"Hepe, kunin na lamang muna ninyo ang kanilang mga salaysay at baka natatandaan nila ang mukha ng dalawang nagbabalatkayo. Sana sila ay nagsasabi nang totoo dahil kapag nalaman ko kasabwat sila ng mga dumukot sa mga anak ko ay hindi ako titigil hanggang hindi sila lahat nakukulong!" turan ni Erron sa hepe kung ano ang ngayon ang gusto niya mangyari sa mga staff ng restaurant. Naaawa rin kasi ang binata sa mga empleyado ng restaurant na iyon dahil alam niya na may mga pamilya rin ang mga ito na umaasa sa kanila. Sa sinabi ni Erron kaagad nang pinakita nitong manedyer ang CCTV na kuha sa restaurant kahit hindi pa ito tinatanong ng binata. Ang dalawang babae naman na may kalong na mga bata ay maputi, matangkad at may mahabang buhok kaya iisipin mo na ito ay mga tunay na babae pero pinagk

