paniwalang tanong ko kay Felipe.
“Natunton din ang isa sa kanila ng mga taohan ko, alam mo bang buwan ang ginugol nila para masigurado na sya nga yan!” paliwanag nya.
“Salamat!!” sabi ko at niyakap sya.
“Malaking tulong ang binigay mo sakin ngayon!” sabi ko pa.
“Meron sana akong gustong itanong sa iyo, alam mo na matagal ko ng tinatanong sa'yo kung bakit mo hinahanap ang mga lalaki yan. Pero hindi mo parin ako sinasagot, ngayon na meron kanang lead sa isa sa kanila. Baka pwede mo ng masabi sa’kin ang rason kung bakit??” tanong nya.
“Ako naman ang nakahanap sa kanila di'ba?! Siguro naman ay may karapatan akong malaman kung ano ba talaga ang dahilan mo!!” makahulugan nya akong tinitigan.
Niyakap ko lang ulit sya sabay bulong ng... “kaibigan kita at mahal kita! Malaki ang utang na loob ko sa pagtulong mo sakin, pero hindi pa ito ang panahon para sabihin ko sa’yo ang totoong dahilan ko, sana naman ay maintindihan mo!” mahabang paliwanag ko sa kanya.
~Unknown~
“Oh, ano na?!!” inis na tanong ng babae sa kabilang linya.
“Wala akong paki-alam, ang siguradohin nyo ay ang babae!!” inis nyang tinapon ang cellphone sa sahig at nagkalat ang mga parts nito.