Hindi alam ni Amilah kung dapat na nga niya sabihin kay Erron ang katotohanan pero naisip din niya na hindi niya dapat pangunahan ang Mama Melba niya sa pagsasabi nang lihim na ito.
"Kuya Erron ako ay payagan mo nang makauwi sa aking apartment hindi rin maganda kung dito na ako tutuloy dahil ano ang sasabihin nila sa atin?"
"Wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin nila, tapos na usapan na ito, ikaw ay mananatili na rito at huwag mo nang tatangkain pa na tumakas dahil hindi ka sasantuhin ng mga alaga kong aso!" mariin at mayroon pananakot niyang turan kay Amilah.
Tumalikod si Erron at umalis na pabalibag ang pinto na siya naman kinagulat ni Amilah.
Tumakbo naman ang dalaga para ito ay habulin pero ng kan'yang bubuksan ang pinto, nakakandado na ito.
"Kuya Erron, buksan mo itong pinto. Huwag mo sana akong ikulong dito!" sigaw ng dalaga sa may pinto na nagmamakaawa.
Matagal niya kinalampag ang pinto pero parang walang sinuman ang nakakarinig sa kan'ya para siya ay palabasin kaya siya ay napaupo na lamang sa likod ng pinto, naiiyak at wala ng boses sa kasisigaw.
Kinabukasan, si Amilah ay bigla nagising sa malakas na ingay buhat sa labas ng kuwarto na para bang may mga nagsisigawan.
Nakatulog si Amilah doon sa may pinto kaya nga masakit ang leeg niya at katawan dahil hindi tama ang posisyon nang pagtulog niya.
Dahan-dahan na tumayo hawak ang masakit na batok at nilapit ang tainga sa pinto upang marinig niya kung sino nagsisigawan sa labas.
Nagulat pa si Amilah ng kan'ya mapagtanto na boses 'yon ng Mama Melba niya at ni Erron.
"Paano nalaman ni Mama Melba na dinala ako rito ni Kuya Erron? Ano ang aking gagawin ngayon?" tanong ng dalaga sa kan'yang sarili.
Sa kuwarto ni Erron, nakatayo ang galit na galit niyang tiyahin na para bang maghahagis na ito nang kung ano-ano.
Ano ang plano mo at dinala mo rito sa bahay mo si Amilah?" sigaw nito sa binata na hindi umiimik sa tiyahin nagwawala.
"Sinasabi ko sa iyo na hindi ako papayag na kayong dalawa ng babae na 'yon ay magsama!" aniya pa sa binata na nakaupo lamang sa silya niyang may gulong at parang nag-iisip.
"Puwede ba tiya, labas na kayo sa mga plano ko sa buhay at kung ano ang aking gustong gawin kay Amilah," walang kagatol-gatol nito na bigkas sa tiyahin.
"Wala? Sa palagay mo ay may lakas ka na para ako ay suwayin? Kahit nasa tamang gulang ka na ay may karapatan pa rin ako sa buhay mo dahil sa akin ka inihabilin ng ama mo!" galit nitong sigaw kay Erron na hindi naman natitinag.
"Ilabas mo na si Amilah at siya ay iyong pauwiin sa bahay niya dahil hindi ako natatakot na sirain ang pinto ng kuwarto mo at kaladkarin ang haliparot na babae na iyon!"
"Sinasabi ko na sa inyo, tiyang huwag ninyo ako pakialaman dahil hindi ninyo magugustuhan ang akin gagawin sa oras na kalabanin ninyo ako!" may diin na saad ni Erron sa Tiya Melba niya.
Bagama't kan'ya tinuring na isa sa mga importanteng tao sa buhay niya ito, ay hindi rin niya papayagan na sirain nito ang mga plano niya.
Napaatras si Melba sa tinuran ng pamangkin si Erron. Sa palagay niya ay wala na siyang iba pang paraan kung hindi sabihin ang totoo kay Erron.
"Alam mo ba, ako ang nagsabi kay Amilah para pumunta ng ibang bansa noon?" ang sabi ng tiyahin ni Erron na may nakalolokong ngiti.
Nakuyom tuloy ni Erron ang mga palad at pinipigilan ang sarili na may magawa siya na masama rito sa Tiya Melba niya.
"Are you still happy to tell me that? Alam ninyo ang hirap ng loob ko nang biglang umalis siya nang walang paalam at sa anim na taon na kami ay malayo sa isat-isa ako ay nangulila kay Amilah. Ngayon nakita ko siya ay gusto na naman ninyong paghiwalayin kami, why are you doing this to us?" tanong ng binata sa kan'yang tiyahin na hindi naman natinag at taas noo na binagsak na parang bomba ang kan'yang nililihim dito sa binata.
"Dahil siya ay kapatid mo, si Amilah ay tunay mong kapatid! Iisa ang dugo nanalaytay sa inyo. Siya ay ang anak ng ama mo sa dati naming katulong. Kaya nga Iniwan siya ng nanay niya sa bahay ampunan dahil hindi siya mapanindigan ng ama mo!"
Para nga bomba na sumabog sa utak ni Erron ang nalaman at siya ay napatayo bigla na lumapit sa tiyahin.
Hinawakan sa balikat ni Erron ang matandang babae at niyugyog ito upang sabihin nito na hindi totoo ang sinasabi niya.
"Are you really that desperate? Para kami ay paglayuin, kahit anong kasinungalingan ay kaya ninyo sa akin sabihin?" galit na wika ng binata sa babae.
"Sa maniwala ka o hindi ay totoo itong sinabi ko sa iyo at mayroon ako patunay dahil nasa akin ang resulta ng DNA ng iyong ama at ni Amilah noong ito ay kunin namin sa bahay ampunan!" sabay dukot ni Melba sa bag nang isang lumang sobre.
Tiningnan ni Erron ang papeles na binigay ng tiya Melba niya at para siyang naupos na kandila sa nakita ng mga mata niya.
Para ba siyang binagsakan ng langit at lupa.Pakiramdam niya ay nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan at hindi makapaniwala.
"Sabihin ninyo sa akin na ito ay isang biro lamang at hindi totoo!"
Bumagsak na sa lapag si Erron at napaluhod. Biglang nanghina ang mga tuhod at tumulo na ang luha sa magkabilang pisngi.
Ang tiya Melba naman niya ay minabuting umalis na muna dahil pakiramdam niya maya-maya ang pamangkin ay sasabog sa galit at ayaw niya na mapagbuntungan nang galit nito.
Ang nakikinig na si Amilah sa may likod ng pinto ng kuwarto ay bigla kinabahan dahil sa takbo ng usapan ni Erron at ang tiya nito ay mukhang pinagtapat na ng babae ang katotohanan ng kanilang tunay na relasyon sa isat-isa.
Lumayo si Amilah sa pinto dahil ayaw na niya marinig pa ang usapan ng dalawa nang biglang bumukas ang pinto.
Nagulat man si Amilah pero siya ay hindi na nagtaka pa. Naglakad na ang dalaga patungo sa labas. Siya ay sumilip pa muna upang makita kung sino ang tao nagbukas ng pinto pero wala siyang nakitang tao roon.
Nakalabas si Amilah sa mansion ni Erron nang walang sinuman ang humarang dito o kaya ay pumigil sa kan'ya.
Sa kuwarto ni Erron naman ay nagwawala ang binata at lahat nang mahawakan nito ay binabato nito sa pader at kung saan-saan pa.
"Bakit siya pa ang aking naging kapatid? Ano ang aking gagawin ngayon, ahhh!" sapo ng binata ang ulo na ngayon ay sumasakit na sa kaiisip.
Gulong-gulo na ang kuwarto ni Erron na para bang dinaanan ng ipo-ipo. Tulala na ang binatang nakaupo sa sahig at kung kanina ay makikita ang magandang aura niya, ngayon ay napalitan ito nang nakakilabot na presensiya.
Nakarating na itong si Amilah sa inuupahan bahay kaya ang dalaga ay nagmadaling naligo at nagbihis para pumasok na sa opisina.
Ilang linggo pa ang nagdaan na hindi nagpakita sa kan'ya si Erron pero isang hapon ay may maganda at sopistikada na babae ang pumigil kay Amilah paglabas niya ng building pauwi.
"Miss Amilah Ricafort, puwede bang makausap kita sandali? Hindi tayo magtatagal. I'm Erron's fiancé, Cristal Buenaflor!" anito kay Amilah saka iniabot ang kanang palad nito para makipagshake hands sa dalaga.
"What can I do for you?" tanong ni Amilah sa babae na nakatingin sa kan'ya mula ulo hanggang paa.
"Doon na tayo sa may coffee shop, nang makapag-usap pa tayo nang maayos." Sabi ni Cristal dito sa dalaga saka hinila ito.
Walang nagawa si Amilah kung hindi sumama sa babae dahil gusto rin niyang malaman kung ano ang importante nito sasabihin.
Nagpunta sila Amilah at Cristal doon sa coffee shop na malapit sa building ng kumpanya nila Amilah. Ito ay maliit lamang pero maayos at mayroon maganda na ambiance at mukhang malinis.
"Ano ang gusto mo, coffee, tea, juice o soda?" tanong ni Cristal kay Amilah na parang kay bait-bait.
"Mainit ngayon kaya siguro ay mango juice na lamang ang sa akin," sagot naman dito ni Amilah na tipid ang ngiti.
"Sandwich, cake baka gusto mo or baka may iba ka pang gusto kainin maliban sa juice?" alok pa ni Cristal sa dalaga na tumanggi naman dahil gusto na niya makauwi kaagad.
Dumating ang order nila at sila ay tahimik na dalawa at para bang nakikiramdam sa isat-isa hanggang nagsalita si Cristal.
"Tatapatin na kita, nakipagkita ako sa iyo dahil gusto ko sana alukin ka para bumalik sa bansa kung saan ka nagtago ng anim na taon!" walang kakurap-kurap na wika ni Cristal kay Amilah.
Natawa naman ang dalaga sa alok ni Cristal sa kan'ya at ito ay nagbuntong-hininga saka sinagot ang kausap.
"Salamat dito sa alok mo pero bakit mo nga ba ako pina-aalis?" ang tanong ni Amilah na hindi maipinta ang mukha.
"Maganda ka at siguro naman ay matalino rin kaya alam ko na alam mo kung bakit ko ito ginagawa!" ani Cristal na ngumiti na para bang ito ay nanloloko.
"Hindi mo na ako kailangan na paalisin pa dahil tiyak ko na hindi na lalapit pa sa akin si Kuya Erron!" at tumayo na si Amilah, lumakad palayo sa kausap na babae.
Nainis naman si Cristal dahil parang nabastos siya ni Amilah nang umalis ito kaagad nang hindi pa sila tapos mag-usap.
Pero nagtaka itong si Cristal sa sinagot sa kan'ya ni Amilah kaya ito at tumawag kaagad sa tiya ni Erron na si Melba.
"Aunt Melba, si Amilah ay akin pinakiusapan na layuan si Erron pero may sinabi siya sa akin na hindi ko na raw dapat problemahin pa ang tungkol sa kanila ni Erron," wika nito kay Melba na parang naguguluhan.