Pagbabago

1562 Words
Nagsisisi si Erron kung bakit niya natanong pa si Amilah sa mga nangyari sa kanila noon dahil para naman nakamove on na ang dating minamahal. "Come and I will take you to your house," lulugo-lugo na sabi ni Erron sa dalaga. "Never mind, I'll just take a taxi." Matigas na tutol ni Amilah sa binata saka ito tumalikod at walang pasabi na naglakad palayo. Naroon pa rin si Erron at hindi pa umaalis. Ang binata ay naupo muli nang iwan ni Amilah. Nakatanaw ito kung saan nawala ang dalaga sa paningin niya. Nanlulumo ang binata dahil sa tingin niya ay nagpakatanga siya na isiping puwede pa sila magkabalikan ni Amilah. Hindi namalayan ni Erron ang pagtulo ng luha sa pisngi niya dahil sa matinding kalungkutan kan'yang nararamdaman. Sa isang banda si Amilah naman ay nakasakay na rin ng taxi at ito ay napahagulgol nang iyak. "Ma'am may masakit po ba sa inyo?" tanong ng matandang driver ng taxi kay Amilah nang makita itong umiiyak. Pinahid ni Amilah ng tissue ang basang mukha saka nagtaas ng ulo upang kan'yang sagutin ang tanong ng matandang driver na tila ba ay nag-aalala sa kan'ya. "Okay lamang po ako, tatang! Masama lamang po ang loob ko kaya ako naiyak pero okay na po ako dahil nailabas ko na ang aking sama nang loob." Aniya na nagkunwari rito sa mamang driver. Tumingin na lamang sa labas si Amilah upang malibang siya at nang makalimutan niya kahit sandali ang nangyari sa kanila ni Erron. Ang naiwan na si Erron naman ay nakaupo pa rin sapo ang mukha niya. Kanina ay parang gusto na niya takasan nang bait sa pinakikita sa kan'ya ni Amilah at hindi niya alam pero parang mayroon nag-iba sa dalaga. Nasa ganoon na ayos siya nang biglang tumunog ang telepono niya kaya sinagot niya ito kaagad nang makita na tiya niya ang tumatawag. "Erron pamangkin, narito ngayon si Cristal at bumisita. Dinalhan niya ako ng paborito kong blue cheese cake!" natutuwa na kuwento nitong Tita Melba niya. "Pagod ako, tita! Kagagaling ko lamang sa opisinan kaya I will rest now." Kun'wari na sagot ni Erron sa matandang babae dahil nawalan siya nang gana matapos ang naging pag-uusap nila ni Amilah. Tumahimik si Melba at hindi na sinabi sa pamangkin ang balak niya na papuntahin ito sa mansion niya. Nagtataka sa inasal ng binata si Melba pero wala itong nagawa kung hindi ang magpasensiya na lamang. Ang pamangkin niya ay anim na taon nang ganito mula nang umalis si Amilah, malamig at para bang ito ay nawalan na nang pakialam pa sa mundo. Hindi gusto ni Erron si Cristal pero para tigilan na siya ng kan'yang Tita Melba na maging sila ng dalaga ay sumangayun na lamang siya rito pero mula sapol ay malamig ito kay Cristal at halos hindi pa pinapansin kung minsan. Umuwi na itong binata at sa pagdating sa mansion niya, kaagad siyang dumiretso sa kuwarto niya na lulugo-lugo pa rin. Pagpasok mo sa kuwarto niya ay mapapansin na kaagad ang mga larawan ni Amilah sa bawat sulok ng kuwarto ng binata na siyang patunay kung gaano niya kamahal si Amilah. "Hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman ang tunay na dahilan sa pag-iwan mo sa akin at kapag aking nalaman na may kinalaman si Tita Melba ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kan'ya!" galit na banta ng binata na napasuntok pa sa kan'yang tokador. Noon naman si Amilah rin ay hindi rin makatulog nang gabi na 'yon. Alam niya na hindi titigil ang binata at ito ay hindi niya maiiwasan kaya siya ay bumuntung-hininga. "Hay, maaga pa Lord para kami ay magkita pero bakit hinayaan ninyo kaagad na mag-krus ang aming mga landas?" tanong ni Amilah na tumulo muli ang mga luha sa mata. "Hindi na dapat lumambot ang puso ko sa kan'ya, ako ay nangako kay mamang na hindi ko hahayaan pa kami ni Kuya Erron ay magkalapit muli!" turan niya sa sarili at pinilit na ipikit ang mga mata. Kinabukasan ay nagmamadali na naman si Amilah dahil tanghali na itong nagising at naabutan niya sa labas ng pinto niya si Rizza. "Kumain ka na muna bago ka pumasok sa opisina. Sorry at hindi ka na namin nahintay pa kagabi dahil sa napagod ako sa paglilinis nitong bahay kahapon kaya ako maagang natulog," paliwanag ni Rizza rito kay Amilah na napangiti naman sa sinabi nito. "Huwag ka nang mag-alala sa akin dahil okay lamang ako at saka salamat pala sa agahan pero ako ay malalate na talaga kaya baka doon na lamang ako sa opisina kakain. Saka na lamang ako magkukuwento nang mga nangyari sa unang araw ko, sige at aalis na ako!" sambit ni Amilah kay Rizza na nagmamadali nang umalis. Tamang-tama sa paglabas niya ay mayroon kaagad siya nakita na taxi dumaan sa harap ng bahay nila. "Talaga yatang kailangan ko na maghanap nang bago na matitirhan dahil baka ako masisante kaagad kung palagi akong late!" bulong ng dalaga sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi. Lumipas pa ang isang linggo na hindi nakita ni Amilah ang binatang si Erron kaya napanatag ang loob ng dalaga. Sabado at habang sila Amilah, Rizza at nanay nito ay kumakain nang tanghalian ay nasabi ng dalaga ang kan'yang kagustuhan na lumipat nang tirahan. "Huwag po sana kayo sa akin magtatampo pero kailangan ko po talagang humanap nang matitirhan malapit sa kumpanya namin dahil nakakahiya sa mga kasama ko kung lagi na lamang akong late pumasok kaya naisipan ko ito," paliwanag ng dalagang si Amilah sa kan'yang mga kaharap nang maayos. "Naku hindi mo dapat kaming alalahanin pa dahil naiintindihan ka namin. Sa totoo lamang ay nasabi na sa akin ni Rizza kung nasaan ang opisina ninyo kaya okay lamang sa akin kung hilingin mong lumipat na nang tirahan," ani Nanay Azon kay Amilah na nakangiti. "Tuwing sabado ay papasyal po ako rito at dadalaw sa inyo," wika naman nitong dalaga natutuwa sa nalaman na hindi galit ang mga ito at naiintidihan siya. Nang hapon na 'yon, si Amilah ay nagpaalam na aalis na muna. May nakita kasi siyang paupahan bahay malapit sa kumpanya niya kaya ito ay pupuntahan niya. Nakarating si Amilah sa napag-usapan na lugar at ang bahay ay kinilatis niya mabuti. Hindi man ito kalakihan pero dahil ito ay walking distance sa kan'yang kumpanya na pinapasukan ay pumayag na siya. Maayos naman ito na may isang kuwarto kaya si Amilah ay nagbigay na kaagad nang paunang bayad sa may-ari. Pagkatapos ay kaagad niyang naisipan bumili ng mga gamit para malinisan ito nang makalipat na siya kaagad dito. Kinabukasan ay sinabi ni Amilah kay Rizza at sa nanay nito na siya ay lilipat na sa nakita nitong bagong tutuluyan. "Mag-iingat ka roon at huwag ka mahiya na tumawag kung kailangan mo nang tulong para sa paglilinis ng bahay mo," "Huwag po kayo mag-alala pa dahil sanay na po ako mag-isa mula nang ako ay pumunta sa Germany at kayo rin po, mag-iingat dito. Salamat po muli sa inyong pagpapatira sa akin dito sa bahay ninyo!" Si Amilah ay umalis na nga sa tahanan nila Rizza at alam niya na simula na ito nang panibago niyang pakikipagsapalaran sa buhay. Tumawag na din siya kay Fate para ipaalam ang paglipat niya nang tirahan at naiintindihan naman ito ng kan'yang kaibigan. Sinabi rin ni Amilah kay Fate na baka humanap din siya nang mas stable job kagaya sa hospital nang makaipon siya kaagad. Hindi alam ni Amilah nagkaroon nang problema sa branch nila Erron sa Singapore kaya kinailangan ng binata na pumunta roon. Nagtataka man ang dalaga ay pilit nitong winaksi ang binata sa kan'yang isipan at inabala ang sarili sa trabaho. Pagkaraan nang isang buwan ay doon lamang nakauwi si Erron at ang una niyang ginawa pagkabababa ng eroplano ay tawagan ang kan'yang kaibigan na si Alex. "Forgive me for not coming to your wedding because there was a problem in one of our branches in Singapore, babawi na lamang ako sa 'yo next time," paliwanag pa nitong si Erron dito sa kaibigan si Alex na tiyak niya na nagtampo sa kan'ya. "Naintindihan kita dude pero hindi ako papayag na walang kapalit 'yon, ang hirap pa naman maghanap nang kapalit mo kaya malaki ang babayaran mo sa akin!" biro pa nito kay Erron. "No matter how much it is, kung gusto mo ay maghoneymoon kayo muli ni misis, all expenses paid trip to any country you want." "By the way, is Amilah still in your company?" Napangiti si Alex dahil alam niya na 'yon ang dahilan kung bakit ito ay napatawag sa kan'ya. "Yes, pero nakiusap sa akin na sana ay pumayag ako maging part timer na lamang siya sa kumpanya ko dahil nag-aaply yata siya bilang nurse sa hospital?" ani Alex na may mga ngiti sa labi. "Ano na nga pala napag-usapan ninyong dalawa ni Amilah noon bago ka pumunta ng Singapore?" dagdag pa ni Alex kay Erron. "Maybe I'll tell you next time, bro," sagot naman dito ni Erron na parang bigla natitigilan. Si Erron bigla napaisip dahil alam niya na mahihirapan siya na kumbinsihin ang dalaga na bumalik sa kan'ya kung siya ay mayroon pang Cristal kaya napagpasiyahan ng binata na tapusin na ang lahat dito. Pinuntahan niya sa bahay nito si Cristal at ito ay masaya sumalubong sa kan'ya. Hahalik pa sana sa lalaki ito na kaagad na iniwasan naman ni Erron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD