Pinunasan ko ang aking mga luha. Lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo naman sa kwarto ng mga magulang ko. Naghalungkat ako doon at isang photo album ang naka agaw ng pansin ko. Kinuha ko iyon mula sa book shelf. Pinagpag ko pa muna iyon para matanggal ang mga alikabok bago ko ito binuksan. Agad na bumungad sa akin ang litrato naming tatlo nila mama at papa na nakangiti. Tanda ko pa iyon kung saan kinuha. Doon iyon sa taniman dati ng mga mais. Binuklat ko lahat iyon at puro mga baby pictures ko ang laman na kasama ko sila. Pero naagaw ng pansin ko ang huling litrato. Sa picture kasi ay may kasama akong isang batang lalaki. Siguro ay mga nasa edad dalawa o tatlo ang batang lalaki. At ako naman ay sanggol doon sa litrato. Sino kaya siya. Mukha siyang pamilyar pero di ko lang mapan

