Ang Muling Pagkikita

1579 Words
"Magreresign na muna ako sa clinic. Huwag kang mag-aalala dahil babalik ako kapag nakuha ko na ang kontrata sa company ng AIC. Wala nang nasabi pa si Fate dahil alam niya na kapag trabaho ay hindi niya mapipigilan si Amilah. Pagkaraan pa nang isang linggo ay saka lamang nakaalis si Amilah pabalik ng Pilipinas. Hindi nakaalis kaagad ang dalaga dahil ayaw siya payagan sa clinic kaya umalis na lamang siya pero pinadala niya ang kan'yang resignation letter sa dating pinagtrabahuhan sa pamamagitan ni Fate. "Welcome home Amilah, hindi kita nakilala. Malaki ang pinagbago mo dahil lalo kang gumanda. Mukha ka yatang nahiyang sa klima ng Germany at lalo kang pumuti!" bati sa dalaga ni Rizza ang kapatid ni Fate na minsan nang tinulungan ni Amilah noon nang nasa Germany pa ito. "Ano ka ba naman Rizza, ako pa rin ito at hindi naman magbabago ang mukhang ito. Siguro ay talagang maganda ako katulad mo," sagot ni Amilah sa kapatid ni Fate na natawa nang malakas. "Lahat ba nang bagahe mo ay narito na? Kung ganoon ay puwede na tayong umuwi at nagpaluto ako kay Nanay Azon ng caldereta at sinagang na bangus sa bayabas," pagmayabang ni Rizza sa kausap na biglang naman natakam sa sinabi nito. May dalang sasakyan si Rizza kung saan nilagay nila sa likod ang mga bagahe ni Amilah at saka sila ay naglakbay na patungo sa tinitirhan nila Rizza. "Ano na ngayon ang plano mo, babalik ka pa ba sa Germany?" Tumingin si Amilah sa labas ng bintana ng sasakyan at natahimik siya sa nakita na malaki pagbabago ng bansa mula ng siya ay umalis dito. Traffic nga pero hindi naman maikakaila na ito ay dahil na rin sa unti-unti pag-unlad ng ating bansa. "Hindi ko pa alam sa ngayon pero parang gusto ko nang manatili rito but who knows?" Makaraan nang halos isang oras ay narating nila Amilah ang bahay nila Rizza. Ang bahay ay halatang bagong pintura. Mayroon dalawang palapag ito na may hardin na puno ng mga tanim na halaman. Pagpasok nila Rizza at Amilah sa bahay ay sinalubong na kaagad sila ng Nanay Azon nila Rizza at Fate. Binaba ni Amilah ang bag niya sa may ibabaw ng sofa at nagmano sa matanda na siya naman kinatuwa nito. "Tingnan mo nga kung sino pa ang bisita siya pa nagbigay-galang sa akin pero itong sarili kong anak, nginitian lamang ako!" nagtatampo nitong sabi habang napasimangot pa sa anak na babae. "Ang nanay naman, kilala ninyo ako na hindi showy kaya huwag na kayo sa akin magtampo dahil kahit ganito ay mahal na mahal ko naman kayo!" Napangiti na tuloy ang nanay ni Rizza nang yumakap na ito kaya sila ay niyaya na nito sa kusina dahil sa alam nito na gutom na sila sa haba nang biyahe. Maaga natulog si Amilah dahil balak niyang pumunta kaagad sa kumpanya ng AIC. Nang nagising ang dalaga sa tunog ng phone niya dahil sa isang mensahe buhat sa kumpanya ng AIC. "Good morning Miss Amilah Ricafort, I am Hariet Dimaculangan, the secretary of the CEO of AIC. I just want to remind you of your appointment with our CEO this morning at ten o'clock on the fifth floor of the AIC building." "Talaga itong si boss, surprise visit sana gagawin ko sa AIC pero binalita kaagad niya na narito na ako sa Pilipinas." Ani Amilah sa sarili na hinaplos pa ang batok. Nagmadali nagbihis si Amilah dahil alas siyeta na at kakain pa siya. Alam niya na malayo ang office ng AIC sa bahay nila Rizza kaya dapat siyang umalis nang maaga. Ang bahay nila Rizza ay nasa Novaliches, Quezon City at ang AIC na pupuntahan ni Amilah ay nasa Makati. "Kapag nag-umpisa na ang project siguro lilipat ako nang mas malapit para hindi ako mahirapan sa pagbiyahe papunta sa opisina at pauwi." Turan ni Amilah na pabulong sa sarili habang tinitingnan ang daan na binabaybay ng sasakyan. Nagmadali na si Amilah nang bumaba ng taxi at matapos na siya ay makakuha ng visitors ID sa babae na nasa information desk, siya ay tumakbo na papunta ng elevator. Pasarado na ang elevator nang makita ng dalaga kaya napasigaw si Amilah nang malakas "Teka, may sasakay pa!" Bumukas na muli ang elevator at sumakay si Amilah nakayuko ito na humingi nang paumanhin at siya rin ay nagpasalamat sa mga tao naroon sa loob ng elevator. Hindi napansin ni Amilah ang isang lalaki sa isang sulok na masusi siyang pinagmamasdan dahil nasa likod ito. "Si Amilah ba ito? Kailan pa siya dumating at bakit siya narito?" ani Erron sa sarili na kinusot pa ang mga mata dahil hindi ito makapaniwala. Natatakpan si Erron ng ibang empleyado at nasa harapan naman si Amilah kaya hindi nakita ng dalaga ang lalaki. Hindi alam ni Erron kung ano ang mararamdaman niya matapos makita ang babae na nang-iwan sa kan'ya. Galit siya rito pero hindi pa rin maitatago ang lihim na pananabik sa dating mahal na para sa kan'ya ay lalong gumanda at kaibig-ibig. Sa anim na taon inilagi ni Amilah sa Germany ay lalong pumuti at kuminis ang kutis nito. Dahil siya ay part-time model kaya lalo pa siyang natuto nang tamang pag-aayos sa sarili. "Kailangan ko malaman kung ano ang kan'yang ginagawa rito at kung kailan siya nakabalik mula sa ibang bansa," pabulong na sinabi ni Erron sa sarili habang ang kan'yang dibdib ay malakas na binabayo sa kaba at pananabik para sa dati niya na kasintahan. Nang lumabas sa elevator si Amilah ay hindi nito alam na lihim siyang sinundan ni Erron at nang makita ng lalaki kung saan pumunta ang dalaga ito ay nagtago na muna. Nalaman ni Erron na sa opisina ng CEO papunta si Amilah. Ang CEO ay kaibigan ni Erron at ito rin ang kan'yang pakay kaya hindi muna siya tumuloy doon at hinintay si Amilah. Si Alex Nabrada ay ang CEO ng AIC. Ang kumpanya nila ang siyang gumagawa ng mga sikat na perfume at cosmetic sa Pilipinas, ganoon din sa ibang bansa. Magkaibigan ang papa ni Erron at papa ni Alex kaya sila nagkakilala. Sa abroad si Alex lumaki at nang natapos na ito sa pag-aaral ay saka lamang bumalik dito sa Pilipinas para magnegosyo. Wala pa itong asawa pero may fiance ito at malapit nang ikasal kaya narito si Erron dahil siya ang best man nito at may pag-uusapan silang mahalaga na tungkol sa negosyo. "Baka hindi si Amilah ang nakita ko at kamukha lamang niya? Pero kung totoo na siya nga iyon ay hindi ko na siya pakakawalan." Saad nito sa sarili habang hawak ang dibdib upang ito kumalma. Maya-maya ay lumabas din si Amilah kasama si Alex. Lumapit si Alex at kinausap ang secretary niya at mayroon ito sinabi sa babae. Pagkatapos ay nakita ni Erron si Amilah at ang secretary ni Alex na pumasok sa loob ng elevator. Nang sumarado na ito ay lumabas na si Erron kung saan siya nagtatago kanina. Kumatok muna si Erron bago ito pumasok sa opisina ni Alex. Walang sinayang na sandali ang binata at kaagad nagtanong dito sa kaibigan pagkapasok sa loob ng kuwarto. "Pare, mukhang importante ang pakay mo sa akin dahil hindi ka pa na uupo nagtatanong ka na kaagad nang tungkol sa babae. Sino ba 'yan at hindi ka mapalagay?" "Ang kasama ng secretarya mo ngayon lamang, ano ang pangalan niya at bakit siya naririto?" sunod-sunod na tanong ni Erron sa kaibigan niyang napanganga na lamang. "Ah, si Miss Amilah Ricafort ba ang tinutukoy mo? Teka, hindi ba Ricafort din ang apelyido mo. Siya ba ang sinasabi mong pinsan?" nagulat at nagtaka si Alex sa biglang naisip. "O, eh ano naman kung kami ay pareho ng apelyido? Sagutin mo muna ako, ano ang ginagawa niya rito?" galit na tukoy ni Erron dito sa kaibigan na ngayon ay lihim nang nag-aalala para kay Erron. "Si Amilah ang pinadala ng boss nila rito bilang modelo ng perfume at cosmetic na bago naming project," ang paliwanag ni Alex sa kaibigan na mataman nakikinig. "Heto ang mga information niya galing sa kumpanya nilang SMEL!" dagdag pa nito na inabot kay Erron. Kinuha naman ni Erron dito ang papel at binasa ito saka napangisi habang nilulukot ang papel. "Naalala mo ba ang babae na kinuwento kong nag-iwan sa akin sa loob ng anim na taon! Siya 'yon, si Amilah Ricafort!" "Teka lamang, baka naman ikaw ay gumawa nang eskandalo rito sa kumpanya ko. Alam ko na galit ka sa kan'ya pero hinay-hinay lamang at baka kayo magkasakitan!" paalala nito sa kaibigan na parang umuusok na ang tainga sa galit kay Amilah. "Nilayasan niya ako nang wala man lamang paalam at ngayon ay magpapakita siya sa akin na parang wala lamang.." "Alam ko pare kung ano ang 'yong nararamdaman. Ngayon nakita mo na siya ay puwede mo siguro nang itanong sa kan'ya kung bakit siya umalis nang walang paalam," walang kagatol-gatol nitong wika kay Erron na napaisip naman sa sinabi niya. "Basta ang maipapayo ko sa iyo ay huwag ka masiyado agresibo at baka pagsisihan mo, malay natin may maganda pala siyang dahilan kaya ka iniwan basta!" Si Alex Nabrada ay isa sa mga kaibigan ni Erron na nakaalam sa istorya nang pag-iibigan nila Erron at Amilah dahil nang siya ay bagong dating pa lamang sa Pilipinas ay isa siya sa laging kasama ni Erron sa paglalasing. Hindi pa nakikilala at nakita ni Alex si Amilah pero isa rin siya noon sa tumutol nang magtapat sa kanila si Erron tungkol sa relasyon nila ni Amilah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD