Breakup and heartache

1775 Words
"I have something to tell you, Cristal," turan kaagad ni Erron sa kasintahan na mukhang kinabahan. "Kararating mo lamang bakit para ka nagmamadali, marami pa namang oras para magkuwentuhan," sagot ni Cristal na parang kinutuban sa sasabihin ni Erron Ngunit ayaw na ng binata na ito ay patagalin pa kaya niya kinausap na ang dalaga nang masinsinan at sinabi niya kung ano ang tunay na nararamdaman dito. "Sorry, Cristal but I'm here to end everything to us. Hindi kita minahal at akala ko noon makakalimutan ko si Amilah kapag naging tayo na pero hindi nangyari at lalo ko siya namiss. I hope you'll forgive me for turning my back on you, but it's better for us to part ways than to make you wait any longer!" pagtatapat ng lalaki kay Cristal na ngayon ay bigla dumilim ang mukha sa mga narinig sa nobyo. "Ganoon na lamang ba 'yon at pagkatapos ay ano, gusto mong balikan si Amilah? In your dreams, dahil kahit na kailan ay hindi ka na niya babalikan!" galit na wika rito ng dalaga at pagkatapos ay tinawanan pa ang binatang si Erron. "Naiintindihan ko ang galit mo sa akin at muli akong humihingi sa iyo nang patawad dahil kasalanan ko ang lahat, kung sana ay hindi na ako pumayag kay tiyang sa gusto niya simula pa lamang.." Sabi pa ni Erron sa dalagang napaupo bigla sa lapag. Bigla nagbago ang mukha ni Cristal at kan'yang hinawakan ang kamay ng binata na pilit nito inaalis. "Erron, please don't do these to me. Gagawin ko lahat para mahalin mo rin huwag mo lamang ako iwan dahil sa mamatay ako!" sambit ng dalaga nagsusumamo sa lalaki. "Sorry Cristal but my decision is final, find a man who will really love you." Sabi ni Erron saka siya ay tumalikod na sa nobya niyang si Cristal na ngayon ay hilam na ang mga mata sa luha. Nang sandali na 'yon ay parang naguiltihan si Erron dahil alam niya kung gaano kasakit 'yon sa dalaga pero ayaw naman niyang umasa pa ito na may maganda patutunguhan pa ang kanilang relasyon. Nang umalis si Erron sa bahay nila Cristal ay halos magwala ang dalaga at kung hindi lamang naawat ng kan'yang magulang ay baka lahat ng kanilang mga gamit ay binasag na nito. "Ma, I love Erron at hindi basta ako papayag na iwanan na lamang niya. He is mine at walang sinuman ang puwede umagaw kay Erron sa akin kahit na si Amilah pa ito dahil magkakamatayan kami!" mariin at matigas nitong turan sa nag-alala na ina niya. Tumayo sa pagkakaluhod itong si Cristal at kinuha niya ang kan'yang telepono, naisip niya na tawagan ang tiya ni Erron at sasabihin niya dito ang ginawa sa kan'ya ng binata. Ang dalagang si Amilah naman ay kararating lamang sa kumpanya ng AIC nang bigla siya napahinto sa paglalakad dahil nakita niya si Erron naghihintay sa kan'ya sa lobby. "Kuya Erron why are you here again? Akala ko nagkaintindihan na tayo, ako sana ay natutuwa na dahil nang nagdaang mga araw ay hindi ka na nagpupunta pa rito pero bakit nasa may harapan na naman kita?" "Mayroon kasi nangyari sa isang branch ng kumpanya sa Singapore kaya inisikaso ko 'yon nang nagdaan mga araw pero naayos rin kaya heto nagbalik ako upang ipaalam sa iyo na liligawan kitang muli!" nakangiti nito na pahayag kay Amilah at ito ay kumindat pa bago tumalikod na sa dalaga saka umalis. Bigla naman na natulala itong si Amilah sa narinig kay Erron at ewan ba niya pero parang may kilig factor ang sinabi ng binata sa kan'ya. "Naku Amilah ka, tigilan mo nga 'yang kalandian mo at baka mahulog ka na naman sa Kuya Erron mo. Huwag mo kalimutan kapatid mo ang tao na pinagnanasaan mo!" ani Amilah sa sarili na biglang umasim ang kanina ay nakangiting mukha. Buong maghapon ay parang wala sa sarili si Amilah. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung totohanin ni Erron ang sinabi nito sa kan'ya na manliligaw ito muli. Alas kuwatro nang hapon, si Erron ay walang sinayang na sandali dahil ito ay nasa may labas na ng kumpanya nila Amilah at naghihintay na ito. Nakangiti pa si Amilah paglabas ng elevator dahil hindi niya nakita si Erron sa lobby ngunit paglabas niya ng building ay laking gulat nito dahil sa nakita niyang nakatayo sa harap ng isang magarang kotse ang lalaki. Magkasalikop ang mga bisig na para talagang hinihintay siya nitong binata. Iiwasan sana ni Amilah ang lalaki at hindi papansinin pero siya ay hinarangan ni Erron. "Ano ang sabi ko sa iyo kanina? Hindi ba ang sabi ko ay liligawan kita muli kaya sakay na at ihahatid kita," "Ano na naman bang kalokohan ito, Kuya Erron?" "Kalokohan ba kamo? Siguro nga para sa iyo ay kalokohan ito pero hindi para sa akin!" mariin sambit ng binata kay Amilah. "Kuya Erron, ano man nangyari noon ay hindi mo na maibabalik pa sa dati kaya sana matanggap mo na ito!" anito sa lalaki nagsusumamo na tumigil na ito sa paghabol sa kan'ya. "Kahit ano ang iyong sabihin ay liligawan pa rin kitang muli at huwag kang mag-alala dahil kailan man ay hindi kita pipilitin at hihintayin ko ang kusa mong pagbabalik sa akin!" "Nababaliw ka na talaga Kuya Erron! Pinahihirapan mo lamang ang sarili mo." Mabilis na lumayo na ang dalaga at hindi na pinansin ni Amilah si Erron, kahit ano pang tawag nito ay hindi na nilingon pa ng babae. Nagdaan ang mga araw palagi pa rin pinupuntahan ni Erron itong si Amilah kahit hindi pinakikiharapan ng dalaga ang lalaki nang maayos. Isang araw nagulat si Amilah ng kan'yang makaharap bigla ang taong umampon sa kan'ya at kinilalang ina na si Melba na ngayon ay mukhang galit. "Totoo pala na umuwi ka na, hindi ba ang usapan natin ay hindi ka na kailan man magpapakita sa Kuya Erron mo. Ano at bakit bumalik ka pa?" galit nitong wika kay Amilah na natulala sa pinakita kagaspangan nang kinilalang ina. "Kulang ba ang pera na aking pinadadala sa iyo para baliin mo ang pinag-usapan natin at umuwi ka?" tanong ni Melba sa dalaga na hindi maipinta ang mukha. "Ginagalang ko po kayo mama pero sana po ay respetuhin ninyo rin ako. Nasa harap po tayo nitong aming kumpanya kaya sana po ay hinaan ninyo ang inyong boses!" "Mahusay ka nang sumagot sa akin puwes tatapatin na kita, ako ay pumunta rito para pagsabihan ka na ayaw kong malaman na kayo ni Erron ay nagkikitang muli. Sinabi ko na sa iyo noon at uulitin ko, magkapatid kayo sa ama!" mariin nitong sabi kay Amilah na napayuko na lamang at hindi nakapagsalita. Nag-angat nang tingin si Amilah at ang dalaga ay nakaramdam nang inis sa babaeng umampon sa kan'ya. "Unang-una, hindi ko ginagalaw ang pera na inyong pinadadala dahil alam ko balang araw ay isusumbat ninyo ito sa akin at hindi nga ako nagkamali," "Ang pangalawa, hindi ako ang dapat ninyo kinakausap at pestihin kung hindi ang pamangkin ninyo na panay ang punta at pangungulit sa akin!" galit na sagot ni Amilah sa kan'yang kinilalang ina. "Kung hindi ka umuwi ay hindi ka niya makikitang muli at kukulitin!" sagot naman ni Melba na nagtaas bigla ng boses. Tumataas ang tensiyon sa dati na mag-ina at upang matigil na ang matandang babae ay minabuti na ni Amilah na talikuran na lamang ito na siyang lalo na kinagalit ng matanda at si Amilah ay sinabunutan nito. "Kahit na kailan talagang ikaw ay mayabang, kaya siguro iniwan ka ng ina mo sa ampunan!" Hinawakan ni Amilah ang kamay ng matanda at pilit niyang inalis ang kamay na nakasabunot sa buhok niya. "Huwag ninyo na masali-sali ang tunay kong ina rito dahil labas siya sa usapan natin!" sigaw ni Amilah na nanggagaliite na rin sa galit. "Inuulit ko, ang kausapin ninyo ay si Kuya Erron at hindi ako dahil kahit minsan ay hindi ko binigyan siya nang pansin." Sabi ni Amilah na tumakbo nang mabilis upang hindi na siya mahabol pa nang matandang babae. Umiiyak na nilisan ni Amilah ang lugar na 'yon. Ang panyayari na iyon ay may nabuksan na namang sugat sa dibdib na pinilit niyang kalimutan. Wala naman kaalam-alam si Erron sa mga nangyayari kay Amilah at sa tiya niya. Ito ay nasa opisina at iniisip ang mga gagawin pa upang mapaamo ang dalagang si Amilah. Nasa ganoon ayos siya nang bigla kumatok ang sekretarya niya at may sinabi ito kaya ang binata bigla sumeryoso. "Sir, ang tita Melba po ninyo ay nariyan at gusto po kayo makausap," ulat ng kan'yang sekretarya yumuko pa kay Erron tanda nang paggalang dito. Tumingin si Erron dito at para ba siyang nagulat dahil bihira pumunta sa kumpanya at parang alam na niya ang pakay nito sa kan'ya. "Let my aunt in and cancel my next meeting with Mr. Don Alfonso because it looks like my aunt and I are going to talk about something important!" Tumango naman ang kan'yang sekretarya bago ito ay lumabas at pinapasok ang matandang tiya ni Erron. Ang tiya Melba ni Erron ay may taas na 5'4, malaki ang katawan at malapad ang balakang. Maputi rin ang kutis nito kagaya ng ina ni Erron pero hindi ito kagandahan at mukha itong si Miriam D. Santiago na kapag tiningnan mo ay para kang babalatan nang buhay. Marami na rin ang puting buhok nito na laging nakapusod dahil sa haba ng buhok, ganoon pa man ay hindi maikakaila sa kan'yang kilos at galaw ang pagiging aristokrata nito. "Nadalaw yata kayo rito sa opisina, tiyang. Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo rito?" napatingin si Erron sa matandang babae na may hinala na namuo sa isip nang maaring dahilan nang pagsugod ng matandang babae sa opisina niya. "Alam ko busy ka kaya akin nang iiklian ang sasabihin ko sa iyo! Hindi ko gusto ang sinabi mo kay Cristal kaya mamaya ay pumunta ka sa bahay nila at makipag-ayos. Ayaw kong putulin mo usapan namin dahil yari na ang desisyon ko na ipakasal kayo sa susunod na buwan!" Sa narinig ng binata sa kan'yang tiya ay biglang napahampas ito ng kamay sa ibabaw ng kan'yang mesa at napamura nang malakas na siya kinagulat ni Melba. "Sino kayo para magsalita sa akin nang ganiyan? You have no right to decide on my life, kayo ay kapatid lamang ng aking ama! Buhay ko ito at walang sinuman ang sa akin makakapagsabi nang dapat kong gawin!" "I will never marry Cristal even if you two plan on me!" sabay alis ni Erron sa opisina niya at ang tiya Melba naman niya ay galit na galit na tinatawag ang binata ngunit hindi na siya pinansin pa ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD