bc

The Forbidden Fruit

book_age16+
106
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
goodgirl
drama
sweet
bxg
city
first love
nurse
passionate
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Kapag ang puso raw ay nagmahal, hahamakin ang lahat makamit ka lamang. Ilang bagyo man daw ay kaya niyang suungin makamit lamang ang pag-ibig ng taong minamahal pero paano kung humadlang sa inyo ang tadhana kaya mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na ito? Si Erron Ricafort, 25 years old at isang CEO ng kanilang kumpanya na Ricafort Real Estate ay nagmahal at umibig sa isang babae na si Amilah Ricafort, 18 years old at isang estudyante na kumukuha ng nursing. Maganda, mabait at masipag si Amilah kaya si Erron ay nahulog ang loob sa dalaga ngunit tutol ang Tiya Melba ni Erron dahil si Amilah ay inampon ng tiya niya at sa mata ng tao ay magpinsan ang dalawa. Si Erron ay ulila na dahil maaga siya iniwan ng mga magulang at buhat noon ay ang kapatid ng ina na si Melba ang siyang nag-alaga at nagpalaki kay Erron hanggang dumating ang panahon nasa tamang gulang na siya upang manahin ang mga iniwan ng magulang nito kaya ganoon na lamang ang pagsisikap ng tiyahin niya na malayo ang pamangkin kay Amilah dahil baka iyon ang maging mitsa upang maagaw sa binata ang pagiging CEO ng lalaki sa kumpanya. Ano ang gagawin ni Melba upang mapigilan niya ang pamangkin sa relasyon nito kay Amilah na tinuring niya na anak? Paano rin kung malaman ng mga shareholder ng kumpanya ang lihim na relasyon ni Erron kay Amilah. Ating subaybayan ang pag-iibigan nila Erron at Amirah na tinuring na bawal ng pamilya nila at kung hanggang saan nila kakayanin na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
Ang pag-ibig na tinago
Seryoso na nag-uusap sila Erron at ang kan'yang tiyahin sa kanilang mini-office sa mansion na biglang humantong sa pagtatalo at pagtaas nang boses ng dalawa. "Tigilan mo na ang kabaliwan na ito, Erron! Ano na lamang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa atin?" sigaw ni Melba, ang kapatid nang namatay na ina ni Erron. "Tiyang, wala akong kailangan na paliwanag sa kahit na sinong tao. Kahit pa sa angkan natin ay wala rin akong pakialam. Kung ako ay kahiya nila o itakwil man ay bahala sila!" ang matigas na sagot ni Erron sa nakatatanda na kapatid ng kan'yang ina. "Ipagpapalit mo ba ang lahat ng bagay na nasa iyo ngayon para lamang sa babae na 'yan?" "Opo, kaya huwag ninyo kami pakialaman dalawa at huwag na huwag ko malaman na inyo siyang sinasaktan kung hindi ay ako ang inyo makakalaban!" banta pa ni Erron sa tiyahin na nabigla sa sinabi ng pamangkin. "Talaga bang nasisiraan ka na ng ulo, ano ba ang pinakain niya sa iyo at ikaw ay nagkakagan'yan?" Tumawa nang malakas si Erron matapos na itanong ito ng tiyahin sa kan'ya. Si Melba naman ay nagtaka sa inasal ng pamangkin dahil si Erron ay naging masunurin sa kan'ya noon at sinusunod nito palagi ang lahat ng kan'yang sabihin. "Tiya Melba, alam ko na kayo ay nag-aalala lamang sa akin pero hindi na po ako bata para inyo pagsabihan kung ano ang tama at mali." Matapos nito ay tumalikod na si Erron at hindi na nito pinansin ang pagtawag sa kan'ya ng tiyahin. Si Erron Ricafort ay ang CEO ng Ricafort Real Estate sa edad na bente tres. Namatay na maaga ang kan'yang magulang at dahil siya ay nag-iisang anak kaya siya lamang ang nagiisang tagapagmana nang naiwan na kumpanya ng magulang niya. Ang tiya Melba niya naman ay ang nakakabatang kapatid na babae ng ina ni Erron, ito ay isang balo at walang anak kaya inampon niya si Amilah na lumaki sa ampunan upang mayroon makasama siya sa kan'ya pagtanda. Nang mamatay ang magulang ni Erron ay kinuha siya ng kan'yang Tiya Melba kaya sila ay tumira nang sama-sama sa iisang bahay. Hindi akalain ni Melba na ang pagtira ni Erron sa kanila ay maging hudyat para magkalapit ang loob ni Amilah at ni Erron sa isa't-isa na siya naging dahilan ngayon nang sigalot at awayan dito sa magtiyahin. Sinusundo at hinahatid ni Erron si Amilah sa kan'yang pinapasukan na paaralan. Ang dalaga ay nasa ika-tatlong taon sa kolehiyo sa kursong nursing. "Mukhang masama yata ang timpla mo ngayon! Kitang-kita ko kasi sa nagsasalubong mong kilay ang pagkaimbeyerna mo. Sino ba ang mapalad na taong nagbigay sa iyo nang sakit ng ulo?" tanong dito ni Amilah sa lalaki na pilit tinatago ang mukha sa dalaga. "Wala ito, nagkasagutan lamang kami ni Tita Melba," Napatingin si Amilah sa lalaki at ito ay nag-iwas nang tingin dahil sa alam na niya kung ano ang naging dahilan nang alitan ng mag-tiyahin. "Kuya Erron, sinabi ko na sa iyo na tigilan mo na ang paghingi ng permiso kay tiyang at hindi ka niya pagbibigyan kahit na kailan!" mariin na sabi ni Amilah kay Erron na siyang kina-irita ng lalaki. "Hindi mo ba gusto na tayo ay magkasama na?" tanong ni Erron sa dalaga na may lungkot sa mga mata. "Gusto ko pero kung 'yon naman ang magiging dahilan para masira ang samahan ninyo ay hindi ko na ito nanaisin pa!" "Ano ang ibig mong sabihin sa akin, Amilah?" "Kuya Erron, kailangan siguro na natin tanggapin hindi talaga puwede tayong dalawa. Ako at ikaw sa mata ng lahat ay magpinsan!" "Pero hindi naman tayo totoo na magpinsan, hindi kita kadugo!" "Maari nga na magkaiba tayo nang dugo na nalalaytay pero dahil inampon ako ng tiya mo, sa mata ng tao ako at ikaw ay magkapamilya," "Huwag mo na paguluhin pa ang atin sitwasyon, basta mahal kita at kung ako ay mahal mo rin wala sila magagawa sa atin dalawa." Nagyuko ng ulo si Amilah dahil siya ay naguguluhan na rin sa mga nangyayari at para bang siya ngayon ay naiipit sa dalawa naguumpugan na malaking bato. "Hayaan mo na muna ako mag-isip, Kuya Erron. Hindi tayo dapat magpadalos-dalos sa ating pasya dahil may mga maapektuhan kagaya ni Mama Melba!" sigaw nito sa lalaki na nalungkot sa mga sinabi niya. "Manalig ka sana sa akin na poprotektahan kita at hindi ko ikaw hahayaan na masaktan!" nakatingin si Erron kay Amilah na para bang ito ay nagmamakaawa na huwag nito tapusin ang relasyon nila. Nang makauwi sila ay nakita nila ang Mama Melba niya sa may sala pero hindi sila pinansin nito. Nag-alangan bumati si Amilah sa ina-inahan dahil alam na nito ang tungkol sa kanila ni Erron. "Sir, ma'am gusto na po ba ninyo kumain? Maghahain na po ba ako?" sabi ng katulong ng ito ay lumapit kay Erron nang magalang. "Sige po Manang Belen dahil nagugutom na ako." Sagot ni Erron sa katulong na kaagad tumalikod. Tumayo sa pagkakaupo sa sofa si Melba at aakyat na sana ito sa itaas ng siya ay pigilan ni Erron. "Kakain na po tayo tiyang, bakit aakyat pa kayo sa kuwarto ninyo?" tanong ni Erron sa tiyahin nang ito ay sumagot nang mahina. "Wala pa akong ganang kumain, mauna na lamang kayo." Sagot ni Melba sa pamangkin at naglakad na paakyat ng hagdan na hindi maipinta ang mukha. Si Amilah naman, nakatingin sa likod ng matandang babae at para bang nakaramdam siya nang sakit sa dibdib. Bata pa siya nang ampunin ng babae at ito ang tumayo na ina at ama sa kan'ya mula noon kaya niya naiintindihan kung ano at saan nang gagaling ang galit nang nakilala na ina. Isang linggo ang lumipas pero hindi pa rin kinakausap nitong si Melba sila Erron at Amilah kaya ang dalaga ay nababahala na. "Kuya Erron, hindi ko yata kaya balewalain si Mamang Melba kaya kakausapin ko siya at kung hilingin niyang layuan kita ay gagawin ko dahil ayaw ko siyang magalit sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kan'ya!" pakiusap nitong si Amilah sa lalaki na bigla kumunot ang noo. "Paano ako, tayo? Kaya mo bang mawala ako sa buhay mo?" "Kung 'yan ang makakabuti sa atin ay gagawin ko dahil sa una pa lamang ay alam ko nang wala tayo mararating na dalawa kung paiiralin natin ang katigasan ng ulo natin!" turan pa ni Amilah kay Erron na hindi sang-ayon sa binabalak niya. "Kaya mong isakripisyo ating pag-ibig dahil lamang sa sasabihin ng mga tao pero hindi mo naisip ang sakit na aking mararamdaman?" "Please Kuya Erron, kalimutan mo na ako. Darating ang araw na makikita mo rin tamang tao para sa iyo, 'yong hindi ka bibigyan nang problema," ang paliwanag ni Amilah dito sa binatang maiyak-iyak na sa mga naririnig kay Amilah. Si Amilah ay malungkot din pero wala na rin siyang magagawa dahil mas matimbang ang pagtanaw niya nang utang na loob sa minamahal na inang si Melba. Hindi man gusto ni Erron naging pasya ni Amilah pero dahil iyon ang naging pasya nito ay kaniya itong susundin. Nang sumunod na araw ay hindi na nagpaalam pa si Erron sa tiya niya at kay Amilah. Siya ay lumipat sa condo na malapit sa kumpanya niya. Nalungkot man si Amilah ay tinatagan na lamang niya ang sarili dahil alam niyang makakabuti ito sa kanilang lahat. Pagkaalis ni Erron sa mansion kung saan sila sama-sama nakatira noon nila Amilah at Tiya Melba niya ay kinausap naman ng dalaga ang ina niyang si Melba. "Mamang, kausapin na po ninyo sana ako. Huwag na po kayo magalit sa akin, susundin ko na po kayo. Ako ay lalayo na kay Kuya Erron!" turan ni Amilah kay Melba na natuwa naman sa narinig na sinabi ng dalaga. "Alam ko nahihirapan ka at si Erron pero may dahilan ako kaya ayaw ko sa relasyon ninyo. Ayaw ko sana itong sabihin pero sa palagay ko ay oras na upang malaman mo ang totoo," ani Melba rito sa ampon niyang si Amilah. "Ang alin po 'yon mamang?" ang tanong ni Amilah na nagtataka sa sinasabi ng matandang babae. "Huwag ka sana mabibigla sa ipagtatapat ko sa iyo at sana huwag mo ipaalam ito kay Erron dahil tiyak ko na ikagagalit niya rin ang aking sasabihin na ito at ayaw ko mangyari 'yon," sinimulan na ni Melba ang pagkuwento nang tunay na katauhan ng dalaga. "Ang totoo ay tunay kayo na nagkapatid sa ama ni Erron, Amilah!" Gulat at hindi makapaniwala si Amilah sa mga narinig niya sa babae na umampon sa kan'ya kaya siya ay biglang napa-angat ang puwet sa pagkakaupo at tumayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook