~Christian Ramirez~
“Excuse me, Doc. Ramirez?!” tawag sakin ng secretary ko.
“Yes?!” sagot ko habang nagbabasa ng MRI result ng pasyente ko.
“Si Ms. Loisa po nasa line!” sagot nya sakin.
Na excite naman ako bigla pagkasabi nya kung sino ang tumawag.
“Paki-transfer sakin!” utos ko na sya nyang ginawa.
“Hello my baby sister!” masayang bati ko sa kanya.
“Kuya!!!” tili nya mula sa kabilang linya.
“Loisa, ano ba?! Mababasag itong eardrum ko dahil sa tili mo!!” saway ko.
“Bakit wala kang sinabi sakin na sa bahay mo pala ngayon nakatira ang mga asungot mong kaibigan!!” inis nyang sabi.
“Asungot talaga?! hindi parin pala nagbabago ang tawag nya sa mga kaibigan ko simula high school, hindi parin nya siguro makalimutan ang palaging pang-aasar at pagkantyaw nang kung ano-ano sa kanya ng tatlo. Palibhasa sya lang ang bunsong babaeng maituturing namin"
“Hindi ko ba na sabi sa’yo??!” takang tanong ko.
“Kung hindi pa’ko tumawag kay ate michelle ay hindi ko pa malalaman at isa pa sa kina-iinisahan ko ay sinong babae yang pinatuloy mo sa bahay??!!” pagko-kompronta nya.
“Ah… ah.. ano kasi!” hindi ko alam kung ano nga ba ang irarason ko.
“Dapat hindi nya malaman ang totoo”
“Ano… kasi, Loisa..!” nauutal ko sabi.
“Sana ay hindi nya mahalata na kinakabahan ako"
“At hanggang kailan nyo ito balak itago sakin??! Alam ba ni ate rica na nandyan ang kamag-anak nila??” tanong nya.
“Hah?!” takang tanong ko sa kanya pagkarinig ko ng pangalan ni ate rica.
“Wag mong sabihin na hindi pa alam ni ate rica na nandyan ang kamag-anak nila sa bahay??” pangalawang tanong nya sa'kin.
“Ano kaya ang sinabi sa kanya ni ate michelle?!”
“Ah, loisa ano ang sinabi sa'yo ni ate michelle?” tanong ko.
“Ang sabi sakin ni ate michelle na nandyan daw yong tatlo at kasama ang kamag-anak ni Rylle na si Se…selena ba ang pangalan nya??!” pagsisigurado nya sa pangalan.
“Yes, her name is Selena!” sagot ko.
“Ok, naki-usap daw si Rylle sa'yo nasa bahay muna daw sila titira pansamantala habang nagpapagaling daw itong si selena…” pag-kwento nya.
“…at dahil daw ikaw naman ang nuero doctor nito! …Bakit wala ba syang bahay??!” tanong nyang nagtataka.
“Nakahinga ako don, ah! Akala ko kung ano na!”
“Yeah, naki-usap nga sya sakin na kung maaari ay sa bahay muna sila ng kamag-anak nya. Naawa din naman kasi ako don sa kamag-anak nya, masyadong malalà ang damage sa ulo at kailangan obserbahan!” pagrarason ko na kunwari'y malungkot pa ang boses ko para kapani-paniwala.
“Ok, you’re the doctor and it’s your duty tsaka bahay mo naman yon, eh. By the way, sana ma-meet ko rin sya soon!” sabi nya “…kuya, maganda ba sya?!” tanong nyang hindi ko inaasahan.
“Hah?!” gulat kung sagot.
“Eh, bakit parang nagulat ka?!” tanong nya.
“ano, ah…” hindi ko naman ulit alam ang isasagot ko.
“Kuya ang tinatanong ko lang ay kung maganda ba sya?!” ulit nya sa kanyang tanong.
“Oo!” agad kung sagot na napakamot ng ulo na parang isang teenager na umaamin sa crush nya.
At muli kong inalala ang mukha ni Selena habang naka-upo ito sa patient chair habang kinukuha-an ko ng CBC.
“Maganda sya, she has this beautiful face, she has a genuine smile, a lovely voice, a caring heart and…” napapa-ngiti ako habang inaalala ko si Selena.
“You sound that you like her!” at dinig ko ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.
Natauhan naman ako bigla sa mga pinagsasabi ko.
“Anong pinag-sasabi mo??!!” patay malisya kung tanong.
“Oh my dear, kuya! Kilalang-kilala kita kaya alam ko kung kailan ka inlove at hindi!!” natatawa nyang sabi.
“Tumigil ka nga!!” saway ko.
“Mabuti nalang at hindi kami magkaharap ngayon, dahil pakiramdam ko ay namumula na akong parang kamatis!”
“I can’t wait to meet the woman who finally stolen the heart of my brother!” pang-aasar pa nya.
“Stop it, ok!” pagsaway ko ulit sa kanya. “…kailan ang uwi nyo?” tanong ko para ma divert ang attention nya.
“Baka sa susunod na buwan, nandito kasi kami ngayon sa California at baka magtagal pa ang dalawang lovers dito!” sabi nyang natatawa parin.
“Grabe ang haba ng naging bakasyon nyo, nakaka-ingit naman!” pag-change topic ko.
“Ayoko nang tuksohin pa nya ulit ako kay Selena”
“Alam mo naman minsan lang makalabas ng bansa ang lovers kaya tinodo na nila ito. By the way, I will tell mama and papa na doon sa pampangga nalang muna kami titira hangga't hindi pa umaalis ang mga asurot sa bahay mo!” sabi nya.
“Excuse me, doc! Meron po kayong scheduled patient ngayon" sabi ng secretary ko mula sa pinto-an.
“Loisa, I have to go! Meron akong pasyenteng dumating!” sabi ko.
“Ah, nakaka-inis naman!” sabi nyang nagtatampo.
“Call of duty! Tell mama and papa I missed them and please take good care of them, ok?!!” paghahabilin ko.
“I will, bye!!” sabi nya at nag-end call.
“Papasokin muna sila dito sa loob!” utos ko at tumango sya sakin.
“Hi, doc!!!” bungad ni Jean sakin kasunod si Selena.
“Bakit ba palagi kung nakakalimutan ang araw ng check-up nya”
“Jean, umalis ka dyan!!” saway ko kay jean na nakahiga sa patient bed.
“Inaantok ako, eh!” rason nya at serious mode ko syang tiningnan.
“Heto na babangon na’po!” sabi nya.
“How do you feel?!” ngayon ay kay Selena na nakatuon ang attention ko.
“Hindi na nanginginig ang mga kamay ko, pero ang ulo ko sumasakit kapag tuwing may pinipilit akong maka-alala” sagot nyang nakayuko sakin.
“Natatakot ba sya sakin??! Bakit hindi nya ako makuhang tignan ng diretso??!”
“Selena!” tawag ko sa kanya.
“Bakit??!” takang tanong nya.
“Di'ba sinabi ko na sa’yo na wag mong pilitin ang utak mong maka-alala!” mahinahong sabi ko.
“Gusto ko na kasing may maalala kung sino ba ako? At bakit hanggang ngayon wala parin may naghahanap sakin?” malungkot nyang sabi.
“Bakit?! Ayaw mo na ba kaming makasama??!” gusto kong itanong sa kanya.
“Ginagawa naman namin ang lahat para matulungan ka, talagang hanggang ngayon ay wala parin…” paliwanag ko “…wala parin kaming makuhang information sa nakaraan mo” sabi ko.
“Alam ko naman yon, kaya nga ginagawa ko rin ang lahat para maka-alala ako" sagot nya.
“Selena, eh, bakit hindi mo sabihin ngayon kay doc na meron kang napapa-naginipan nitong nakaraang araw!” sabad ni Jean sa aming dalawa.
“…baka makatulong!!” dagdag pa nya.
Taka kung tiningnan si jean na abala nasa pag-ngoya ng curls na dala nya.
“What do you mean?!” tanong ko kay jean.
“Nako doc, sya nalang ang tanongin mo!” turo nya kay selena.
"At muli kong tinu-on ang attention ko kay Selena na halata ang pag-aalangan sa mukha nya"
“Ano ba yong napa-naginipan mo?!” tanong ko sa kanya.
“Ah,… ano kasi…” sabi nyang nag-aalangan sakin.
“Napa-naginipan nya daw na merong tumatawag sa kanya sa isang madilim na lugar. Ang kaso hindi nya makita ang tumawag sa kanya kasi nga madilim!” pagkwento ni jean.
“Yong, tumatawag sayo kilala mo ba ang boses??” tanong ko.
“Hindi ko alam, hindi ko kasi natanda-an ang boses nya" sagot nya.
“Eh, ano naman yong tinatawag nya sa’yo??” sunod kong tanong.
“A…alli…, oo, tama! Alli, ang tawag sakin ng boses sa panaginip ko!” pagkompirma nya sakin.
“Alli?!...”
“Selena, maka-ilang beses mo napa-naginipan ang ganoong scenario?” tanong ko.
“Dalawang beses palang!” sagot nya.
“Dahil sa mga sinabi nya sigurado akong hindi na aabotin pa ng matagal na panahon ang amnesia nya”
“Kung hindi ako nagkakamali, parte ng nakaraan mo ang napapa-naginipan mo at siguro’y nagkakaroon ka ng post memory, isa yan sa mga senyales na unti-unti ng nanumbalik ang alala mo” paliwanag ko sa kanya.
“Ibig sabihin, doc! Unti-unti ng bumabalik ang alala ni Selena?!!” hindi maka-paniwalang sabi ni jean.
“Yeheeey!! Sa wakas ay may alaala kana kahit konti lang!!” masayang bati ni jean at pinagdikit pa ang kamay nila ni selena at lumolondag-londag pa.
“Pero bakit iba ang nakikita ko sa mukha ni selena, hindi sya natutuwa sa sinabi ko. Bagkus para itong nalulungkot"
“Doc, ito na po ba ang bagong resita ni Selena??” tanong ni jean habang tinitingnan ang resitang binigay ko sa kanya.
“Oo, yan na!” sagot ko.
Nang makatanggap ako ng text message mula kay Rylle, binasa ko ito at sabi nya na meron daw kaming urgent meeting ngayong gabi.
Magkita-kita nalang daw kami sa office ko may sa restaurant mamayang 7pm.
Nag reply naman ako kung para saan??
Sa restaurant nalang daw nya sasabihin at importante daw.
Napatingin ako sa aking relo. “Pass 11am na!”
“Selena, sa bahay nalang natin ulit ipag-patuloy ang check up mo!” sabi ko.
“It’s already pass 11am, gusto nyo bang mag-lunch muna bago kayo umuwi??” tanong ko sa kanilang dalawa.
Na agad naman nilang sinang-ayonan, kaya magkasama kaming nagtungo sa cafeteria ng hospital.
“Hay, nakaka-miss ang kumain dito!” bulalas ni jean habang nakatingin sa mga pagkaing naka-display.
“Selena, ano ang gusto mong kainin?” tanong ko sa kanya.
“Hah?! Ah,… ano…” nauutal nyang sabi habang kunwari ay nakatingin sa menu board na nakalagay sa gilid ng counter.
“Etong si selena tinanong lang ni Doc kung anong kakainin kinabahan na agad!” nakangising kantyaw ni jean.
“Tumigil ka nga!” saway nya kay jean.
“Oo na, titigil na po ako! Namumula na kasi yang mukha mo!!” tukso ulit ni jean.
Pansin ko rin na namumula nga ang mukha nya.
“Ang cute nya!”
Pagkatapos namin mag-order ay naghanap na kami ng bakateng upoan.
“Doon na tayo!” turo ni jean sa bakanteng lamesa.
Nakasunod lang kami ni selena sa kanya.
Nang may biglang bumangga kay selena at natapon ang dala-dala nitong pagkain sa sahig at naglikha ng ingay ang mga nabasag na plato.
Kaya napatingin sa direksyon namin ang lahat ng tao sa cafeteria.
“Oh my gosh, I’m really sorry!!” sabi ng nakabangga sa kanya.
Agad kung nilapag ang pagkain ko sa lamesa at agad na hinila sa braso si selena palapit sakin ng mapag sino ko ang bumangga sa kanya.
“Im really, sorry! Hindi ko sinsadya nasaktan kaba??!!” pag-alalang tanong ni Doc. Amarra kay Selena.
“I’m ok!” mahinahong sagot ni selena sa kanya.
Akmang lalapitan nya sana si selena pero agad akong pumagitna.
“Doc. Ramirez!!” sabi nya na parang tinatago pa ang pagkainis sa pagsulpot ko.
“Babayaran ko nalang ang lahat ng natapong pagkain!” sabi nya.
“No it’s ok! Like what you said hindi mo sinasadya” sabi kong may pagka-diinan ang salitang “sinasadya"
“I will treat you nalang para makabawi ako sa ginawa ko!” sabi nyang kay selena nakatingin.
“Ok ba sa'yo??!” naka-ngiti nyang tanong kay selena.
Napatingin naman si selena sakin na parang humihingi ng saklolo.
“Ayoko kung makahalata si Doc. Amarra na iniiwas ko si selena sa kanya, kailangan maka-isip ako ng magandang dahilan para hindi sya magtaka!”
At napatingin ako sa direksyon ni jean at pasimple itong nag-thumbs up sakin.
“Hello, sir Diego?!” sabi nya sa kanyang cellphone.
Agad ko naman na hula-an na nagku-kunwari lang syang tumatawag si diego sa kanya.
“Oo, magkasama kami! Ah, ngayon na'ba??!” sabi nyang napatingin sakin.
“Nako, doc! Kailangan na naming umalis ni selena nandito na kasi si sir diego para sunduin kami!” pagrarason nya.
“Ah, ganon ba?! Sige hatid ko na kayo sa labas!” sagot ko.
“Doc. Amarra, I don’t want to be mean pero kailangan na namin umalis. Wag mo nang isipin yong pagkain, it’s ok!” sabi ko.
Agad naman rumirehestro sa mukha nya ang pagtataka at pagkainis.
“Sige ho, Doc. Amarra alis na po kami!” paalam ni jean.
"At nagmamadali kong hinila palabas ng cafeteria si Selena habang hawak-hawak ko parin ang isang kamay nito"
Napatigil lang kami sa paglalakad ng may biglang humila sa braso ni selena mula sa likod.
“Sandali lang?!”
Sabay kaming tatlo napatingin sa nagsalita. Talagang hinabol pa nya kami mula sa cafeteria.
“Bakit?!” takang tanong ni Selena.
“You look… familiar to me! What’s your name?!” seryoso nyang tanong kay Selena at kung makatitig ito ay parang kilalang-kilala nya si Selena.
“Ganyan na ganyan din ang titig nya kay selena ng makita nya itong kasama si diego sa waiting area ng hospital noon!”
“Selena!” magalang na sagot ni selena sa kanya.
Nagtaka sya sa kanyang narinig na parang hindi nya inaasahan ang sinagot nito.
“Sorry, napag-kamalan kitang kakilala ko. Kamukha mo kasi sya!” sabi nya at sunod na napatingin sakin.
“I’m really sorry for what happened kanina!” sabi nya at tumalikod na ito samin at naglakad pabalik ng cafeteria.
Naiwan kaming tulala dahil sa hindi inaasahang sabi ni Doc. Amarra kay si selena.
“Selena, halika na! Kailangan na nating umalis!” sabi ni jean.
“Habang naglalakad kami ay pansin ko ang lalim ng iniisip ni Selena. Kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka-hawak ko sa kamay nya"
“Kuya, jerson kayo na po ang bahala sa kanila. Ingat lang sa pag-byahe!” habilin ko bago pinaandar ni jerson ang kotse ko at umalis.
“Kilala ba nya si Selena?? Bakit ganon-ganon nalang ang reaksyon nya kanina ng malaman nya ang pangalan nito??”
Natapos lang ang araw sa trabaho ko na ang tanging tumatakbo sa isipan ko ay ang tungkol kay Amarra at kay Selena.
Nang makatanggap ulit ako ng text message mula kay Rylle.
Tinatanong kung out duty ko na.
Nag reply naman ako nang “Oo" at paalis na ng hospital.
"Ano kayang importante ang sasabihin nya?!"
“Excuse me, doc! Meron pa ba kayong habilin para sa mga pasyente nyo bukas??” tanong ng secretary ko.
“Wala naman, siguradohin mo lang na nasa tamang oras yong pag-inom ng gamot nang pasyente!” sagot ko.
At tumango ito sa’kin “noted, doc!”
At lumabas na ako ng aking opisina at naglakad na patungong exit area ng hospital.
Pero hindi ko inaasahan na makaka-salubong ko si Doc. Amarra dito sa exit area.
“Off duty muna?!” tanong nya ng magkalapit na kami.
“Oo, overtime ka?!” tanong ko.
“Actually papauwi narin ako, meron lang nakalimutan sa opisina!” sagot nya.
“Sige ma-una na'kong umuwi sa’yo!” paalam ko.
“Sandali lang?!” tawag nya sakin.
“Yes?!” tanong ko at kunwari’y tiningnan ang relo ko. Para mahalata nyang nagmamadali ako.
“Tungkol sana kay selena, paano kayo nagkakilala?!” tanong nya.
“Inaasahan ko ng itatanong mo sakin yan!” sa isip ko.
“Kamag-anak sya ng kakilala ko at ako ang nuero doctor nya" sagot ko.
“Bakit ano ba ang sakit nya?!” tanong nito.
“Meron syang amnesia!” sagot ko.
“Hah?!… am…amnesia??!!” hindi makapaniwalang sabi nya.
“Kaya pala?!” pabulong nyang sabi.
“Anong sinabi mo?!” pag ulit ko.
“Ah, wala… sige alis na ako, pansin kung nagmamadali ka!” sabi nito at nagmamadaling umalis.
“Halata kung kilala nga nya si Selena! Baka may plano itong kunin ang records nya. Kailangan maunahan ko sya!”
Agad kung tinawagan ang secretary ko at inutusan ko itong gawing confidential ang record ni selena at tanging ako at ang director lang ang may access ng system.
“Kailangan malaman ko ang sekrito mo, Doc. Amarra…”
Pagkarating ko sa restaurant ay agad-agad akong pumanhik papunta ng opisina ko.
“Kanina pa ba kayo dito?!” bungad kung tanong sa tatlo ng datnan ko sila sa loob ng aking opisina.
“Hindi naman, kararating lang din namin”sagot ni Diego.
“Guy’s, tinawagan ko na si Selena at sinabing hindi muna tayo sasabay sa kanila sa dinner!” sabad naman ni Martin.
“Napapa-dalas yata ang pag-uusap nilang dalawa… nakaka-selos na!”
“Christian, maupo kana!” tawag sakin ni Rylle.
“Ano ba itong importanteng sasabihin nyo sakin?!” agad kung tanong.
“Tungkol ito sa kaso ni Selena!” seyosong sabi ni Rylle.
Natahimik kaming lahat pagkasabi nya nito.
~Jean~
“Sayang hindi matitikman ng apat na'yon ang luto natin Selena!” sabi ko habang kumakain ng Adobong manok.
“Alam mo natatanda-an ko pa, isa ito sa niluto ni Rylle nong nasa hospital pa’ko" naka-ngiti nyang sabi.
“Naalala ko rin yon, sabay pa kaming tatlo ni Diego ang kumakain non!” sagot ko.
“Jean, sa iyong palagay. Isa ba akong mabuting tao?” seryosong tanong nya sakin.
“Ano ba naman ang babaeng ito, sa dami-dami ng pwede nyang itanong sakin bakit ganyan pa?!”
“Oo, naman! Mabait ka, magalang, maalaga at maganda! Eh, bakit ba ganya uri ng tanong mo?!” takang tanong ko sa kanya.
“Wala, sumagi lang sa isipan ko!” sagot nya at ibinalik ang attention sa kinakain nya.
“Bakit?! Tungkol ba ito sa panaginip mo?” tanong ko.
Bahagya syang tumango bilang sagot.
“Alam mo panaginip lang yan, wag mo masyadong dibdibin!” pabiro kung sabi.
“Sana nga" sabi nya.
Natapos ang hapunan namin ng hindi pa din dumadating ang apat.
Kaya nagkwentohan muna kami ni Selena sa veranda at para makalanghap narin ng sariwang hangin.
“Oy, ang cute naman ng necklace mo!” sabi nyang nakatingin sa suot kung kwentas.
“Ah, talaga bah?! Alam mo bigay to’ sakin ng kaibigan ko nong high school pa lang kami!” pagkwento ko.
“Wow, ang sweet nyo naman!” nakangiti nyang sabi.
“Kwentohan mo naman ako tungkol sa kanya!” pangumbinsi nya.
“Sige na nga para meron tayong pagkwentohan!” at nagsimula ako sa pagkwento sa kanya tungkol sa nakaraan ko at sa kaibigan ko.
“Alam mo meron akong sekritong sasabihin sa’yo, pero sana wag mo itong sasabihin sa apat!” sabi ko.
“Promise! Hindi ko sasabihin!” at nag pinky swear pa kaming dalawa.
“Hay, nahihiya akong sabihin!” pagpakipot ko.
“Nakakainis kana man, eh!” pagta-tampo nya.
“Eto na! Alam mo ba na mga school mate ko silang apat!” bulong kung sabi sa kanya.
“Talaga?! Eh, bakit parang ngayon lang kayo nagkakilala?!” takang tanong nya.
“Eh, sino ba naman ako non para pansinin nilang apat!” sagot ko.
“Patpatin ako, hindi matalino at sunog ang balat. Nako! walang-wala ako kumpara sa mga babaeng estudyanteng humahabol sa kanila!” pagkwento kung napapa-iling pa.
“Eh, maganda kana ngayon!” sabi nya.
“Sigurado ako na magugustuhan kana ni Diego nyan!” pagtukso nya sakin.
“Tumigil ka nga baka may makarinig sa’yong ispirito rito at baka tuparin yang sinasabi mo!” kinilikig kong sagot at napatawa kami.
“Oy, diba sabi mo meron kasamang bracelet yang kwentas mo, asan na gusto ko rin makita!” excited nyang sabi.
“Nako yang nga ang problema ko, nawala ko kasi ito sa isang bar nong minsan sinundan ko ang tropa ni Diego!” nalulumo kung sagot.
“Sinusundan?!” tanong nya.
“Kararating lang kasi nya non mula sa tokyo japan at syempre bilang tagahanga ayon sinundan ko sya. At don ko nawala yong bracelet na talagang pinagsisihan ko!” naiiyak kung pagkwento sa kanya.
“Tumahan kana nga!” sabi nya habang hinimas-himas ang balikat ko.
Nang bigla itong napatigil sa kanyang ginagawa at sapo ang kanyang ulo.
“Ah, aray!!” reklamo nya.
“Bakit anong problema?” nag-aalala kung tanong sa kanya at agad syang nilapitan.
“Ahh!!” daing nya dahil sa sakit.
“Bakit anong nararamdaman mo?!” pag-aalala ko.
At bigla nalang itong nawalan ng malay at mabuti nalang maagap ko syang nasalo bago pa sya bumagsak sa sahig.
“Selena!!” tawag ko sa kanya.