Tahimik ang aming biyahe, gayunpaman, naabala si Jheanny sa presensya ng lalaking kanyang kaharap, bagama't sa pangkalahatan ay tahimik ito, panaka-nakang inaalis niya ang tingin sa kanyang laltop para titigan siya at saka magiliw na ngingiti.
Parang hindi komportable si Jheanny sa upuan at maya-maya lang ay naramdaman niyang may mga kamay na nag aayos ng unan sa likod ng kanyang ulo at binigyan pa siya ng malambot na kumot, ang bango ng kanyang amoy at napakabango, si Jheanny ay nag blush hanggang sa kanyang tenga kahit na malayo na ang agwat nilang dalawa.
Saglit lang nitong inayos ang unan at kumot niya ngunit naging komportable na siya at gusto ng matulog ng mahimbing, alam kung espesyal sita sa mga oras na iyon.
Makalipas ang ilang oras ay paparating na sila sa International Airport ng japan kaya nag make up na si Ayesha Marie para maging presentable siya sa patingin ng iba.
"Magandang umaga guys!!! Paano nagustuhan niyo ba ang flight? napasarap ang tulog ko sa likod."
Tumingin si Juls Burke Auteaz kay Ayesha Marie na gustong lipulin siya, at medyo nagulat siya, medyo nag-inat si Jheanny at nagpasya na wag magsalita saglit, Samantalang papuntang banyo si Jheanny upang mag retouch muna bago sila bumaba sa eroplano naiwan si Ayesha marie at Juls Burke Auteaz na sa cabin, sa sandaling pumasok si Jheanny sa banyo ay kaagad niya na nilapitan ni Juls Burke Auteaz si Ayesha Marie at pinaupo sa upuan para makausap niya muna ito.
"Hoy.bakit hindi mo sinasabi sa akin na magkasama kayo ng pinsan mo sa flight?"
Ngumiti ito sa akin.
"At ano naman ang pinagkaiba noon kung sinabi ko sayo sa hindi ko sinabi?, alangan naman ibang babae pa ang isasama ko, scandal ba iyon?" nagtatakang sabi ko sa kanya.
"Alam mo naman na hindi siya basta bastang babae at alam mo yan di ba??. You should've warned me, at alam mo naman na gustong gusto ko siyang makilala tapos ngayon bigla bigla mo kaming ipapakilala sa isa't isa. Hindi mo ba alam kung gaano ito kahalaga sa akin???. Mahinahon na sabi nito ngunit parang naiinis..
Napangiti si Ayesha sa mga sinabi ni Juls Burke Auteaz parang nahulog agad ang loob niya sa kanyang pinsan.
"Huminahon ka nga diyan. Alam mo kung sinabi ko sayo na siya ang kasama ko ay hindi na iyon surprise at saka kung sinabihan kita na ang pinsan ko ang aking makakasama sa flight edi pinaghandaan mo pa ang aming pagsakay at para lang mapabilib siya ay baka kung ano ano pa ang pinabili mong pagkain at ang worse doon ay matatakot na siya sayo. Gusto mo bang mangyari iyon?" nakairap na tanong ko dito.
Saglit na nangatuwiran si Juls Burke Auteaz pero aaminin niya na tama si Ayesha Marie sa naisip, biglang nagbago ang papanalita ng kaibigan niya dati kasi puro biro ang mga sinasabi nito sa kanya pero ngayon ay seryoso na ngayon lang niya nakita.
"Alam mo si Jheanny ay parang kapatid ko na, gagawin ko ang lahat para mapasaya siya, marami na siyang pinagdaanang hirap sa kanyang pamilya, dahil sa patuloy na pag tsitsismis ng kanyang kapatid, at para sa akin ay hindi ito tama..... Kung si Jheanny lang ang dadalo na mag-isa, malamang na iyon ang maging dahilan ni Jhayline para pagtawanan siya.
Nagulat si Juls Burke Auteaz sa narinig.
"Don't worry, alam mo naman ang kwento ko sa kanya and you can rest assured, hindi ako papayag na babastosin sila ng mga taong iyon."
Tumango si Ayesha Marie at sa pagkakataong iyon ay narinig nilang bumukas ang pinto ng banyo, kaya iniba nila ang usapan, habang pinapapuwesto na sila ng piloto sa kanilang mga upuan at pinapa lagay na ang kanilang seat belt para sa landing, si Ayesha Marie ay nagpatuloy sa pagbibiro tungkol sa paglipad at tinabihan si Jheanny.
"It was a good idea to make reservations at the hotel near the big house, I'm not willing to sleep there, at kung magkaroon ng family drama ay pweden pwede kitang itakas doon anytime."
Tumango si Jheanny gayunpaman naramdaman ni Juls Burke Auteaz ang pagmamadaling kilos nito.
"Bago tayo magpakita sa bahay ng pamilya niyo ay pwede ba kitang yayain kumain sana, okay lang ba sayo?"
Saglit na nag-alinlangan si Jheanny gayunpaman si Juls Burke Auteaz ay isang dalubhasa sa panghihikayat kaya napapayag niya ang dalaga.
"Alam mo dapat may oras tayo mag usap para sa mga sasabihin natin sa harap ng pamilya mo, ayokong magsabi tayo ng iba't ibang bersyon at mabuking tayo ng nagsisinungaling sa kanila."
"Hmm yeah tama ka sabi ni Jheanny, then I accept your invitation para kumain."
Ilang minuto matapos lumapag ang isang marangyang jet niya ay may naghihintay na sa kanila sa babaan matapos kunin ang kanilang mga bagahe, dinala sila ng driver sa magandang lungsod ng Nipona, na ang mga puno ng Sakura ay nagsisimula nang mamukadkad, tumingin si Jheanny sa bintana nang sasakyan ng sila ay dumaan malapit sa parke na kung saan ang bawat alaala nila ng kanyang fiancee dun ay bumalik sa kanya, doon kasi sila madalas maglakad ng magkasama at magkahawak kamay. kaya nakaramdam siya ng sama ng loob ang pakiramdam na iyon ay nawala ng isang taon na ang nakalipas, at kahit na matagal na ang mga iyon ay hindi pa rin niya maiwasan masaktan at malungkot ng kanyang puso. Oo nakaalis siya sa lugar na iyon kung saan meron siyang madilim na nakaraan at nagpakalayo para makalimot sa nakaraan at malayo sa lalaking humamak sa kanya.
Nataranta siya kaya't hindi niya napansin na pumasok ang flamingo Rolls Royce sa isang magarang mansyon, na ang malalawak na hardin ay nasa gilid ng property.
"Wow!! bulalas ni Ayesha Marie na napahanga sa nakikita ang bahay ay makaluma ang desenyo pero maganda at alaga ito ng caretaker nila Juls.
Natawa si Juls kay Ayesha Marie makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa main entrance, tinulungan ni Juls si Jheanny na lumabas ng sasakyan at iginiya sila ni Golden sa napakalaki at eleganteng hallway, naghihintay ang service staff at sinalubong sila nito.
"Manang Zorai." sabi ni Juls salubong nito sa Mayordoma nila. "Nice to see you again."
"Oo young master, masaya kaming makita kang muli, maligayang pagdating sayo at sa inyong mga kaibigan."
"At Manang Zorai eto nga pala ay aking mga kaibigan si Jheanny Cayabcab Fugen at Ayesha Marie Magtanggol, bisita ko simula ngayon sa atin sila tutuloy ngayon, sana feel at home sila." Tumango at ngumiti ito pagkarinig nito sa sinabi ni Juls.
"Syempre naman young master kung yan ang gusto niyo ay walang problema sa akin halina kayo sa dining area nakahanda na ang pagkain."
Nagulat sina Jheanny at Ayesha Marie, may sasabihin sana si Ayesha Marie subalit nagtaas ng kamay si Juls kaya napatahimik agad siya.
"Bago ka magsalita, at tumutol ganito kasi ang plano gusto kong tanggapin mo na maging bisita ko kayo dito, atleast dito ay magiging komportable kayo at maayos na pagsilbihan ng mga kasambahay at higit sa lahat..... hindi mapupuntan ng mga press at mga hindi ko gusto na panauhin kaya wag kayong mag alala safe dito."
Nauwi sa pagkumbinsi ang huli kay Jheanny na tumango lamang, pagkatapos kumain ay dumiretso na sila sa bahay ng mga Fugen, hindi maitago ni Jheanny kung gaano siya kakabado ngayon pero nagdesisyon pa rin maghanda, nagdala ng ilang pirasong damit na sakto lang, at pumili siya ng kanyang isusuot at saka pumasok siya sa shower para makaligo muna. Pag labas niya ng banyo ay nagulat siya sa kanyang nakita.
"OMG ANO ITO???" bulaslas ni Jheanny at natakot nang makita si Juls na nakaupo sa isang armchair at naghihintay sa kanya na may dalang hindi mabilang na mga paper bag mula sa iba't ibang boutique at mga kahon na maingat na inilagay sa kama.
Hindi napigilan ni Juls na matawa nang makita ang takot na mukha ni Jheanny, na nakabalot ng malaking tuwalya at higit sa lahat ay nagblublush ang pisngi nito.
"Pasensya na sa kapangahasan, gusto ko lang ibigay ang mga ito para sa iyo."
"No need you didn't have to be bothered... m-meron akong dala at nasa maleta ko." Pilit niyang tanggi dito.
"Alam ko at ikaw ay may magandang panlasa, and im sure of that but..... kung tayo ay magpanggap at ako ay bilang iyong boyfriend, kailangan mong payagan akong kumilos nang ganoon, hayaan mo akong tulungan kang ipakita sa iyong pamilya na hindi ka. Isang mahinang babae, let me help you sayong laban at hindi kita pababayaan." matatag nitong sabi sa kanya.
Pakiramdam ni Jheanny ay sasabog na ang kanyang puso, kaya sa isang pitik ng mga daliri ni Juls, ay pumasok ang isang group ng mga kasambahay upang tulungan siyang magbihis at pumili ng mga alahas, damit at sapatos.
Tumayo si Juld at sinabing.
"See you later, magaayos din muna ako ng sarili ko."
at kinindatan pa siya at saka lumabas ng kwarto.
Makalipas ang isang oras, ay naghihintay na si Juls sa ibaba ng mataas na hagdanan, nakasuot ng English couture suit sa gray na Oxford, walang ka-kuoas kupas ang kanyang kagwapuhan at p*********i sa kanyang porma, limang minuto ang lumipas ay lumabas na rin si Ayesha Marie sa kanyang kuwarto at napahanga siya sa ganda ng kaibigan niya napabuntong hininga na lang ang dalaga. Partner ni Ayesha Marie ang isa niyang tauhan sa gabing iyon Pinili ni Marvin ang isang bordeaux tone, elegant suit ngunit exotic at akmang-akma ito sa kanya, hindi napigilan ni Juls na ngumiti at makipag usap kay Ayesha na sinusubukang alisin siya sa kanyang ang tensiyon ng biglang may bumati sa kanila.
"Good evening."
Napalingon silang dalawa ni Ayesha Marie at sa nakita nila ay nakabuka ang bibig nilang dalawa, ang magandang itim na buhok nito ay nakaayos, nakasuot ito ng fitted cut off shoulder dress na kulay silver, may sapphire choker at magkatugmang hikaw, ang kanyang makeup ay manipis lang.
Maingat siyang bumaba ng hagdan at inilahad ni Juls ang kanyang kamay, nag-alinlangan siya sandali at pagkaraan ng sandali ay tinaggap niya rin ang nakalahad na kamay nito at nakaramdam siya ng kuryente sa pagkakadikit ng mga palad nilang dalawa. Nang tumingin siya dito ay may nakaka akit na ngiti ito sa kanyang labi at saka niya sinabing.
"Tonight is very special because I will be with a very beautiful woman karangalan ko na samahan siya." saad nito.
Nagblush naman ang pisngi niya sa papuri nito sa kanya.