-=m*******e’s Point of View=-
Shoot! Mabuti na lang talaga at nakaabot ako sa oras, ayoko pa namang masira sa mag-asawang ito, lalo na't alam nila na functual ako at lagi akong maasahan.
Sila nga pala ang mag-asawang Richard at Liza Saavedra, mga business minded people, Richard is in the drill samantalang may boutique naman sa bayan ang asawa nitong si Liza, meron din silang dalawang anak na lalaki, si Kevin na nerd na alaga ko, bunsong anak ng mag-asawa.
Paano ba naman hindi ito magmumukhang nerd eh sobrang kapag ng salamin nito na nagmumukha na itong bubuyog.
Ang panganay na anak naman ng mag-asawa ay nasa ibang bansa, at wala naman akong interes na makilala ito lalo na’t hindi naman ako makikinabang kung makilala ko siya.
“Goodbye Mr. and Mrs. Saavedra, take care po.” Nakangiti kong paalam sa mga ito hanggang sa tuluyan na mawala na sa paningin ko ang sinasakyan nilang kotse, tuluyan naman napalitan ang ngiti kong iyon ng pilyang ngiti.
“Kevin! Ready or not here I come!” pasigaw kong tawag dito, muli ay nakaramdam na naman akong ng labis na excitement at para bang tuluyang nabuhay ang dugo sa buong katawan ko.
Matapos ilock ang pinto ng bahay ay dumiretso na ako sa kuwarto ng nerd na iyon, ngunit ng makarating ako doon ay hindi ko ito nakita.
“Hmmm… nasaan kaya ang batang iyon? Nagtatago kaya siya? Pero bakit? Sayang, meron pa naman akong gustong larong ipagawa sa kanya.” Sadyang nilakasan ko ang boses ko habang sinasabi ang bagay na iyon.
Sandali kong ginala ang tingin ko sa loob ng kuwarto at ilang sandali lang ay napansin ko ang kapiraso ng damit ni Kevin, mukha kasing naipit iyon ng agad itong magtago sa aparador nito.
Maingat ang mga kilos kong naglakad palapit sa aparador, ayoko kasing malaman nito na nahuli ko na ang pinagtataguan nito.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aparado at tama nga ako ng bumungad sa akin ang nagtatagong bata.
“Twerp!” panggugulat ko ng sa wakas ay buksan ko na ang pinto, halata naman ang pagkagulat at takot nito habang nakatingin sa akin.
“Mary…” nahihintatakutan nitong sinabi.
“Bakit mo naman ako pinagtataguan? Ayaw mo bang makipaglaro sa akin? Kunwari ay malungkot kong tanong dito, ngunit ang totoo ay parang madadamage na ang ribs ko dahil sa pagpipigil kong huwag matawa sa itsura nito.
Kung makikita ninyo lang ang itsura ng gunggong na batang ito, mukha kasi itong natrap na animal habang nakatingin sa predator nito at siyempre ako ang predator na iyon.
He just stared at me with so much misery in his eyes.
Matapos ang ilang minuto ng mahuli ko ay kumportable na akong nakaupo sa couch sa sala, habang si Kevin naman ay nasa ibang lugar sa bahay.
“Ano ba Kevin?! Bilisan mo naman sa inumin ko!” sigaw ko dito.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang mga yabag nito at ilang sandali lang ay tumambad sa akin ang itsura nito.
Isang malakas na pagtawa ang kumawala sa bibig ko ng makita ko ang suot nito.
“Sabi ko na nga ba bagay na bagay sayo ang suot mo.” Natatawa ko pa ding sinabi dito, paano ba namang hindi ako matatawa eh nakasuot ito ng maid uniform na talagang pinasadya ko para dito.
Matapos kuhanin ang dala nitong inumin ko ay muli akong bumalik sa couch at kumportableng naupo roon, habang nagpatuloy sa panonood ng 2 Broke Girls, sobrang laugh trip ang palabas na ito.
Sa sobrang pag-eenjoy ko sa pinapanood ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Kevin sa kabilang couch, nakasuot pa din ito ng “uniform” nito.
Bigla naman akong napaisip ng kalokohan ng makita kong natutulog ito, dali dali akong dumiretso sa kusina.
Agad kong kinuha ang whip cream na sa refrigerator at matapos noon ay dumaan din ako sa gilid ng sala para kumuha ng balahibo mula sa feather duster.
Maingat kong nilagyan ng whip cream ang magkabila nitong kamay at matapos noon ay kiniliti ko ang ilong nito gamit ang balahibong kinuha ko, napatakip naman ako ng bibig ng agad nitong kinamot ang ilong, kaya gaya ng inaasahan ay napuno ang bahagi ng mukha nito ng whip cream.
Pakiramdam ko ay pangangapusan na ako ng hanging sa pinipigilan kong pagtawa, habang patuloy ako sa paglalaro sa natutulog na si Kevin, pero sabi nga nila every good things must come to an end, lalo na at ilang sandali na lang ay uuwi na din ang mga magulang nito, kaya naman kahit mabigat sa dibdib ko ay agad ko na itong ginising.
“Hey loser! Gumising ka na diyan!” singhal ko dito, bigla naman itong napabangon sa sobrang pagkagulat.
Agad naman itong napahawak sa sariling mukha at naramdaman ang makapal na cream sa mukha nito.
Muli akong natawa sa naging reaksyon nito habang patuloy ito sa pag-alis ng whip cream sa mukha, maliban pa sa bandang leeg nito.
“Bilisan mo! Dumiretso ka na sa banyo at ayusin mo ang sarili mo, at pagkatapos mong ayusin ang sarili mo ay bumalik ka dito para linisin ang mga kalat dito. Ayokong ayoko na may makitang kalat dito.” Pagbabanta ko dito.
Habang abala ito sa paglilinis ay nag internalized naman ako, kailangan ko kasing ihanda ang innocent and sweet face ko kapag dumating na ang mag-asawa, mas kapani paniwala kasi kapag ganoon ang itsura ko.
You can say, that I am a really good actress, I’m pretty sure na mananalo ako kung manonominate ako sa Oscar.
The best actress award goes to… m*******e Advincula, pero sorry na lang dahil hindi ko nakahiligan ang pag-aartista kahit na nga ba merong mga talent scounts ang gusto akong kuhanin, acting is really not my thing, mas gusto ko pa din magbabysit.
“Ang bagal mo naman! Bilisan mo at baka dumating na ang mga magulang mo!” muli kong singhal dito, sa takot ay mas lalong bumilis ang pagkilos nito.
Habang ito ay abala sa mga kalat na ginawa ko ay prente naman akong bumalik sa couch na inupuan ko habang binabatanyan ito.
Katulad dati ay wala itong nagawa kung hindi sundin ang mga gusto ko, nasa kamay ko lang naman kasi ang nakakahiya nitong pictures na kinunan ko mula dito, iyon mismo ang technique na natutuhan ko mula sa Nanny ko.
Blackmail is the greatest tool para magpasunod ng mga bata sa gusto kong ipagawa sa kanila at kahit minsan ay hindi pa nabigo ang technique kong iyon.
Napagod naman ako sa panonood dito, kaya naman naisipan kong dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain, agad din naman akong bumalik at pinagpatuloy ang panonod sa paglilinis ni Kevin.
Habang pinagmamasdan si Kevin sa paglilinis ay hindi ko maiwasang maging proud, imagine I created a really useful kid, dapat pa ngang dagdagan ng mag-asawang Saavedra ang bayad nila sa akin dahil naging disiplinado ang anak nila, goodness I am such a saint.
“Ok! Tama na iyan!” Pumasok ka na sa kuwarto mo at dumiretso ka sa kama mo.” Paangil kong sinabi dito, agad naman itong tumalima at patakbong bumalik sa kuwarto nito.
Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng paghinto ng kotse sa harap ng bahay.
“Right on time!” sa loob loob ko at muli ay lumabas na ang pinakamatamis na ngiti sa mga labi ko habang naghihintay na magbukas ang pinto.
“Magandang gabi po Mr. and Mrs. Saavedra, welcome back po.” Todong ngiti ko, bahagya ko ding ginulo ang buhok ko para naman maging kapani paniwala na ako ang naglinis ng bahay.
“Magandang gabi din naman Jane, kamusta naman si Kevin?” tanong ni Richard nang mauna itong pumasok sa loob.
“Napatulog ko na po sa kuwarto niya si Kevin, sobra pong bait ng batang iyon, he’s such an angel.” Nakangiti kong sagot dito.
I can see approval from his eyes, habang nakatingin sa akin.
“Oh wow! Naglinis ka din pala ng sala, sana hinayaan mo na lang sa house keeper ang paglilinis.” Nailing, ngunit nakangiting sinabi nito.
“Wala po iyon, hindi naman ako nahirapan sa pagbabantay kay Kevin, hindi nga ako binigyan ng sakit ng ulo ng batang iyon.” Sagot ko.
“Subukan lang niya.” Sa loob loob ko, habang nakangiti pa ding nakaharap kay Richard.
Bahagya na akong nakakaramdam ng pagod ng dahil sa pagtayo kong iyon, numinipis na din ang pasensiya ko sa tagal nitong makaramdam.
“Oh wait! Right, payday na nga pala ngayon.” Napapalatak nitong sinabi, agad nitong dinukot ang wallet sa bulsa ng pantalon nito at inabot ang sahod ko para sa buwang iyon.
Pinilit ko naman huwag ipahalata ang labis na saya ko ng mapansin kong sobra ang binigay nito, imbes na tanggapin iyon ay agad kong ipinaalam dito ang bagay na iyon.
“Mr. Saavedra, mukhang sobra po ata ang binigay ninyo sa akin.” Kunwaring nagtatakang sinabi ko dito, kunwari ay binalik ko pa ang sobrang pera dito.
“Take it Jane, bonus ko sayo iyan, sobra ko kasing naappreciate ang ginagawa mo para sa anak naming na si Kevin, at kahit hindi mo nga trabaho ay nagagawa mo pang maglinis ng bahay, kahit hindi naman kasama iyon sa trabaho mo.” Nakangiti nitong sinabi.
Pinilit kong huwag mapaismid sa sinabi nito, kung alam lang nito ang pagpapahirap ko sa bunso nilang anak.
“Of course I'm great with what I do, at iyon ay ang pahirapan at ibully ang anak ninyo.” Sa loob loob ko.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ng makita kong nilabas ni Kevin ang ulo nito mula sa kuwarto nito, tahimik lang ito habang nakatingin sa akin.
Tinignan ko naman ito ng masama, bilang warning sa kung may binabalak man itong gawing hindi ko magugustuhan, agad naman itong napabalik sa kuwarto ng dahil sa takot sa akin.
I left the Saavedra’s residence with too much money in my wallet and a satisfied feeling inside me.