CHAPTER 5: I Taught the Twerp Taekwando

2056 Words
-=m*******e's Point of View=- Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na makakagawa na naman ako ng panibagong good deed. I mean, I must be out of my mind na gagawa na naman ako ng kabutihan sa ibang tao, dahil ang motto ko lang naman sa buhay ay intindihin ko ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga natiis nang makita kong pinagtutulungan ng dalawang bully si Kevin, kaya naman nangako ako sa sarili ko na tuturuan ko ang lampang iyon kung paano niya maipagtatanggol ang sarili niya laban sa mas malalaking mga bata sa kanya. Matapos nga ang huling klase ko ng araw na iyon ay agad na akong dumiretso sa parking lot, kung saan naka-park ang kotse ko. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa wakas ay makarating na ako sa kotse ko, pasakay na sana ako nang marinig ko ang hinihingal na pagtawag ni Sandy sa pangalan ko, mukhang kanina pa pala ako nitong hinahabol, kaya naman sandali ko itong hinintay na makalapit sa akin. "What?" mataray kong tanong dito, habang nakataas ang kaliwanag kilay. "Bakit naman kasi sobrang bilis mong maglakad Jane?" hinihingal pa nitong sinabi, habang hawak-hawak ang tumataas-baba nitong dibdib. HIndi ko naman napigilan mapatingin sa dibdin nito pabalik sa dibdib ko. Kung pagkukumparahin kasi ay mas di hamak na mas gifted ito sa akin. "Hmmp... basta mas maganda pa din ako sa iyo." sa loob-loob ko. "Kailangan ko na kasing dumiretso sa trabaho ko." pagdadahilan ko sa tanong nito. Tumingin naman ito sa akin na para bang nawe-weirduhan ito sa akin na lalong nagpataas ng kaliwang kilay ko. " Ngayon ka lang naging maaga ng ganito, bakit anong meron?" muling tanong nito sa akin na para bang pinagdududahan ako nito na para bang may gagawin akong hindi maganda. Hindi ko naman naiwasang mainis, lalo na, at pinag-iisipan ako nito ng masama gayong tinulungan ko na nga itong magpaganda at maging sikat sa school. "Bakit ba? Eh sa gusto ko lang! May problema ba doon?!" mataray kong sagot dito. Halata naman ang pagkagulat nito sa ginawa kong pagtataray dito, nakakainis lang kasi na ikaw na nga ang tutulong, tapos pag-iisipan ka pa ng masama. "I'm sorry Jane, hindi ko gustong ma-offend ka, kaya lang natanong ko sa iyo ang bagay na iyon ay dahil nahihiya ako sa iyo na hindi man lang kiya nasamahan sa mall nang nagpasama ka sa akin kahapon, kaya naman naisip ko kung gusto mong pumunta sa mall ngayon para naman masamahan na kita." halos pabulong nitong sinabi, habang nakatingin ito sa sapatos nito. Halata naman na napahiya ito sa ginawa kong pagtataray lalo na at may mga mangilan-ngilang tao sa paligid. Nang marinig ko nga iyon ay bigla akong na-guilty, bigla ko kasing napagtaasan ng boses ito at nasungitan gayong maganda naman pala ang intensyon nito sa akin. Siguro ay nasanay lang talaga ako sa pagtataray ko sa maraming mga tao, pakiramdam ko kasi ay lagi silang may hindi magandang sinasabi, o iniisip tungkol sa akin. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan para pakalmahin ang inis na nararamdaman ko kanina, at matapos nga noon ay pinilit kong magsalita ng mahinahon. "Sa ibang araw na lang siguro Sandy, nangako kasi ako sa mag-asawa na maaga akong pupunta sa kanila para bantayan, at alagaan ang anak nila." mahinahon kong paliwanag dito. Ginawa ko lang na dahilan iyon, pero ang totoo kung bakit maaga akong aalis ay dahil para maturuan ko ng husto ang lampang bata na si Kevin kung paano niya mapoprotektahan ang sarili mula sa mga bully na schoolmate ito. Pinili kong itago ang katotohanan mula dito, I mean meron pa naman akong reputasyon na inaalagaan, at hindi ko ma-imagined ang iisipin sa akin ng mga kakilala ko kapag nalaman nilang gumagawa ako ng good deed. Bigla na lang napatango si Sandy sa sinabi kong iyon, at matapos ko ngang magpaalam dito ay nagpatuloy na ako sa pagsakay sa kotse, at ilang sandali nga lang ay nasa kahabaan na ako ng kalsada papunta sa bahay ng mga Saavedra kung saan naghihintay sa akin ang talunan, at lampang si Kevin Saavedra. Inabot din ng mga thirty minutes nang sa wakas ay makarating ako sa bahay na iyon, sandali ko munang pinark ang kotse ko sa gilid ng bahay, matapos ko ngang mai-park ng maayos ang kotse ko ay bumaba na ako sa sasakyan, at naglakad patungo sa nakasaradong pinto. Agad akong kumatok sa pinto, at mga ilang segundo din ang ang nakalipas nang makarinig ako ng mga yabag ng mga paa na sinundan ng boses ng isang lalaki. "Yeah Rick, I want you to go home as soon as possible, limang taon ka na ding hindi nakakauwi sa atin, at sobra ka na naming nami-miss dito, lalong-lalo na ang kapatid mo." narinig kong sinabi ng lalaki sa loob ng bahay na agad ko ding nabosesan na si Ricgard Saavedra ang Daddy ni Kevin. Hindi ako sigurado kung sino ba ang Rick na tinutukoy nito, pero ayon sa narinig ko ay mukhang nakakatandang kapatid iyon ni Kevin. Para tuloiy na-imagined ko na ang itsura ng Rick na iyon, panigurading payatot at lalampa-lampa din ang taong iyon katulad ng nakakabata nitong kapatid. Ilang minuto na ang lumipas, ngunit wala pa ding nagbubukas ng pinto sa akin, kaya naman muli akong kumatok and this time ay mas nilakasan ko na iyon. Sa wakas ay may nagbukas na din ng pinto, at kitang-kita ko ang pagkagulat na nag-register sa mukha ni Richard nang mapagbuksan ako nito ng pinto. "Ok Rick, bibigyan kita ng isang buwan, para matapos mo ang mga kailangan mong tapusin sa London, at kapag natapos ang isang buwan ay ini-expect kitang makakarating sa Pilipinas, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong nito sa kausap, at nang marinig nito ang gusto nitong sagot ay saka lang nito binaba ang tawag. "Wow! You're early. Sorry Jane kung napaghintay kita." nakangiting paghingi nito ng paumanhin, pinigilan ko naman ang kilay ko sa pagtaas. Saan ka ba naman kasi makakakita ng taong humihingi ng sorry, pero nakangiti naman sayo, ano iyon nang-iinis lang? Pero siyempre sinarili ko na lang ang bagay na iyon, habang tahimik akong nakasunod dito, hanggang sa makarating na kami sa sala ng bahay. "Maaga po kasing natapos ang mga klase ko kaya naman naisipan kong dumiretso na lang dito para mas mahaba kaming makapag-bonding ni Kevin, wala din naman po akong gagawin ngayon." nakangiting sagot ko dito. "I see, by the way kung nagugutom ka merong cake sa fridge, kumuha ka na lang, huwag ka ng mahihiya." ang sinabi nito, bago ito pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa. Napaismid naman ako sa sinabi nito, dahil talagang kakain ako ng cake mamaya, at kung magutom pa ako ay baka hindi lang cake ang kainin ko. "Nasaan nga po pala si Kevin?" tanong ko dito nang hindi ko makita ang lampang batang iyon. "Parating na din siguro iyon, nagpasya kasi kaming mag-asawa na ipa-service na lang siya sa school bus, masyado kasi kaming busy na mag-asawa para ihatid, at sunduin siya araw-araw." sagot nito mula sa kuwarto. Sandali lang ito sa kuwarto nito, at matapos nga noon ay lumabas na ito sa bahay kaya naiwan akong mag-isa, habang hinihintay si Kevin. Ayon kay Richard ay may ka-meeting daw ito, kaya kailangan na nitong umalis, mabuti na nga lang daw, at napaaga ang pagdating ko para may makasama si Kevin. Pumalakpak naman ang tenga ko nang sabihin nitong dadagdagan na lang nito ang sahod ko na siyang musika sa aking pandinig. "Hmmm nagutom tuloy ako, nasaan na nga ba uli iyon cake?"  sa loob-loob ko, agad naman akong dumiretso sa kusina, at agad kong binuksan ang refrigerator. Agad akong natakam nang makita ko ang chocolate cake na naroon, paborito ko pa naman ang chocolate cake. Gamit ang kutsilyo na nakita ko ay humiwa ako ng may kalakihang slice, kung puwede nga lang ay ubusin ko na iyon, pero baka naman magtaka ang mag-asawa kapag wala na silang naabutan na cake. Nang makakuha ng cake, at tubig ay naisipan kong manood na lang muna ng TV, habang hinihintay ang pag-uwi ni Kevin. Bubuksan ko na sana ang TV nang mapansin ko ang isang photo album ng pamilyang Saavedra. May isang photo album na may nakalagay na pangalang Kevin sa harapan. Imbes na manood ay naisipan kong tignan na lang ang mga larawan na naroon, nagbakasakali kasing makakita ako ng puwedeng ipang-blackmail sa lampang iyon. Agad bumungad sa akin ang mga larawan ni Kevin noong unang birthday nito, meron ding larawan na nagbubukas ito ng mga regalo nito, at kung ano-ano pang mga larawan na hindi ko naman mapapakinabangan. Nang matapos ako sa pagtingin ay agad kong binalik sa lalagyan ang naturang photo album. Isang photo album naman ang tumawag ng pansin ko, nakalagay naman sa harapan ang pangalang Rick Saavedra. Bigla ko tuloy naalala ang pangalang narinig ko mula kay Richard kanina, ayon sa narinig ko ay nasa Londo ito ngayon. "Oo nga pala ito nga pala ang nakakatandang kapatid ng nerd na iyon." I muttered and then grabbed the said photo album, bubuklatin ko na sana iyon nang marinig ko ang isang malakas na busina sa labas at nang sumilip ako ay nakita ko ang school bus ni Kevin. Bigla ko namang binalik ang hawak kong photo album, at nagmamadali akong pumuwesto sa bandang likuran ng pinto. Naisipan ko kasing gulatin ito, at naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon nito ay natatawa na ako agad. Matiyaga akong naghintay sa likod ng pinto, ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagpasok ng susi sa keyhole, at ilang sandali lang ay pinihit na ni Kevin ang seradura, at saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko, at ginulat ko ang kawawang bata. "Oh man! He actually screamed like a girl." sa loob-loob ko habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Mangiyak-ngiyak na ako sa gulat na gulat nitong mukha. Ilang minuto din ako siguro sa pagtawa kong iyon, at matapos kong kumalma ay seryoso ko itong tinignan. "Welcome home twerp! Handa ka na ba to have some fun?" I asked with an evil grin on my face. Dahil sa takot ay aksidente nitong nalunok ang nginunguya nitong chewing gum. Bago simulan ang pagtuturo ko dito ay hinayaan ko na munang maglinis ito ng buong living room, at nang maging satisfied na ako sa paglilinis nito ay saka ko lang sinimulan ang pagtuturo dito. Sinimulan na muna namin sa basic streching. "Bakit ko ba kailangan gawin ito?" narining kong pagrereklamo nito, habang abala ako sa binabasa kong magazine. Hindi ko pa kasi sinasabi dito ang plano kong pagtuturo sa kanya ng self-defence, gusto ko muna kasing isipin nito na pinapahirapan ko siya, katulad nga ng sinabi ko may imahe akong kailangan kong pangalagaan. "Malalaman mo mamaya at huwag kang mag-alala dahil sinisigurado kong magugustuhan mo ito." pananakot ko dito siyempre kailangan ko munang mag-enjoy. After few minutes of basic streching ay sa wakas ay sinabi ko na din dito ang totoong dahilan kung bakit ko pinagawa sa kanya ang bagay na iyon. "Ok, ang dahilan kung bakit kita pinag- basic streching ay dahil nagdesisyon akong turuan ka ng self-defense, para naman maipagtanggol mo ang sarili mo sa mga bully sa schoo ninyo." paliwanag ko dito. "Pe...pero ayokong manakit ng tao." nag-aalangan nitong sinabi s aakin na agad nagpa-irita sa akin, kaya naman nabatukan ko ito ng wala sa oras. "Gusto mo bang habang buhay na mabully ka? Be a man show some balls." paghihimok ko dito at finally nakita ko din ang approval sa mga mata nito. "Pero bakit mo ginagawa ito?" tanong nito sa akin. "First rule, don't ask question?" iritable kong sinabi dito at agad ko itong pinandilatan ng mukhang magtatanong uli ito. Agad kong sinimulan ang pagtuturo ko dito at kada mali nito ay nakakakuha ito ng palo sa akin gamit ang stick na nakuha ko sa storage room ng bahay na iyon. Slowly ay nakikita ko naman ang improvement nito at hindi ko maiwasang hindi maging proud sa nakikita nitong pagsusumikap na sundin ang mga pinapagawa ko dito. "Ok, that's enough for now, magpapatuloy tayo bukas at dapat kang matakot dahil sisiguraduhin kong mas mahirap ang mararanasan mo." pangako ko dito. Sa narinig ay agad ang paghugit ng takot sa mga mata ni Kevin, ganyan ang gusto kong nakikita. Gusto kong makita na takot pa din sa akin ang mga batang inaalagaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD