CHAPTER 95 Tumayo si Culver. Kumuha siya ng dos por dos para ipalo. Susugod na siya. Hindi si Leigh ang puntirya niya kundi si Lyndon. Kinabahan si Nanay Belen, agad niyang tinakpan ang asawa niyang baldado na si Tatay Isko. “Lyndon, dito ka! Tignan natin kung anong kayang gawin ng gagong ito. Kanina pa ako nagtitimpi!” “Hayop ka! Hinintay kita ng ilang taon!” “Hinintay ako ng ilang taon? Sinungaling!” Nang ihampas na dapat ni Culver ang dos por dos ay biglang tinutukan ni Tatay Isko si Culver nang baril. “Sige, subukan mong saktan ang kahit sino sa mga anak ko nang pasasabugin ko ang bungo mo! Iuupuan kita sa kulungan gago!” singhal ni Tatay Isko. Nanginginig ang kamay niya habang nakatutok ang baril sa ulo ni Culver. Ibinaba ni Culver ang hawak niyang pamalo. “Itapon mo ‘yan.

