Naramdaman ni Klein ang parang may pinagkakaguluhan sa likod niya. Dahan-dahan niyang itinabi ang kanyang sasakyan nang nakita niya sa kanyang side mirror na may babaeng nakahandusay sa daan at mabilis na nagsilapitan ang mga tao sa paligid. May nabangga siya? Pero bakit wala siyang naramdaman? Imposibleng siya. Pero kahit hindi man siya, naroon pa rin yung kagustuhan niyang bumaba. Baka kasi nangangailangan ng tulong niya ang babaeng iyon. Bumaba siya at mabilis niyang nilapitan ang nakahandusay na babae. Tumingkayad siya para makita niya kung sino. Parang kilala niya. “Excuse me! Padaaan po, excuse lang po,” marahan niyang hinawi ang mga tao sa harapan niyang nagkakagulo. Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng babae. “Leigh! Diyos ko! Si Leigh nga!” Napakalakas ng kabog ng kanyang di

