HULING BAHAGI- PANGATLONG BAHAGI Nang nakapag-shopping sila ay umuwi na sila sa isang bago, hindi man kalakihan ngunit magarang bahay. “Bahay mo?” tanong ni Leigh nang nakapasok na sila. “Bahay natin.” Niyakap siya ni Klein. “Nandito ba ang pamilya mo?” “Naroon sila sa bagong bahay nila. Inuna ko munang ayusin ang pamilya ko at nang makita ko na pinagpapala ako ng Diyos saka ko naman tinulungan ang pamilya mo. Mas lalong naging malakas ang takbo ng negosyo. Kaya nagpatayo ako ng bahay na bago kasi baka lang ako ang pipiliin mo, at kapag nagkataon, may sariling na tayong bahay. Huwag kang mag-alala, kung may balak kang pagsamantalahan ako, magagawa mo iyon kasi tayo lang ang nandito.” Kumindat si Klein. Nang-aakit. “Talaga ba? Gusto mo talaga?” itinulak ni Leigh sa kama si Klein. Ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


