Lumipas ang tatlong araw at nandito pa rin kami sa Isla Ashbell. Gusto ko na sanang umuwi na pero hindi ko alam kung paano. May misyon pa akong dapat gawin sa San Vicente, hindi ko naman pwedeng sabihin iyon kay Ashtero. Nabalik ako sa malalim kung pag iisip ng may biglang yumakap sa aking likuran. "Kanina pa kumukulo yang pinapakulo mong tubig Angel, mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo." Bulong niya sa aking tenga. Kaya agad ko namang pinatay ang Gasol. "May iniisip lang ako, By the way gusto mong ipagtimpla rin kita ng kape." Agad ko namang pag iiba sa usapan dahil ayaw ko na mag usisa pa ito. "Sige." Sagot niya at mas nagsumiksik pa siya sa aking leeg. Inaamoy niya iyon na para bang iyon na ang pinakamabangong naamoy niya sa tanang buhay niya. Natawa naman ako ng mahina dahil aya

