Augustus' POV ANG malakat na silid ang unang bumungad sa aking paningin. Ngayon ay dahan-dahan kong mas nilibot ang buong silid ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang silid na hindi ko na magawang maipaliwanag pa. Kapansin-pansin ang makalat na silid; ang kama na ngayon ay tuluyan nang nasira. Ang kumot ay punit na punit at ang mga unan ay pakalat-kalat na sa sahig. Siguro sa Sobrang rahas na aming ginawa kamakailan lang ay walang lugar ang hindi maging makalat. Sa sobrang rahas namin ay hindi namin napansing sinisira na rin pala namin ang silid na aming tinutuluyan. Mula sa kama ay ibinaling ko ang aking paningin sa ibang sulok nitong silid. Buong akala ko ay mamataan ko si Miranda sa loob ng silid na ito ngunit nagkakamali ako. Bigo akong makita siya. Lumabas lamang ako sa

