"A-ang ibig ba ninyo sabihin ay ang ama ni Erron ang tunay kong ama? Pero paano po nangyari 'yon?" turan ni Amilah hindi makapaniwala sa sinasabi ng Mama Melba niya.
Tumutulo ang luhang hinawakan ng matandang babae si Amilah at ito ay pinipilit kumalma upang kan'yang maintindihan ang lahat.
"Totoo ang sinasabi ko sa iyo na si Ramon, ang ama ni Erron ay ang tunay mong ama. Ang iyong ina ay dati namin kasambahay na umibig kay Ramon, ama ni Erron pero dahil asawa na nito ang kapatid ko noon kaya siya ay pinalayas ng aming mga magulang..."
"Hindi alam ni Ramon na buntis si Lolita, ang iyong ina pero isang araw mayroon kaming natanggap na sulat galing sa Life Orphanage na si Lolita ay nanganak ng isang batang babae. Hindi kaagad ito pinaalam ng aming mga magulang kay Ramon hanggang ang aming magulang ay nagkasakit at namatay pareho nang magkasunod,"
"Nasaan po ang tunay kong ina ngayon?" tanong ni Amilah sa babae na umampon sa kan'ya.
"Hindi ko alam kung nasaan na ngayon ang tunay mong ina dahil pagkapanganak niya ay iniwan ka na lamang basta sa bahay ampunan."
"Paano po nalaman ni Tatay Ramon ang tungkol sa akin?" turan pa ng dalaga sa kan'yang ina-inahan na iniisip ang mga sumunod pa na pangyayari noon.
"Nang mamatay ang aming mga magulang ay doon lamang nalaman ni Ramon ang tungkol sa iyo nang tawagan kami nang namamahala ng orphanage dahil may sakit ka raw at nasa hospital. Nalaman din namin buwan-buwan kang pinadadalhan ng amin mga magulang ng pera. Doon kami nag-usap ni Ramon at naisipan ko kunin ka na lamang at ampunin nang sa gano'n mabawasan naman ang kasalanan ni Ramon sa totoong nanay mo."
Naiyak nang husto si Amilah dahil buong buhay niya pinangarap niya na malaman kung sino totoong mga magulang niya pero hindi niya akalain malapit lamang pala ito sa kan'ya.
"Huwag ka sana magalit sa akin kung ngayon ko lamang pinagtapat ito sa iyo," saad ni Melba humihingi nang tawad sa dalaga.
"Sana noon pa ninyo sinabi sa amin ang lahat, hindi na sana kami nagkasala pa ni Kuya Erron!" galit at may tampo na sambit ni Amilah sa tao na umampon sa kan'ya pero ang totoo ay tiyahin pala niya.
"Pasensiya ka na anak, pero 'yon ang bilin ni Ramon, ang papa ni Erron sa akin upang hindi raw magulo ang buhay ninyo," mapagkumbaba nito na pahayag kay Amilah.
"Pero tingnan ninyo nangyari sa amin ni Kuya Erron, hindi ba lalong naging magulo dahil nagkasala kami hindi lamang sa mata ng tao kung hindi pati na rin sa mata ng Diyos!" sigaw ni Amilah na para tuloy nandiri sa sarili nang naisip niya nangyari na paghahalikan nila ni Erron.
"Patawarin mo ako kung kami ay naglihim sa inyo ni Ramon at sana ay hindi ito malaman ng kuya mo, alam ko mahirap ito sa iyo pero ito lamang mapapayo ko at sana maunawaan mo ako. Lumayo ka na rito at huwag nang bumalik upang hindi na kayo magkita pa at patuloy magkasala na magkapatid!"
Napatingin si Amilah sa babae at alam niya na tama ito dahil kahit lumipat pa si Erron sa ibang tirahan alam niya na pupuntahan at pupunta pa rin ito sa kan'ya upang siya ay makita.
"Bibigyan kita ng pera, ikaw ay mangibang-bansa. Lahat ng 'yong gastosin sa ibang bansa ay ako ang bahala. Nakikiusap ako ngayon sa iyo, Amilah para na rin sa kabutihan ninyo ng Kuya Erron mo!"
Nakatitig lamang sa kawalan si Amilah, gulong-gulo ang utak niya. Hilam na sa luha ang kan'yang mga mata na para bang wala sa sarili na naglakad papunta sa kuwarto niya at doon umiyak nang umiyak sa ilalim ng kan'yang unan.
Mula nang araw na nagkausap si Amilah at si Melba ay iniwasan na ni Amilah si Erron. Araw-araw pa rin siya pinupuntahan ng binata pero ang lalaki ay hindi kinakausap nitong si Amilah.
"Amilah, kausapin mo ako. Hindi ko kaya na gan'yan ka sa akin dahil mababaliw ako!" sigaw nito habang habol-habol ang umiiwas na dalaga.
"Mahal kita at kahit ano pa ang sabihin nila sa akin, kahit na alisin pa nila ako sa aking puwesto ay okay lamang sa akin basta pangako mo na hindi ka magbabago kailan man sa akin."
Naluha si Amilah pero ayaw na niyang madagdagan pa ang kanilang kasalanan sa mata ng Diyos at tao kaya tinalikuran na lamang niya si Erron at tinakbuhan.
"Sorry Kuya Erron, mahal kita pero hindi tayo talaga puwede sa isa't-isa kaya patawarin mo ako sa gagawin ko!" bulong ng dalaga sa sarili habang malungkot ang matang tinatanaw sa malayo si Erron.
Ilang araw na hindi makakain si Amilah buhat ng kan'yang malaman ang tungkol sa kanila ng Kuya Erron niya kaya isang umaga ay kinausap niya ang Mamang Melba niya.
"Mamang, payag na po ako sa gusto ninyo. Pupunta na po ako sa ibang bansa at doon ko na tatapusin ang pag-aaral ko!"
Natuwa si Melba sa narinig niya rito sa kan'yang ampon at dali-dali nitong niyakap ang dalaga na ngayon ay tumutulo na ang luha.
"Salamat anak at nakapag-isip ka rin ng tama, asahan mo na hindi kita pababayaan hanggang ikaw ay nasa ibang bansa!"
Hindi na umimik pa si Amilah at pakiramdam niya ay iiyak na naman siya pero ito ay pinigilan niya dahil alam niya na ito ang makakabuti sa kanilang dalawa ni Erron.
Hindi niya pinaalam sa binata ang balak niya na pag-alis at siya ay unti-unti nag-ayos ng kan'yang mga papeles at ganoon din sa kaniyang eskuwelahan.
At pagkaraan nga nang isang buwan ay tumulak na ng Germany si Amilah. Gusto sana niya sa Amerika magpunta pero kabisado ni Erron ang bansang Amerika dahil mayroon branch ang opisina nila roon at madali siya mahahanap nito kaya minabuti na lamang niya sa Germany para hindi siya kaagad makita ng binata.
Nang bagong dating si Amilah ay naghanap kaagad siya ng part time job at natanggap naman ito bilang ad model ng isang brand ng perfume.
Doon sa ad agency niya nakilala si Fate na ngayon ay kan'ya rin na roommate at best friend.
Binigyan siya ng Mama Melba niya ng atm card at magpapadala raw ito roon buwan-buwan pero ito ay hindi ginalaw ni Amilah.
Namasukan din ang dalaga sa isang restaurant bilang waitress para siya ay makapag-enroll sa kolehiyo nang kan'yang matapos ang kursong Nursing.
Nang maka-graduate siya ng nursing at naipasa ang nursing exam na tinakda ng Germany nursing board ay kumuha kaagad siya ng license upang makahanap siya ng full time job dahil sa lumalaki niyang gastusin.
Sinuwerte naman ang dalaga dahil natanggap siya bilang clinic nurse at dahil hindi gaanong pagod sa trabaho kaya pinagpatuloy pa rin niya ang part time job niya bilang ad model nang kinuha siyang endorser ng isang bagong brand ng lipstick at facial wash na pambabae.
"Amilah, we got lucky because someone wants to buy our product in the Philippines but you have to go there to finalize and talk to the CEO of that company because they want you to be their brand model." Sabi ng boss niya sa part time job niya sa isang ad agency.
"Do I really have to go there, Boss V?" tanong ni Amilah sa boss niya na biglang kumunot ang noo.
Nag-isip si Amilah dahil sa tagal niya sa Germany ay wala sa isip niya na babalik pa siya muli sa Pilipinas.
Gano'n man ay nasasabik na rin siya na umuwi ng Pilipinas. Gusto niya ring malaman kung ano na ang nangyari sa pamilya niya mula nang iwan niya ang mga ito.
Nakatingin sa malayo si Amilah at marami ang tumatakbo sa isip niya, isa na roon ay ang Kuya Erron niya.
"Mayroon na kaya siyang asawa at anak?" lumapit pa ito sa salamin bintana ng kanilang opisina habang ito ay bumuntung-hininga.
"Sinong may-asawa at anak ang sinasabi mo, Amilah?"
Bigla nabalik sa ulirat niya itong si Amilah, hindi niya namalayan ang pagdating ng kaibigan na si Fate.
Si Fate ay ang humahawak sa mga modelo na kagaya niya at ang kauna-unahan niyang kaibigan dito marahil dahil katulad niya ay isa rin itong Pilipina.
"Wala, mayroon lamang akong naalala kaya nasabi ko 'yon."
Tumingin sa kan'ya si Fate at ito ay napangiti nang lihim.
Si Fate ay halos kasing edad niya at napunta sa Germany bilang isa sa mga exchange student pero hindi na rin ito bumalik sa Pilipinas ng ito ay makagraduate.
"Uy, may naalala si ganda! Lalaki ba? Guwapo, mayaman, malaki ba ang..." Tinakpan ni Amilah kaagad ang bibig ng kaibigan.
"Huwag ka kasi masiyadong madaldal ano? Baka tubuan nang kung ano ang bibig mo!" ani Amilah na natatawa pa sa kadaldalan ng kaibigan.
"Oo nga pala, gusto ko na ibook mo ako papunta sa Pilipinas ngayon linggo."
"Uuwi ka? Pero paano trabaho mo, ang mga anak mo na sila CJ at CK?" tanong ni Fate na nabigla sa sinabi ng kaibigan.
Lumapit si Amilah sa kaibigan at tinapik ito sa balikat saka ito ngumiti nang matamis dito.
"Nariyan ka naman at alam ko hindi mo sila pababayaan ang mga anak ko hanggang wala ako!"
Anim na taon din na namalagi Si Amilah sa Germany at doon na rin ito nakapagtapos nang pag-aaral dahil na rin siguro sa kan'yang sipag at tiyaga.