PROLOGUE
Maaga akong nagising ngayong sabado dahil may trabaho pa ako mamayang 10 am sa cafe ng kaibigan ko. Ganito ang routine ko for almost one year now, nagtatrabaho ako para sa aking sarili. When my parents died, my heart also died with them, I really don't know what's making me wake up everyday, and what makes me still moves forward. It is the storm that made me cry every night. I'm missing them every single day. Namatay sila sa car accident dahil sa pagkakataong iyon, ang papa ko ay nagmamaneho ng lasing habang nag aaway sila ni mama. Hindi nila napansin ang parating na sasakyan.
Kumain muna ako ng umagahan at naglaba ng mga marumi kong damit na nasuot ko the whole week. Isang linggo mula namatay ang aking mga magulang, kinuha nila ang aming munting bahay dahil daw naipagka utang ito ng aking papa sa sugal. Hindi kami mayaman, ang tanging meron lang kami ay ang aming munting bahay at sasakyan na kung saan na aksidente sila. Wala akong makapitan dahil ang mga kamag anak ko nasa malayong probinsya. Yong iba gusto nila akong kunin doon, pero tumanggi ako, alam kong magiging pabigat lang ako. Yong naka disgrasya sa mga magulang ko ay nakulong, at may bayad din sila at inilagay ko sa aking bangko at doon ako kumukuha ng aking ipinag aaral. Kinakaya ko lahat. Hindi ko alam kung bakit pero, nakikita ko na lang ang sarili kong umuusad kahit napaka hirap. Naghanap ako ng inupahan kong apartment, noong unang buwan na wala na sila. Wala akong ginawa kundi umiyak at umiyak. Nagkulong lamang doon, hindi kumain ngunit nakita ko na lang ang sarili kong bumabangon. Naghanap ako ng trabaho. May dalawa akong part time. Sa cafe ng kaibigan ko at nagbabanda kami sa gabi. Alam kong mauubos iyong perang ibinayad nila sa akin bilang compensation kaya nagtatrabaho ako para makapag aral.
Nilinis ko muna ang bahay pagkatapos kong maglaba. Itong apartment na to ay may dalawang kwarto medyo malawak sya, pwede tumira ang isang pamilya. Naghihintay nga lang akong may umupa para may kasama na ako. Yong isang kwarto lagi ko ring nililinis kahit walang gumagamit. Mabait din ang may ari neto, si Antie Leah. Sila ng pamilya nya e, nakatira sa baba, bale nasa second floor itong tinitirhan ko. Dito sa second floor, may iisang cr, sala at kusina kaya magiging magkasundo kami ng kung Sino man sana ang uupa ng kwarto.
Matapos akong maglinis, tinignan ko ang cellphone ko at nagtext si Cristine ang kaibigan ko, sila ang may ari ng Coffee Bloom. Niyayaya akong mag mall kahit alam namang may trabaho ako sa cafe nila.
From: Crist
Hoy gagi malling tayo, absent ka na lang. Sahuran parin kita.
To: Crist
Neknek mo.
Pagkatapos kong makapagbihis, papunta na kong trabaho pasakay na ako ng tricycle nong nakita ko si antie Leah.
"Good morning antie" sabi ko at ngumiti sya sa akin.
"Good morning din anak, nako pala may uupa na sa isang kwarto sa taas, pamangkin ko galing maynila"
Tuwang tuwa ako. I didn't expect that the thing will come next is a STORM.