CHAPTER 4: No One Can Bully My Nerd

1427 Words
-=m*******e's Point of View=- Wow can you imagine the mean b***h m*******e Advincula did a good deed. I mean what are the odds right? Well, not really a good deed since nagbabayad lang naman talaga ako ng utang na loob kay Sally err... Sandy nga pala sa ginawa nitong tulong sa akin kahapon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, ang weird ng nararamdaman ko dahil sa ginawa ko ito na ba ang tinatawag nilang joy of helping? No ayoko nang ganitong pakiramdam dahil alam kong pag lagi kang tutulong aabusuhin ka naman masyado at ayokong mangyari iyan. Bakit ko ba masyadong ginugulo ang sarili ko sa mga bagay na ito. So I just shrugged my shoulders at nagdecide akong mamasyal na lang sa mall. Naenjoy kong masyado ang pamamasyal sa mall ang daming mga bagong labas na mga damit at hindi ako makapili ng kung ano ba ang mas magandang bilhin. "Damn it nasaan ba si Sandy kung kailan kailangan kailangan mo siya this is an emergency for crying out loud." frustrated kong bulong sa sarili. Kahit naman kasi sobrang hot na ng itsura ni Sandy at marunong na itong manamit ng naayon sa fashion, thanks to ME of course ay hindi pa din nito maiwasang hindi isubsob ang sarili sa sobrang pag-aaral, at ngayon nga ay nasa library ito. Darn the first and last time na nakaapak ako sa libary ay ang panahon na tinour kami sa campus and that was I don't know three years ago at sa kamalas malasan ay ang library nga huling pinuntahan namin. "If you can't choose what to buy, buy them all then." nakangiti kong sinabi, that's what credit card for right? To buy without thinking.  If your too school for cool And you feeling like a fool...... Oh wait snap that's my phone kaya naman agad kong kinuha iyon sa loob ng bag ko at ng tignan ko ang caller id ay nakita ko ang pangalan ni Mrs. Saavedra na tumatawag. I faked a smile since they said when you're smiling even they can't see you they can feel you smiling, does it make sense? Whatever! "Hi Mrs. Saavedra, how can I help you?" sagot ko dito sounding cheerful kahit na nga ang tumatakbo sa utak ko is "What the hell does this old hag need?" I checked my watch and saw na masyado pa namang maaga para bantayan at alagaan ko ang pinakamamahal nitong anak. "Sorry kung naistorbo kita pero kung puwede sanang ikaw na muna ang sumundo kay Kevin, may kailangan kasi akong puntahan na kliyente at si Richard naman ay may meeting sa mga investors." narinig kong sinabi nito sa kabilang linya. "HELL NO!!!" I said pero siyempre sa loob loob ko lang iyon, katulad nga ng sinabi ko professional ako kaya naman sobra akong naasar ay hindi ko iyon pinahalata sa matandang ito. "Uhmm sure, ako na pong bahala kay Kevin." nakangiti kong sinabi dito kahit na nga ba gustong gusto nang sumabog ang inis ko. "HELLO! I'M IN A MIDDLE OF SOMETHING IMPORTANT HERE!!" Matapos ko ngang iend ang tawag nito ay agad nawala din ang ngiting nakapinta kanina sa mukha, sobra akong naiinis at alam ko kung kanino ko iyon ibubunton. "They want me to take car e of Kevin, fine I will take GOOD care of Kevin then." Sinimulan ko nang planuhin ang mga evil scheme sa isip ko nang sumakay na ako sa kotse para sunduin si Kevin. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa mga naiisip ko at nararamdaman ko na naman ang excitement na nadudulot sa akin sa ginagawa kong pambubully. Halos isang oras din siguro ang minaneho ko patungo lang sa school ng twerp na iyon at nadadagdagan na naman ang iritasyon na nararamdaman ko dahil ang mahal kaya ng gasolina ngayon. Matapos masiguradong nakalock ang mga pinto ng kotse ko ay naglakad na ako patungo sa school ni Kevin, sandali kong nilibot ang mga mata ko bago ko nakita ang entrance ng school. Maglalakad na sana ako patungo sa entrance ng school ng mamataan ko naman na palabas si Kevin na may kasamang mas malalaking mga bata at mukhang patungo sila sa playground sa bandang gilid ng school. Tahimik akong sumunod sa mga ito hanggang makarating ang mga ito sa isang maliit na hardin na malapit mismo sa playground. "Ano kayang ginagawa ng mga pesteng batang ito sa ganitong lugar?" hindi ko maiwasang matanong sa sarili ko. Nagdecide akong magobserve na muna sa kung anong mangyayari, mukhang nag-uusap lang naman ang mga ito pero wala akong marinig dahil sa distance ko sa puwesto nila. Ngunit biglang nanglaki ang mga mata ko sa nakita. "Shoot what the f?!" nabulalas ko nang makita ko ang ginawa ng dalawang mas malaking bata sa alaga ko. Sino ba naman hindi magugulat iyong isang batang mukhang gorilla ay biglang hinawakan ang mga kamay ni Kevin the nerd sa likod  at iyong isang bata naman na mukhang baboy ay umamba nang susuntukin ang walang kalaban laban na si Kevin. I decided to take a picture first, alam niyo na just in case na kailangan ko iyon para iblackmail ang mga ito at katulad nga ng inaasahan iyong batang mukhang baboy ay tuluyan ng pinadapo ang kamao nito sa mukha ni Kevin at iyon na mismo ang nakuhanan ko sa phone ko. "Hoy kayong mga gunggong!" sigaw ko sa mga ito na halatang nagulat lalo na't lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Ngunit sandali lang ang pagkagulat ng mga iyon sa dalawang bullies at mukhang bumalik na ang mga kompiyansa nang dalawang ungas nang makitang babae lang ako, big mistake. "Huwag ka nga makialam dito, wala kang kinalaman dito." ang sinabi ni gorilla face kid na hindi pa din binibitawan ang mga kamay ni Kevin. Bigla akong natawa sa sinabi nito, medyo humahanga ako sa katapangan ng mga ito, but the problem is they mess with the nerd to bully. "Actually gusto ko kayong batiin sa job well done na ginawa niyo sa nerd na batang iyan." isang pagkatamis tamis na ngiti ang nanilay sa mga labi ko. Agad ko naman nakitang nawala ang pag-asa na nakaguhit kanina sa mukha ni Kevin sa narinig mula sa akin. "Pero ang problema ay maling nerd ang ginulo ninyo, at hindi ko gustong may ibang bully na gugulo sa kanya maliban sa akin." I said dropping all pretense. Agad naman bumitaw si gorilla kid sa pagkakahawak sa kamay ni Kevin. "Jake umalis na tayo dito." narinig kong sinabi nito kay porky kid. "Huwag ka ngang duwag diyan Dave, babae lang naman ito eh." sagot naman nito na nagpapantig ng tenga ko ngunit pinilit kong iignore ang sinabi nito. "Alam mo naman na hindi ako pumapatol sa babae." ang sinabi ni gorilla kid at matapos nga non ay dali dali itong umalis. Naiwan na lang kaming tatlo, ako, si Kevin at si Mr. Porky. Mr. Porky decided na atakihin ako na isang napakalaking pagkakamali. Madali kong naiwasan ang suntok na binigay nito at agad kong hinawakan ang matabang kamay nito and bend it a little behind his back. "Ouch! Let go of me b***h!" galit nitong sinabi kaya naman para magtanda ito ay dinagdagan ko pa ng kaunting pressure ang pagkakahawak ko sa kamay nito and the kid started crying from the pain. "Binabalaan kita, mess with this nerd again and I promise you pagbabayaran kita ng mahal." banta ko dito at para mas matakot ito ay pinakita ko ang larawan kung saan sinuntok niya si Kevin. Matapos nga noon ay agad kong pinakawalan ang kamay nito at para talaga itong baboy na nakawala sa hawla. Tinulungan kong makatayo si Kevin at tinulungan ko din itong pagpagan ang dumikit na buhangin sa damit nito. "Thank you Jane." nakangiti nitong sinabi, kitang kita ko ang appreciation sa mukha nito. And then I hit him at the back of his head at muntik na itong mapaluhod sa lupa sa ginawa ko. "Bakit mo naman ginawa iyon?" pagmamaktol nito habang himas himas ang nananakit na batok nito. "Bakit naman kasi hindi ka lumabas? Hinayaan mo lang maging punching bag ka ng dalawang iyon!" inis kong sinabi dito, at bigla akong natigilan nang makita ko ang luhang pumatak sa mga mata nito nang magsimula na itong magsalita. "Anong magagawa ko sobrang hina ko, wala akong puwedeng gawin kung hindi maghintay para matapos ang ginagawa nilang pambubugbog sa akin." malungkot na malungkot nitong sinabi. I can't help myself but felt a little pitty towards the twerp and because of that I made a decision that day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD