Nakita ni Alex ang paghihirap ng kaibigan sa pag-alis nang walang paalam ni Amilah kaya gusto niya makapag move on na si Erron ng ito ay makapagsimula nang panibagong buhay.
Oo nga at ito ay may bago ng nobya pero alam niya na si Amilah pa rin ang laman nang puso at isip nito kaya nagkakaganito ang kaibigan.
"Siguro nga ay panahon na para tuldukan na ang amin nakaraan," ani Erron nakatingin sa labas ng bintana ng opisina ni Alex.
"Talaga ngang dapat na itong tuldukan dahil ilang taon na rin na naghihintay sa iyo si Cristal," tugon ni Alex dito sa kaibigang hindi pa rin maalis ang pait sa mukha.
Si Cristal ay ang bagong nobya ni Erron. Makaraan ang tatlong taon mula nang siya ay iniwan ni Amilah ay nakilala niya si Cristal at mula noon ay nagkikita sila hanggang sa silang dalawa ay magkaroon nang mutual understanding.
Hindi umalis si Erron sa opisina ni Alex dahil sinabi ng huli kung saan pupunta sila Amilah at ang secretary niya, ito ay doon sa production staff na makakasama ng dalaga sa mga photo shoot.
Naghintay si Erron sa may lobby ng kumpanya ni Alex at kinakabahan ang binata sa sasabihin kay Amilah kapag sila ay magkaharap na muli.
Noon naman ay inuunat nitong si Amilah ang mga kamay matapos na tapusin ang pagbabasa niya sa computer ng contract niya rito sa AIC, hudyat ito na tapos na siya sa kan'yang ginagawa.
Inayos na niya ang kan'yang mga gamit at uuwi na siya. Bukas na siya babalik dahil kailangan niya ang sagot buhat sa boss niya sa pinadala niyang email.
Mayroon na siyang kilala sa mga production staff at nagpaalam na rin ito sa kan'ya para kumain.
Pababa na si Amilah at sakay ng elevator pero sa hindi malaman na dahilan ay kung bakit para siyang kinabahan bigla.
Nakarating na ang elevator sa ground floor at naglakad na sa lobby si Amilah nang bigla may humarang sa kan'ya.
"Hello Miss Amilah Ricafort, dito lamang pala kita makikita!" nakangiti na wika ni Erron kay Amilah.
Bigla naman na natigil si Amilah sa paglalakad at napaatras pa nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaking pinagtaguan niya nang anim na taon.
Akma na sanang tatakbo ang nabigla na si Amilah pero kaagad din siya nahawakan sa braso at pinigilan ni Erron.
"At tatakbo ka pa talaga! Saan mo na naman ba gusto na pumunta ngayon, tatakasan mo na naman ba ako?" galit at mariin nito na wika sa dalagang si Amilah.
"Bakit ka naririto? Sino nagsabi sa iyo na nandito ako," sagot naman nang nabigla na dalaga.
"Walang nagsabi sa akin naririto ka, aksidente na may pinuntahan ako rito at nakita kita. Ang totoo, kanina pa kita hinintay na lumabas. Ngayon, sabihin mo masama bang makita ko ang babae nang-iwan sa akin?" galit at may pang-uuyam na pahayag ni Erron kay Amilah.
Hindi lamang kaba ang ngayon ay nararamdaman ng dalaga, dahil para bang bigla siya pinagsakluban ng langit at lupa.
"Ano at bigla pa natitigilan ang mahal kong prinsesa!" ani Erron sa dalaga sabay hila rito sa kan'yang palapulsuhan.
"Bitiwan mo ako! Saan mo ako dadalhin? Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitiwan!" panakot nito sa binata na hindi siya binigyan nang pagkakataon at biglang hinalikan nito ang dalaga.
Tinulak ni Amilah si Erron pero wala siyang nagawa sa lakas nitong lalaki na ang mga kamay ngayon ay nakapulupot sa may baywang niya.
"Aray, hayup ka talaga! Ikaw na nga nagnakaw ng halik nangagat ka pa!" sinampal ni Amilah ang binata matapos siya nito halikan at kagatin sa labi.
Natawa si Erron pagkakita niya sa labi ng dalaga na may dugo saka hinawakan niya ang pisngi niya na sinampal ni Amilah.
"Iyan ang parusa ko sa iyo sa pag-iwan mo sa akin, sige sumigaw ka hanggang gusto mo pero hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo!" nakangisi pa ang binata na para bang mayroon naglalaro sa isip niya.
"A-anong gagawin mo sa akin? Binabalaan kita!" wika ng dalaga sa lalaki na palapit nang palapit na sa kan'ya hanggang sa nakayakap na itong muli sa dalaga.
Dahan-dahan itong lumapit at bigla nitong binitbit si Amilah parang sako ng bigas. Ang dalaga naman ay hinahampas sa likod si Erron at ito ay nagkakawag.
"Ibaba mo na ako kung hindi ako ay sisigaw dito!" banta nito habang hinahampas pa rin siya ni Amilah buhat sa likod kaya ito ay binaba na ni Erron pero hawak pa rin nito ang palapulsuhan ng dalaga.
"Sige sumigaw ka pa ng ikaw ay angkinin ko rito sa tapat nito nang bukas ay pagpiyestahan ka ng buong AIC!" bulong ni Erron sa may tainga ni Amilah saka nito biglang dinilaan ang ibabang bahagi ng tainga ng dalaga.
Nanghilakbot tuloy ang dalaga sa ginawa ng lalaki at sa takot niya ay kan'yang nahawakan ang dibdib na ngayon ay pumipintig nang sobra bilis.
Dahil sa hindi makapagsalita ang dalaga kaya sinamantala naman ni Erron ang pagkakataon at hinila niya ito hanggang sa may tapat nang isang bago at magarang sasakyan.
"Pasok at huwag mo tatangkain na tumakas dahil kapag ginawa mo 'yon bukas ay wala ka nang trabaho!" banta ni Erron kay Amilah na nanlaki ang mga mata sa sinabi ng binata at para matapos na ang lahat minabuti nitong sumakay na rin sa sasakyan ni Erron.
"Saan mo ako dadalhin? May mga kasama ako sa bahay na sa akin ay maghihintay at sila ay mag-aalala kapag hindi ako nakauwi kaagad!" tanong ni Amilah na hindi pa rin maipinta ang mukha.
"Huwag kang mag-alala dahil ihahatid din kita pagkatapos natin mag-usap." Sagot dito ng binata na nakangisi pa rin na parang demonyo.
"Ano pa ba ang gusto mo na pag-usapan natin? Anim na taon na ang lumipas, ano pa ba say-say nang lahat ng ito? Dapat mag move on na tayo!" turan pa ni Amilah sa binata na biglang sumimangot.
"Move on? Bakit nakapagmove on ka na ba?" ang taas kilay nitong tanong sa dalaga.
"Mamaya na tayo mag-usap at hayaan mo ako magmaneho nang tahimik kung gusto mong tayo ay makarating nang ligtas sa ating pupuntahan!" ani Erron sa dalaga na tinuon ang mata sa pagmamaneho.
Nakarating na silang dalawa sa isang parke kaya pinababa ni Erron si Amilah. Walang gaanong tao doon sa parke na 'yon pero ito ay naiilawan naman mabuti dahil ito ay naitawag na kaagad ni Erron sa management ng parke upang maging maayos ang pag-uusap nila ni Amilah.
Ang dalaga ay hindi na nagtaka nang makita ang isang sofa sa gitna ng parke na nagpataas ng kilay niya dahil tiyak niyang may kinalaman si Erron doon pero hindi na siya nag-usisa pa.
"Ngayong narito na tayo, ano ba ang gusto mo na atin pag-usapan?" sopladang pahayag ng dalagang si Amilah sa lalaki na kasabay pa niya na umupo sa sofa na naroroon.
Lumapit si Erron sa dalaga at hinawakan ang baba nito saka tinaas ito kaya nanlaki ang mga mata ni Amilah dahil sa sobrang lapit ng mukha ng lalaki sa kan'ya ay puwede na siyang mahalikan kahit anong oras.
Napaatras nang upo si Amilah nang may mararamdaman na para bang umiikot sa may tiyan niya kaya bigla niyang tinabig ang lalaki nang dalawang kamay sa dibdib.
"Ano ba sa iyong tingin ang ginagawa mo?" tanong ni Amilah kay Erron na pangisi-ngisi sa kan'ya.
"Bakit natatakot ka bang halikan ko? Hindi ka na ba sanay sa mga labi ko?" tanong nito na mapanuri saka ito umismid sa dalaga.
Para naman na biglang nailang ang dalaga sa lalaki kaya nagsalita ito habang umaatras nang palayo sa binata.
"Tama na ang pagbibiro sa akin, sabihin mo na lahat nang gusto mo sabihin at gusto ko nang umuwi!"
Tiningnan siya ng binata saka ito bumuwelo nang tanong sa dalaga "Bakit ka umalis nang hindi sa akin nagpaalam?"
"Kailangan ko pa ba sa iyong magpaalam kung atat na atat na ako layasan ka?" sagot dito sa binata ni Amilah na pinipilit walang pakitang emosyon sa lalaki.
"Nagmamahalan tayo noon at wala tayo pinag-awayan, basta ka na lang nawala nang parang bula. Ano sa tingin mo ang aking naramdaman sa ginawa mo?" mataas ang boses na bulalas ni Erron sa dalaga.
"So ano ngayon ang gusto mo, magsorry ako sa iyo dahil lamang sa pag-alis ko nang walang paalam?" ani Amilah na sarkastikong sumagot sa binata.
Napailing si Erron dahil para ba wala nang pakialam pa si Amilah sa kan'ya kaya ito ay tumayo na.
"Kahit kailan ba ay hindi mo pinagsisihan ang ginawa mo sa akin, hindi ka ba nanghinayang na ako ay pinakawalan mo?" nakayuko nitong tanong kay Amilah na nakatingin sa kan'ya nang deretso.
"Hindi! At kahit kailan hindi ako nagsisi dahil malayo na ang narating ko buhat ng ako ay lumisan sa buhay mo!" walang kagatol-gatol na sagot ng dalaga na nagpasingkit ng mata ni Erron.