Si Erron at si Amilah

1618 Words
Hindi alam ni Erron nagtatago sa hindi kalayuan si Cristal, narinig nito ang pagtatalo nila Erron at ang Tiya Melba nito. Kung paano sinabi nito na wala siyang plano pa balikan ang babae kahit ano pa ang mangyari. "Ganoon pala, ha! Hindi ka rin mapupunta sa kan'ya kahit kailan. What would you do if something will happened to your beloved Amilah?" sabay tawa ni Cristal na para bang nanalo na sa binabalak nito. Si Erron naman pagkaalis nito ng opisina niya ay pumunta kaagad sa building kung saan pumapasok si Amilah at balak niyang hintayin ito muli. Alam ni Erron na kagaya noon ay hindi titigil ang kan'yang tiya Melba hanggang hindi lumalayo si Amilah sa kan'ya at kung noon ay wala siya nagawa ngayon ay hindi na dahil sa malakas na siya upang ipaglaban si Amilah. Tumunog ang telepono ni Erron at kan'yang sinagot ito. Makikita na nagtaas ng boses ito at bahagyang naikuyum ng binata ang mga palad. "Kay lakas nang loob nila na ako ay kalabanin!" galit nito na bulong sa sarili habang ito ay parang mayroon iniisip saka ito sumagot sa kausap. "You know what to do, I want you to go ahead of them and take the culprits to the old warehouse!" utos ni Erron habang ang mga kilay nito ay nagsasalubong na sa galit. Sinabi ng isa sa mga tauhan nito na sumusunod sa Tiya Melba niya na narinig nito na nagbabalak ito at si Cristal na kidnapin si Amilah. Kaya sa araw na kikidnapin ng mga tauhan na binayaran nila Cristal si Amilah ay nakaabang na rin ang mga tauhan ni Erron. At kagaya nang ibang biktima nang k********g ay tinakpan nila ng panyo na may pampatulog ang bibig at ilong ni Amilah. Nawalan nang malay si Amilah kaya kinarga na ito ng mga lalaking binayaran nila Cristal sa itim na van na kanilang dala. Nang nasa loob na ng van ang dalaga ay doon na sumugod ang mga tauhan ni Erron at inagaw ang van sa mga kidnapper. Walang nagawa ang mga tauhan nila Cristal dahil puro mga retired na magagaling na sundalo at fighter ang mga tauhan ni Erron kaya lahat ng mga kidnapper ay naiwan bulagta at walang malay na sugatan. Dinala nila ang mga binayarang tao nila Cristal at Melba na kumidnap kay Amilah sa isang lumang bodega at ang dalaga naman ay sa mansion naman ni Erron nila dinala. Gabi na nang si Amilah nagising at masakit ang ulo na inaalam kung nasaan na siya at kung ano nangyari sa kan'ya. "Ang tanda ko ay palabas ako sa pinapasukan kong opisina at naalala kong may biglang nagtakip ng bibig at ilong ko," saad ni Amilah na bigla naguluhan at natakot para sa sarili. Nang pumasok ang isang babae sa kuwarto at may dala ito ng tray na may pagkain kaya napaupo sa kama ang dalaga. "Nasaan po ako at paano po ako napunta rito?" mahinang tanong ni Amilah dito sa matandang babae na may hawak na tray ng pagkain. "Ako nga pala si Manang Letty, narito ka sa mansion ni Sir Erron at kagabi ay niligtas ka niya sa mga tao na nagtangka kumidnap sa iyo kaya dinala ka niya rito." Hawak-hawak ni Amilah ang masakit pa niyang ulo kaya binaba ng matanda ang tray na dala at saka nilapitan nito ang dalaga. "Huwag ka muna tumayo baka ka mahilo, ang tagal mo nakatulog. Siguro ay epekto 'yon ng pampatulog na binigay sa iyo. Kumain ka na para makainom ka ng gamot nang maalis sakit ng ulo mo." Kinuha muli ng matanda ang tray at susubuan sana si Amilah pero tumanggi ang nahiyang dalaga. "Ako na lamang po, nakakahiya naman sa inyo dahil wala naman po kapansanan ang aking mga kamay," nakangiti na sambit ng dalaga rito sa matandang babae. "Nasaan na po si Kuya Erron? Gusto ko po kasing magpasalamat sa kan'ya," ani Amilah na para bang nahihiya pa. "Umalis na muna siya, siguro ay may aasikasuhin sa kumpanya niya pero babalik din daw siya kaagad," ang sagot ng matandang babae sa kan'ya na napapangiti. "Kay ganda mong bata, kaya pala alalang-alala ang alaga ko sa iyo kagabi," ang natutuwang wika nitong matanda kay Amilah. "Salamat po sa papuri pero tama po ba ang narinig ko na nag-alala sa akin si Kuya Erron?" "Oo iha at siya ay magdamag na pabalik-balik dito sa iyong kuwarto at sinisilip ka upang malaman kung gising ka na o kaya ay may kailangan ka." Parang mayr'on bigla humaplos sa puso ni Amilah, alam niya kung gaano siya kahalaga sa Kuya Erron niya pero paano kaya kung malaman ng binata ang katotohanan?" Nang biglang may kumatok at nang pumasok ito ay ang mukha ng lalaki na kan'yang iniiwasan nitong nagdaan na mga araw. Mukha itong pagod at walang tulog pero kahit pa ganoon ay hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito at mukha pa rin itong mabango. Napalunok si Amilah at parang may nagrigodon sa kan'yang dibdib nang makaharap niya ang lalaki. "Kanina pa po ba siyang gising, manang?" tanong nito sa matandang babae. "Mga trenta minutos pa lamang, iho kaya pinapakain ko na siya nang makainom ng gamot at masakit daw ang ulo niya." sagot ng matanda kay Erron nang nakangiti. Tiningnan ni Erron si Amilah at lumapit ito para tingnan kung ano ang niluto ng yaya niya sa dalaga. "How are you now, are there any other pains in your body?" tanong ni Erron sa dalaga at hahawakan sana niya ito pero umiwas si Amilah. "My head hurts a little but once I take the medicine it will go away. Oo nga pala, salamat sa pagliligtas mo sa akin kagabi sa mga masasamang tao na gustong dumukot sa akin at kung hindi mo ginawa 'yon siguro ay patay na ako ngayon!" "Dead immediately?" ani Erron na natawa sa sinabi ng dalaga. "Or maybe I've been r***d and my organ might have been sold on the black market," lalong natawa si Erron sa dalaga dahil sa lawak nang imahinasyon nito. "Okay lamang na pagtawanan mo ako basta thank you sa iyo!" "Just thank you?" saad ni Erron na pangisi-ngisi na para bang may naiisip na kalokohan. "Bakit, mayroon ka pa ba ibang gusto, pera ba? Sabihin mo lamang kung magkano, at magbayad ako sa suweldo!" sagot nito sa binata na naubo naman bigla. Kinabahan si Amilah dahil ang binata ay lumapit pa sa kan'ya na sa lapit ay mahahalikan na siya. "Do you think I still need money? I'm rich at baka ako pa magbigay sa iyo. Your thank you is meaningless, at least, give me a hug and a kiss!" ang sambit nang nagbibiro na binata rito kay Amilah. Biglang tinulak nang kamay ni Amilah ang binata saka nagsalita rito sa lalaki na pangiti-ngiti lamang. "Thank you for saving me but it doesn't mean that something will happen to us again. You and I are like oil and water that cannot mix!" Niyakap ni Erron si Amilah at pilit nitong hinahalikan ang dalaga pero nagpupumiglas ito na seryoso ang mukha. "Kuya Erron, ano ang ginagawa mo? Bitiwan mo ako. Huwag mong hayaan na masuklam ako sa iyo!" "Bakit ka ba sa akin nagagalit? Sa pagkatanda ko ikaw pa nga ang may atraso sa akin pero ngayon para bang pinalalabas mo na ako pa ang siyang may kasalanan kaya ka bigla lumayo!" wika ni Erron nagtatampo sa dalaga na napayuko naman. "H-hindi naman ako galit, ang sa akin lamang ay huwag ka masiyado malapit sa akin dahil may boyfriend na ako!" Si Erron naman ngayon ang siya natahimik at hindi makapaniwala sa narinig kay Amilah. "M-may nobyo ka na? Hindi ako naniniwala sa iyo!" "Sa maniwala ka o hindi totoong may boyfriend na ako kaya lumayo ka na sa akin!" "Paano kung ayaw ko na lumayo sa iyo? Mayroon ka ba magagawa? Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan kung hindi ako!" turan ni Erron sa dalaga na hawak niya sa balikat. "Kuya Erron, pls.nasasaktan ako kaya bitiwan mo na ako!" ani Amilah kay Erron na hindi napansin mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa balikat nitong dalaga. Natauhan ang lalaki bigla nang makita ang nakangiwi na mukha ni Amilah dahil sa masakit na balikat. "S-sorry hindi ko sinasadya na masaktan kita." Sambit ni Erron na may pagsisisi. "Okay na, aalis na lamang ako tutal nakapagpahinga na rin naman ako," ani Amilah na tumayo na pero pinigilan siya ni Erron. "Hindi ka aalis dito dahil ito ang tahanan mo!" pahayag ni Erron kay Amilah na nanlaki ang mga mata. "A-ano ang ibig mong sabihin, Kuya Erron?" "You will not leave this house because this is where you will live from now on!" aniya kay Amilah na parang nalilito pa. "Hindi puwede dahil mayroon akong inuupahan na bahay at may kontrata kaming pinirmahan." Tukoy ni Amilah na kinabahan at hindi alam ang gagawin. "Puwes ako na magbabayad ng kontrata na pinirmahan mo kaya wala ka nang dapat na ipag-alala," kampante nitong sabi kay Amilah. "Nagsasayang ka lamang ng pera, hayaan mo ako na makaalis at mayroon pa akong trabaho bukas, Kuya Erron," bulalas ni Amilah para bang balisa at hindi malaman kung paano makakatakas sa lalaki. "Kapag sinabi ko na dito ka na titira ay dito ka! And no one will oppose or oppose me, not even you!" matigas na sambit ng binata sa dalaga nag-alala at napaisip naman. "Iyan ang hindi ko papayagan dahil ano ang sasabihin mo kay Tiya Melba kung malaman niya ito?" "At bakit naman siya magagalit, matutuwa pa nga iyon dahil narito na muli ang rebelde niyang anak!" "If you only knew your aunt was the one who kicked me out, would you still be able to call her aunt?" bulong ni Amilah sa sarili habang nakatingin kay Erron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD