"Mula ngayon ay wala ka nang alalahanin pa na Amilah sa buhay ninyo ni Erron. Sa iyong-iyo na ang pamangkin ko!" balita ng Tiya Melba ni Erron kay Cristal na natuwa naman sa nalaman.
"Ngayon ay akin pupuntahan si Erron at titingnan ko kung totoo nga ang sabi ni Tita Melba sa akin," sabi ni Cristal na pabulong sa sarili.
Umalis na rin sa coffee shop si Cristal at pumunta ito sa opisina ni Erron. Nasasabik na siya na isipin na sila ng lalaki ay magkakabalikan na muli.
Kumatok muna si Cristal bago ito pumasok sa opisina ng binata na nakayuko at busy sa pagbabasa ng mga papeles.
"Honey kumain ka na ba? May dala akong pagkain para sa iyo, sige na at bitawan mo muna ang 'yong ginagawa,"
Nagtaas nang tingin si Erron at nakita niya si Cristal na may dalang baonan kaya bigla napaismid itong binata.
"Bakit narito ka na naman? Hindi ba sinabi kong tapos na tayo!" sigaw nito kay Cristal na napaatras naman bigla.
"H-honey, ano ang sinasabi mo, bakit ka nagagalit sa akin? Dinalhan lamang naman kita ng pagkain nang sa ganoon hindi ka magutom," saad ni Cristal na nagkun'wari malungkot at naiiyak pa.
"Umalis ka na at dalhin mo 'yang dala mo. Huwag ka nang babalik pa rito!"
Pinaghusayan pa lalo ni Cristal ang pag-arte at ito ay umiyak pa sa harap ni Erron na para bang basang sisiw.
Pero sa halip na lumambot ang puso ng lalaki ay lalo pa itong nainis sa nakita na pag-iyak ng babae.
"Umalis ka rito nang kusa bago pa kita ipakaladkad sa aking tauhan, layas!" sigaw nito na nanggagaliite na sa galit.
Nagdadabog at nagpapadyak na umalis si Cristal sa harap ng binata pero ito ay napangiti nang lihim dahil sa isip niya ay simula lamang 'yon ng paglapit niya at pangungulit dito sa lalaki.
Si Erron naman ay napatingin sa labas at napabuga ng hangin dahil sa maaring alam na ni Cristal ang tungkol sa kanila ni Amilah at hindi titigil ito hanggang hindi nakukuha ang gusto.
Nag-iisip ito nang dapat gawin upang hindi na makalapit pa itong si Cristal sa kan'ya dahil talagang wala siyang pagmamahal dito at ang tiya lamang niya ang may gusto rito sa dalaga.
"Kapatid pala ha! Puwes mas dapat na nakatira siya sa poder ko dahil bata ko siyang kapatid, hindi ba?" wika nito sa sarili at hinimas pa ang baba niya habang nakangiti sa magandang plano na naisip.
Kaagad na niya tinawagan ang isa sa kan'yang tauhan upang ito ay utusan sa plano niya na patirahin si Amilah sa kan'yang mansion.
"Luki, ayusin at pagandahin mo ang isang kuwarto sa mansion. Ang gusto ko ay pang-babaeng kulay ang ipinta mo. Ang kama at iba pang mga kasangkapan sa loob dapat pareho ang desenyo!" utos ni Erron sa isa sa mga tauhan niya na tinawagan dahil ito ang humahawak nang mga dapat baguhin sa mansion.
Kinabukasan ay maaga umalis sa opisina niya si Erron at kan'yang pinakansela sa secretary niya ang lahat ng meeting niya sa hapon na 'yon.
Payapa at kampante ang loob na nilisan nito ang opisina niya. Para bang walang nangyari sa binata at ngingiti-ngiti ito habang naglalakad palabas ng building.
"Amilah, kung kapatid kita lalong hindi kita puwede ipamigay sa ibang lalaki. Sa tabi lamang kita at wala nang puwede pang pumigil sa akin dahil may karapatan na ako sa iyo!" ito ang naglalaro sa isip ng binata habang nakasakay sa sasakyan at kan'yang binabaybay ang lugar kung saan nagtatrabaho si Amilah.
Katatapos nga lamang noon ni Amilah ng kan'yang photoshoot at pababa na ang dalaga kasama ang mga katrabaho niya sa opisina.
Nagtatawanan pa sila at kung ano-ano pinagkukuwentuhan nang pagbukas ng elevator sa may lobby ay may nakita si Amilah na nagbigay sa kan'ya nang matinding kaba.
"Mauna na muna pala kayo at may naiwan pala ako sa itaas kaya babalikan ko ito, mag-iingat kayo!" ang paalam niya sa mga kasama na lumabas na ng elevator.
Pinindot muli ni Amilah pataas ang elevator. Hindi niya alam ang gagawin dahil sa tingin niya ay may masamang balak ang kan'yang Kuya Erron kaya dapat ay handa siya.
Si Erron naman hindi natitinag sa kan'yang kinatatayuan. Nakita niya nang bumalik sa itaas si Amilah at sa isip niya ay wala nang atrasan ito.
"I won't leave here and I'll wait for you to come down!" ang bulong pa ni Erron sa sarili na hindi inaalis ang tingin sa harap ng pinto ng building.
"Manong, huwag na huwag kang aalis diyan sa parking at huwag mo aalisin ang tingin sa elevator, kapag ang babae sa litrato na pinakita ko ay nakita ninyo harangin mo kaagad at huwag paalisin." utos pa ni Erron sa driver niya na pinagbantay doon sa ibaba ng parking lot.
"Let's see if you can escape from me!" ani Erron ngingiti-ngiti sa naisip na kalokohan.
Noon naman ay nagugutom na si Amilah at hindi na siya makatiis pa kaya naisip na niyang bumaba para harapin na ang Kuya Erron niya.
Paglabas nito ng elevator doon sa lobby ay naghihintay na sa kan'ya si Erron na may malaking ngiti sa labi na parang nanalo sa pustahan.
"Ang tiyaga mo naman! Wala ka bang ginagawa at narito ka pa rin?" singhal nito na napairap pa rito sa binata.
"Binabantayan ko lamang ang pag-aari ko!" sagot niya sa dalaga na may halo nang panunukso.
"Ano ang sinabi ni Mama Melba sa iyo?" banggit ni Amilah naiinis na at hindi mapakali.
"Na magkapatid tayo sa ama, na hindi natin puwede pagnasaan ang isat-isa dahil kasalanan ito sa mata ng Diyos at sa tao!"
"That's right, so why are you still here?" tanong ni Amilah na nakataas ang kilay sa lalaki.
"Because you're my younger sister so the big brother must be responsible to you! Dahil diyan kaya kukunin na kita at doon ka na titira sa aking mansion simula ngayon!" ani Erron na nakangiti nakakaloko habang pinapaliwanag sa dalaga ito.
"Ako, titira sa mansion mo, sira na ba ang ulo mo? Ano na naman bang kalokohan itong sinasabi mo sa akin?" saka dinuro ni Amilah ang dibdib ng lalaki pero para ba siyang nakoryente nang hawakan niya ang binata.
"Wala ka nang magagawa dahil kung pinipilit ni Tiya Melba na tayo ay magkapatid puwes kailangan kita kupkupin dahil ano na lamang ang sasabihin sa akin ng ibang tao? Na ako ay isang pabayang kapatid, na hinahayaan kita sa isang maliit na apartment samantalang ako ay nasa isang mansion!" may lihim na ngiti sa labi ng binata habang sinasabi ito sa dalaga.
"Bakit mo sila papansinin, ang mahalaga ay kung ano ba ang aking mararamdaman kung ako ay titira sa bahay mo?" sagot ni Amilah dito sa binata na parang masisiraan na ng ulo.
"Why, what will you feel if you live in my house?" tanong ni Erron sa dalaga na nakahalukipkip pa ang mga braso.
"Talaga yatang manhid ka na at hindi mo naiisip how uncomfortable it is for me to live with you?" wika ng dalaga sa binata na hindi naiwasan na magtaas ng boses.
"Naasiwa ka ba kamo sa pagtira doon sa bahay ko, bakit? Do you still have feelings for me?" sagot naman ng binata na parang pinaglalaruan ang dalaga.
Naloka naman si Amilah sa mga sagot ni Erron sa kan'ya at wala ito nagawa nang bitbitin siya ng binata na parang sako papunta sa parating nitong sasakyan.
Nagsisigaw si Amilah at ito ay pinaghahampas niya sa likod pero para itong bato na hindi nasasaktan sa bawat hampas ng dalaga.
Binaba niya ang dalaga sa loob ng kan'yang sasakyan na sumisigaw at nanlalaban pa rin kaya hinawakan ni Erron ang panga ng dalaga saka hinalikan ito.
Gulat na gulat itong si Amilah sa ginawa ni Erron kaya naitulak niyang bigla ang binata na tatawa-tawa pa na nakatingin sa kan'ya.
"Sige mag- ingay ka pa nang hindi lamang iyan ang aking gagawin sa iyo!" banta pa ng binata sa dalaga na natakot naman kaya tumahimik na bigla ito.
Naiinis si Amilah dahil wala siya magawa. Kun'wari ay nandiri siya sa halik ng binata kaya panay punas pa niya sa mga labing kanina ay sakop ng labi ni Erron.
Pero sa isip ni Amilah ay kung bakit iba ang nararamdaman niya sa halik ni Erron, para itong nagustuhan niya at hinahanap.
"Oh God, keep me away from temptation!" bulong ng dalaga sa sarili saka hinawakan ang dibdib na pilit pinapakalma.
"Utusan mo ang driver mo na ibaba ako sa kanto kung ayaw mo na tawagan ko si Mama Melba!" mariin niyang utos kay Erron.
"Kahit tawagan mo pa siya kung gusto mo dahil hindi mo ako basta matatakot. Siya ang nagsabi na tayo ay magkapatid kaya kailangan nasa poder kita!"
Tinawagan nga ni Amilah ang tiya ni Erron na si Melba at halos mabasag ang kan'yang eardrum sa sigaw ng matandang babae.
Natatawa pa si Erron dahil sa narinig din niya ang matinis na sigaw ng tiyahin at alam niya na ngayon ay maari sumasakit na ang ulo nitong tiyahin.
Natagalan pa sila Erron dahil sa tindi nang traffic kaya hindi na ito nagtaka nang nadatnan na nila ang tiyahin na halos umuusok na ang tainga sa galit.