Miranda's POV Alas dyes ng gabi nang tuluyan na naming nagpatulog si Kalid. Talagang makulit na si Kalid sa edad niyang ito. Ni nahihirapan na kaming patulugin siya nang maaga sa taglay niyang kakulitan. Lumabas kami sa silid nang walang bakat na tunog mula sa aming galaw. Malimit kaming nakakagalaw habang nasa kwarto pa kami gayong alam naming kunting galaw lang ay maaring maririnig iyon ni Kalid at magising na naman siyang muli. Nasanay na rin kaming limitin ang mga galaw namin habang nasa tabi namin si Kalid. Kakaiba siya sa mga batang nakasanayan kong makita habang nasa mundo pa ako ng mga tao. Maaring mortal ang dugo na nananalaytay sa kanyang ugat ngunit kakaiba ang kakayahang mayroon siya. Napatingin ako kay Augustus nang tuluyan na kaming nakalabas ng silid. Sa puntong ito a

