Nang nasa kotse na sila ay naisip ni Leigh na tanungin ang hindi natapos ni Nicole na kuwento. Napalunok si Klein. Bumunot muna siya nang malalim na hininga. Hindi niya alam kung kaya niyang ibahagi kay Leigh ang kanyang pinagdaanan sa kamay ni Ahmad at ni Mustafa na kaibigan din pala niya. Isang karanasang pilit na niyang kinakalimutan na hanggang ngayon kapag naiisip niya, naduduwal siya. Kapag naiisip niya, hindi niya mapaniniwalaan na nagawa niya iyon out of desperation to save Leigh from death. Iyon kasi talaga yung mga panahong wala na talaga siyang malalapitan pa ng tulong. Desperado na siyang mailigtas ang buhay ni Leigh. Handa na niyang gawin ang lahat kahit pa isugal ang kanyang kaligtasan at buhay. “Hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin sa’yo. Kasi nakalaya ka naman na

