-=m*******e’s Point of View=-
So now you know how much I enjoyed bullying kids that I babysit. Now let me tell you about a b***h wannabe na gustong gusto akong talunin.
Sa bawat school naman ata ay lagging meron isang b***h na katulad ko at sa school nga naming ay meron ako, pero sa kasamaang palad ay meron pang feelingera na gustong agawin ang posisyon ko at iyon ay walang iba kung hindi si Rachelle.
Si Rachelle ang head cheerleader sa school, at ang leader ng tinatawag kong skunk beauties, wala naman utak ang grupo nila.
Sa una pa lang naming pagkikita ay nabuo na agad ang galit sa pagitan naming dalawa, ilang beses na din kami nitong nagkakaaway, pero kahit minsan ay hindi nagiging pisikalan ang pag-aaway naming iyon, more on sa verbal na away lang ang gusto ni Rachelle, takot lang nito na mabalian ng leege sa sandaling maging pisikal na ako dito.
I’m already on my way to my first class ng araw na iyon nang mapansin kong papalapit na naman ang skunk beauties sa puwesto ko at siyempre nasa una si Rachelle Dela Cruz.
“Well… well… well… look who we have here, isn’t it Jane the loser?” puno ng insulto nitong sinabi, habang matalim na nakatingin sa akin.
“At sino naman sa tingin mo? Akala mo si Ariana Grande?” pang-aasar ko naman dito, habang palipat lipat ang tingin kosa tatlong backup nito.
“Oh I don’t know, probably a frog mixed with a cow.” Natatawa nitong sinabi at para namang nagrehearse ang mga kasama nito na sabay sabay na nagtawanan
“Hahahaha, that is so funny, just like your smell. You know what, you remind me of a rare flower. Let me think… ahh yeah, you remind me of the carrion flower.” Pambabara ko naman dito, at kitang kita ko ang clueless expression sa mukha nito.
“And what is that?” naguguluhang tanong nito, halatang walang kaalam alam ito kung anong klaseng bulaklak ang tinutukoy ko.
“Can you at least for once use your brain? GMG!” natatawa ko naman na sagot dito, ngunit kahit ata ang sinabi kong GMG ay wala itong kaideya ideya.
“Google mo girl!” naiiling na lang ako sa slowness ng taong ito, hindi ko na hinintay na sumagot ito at agad ko silang iniwan.
Medyo nakalayo na ako ng muli kong balikan ng tingin ang grupo ni Rachelle, sakto naman ng makita kong kuhanin nito ang cellphone nito sa bag, at ilang sandali lang ay napansin ko ang pamumula ng mukha nito, malamang sa malamang ay alam na nito ang binanggit kong bulaklak.
“Serves you right.” Paismid kong bulong, ang carreon flower kasi ay ang pinakamalaking bulalak na may pinakamabahong amoy sa buong mundo.
Hindi na din naman ako nagtagal doon at muli akong nagpatuloy sa paglalakad, may nakasalubong naman akong mga classmates ko na abalang abalang sa pagkukuwentuhan.
“Girl, hubadin mo na kaya yang stilletos mo, mukha kasing nahihirapan ka na masyado.” Narinig kong sinabi ng isa sa mga ito na bahagyang nagpataas ng kanang kilay ko.
Hindi ko matandaan ang pangalan ng mga ito, pero namumukhaan ko sila at kung hindi ako nagkakamali ay mga classmates koi to.
“Hindi puwede Anita, alam moa na tiis ganda ang friend mo.” Pagbibiro naman ng kasama nitong nakasuot ng stilletos na hindi naman bagay sa suot nitong uniform.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong lapitan ang mga ito at dahil sa bigla kong pagsulpot ay parehong nagulat ang dalawa.
“Excuse me, hindi tiis ganda, baka tiis lang, hindi ka naman kasi maganda eh.” Iritable kong sinabi dito, parehong napanganga ang mga ito sa sinabi kong iyon, well sa totoo lang naman talaga ang sinabi kong iyon, hindi naman kasi talaga siya maganda kaya tiis lang ang dapat na sinabi nito.
Matapos kong pangaralan ang mga classmates kong iyon ay agad akong dumiretso sa una kong klase, at katulad ng dati ay kanya kanyang pagpapapansin ang ginagawa ng mga classmates kong lalaki sa akin, which is getting kinda old to be honest.
“Geez can you all get a life?” sa loob loob ko.
Lumipas pa ang mahigit fifteen minutes nang sa wakas ay dumating ang Professor naman para sa subject na ito.
Sa totoo lang ay alangan ako sa Professor naming iyon, masyado kasing mahirap itong iplease na kahit ang sweet and innocent looks ko ay hindi tumatalab dito.
Maliban kasi sa babae ito ay isa pa itong matanda at miserableng babae na ang purporse ata sa buhay ay pahirapan ang buhay ng mga estudyante niya.
Agad na nagsitahimikan ang mga kaklase ko pagkapasok na pagkapasok pa lang ng Professor namin, pagkalapag na pagkalapag pa lang nito ng bag sa table.
Agad naman itong nagtanong ng galing sa textbook, wala halos humihinga ng dahil sa takot at tensyon na dinudulot ng mga mata nito, lahat ay natatakot na baka sila ang matawag, at sa kamalas malasan naman ay napansin kong sa akin nakatuon ang mga mata nito.
“s**t! She saw me!” sa loob loob ko, agad akong nagkaramdam ng pagkapanic, sinubukan kong huwag tumingin dito, ngunit mukhang hindi iyon gumana dahil ilang sandali lang ay narinig ko na ang pangalan ko mula dito.
“Ms. Advincula, please answer my question please.” Sinabi nito at nang tignan ko muli ito ay nakita ko ang nakaismid nitong mukha na para bang sinasabi nitong hindi maganda ang kakahantungan ko.
“Shoot! Hindi ko talaga alam ang sagot.” Nanghihina kong naisip, pakiramdam ko nga ay lahat ng pag-asa ko ay biglang naglaho ng mga oras na iyon, kahit ang mga tagahanga ko ay walang magawa para tulungan ako sa sitwasyon ko ngayon.
Kung kalian naman nawawalan na ako ng pag-asa ay bigla naman akong nakaramdam na may humahatak sa laylayan ng uniform ko.
I saw my girl seatmate na ngayon ko lang talaga napagtuunan ng pansin. “What’s her name again?” sa isip isip ko, hindi ko kasi maalala ang pangalan nito at kung hindi pa dahil sa paghatak nito sa damit ko ay hindi ko ito mapapansin.
The girl, that I never knew existed is actually showing me the answer, hindi ako sigurado kung tama ba ang sagot na binibigay nito sa akin, paano kung sinasadya nitong maliin ako, para lalo akong mapahamak.
“Ms. Advincula, I’m waiting.” Ngunit ng marinig ko ang sinabing iyon ni Prof, ay wala na akong choice kung hindi sagutin iyon gamit ang sagot na binigay sa akin ng seatmate ko, at sa labis kong tuwa ay tama ang sagot na iyon.
Napatingin naman ako dito ng may appreciation sa mga mata, ngunit hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
Isa pa naman sa mga ayaw ko ay magkaroon ng utang na loob sa kapwa ko babae, kaya naman naisipan kong hintayin ito hanggang matapos ang klase.
“Hey you!” tawag ko dito ng akma itong tatayo sa kinauupuan nito na para bang hindi koi to katabi lang.
Bigla naman itong napahinto sa pagtayo at agad napatingin sa akin.
“Yoou’re Sally right?” tanong ko dito, para kasing naaalala kong Sally ang tinawag ng isa sa mga classmates naming, hindi ko naman maiwasang mapangiwi ng muli kong matitigan ito lalong lalo na ang suot nito, kanino bang damit ang suot nito? Sa lola niya?
Sa school kasi na ito ay hindi required ang naka school uniform, kaya naman puwede naming isuot ang gusto naming isuot as long na hindi iyon malaswang tignan, but apparently this girl thinks that looking like an old maid is a trend nowadays.
“Actually, my name is Sandy.” Nahihiya nitong pagtatama sa akin.
“Err.. right. I just want to say thank you sa tulong mo kanina, kung hindi dahil sa binigay mong sagot ay siguradong pahihirapan na naman ako ng Professor nating iyon at dahil sa kabutihan mo ay gusto kong suklian ang ginawa mo sa akin.” Sinabi ko dito.
Nanatili naman itong tahimik at hinayaan na lang ako habang dahan dahan ko siyang inikutan at matiim siyang pinagmamasdan.
“How about… I give you a makeover, you seriously needed a makeover, no wonder kung bakit hindi kita napapansin noon pa man. Kanino ba ang suot mo sa lola mo?” nakataas na kilay kong tanong.
Hindi ko naman maiwasang maguilty ng mapansin ko ang sakit na gumuhit sa mga mata nito ng dahil sa sinabi kong iyon.
“Look, I’m sorry, hindi ko sinasadyang maoffend, hindi lang kasi talaga ako sanay na gumawa ng mabuti sa kapwa ko.” Pagtatapat ko dito, at ilang sandali nga lang ay ngumiti na uli ito.
Katulad ng napagkasunduan naming, matapos nga ang mga klase name ng araw na iyon ay nagkita kami nito sa tapat ng gate ng school, at matapos noon ay dinala koi to sa malapit na mall.
Una ko siyang dinala sa paborito kong salon kung saan ako madalas nagpapaayos. Lahat ng pagpapaganda ay nasa salon na iyon, kaya hindi na naming lumipat pa. I made sure na maaayos ito mula ulo hanggang paa, pinawax ko na din ang lahat ng buhok nito sa katawan including the one in her private part, just in case na magkaroon kami ng swimming at kailangan magsuot ng bathing suit.
Mukha naman naeenjoy ng beautician habang abala ito sa pagplaplucked ng kilay ni Sandy, habang nangingiwi sa sobrang sakit si Sandy sa ginagawa nito at matapos nitong ayusin ang kilay ni Sandy ay sinunod naman nitong ayusin ang buhok nito.
Matapos ang makeover na iyon ay naisipan kong dumaan sa boutique ni Mrs.Saavedra na nanay ni Kevin na binibabysit ko, ng makita ako nito ay binigyan ako nito ng malaking discount sa mga pinamili naming, well nagamit ko lang naman ang tinatawag kong no one can resist charm ko na kahit kalian ay hindi ako pinapahiya, well except sa Prof naming kanina.
Binili ko siya ng isang pink top, isang plain white skirt at isang pares ng beige flat shoes, pinapalitan ko na din ang makapal na salamin nito ng contact lens at ilang sandali lang ay natapos na din saw akas ang makeover nito.
“Damn girl!” napapalatak kong sinabi nang makita ko ang naging transformation nito, for sure walang makakakilala dito bilang si Sally… I mean Sandy pala… Sandy Aguilar.
I should pat my back for a job well done for the finished product.
Hindi na din kami nagtagal at matapos itong magpasalamat ay agad na din itong umalis, umuwi naman ako na sobrang excited na sa mangyayari bukas.
Sa unang pagkakataon ay sobrang aga akong pumasok sa school kinabukasan, at gaya ng inaasahan ko ay walang nakakilala kay Sandy ng dahil sa bago nitong anyo.
“Can I get your attention please?” pasigaw kong sinabi habang nakatayo sa harap ng klase, ilang sandali nga lang ay natuon na ang atensyon sa akin ng lahat.
“Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago kong kaibigan, the new and improved Sally!” proud kong sinabi, bigla naman naubo ang katabi ko.
“Uhm... It’s Sandy, Jane.” Nahihiya nitong sinabi, halata sa reaksyon nito ang pagkailang, mukhang hindi pa din ito sanay na nakakakuha ito ng admiration mula sa mga kaklase naming.
“Oh right, Sandy!” nakangiti kong sinabi at gaya ng inaasahan, lahat ay hindi makapaniwala sa malaking pagbabago sa itsura ni Sandy.
Yeah I know, sinabi kong hindi ko kailangan ng kaibigan, dahil para sa akin ay para lang silang personal assistant, pero iba pa din pala ang magkaroon ng matatawag na kaibigan.
Of course nagagamit ko pa din naman ito sa mga tulong na kailangan ko, pero iba siyempre ang naging pakikitungo ko dito kumpara sa iba pa naming mga classmates at schoolmates.