Ang Plano ni Erron 2

1767 Words
"Ano na naman ba ito, ha Erron?" tanong ng Tiya Melba niya na ang butas ng ilong ay nanlalaki sa galit. "Hindi ka muna ba babati at sermon agad-agad ang pasalubong ninyo sa aming mga mahal mong anak at pamangkin?" wika ni Erron nakakaloko sa tiyahin. "Nasisiraan ka na ba nang bait at dinala mo pa talaga rito ang anak sa labas ng tatay mo?" "Oo, sira na ang ulo ko dahil sa kagagawan ninyo!" turan ni Erron sa tiyahin pakialamera. "Huwag ako ang sisihin mo kung hindi ang malikot mong ama!" sagot naman ng tiya ni Erron na naiinis na sa binata dahil sa katigasan ng ulo. Tiim-baga nito naikuyum kan'ya mga palad bago niya muling hinarap ang tiyahin na natakot sa mga tingin at kilos ng binata. Napaatras ang matanda na tiya ni Erron at nakita niya si Amilah kaya ito ang mabilis niyang nilapitan at inundayan nang sampal. Nabigla naman si Amilah dito sa ginawa ni Melba at wala na siyang nagawa pa kung hindi hawakan na lamang ang namumula na pisnging sinampal nang matandang babae. "Ikaw, wala ka na bang natitira na kahihiyan diyan sa utak mo? Ilang ulit ko na bang sinabi at pinaintindi sa iyo na lumayo ka kay Erron pero ano at narito ka sa bahay niya?" "Huwag ako ang sisihin ninyo dahil pinilit lamang din po ako ni Kuya Erron. Ang sabi niya dapat ay nasa poder niya ako dahil siya raw ang aking nakatatanda na kapatid!" galit at inis niya na bigkas dito sa matandang babae habang hawak pa rin ang masakit at namumula niyang pisngi. "Bakit ninyo sinampal si Amilah? Ako ang may gusto na tumira siya rito kahit pa ayaw niya!" wika ni Erron sa kan'yang Tiya Melba na pinakita kaagad ang pagkainis sa ginawa nito na pagsampal kay Amilah. "Umalis na kayo rito Tiya Melba habang kaya ko pa magtimpi. Huwag ninyo nang hintayin pa na magalit ako at kayo ay aking mabastos kaya magkusa na kayong umalis bago ko makalimutan na kayo ay kapatid ng aking ina!" ang may diin niyang sabi sa tiyahin na umiwas naman sa mga tingin niya na nakapaso at para bang susunugin na siya ng buhay. Nilapitan ni Erron si Amilah at pinagmasdan nito ang magandang mukha na pulang-pula dahil na rin sa sampal ng Tiya Melba niya at lalo na siyang nanggagaliite sa galit dito. Nakita nitong matandang babae ang pagbabago sa mukha ng kan'ya pamangkin at alam niya nasobrahan kanina ang pagsampal niya rito kay Amilah kaya sa takot ay hinila niya ang dalaga para umalis na sana sa bahay ni Erron. "Halika na anak, umalis na tayo rito," hawak pa niya ang dalaga sa palapulsuhan nito at aalis na sana pero sila ay pinigilan ni Erron. "Hindi ka aalis kailan man sa poder ko, Amilah! At ikaw ang dapat na umalis dito tiya, dahil ikaw ang nagdadala rito nang gulo!" sambit pa ni Erron sa tiyahin nakaismid. Hindi na tuloy nakaimik si Melba dahil sa malabo na niya madadala pa si Amilah sa itsura pa lamang nang rebelde na si Erron. Mabait naman na bata noon si Erron at malaki paggalang nito kay Melba bilang kan'yang tiyahin pero nagbago bigla ang binata mula nang umalis nang walang paalam ang dalagang si Amilah. Napaupo naman si Amilah nang umalis ang babae na nag-ampon sa kan'ya. Para bang bigla siya napagod sa sagutan nila ng kan'yang mama kanina. Si Erron naman ay hinayaan na lamang si Amilah sa ganoon na ayos dahil nakita niya ang panginginig ng kamay ng dalaga. Upang kumalma ang dalaga ay kumuha siya ng isang baso na tubig at pinilit na painumin ang dalaga. "Huwag mo nang intindihin ang tiyang, ito ang huling beses lalapat sa pisngi mo ang kan'yang palad dahil hindi na ako papayag na gawin niya itong muli habang ako naririto!" bulalas niya na nakakuyom ang mga palad bago ito tumungo sa kusina at kumuha ng yelo sa may refrigerator. Pagbabalik ni Erron sa may sala ay nilagay niya ang bimpo na may yelo sa pisngi ni Amilah na mukhang namumula pa. "Ako na lamang Kuya Erron, kaya ko naman," turan ni Amilah nahihiya pang napatingin sa binata dahil para ba may mga paro-paro sa kan'yang tiyan ang nagliliparan sa sandali na 'yon. "Gusto mo bang magpahinga na sa itaas? Ipasusunod ko na lamang ang mga gamit mo, pinakuha ko kasi 'yon nitong umaga lamang kay Luki." Si Luki ay ang isa sa katiwala ni Erron. May idad na rin ito at matagal na naninilbihan sa mga Ricafort. Tumingin pa si Amilah sa binata at gusto niya mainis dito dahil lagi na lamang ang gusto nito ang dapat na masunod. "Mamaya na lang, hayaan mo na muna ako rito," sagot ni Amilah dito sa binata na mahina ang boses. Lumapit pa ang binata saka niya tinabihan ang dalaga na napaatras naman. Kinabahan ang dalaga dahil parang may kampana sa utak niya na nagbigay nang alarma sa kan'ya. "Lumayo ka, baka may makakita sa atin na mga kasambahay," turan pa ng dalaga sa binata habang ang dibdib nito para bang may kabayo na tumatakbo sa lakas nang pintig nito. Para pa siyang pinaglalaruan nang binata dahil nakatawa pa ito habang lumapit sa mukha niya saka bumulong sa may tainga niya kaya ang dalaga ay kinilabutan bigla. Nanlaki lalo ang mga mata ng dalaga nang kinagat ng binata ang dulo ng tainga niya saka dinilaan ito kaya tinulak niya ang binata na bigla naman tumawa nang malakas. "Kuya Erron, ako ay kapatid mo kaya dapat mo akong igalang!" ang sigaw ni Amilah habang hawak ang dibdib niya na kanina pa kumakabog. Nakangiting tumayo ang binata sabay hawak sa ilang hibla ng buhok ni Amilah saka inamoy ito. "Parang hindi naman kapatid ang nararamdaman ko sa iyo dahil kanina pa nag-aalburoto si manoy ko!" Natakip naman ni Amilah ang bibig niya at baka mapasigaw siya sa mga sinasabi at kinikilos ng binata na talaga namang kagulat-gulat. "Sige, aakyat na muna ako nang makapagbihis at pagkatapos ay kakainin kita, ay mali kakain na pala tayo," natatawa pang wika ng binata saka ito ay kumindat sa dalaga. Naiwan pa si Amilah sa may sala na pilit pinakakalma ang sarili dahil sa hindi niya nakaya ang biro kanina ni Erron kaya nilibot na lamang niya nang tingin ang bahay ng binata. Oo nga at siya ay dalawang beses na nakapunta rito pero dahil sa pagmamadali na makaalis dito noon hindi na niya gaano napansin ang loob. In the living room there were two huge white sofas and in the middle of it there was a square center table with a glass surface and the floor was covered with a light brown carpet. Sa tingin niya ay hindi lamang doble ang laki nito sa sala ng bahay niya kung hindi tatlong doble pa. There is also a grand piano, a large television, fireplace and a large massage chair. The room is also full of large antique vases and expensive paintings. Napunta naman ang mata ng dalaga sa pangalawang kuwarto at sinilip niya ito. Siya ay namangha pa lalo sa ganda at laki ng dining area. Walang duda na mayaman nga ang binata at alam niya magiging reyna siya kapag doon siya tumira pero siya ay nagdadalawang-isip dahil hindi niya kakayanin ang sarili na hindi muli mainlove kay Erron at 'yon ang kan'yang kinakatakot. Nakatingin pa rin si Amilah sa may dining area nang biglang narinig niya ang mga yabag nang pababa na si Erron. "Tayo ay kumain na ng ikaw ay makapagpahinga na rin. Alam ko na pagod ka pero hindi kita pipigilan na magtrabaho basta dito ka lamang uuwi sa bahay ko tuwing hapon at ang driver kong si Manong Bert ang susundo sa iyo," seryoso na sabi ng binata kay Amilah na nag-isip muna bago nagsalita. "Puwede bang sa apartment ko na lamang muna ako tutuloy at sa weekends na lamang ako rito uuwi? Mas malapit kasi 'yon sa opisina ko kaysa rito sa mansion mo," turan naman ni Amilah na paliwanag sa binata. Nag-isip naman si Erron at sa palagay naman niya ay okay na rin 'yon tutal naman ay sa kan'ya uuwi ang dalaga tuwing weekends kaya siguro ay payag na rin siya huwag lamang magbago ang isip ng dalaga. "Sige, papayag na ako pero sa isang condition! Ayaw ko malalaman nagpapaligaw ka o nagpapahatid sa ibang lalaki sa apartment mo!" Natawa tuloy si Amilah dito sa nilatag nitong kondinsiones dahil parang pinagbawalan na rin siya nito na magkaroon ng boyfriend. Lumipas pa ang mga araw at bukas ay weekend na naman. Araw nang pag-uwi niya sa mansion ni Erron at siya ay naghihintay na sa binata. Kagabi pa niya hinanda ang bag na dadalhin pero si Erron ay biglang nagpasabi na hindi siya masusundo dahil may business trip ito. Kaya imbes na bumalik siya sa mansion ni Erron ay napagpasiyahan niya na roon na lamang matulog sa apartment niya. Si Erron naman ng oras na 'yon ay nasa isang bar at kasama nito si Alex, ang kaibigan niya. Bukas talaga ang alis niya pero minabuti niya na sa hotel na muna tumuloy kaya niyaya niya si Alex ng sila ay makapagrelax na muna. "May business trip ka pala bukas, bakit tinawagan mo pa ako para uminom? Sana nagpahinga ka na lamang," saad ng kaibigan niyang si Alex na may pagtataka sa kaibigan dahil bilang sa daliri niya kung siya ay yayain ni Erron. "May problema ba? Noon kapag niyayaya ka namin at may business trip ka kinabukasan ay tumatanggi ka pero ngayon ikaw pa nagyaya," dagdag pa nito kay Erron na sige ang inom ng alak. "Nasisiraan na ba ako, sabihin mo sa akin! Ako pa ba ang kaibigan mong si Erron? Bakit hindi ko na yata nararamdaman ang dating Erron?" sagot ng binata na nakayuko at para bang naguguluhan. "Ano na naman ba ito, pare? Si Amilah na naman ba ang nasa utak mo?" tanong ni Alex na para bang nag-aalala sa kaibigan. "Oo dahil mula nang dumating siya ay palagi na kami nagkakagulo. Sinasabi ni Tita Melba na hindi kami puwede magsama dahil kapatid ko si Amilah pero bakit iba pakiramdam ko kapag katabi ko siya, talaga yatang nababaliw na ako!" sambit pa nito kay Alex saka sinabunutan ang sarili. "Tanggapin mo na, friend. Siguro ay talagang hindi kayo ang para sa isat-isa ni Amilah," wika ni Alex na nalulungkot para sa kaibigan. "Pagbabalik ko, I will have our DNA tested again because I can't really feel that Amilah is my sister!" Tumingin pa si Alex kay Erron dahil parang hindi na paaawat ang kaibigan at ito ay umiling na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD