Kalid’s POV ISANG malawak na kagubatan ang siyang bumabalot sa aking paningin sa puntong ito. Wala akong ibang nais gawin kung hindi ang libutin ang bawat sulok ng gubat na ito. Dito na ako lumaki at nagkaroon ng puwang sa buhay. Hindi ko alam ngunit parang may kung anong nabubuo sa aking isipan- - - hindi ko magawang ipaliwanag ngunit wala akong ibang nais masabi sa sarili ko kung hindi “Bukod sa gubat na ito ay ano pa ang maari kong masaksihan?” Gabi-gabi ay ginugol ko ang aking sarili sa paglilibot ng gubat. Naaaliw akong pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan at ang katahimikang taglay nitong gubat. Ang naglalakihang puno ay nakakaakit ring tingnan at akyatin. Hindi man nila pinapahalata sa akin ngunit alam kong may tinatago sila sa akin. Malakas ang kutob kong napakaraming bagay p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


