Kakaiba talaga ang mga restaurant kung saan meron taong nakikipag blind date.
Hindi na nagulat si Jheanny ng, ayain na siyang umalis ni Ayesha Marie sa marangyang restaurant na pinagkainan nila sa nanakusa avenue para tumungo sa International Airport para makapag check in, siniguro sa kanya ni Ayesha Marie na wala siyang dapat ipag-alala na siya na ang bahala sa lahat at nakatawag na siya sa pamilya niya na dadarating sila sa araw ng kasal ng kanyang kapatid pero shock pa din siya buong gabi at may malalim na iniisip kung ano ba ang mangyayari.
Sa pagtatapos ay hiniling ko sa kanya na maghanda na sa aming papunta ng japan kinabukasan, habang kinailangan niyang kanselahin ang ilan sa kanyang mga meetings at gathering na dapat niyang daluhan sa susunod na araw upang makapunta ng linggo sa kasal ng kanyang kapatid, si Jheanny ay hindi makatulog sa pag iisip ng gabing iyon iniisip niya din na para sa kanya iyon para malagpasan ang bangungot ng nakaraan. mas maganda sana kung ibigay ko na lang ang imbitasyong iyon na may libo libong pera ngunit hindi siya makatanggi sa kanyang ama kaya't bumangon pa rin siya nang maaga kahit na puyat siya kagabi sa pag iisip at determinadong harapin ang sitwasyon.
Siya ay nag suot na ng pink na button-down na jacket at high-cut na pantalon at light makeup, lumakad siya nang may determinasyon na hindi alam kung ano ang aasahang mangyari.
Tumanggi naman si Ayesha Marie na sabihin sa kanya ang isang details, nang pumasok sila sa airport ay sinalubong sila ng steward sa isang corridor at iginaya na sila patungo sa private na lakaran, nagulat pa si Jheanny nang makita ang isang private jet na naghihintay sa kanila.
Nang makapasok sila sa loob may natanaw siyang tao sa loob ng jet at naalala niya na naman ang lalaking gumawa sa kanya ng di maganda. Na curious siya sa taong nakaupo hindi niya ito kilala pero sa tingin niya ay gwapo ito at itim na itim ang buhok ng binata at koomportableng nakaupo sa isa sa upuan na leather seat at abala siya sa pag checheck ng ilang e-mail at mukhang naiinip na ito sa paghihintay sa kanila at tingnan pa niya ang oras sa kanyang relo.
"Golden." Tawag nito sa isang tauhan nito.
"Yes, young master? anong maipaglilingkod ko?" tanong naman ng tauhan nito sa kanya.
"Hindi ba dapat ay nandito na ang hinihintay natin na si Ayesha Marie ngayon? Ano ang nanyari sa kanya at hindi pa siya nakakarating dito ngayon at ang kanyang kasama ang plano namin ay maaga kaming aalis ngayon."
Lord ang tawag ko sa kanya paano ba naman kasi napaka bata niya para maging isang ganap na business tycoon sa bansa ang kanilang pamilya ay nakilala sa pamamagitan ng kanilang sipag sa pagnenegosyo. Sa katunayan niyan ay nag iisa siyang anak ng mga Myers kaya sa batang edad ay meron na din siyang sariling negosyo nagtayo siya ng source Power Energy Resources bilang nrgosyo at napalago niya iyon at pangunahing nakabatay sa paggamit ng malinis na enerhiya, isang alternatibong mapagkukunan para sa telekomunikasyon, transportasyon at nagkakaroon ng napakalaking negosyo sa bansa hindi lamang itinatag ni Juls Burke Auteaz Myers ang kanyang kumpanya sa ilalim ng isang matagumpay na pananaw sa negosyo, mayroon siyang angking galibg sa ekolohiya at nais na magbigay ng isang bagay na dapat ay makita ang pagkakaibang mga ito.
"Kung hindi lang ako pinuntahan ng mama ko para kumbinsihin akong tanggapin ang blind date na ito ay hindi ako dadalo." masungit na sabi nito kay Golden.
Na ikinatawa ng matanda at mabait na si Gloden, nakikita niya si Juls Burke Auteaz na anak ng isa sa isang malapit na kaibigan nang aming pamilya, gayunpaman ang kanyang pagkatao ay malungkot at sa edad na bente singko ay gusto ng kanyang ina na siya ay bumuo ng isang pamilya, gayunpaman si Juls Burke Auteaz ay madals na tumanggi sa alok na pagpapakasal ng kanyang ina para lamang sa ikakasaya nito at sa pakiusap ni Ayesha Marie na samahan ang kanyang pinsan sa kasal, tumanggi siya, ngunit hindi siya hinayaan ng kanyang kaibigan na makatanggi dahil sinabi niya dito na pupuntahan din ang kanyang ina para pumayag sa paki usap ni Ayesha Marie at ngayon hello here , nakaupo habang naghihintay sa isang hindi kilalang babae.
Si Ayesha Marie ay kaibigan niya mula pagkabata, siya lang talaga ang kaibigan niya, ang tanging taong malapit lang niya, kaya nilapitan siya nito at sinabi na maging nobyo ng kanyang pinsan, at naisip nga niyang kabaliwan ang pinag gagawa ng kaibigan niya.
Tatawagin na sana niya ulit si Golden nang marinig niya ang boses ng kaibigan na papalapit, sinilip ni Ayesha Marie ang mukha niya pagkatapos umakyat sa hagdan at masiglang bumati na parang hindi late sa usapan nilang dalawa
"Juls Burke Auteaz sorry sa delay, medyo na-traffic ang aming biyahe pero sa wakas nandito na din naman kami.
Magmumukmok na sana si Juls Burke Auteaz nang biglang may sumulpot na kahanga-hangang babae sa likod ni Ayesha Marie,isang napakagandang babae, ang kanyang black na buhok ay umaabot hanggang sa kanyang baywang, ang kanyang mukha ay makinis, halos mala-anghel ang kutis na may dalawang pares na katamtamang laki ng mga mata na kulay asul na katulad ng langit, ang kanyang ilong ay maliit lang at ang kanyang mga labi ay kulay rosas na kay sarap halikan.
Maririnig ang t***k ng puso ni Juls Burke Auteaz sa loob ng fuselage ng kanyang marangyang jet, ang ngiti ni Ayesha Marie ay mapang-uyam at puno ng kasiyahan.
"Ehemm wag masyado titigan baka matunaw by the way, meet my cousin, she is Jhe-."
Hindi man lang siya pinatapus ng kaibigan na ipakilala niya sa kanyang pinsan dito, dahil biglang tumayo si Juls Burke Auteaz mula sa kanyang kinauupuan at lumapit upang marahan na halikan ang kamay ni Jheanny, ang mga mata nitong kasing kulay ng langit na sumasalamin sa pagkatao nito.
"Ikinagagalak kitang makilala, ang pangalan ko nga pala ay Juls Burke Auteaz Myers at Ikaw naman si? tanong nito.
Namula si Jheanny at naging static, nakaramdam ng sparks at electric current sa paglapat ng labi ni Juls Burke Auteaz sa kanyang maputing balat. "My Name is Jheanny Cayabcab Fugen."
"Maligayang pagdating, miss Jheanny." sabi ni Golden. "Sasabihan ko ang piloto para sa flight natin at nang makaalis na tayo kaagad.
"Wow, Nice name." saad ni Juls Burke Auteaz
Dinala sa ibang lalagyan ang mga bagahe ng nilang magpinsan at si Juls Burke Auteaz ang nag-asikaso na dalhin si Jheanny sa upuan niya, pinaupo niya ito sa upuan sa harap niya, medyo napangiwi si Ayesha Marie sa nangyayari at sinabi ng kaibigan niya. Kaya gumawa siya ng dahilan para masolo nito ang kanyang pinsan.
"Well I think I'm a little tired, I need to take a nap, so punta muna ako sa likod, couz if you need me andito lang ako sa likod ha matutulog lang.
Ilang segundo matapos mawala ng kanyang pinsan sa kanyang tabi parang nawala ang kanyang sigla sa kanyang katawan, nakatingin pa rin si Jheanny kay Juls Burke Auteaz habang kinuha nito ang isang bote ng champagne na dala ni Golden kanina at nilagyan ang kanilang glass habang papaalis na ang eroplano sa track na malapit nang mag take off, si Jheanny ay dumungaw na lang sa bintana habang pinapanood ang pag-alis ng jet pag-alis sa paliparan, patungo sa Japan
"Maraming sinabi sa akin si Ayesha Marie tungkol sa iyo, ngunit lahat ng sinabi niya about you ay hindi tumutugma sa katotohanan.
Nagulat si Jheanny sa kanyang kaharap kaya napatingin siya dito.
Well, kasi... kadalasang exaggerated siya, i apologize for her. Parang totoo ang mga kinuwneto niya sa akin about sayo na maganda ka talaga.
Namula naman si Jheanny sa sinabi ni Juls Burke Auteaz, hindi napigilan nito na ngumiti, hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita niyag ganda ng babaeng kaharap niya halos hindi kasi totoo, ni sa panaginip ay hindi ko naisip na may ganito kaganda at napaka espesyal na babae, na maaakit siya nito sumimsim sa kanyang kopita at nag-ipon ng lakas ng loob para pag-usapan ang bagay na iyon.
" Isuppose.... kung ano ang ipapaliwanag ni Ayesha Marie sayo at.... bakit kailangan ko pa ng tulong mo."
Ngumiti si Juls Burke Auteaz at tumango, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang babaeng tulad niya na napakaganda, matalino, malakas ang dating at sobrang sexy at malakas rin ang kumpiyansa sa sarili, charming ay maaaring humingi ng tulong, na-curious ako kaya nagpasya siyang gawin ang kanyang gusto. Nakuha nito ang interests niya kaya hindi niya maiwasang magtanong.
"Paanong ang isang kasing hinhin mo at kasingganda mo, ay kailangang humingi ng tulong sa mga romantic thing? Ikaw yung tipo ng babae na may maraming suitors, bakit kailangan mo pa ng katulad ko? usisa niya sa kaharap.
Kinabahan si Jheanny sa tanong nito sa kanya.
"Ganito kasi iyon may sitwasyon kasi ako na sobrang kumplikado, ngunit susubukan kong i-summarize ito hangga't maaari, isang taon na ang nakalipas ay dumanas lang naman ako ng isang nakakahiyang pangyayari, sa taon na iyon at ngayon nga ay ikakasal ang aking kapatid na babae at pinilit kong magpunta kahit na masakit pa rin sa akin ang lahat ng alaalang meron ako sa lugar na iyon pero ayokong isipin ng aking pamilya na. I'm still that lamentable woman na iniwan ng kasintahan bago pa man makarating ng altar." nahihiyang sabi niya sa lalaki.
Nagulat naman si Juls Burke Auteaz sa sinabi ni Jheanny, sino ba ang lalaking hangal na gagawa ng ganoon sa babaeng katulad niya ang lupit naman ng taong iyon. Mayroon palang lalaki na ganoon titanic sa sobrang katangahan?
"Kaya naman naisip ko na maghanap ng makakasama at magpanggap bilang boyfriend ko sa araw ng kasal nang aking kapatid or atleast one week o kaya naman kapag kasama ko lang ang pamilya ko."
Napangiti naman si Juls Burke Auteaz sa sinabi ni Jheanny ang tadhana na yata ang nagdesisyon na ang dreame girl mismo niya ang gumawa ng way para magkasama sila at sa kakaibang sitwasyong pa nito??? Hindi ako sigurado, ngunit naisip ko na handa akong alamin kung talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para mapa sa akin ang babaeng ito.