Durog na durog ang puso ni Amilah sa mga narinig niya na sinabi nang panganay na anak at lalo nang makita niya ang mga luha nito na pumatak sa mga pisngi ng batang si Cj. Gusto niya ito aloin at sabihin na walang katotohanan ang kan'yang mga nalaman mula sa kaeskuwela but she knows that she will only be exposed to deep lies. Nakita lahat ni Erron ang mga nangyari at hindi rin niya alam kung ano ang kan'ya gagawin sa mga oras na ito. "Anak, huwag ka maniwala sa lahat nang mga sinasabi sa internet dahil ang iba riyan ay gusto lamang sumikat kaya kahit na sila makasira nang buhay ng iba ay gagawin nila upang sila ay magkapera!" ani Erron sa anak na yakap niya at pilit niyang pinakakalma. Ang puso ni Amilah ay parang sinusuntok sa sakit dahil sa mga nangyaring ito. Sa isip niya hindi dapa

