Pagpasok na pagpasok ko sa police station ay may iba na akong naramdaman. Parang may mali sa lugar na ito. Lalo na ng mag demanda ng kaso iyong matandang babae laban sa tatlong ulupong na ito ay pansin ko na ibang tinginan ng dalawang pulis. Hindi normal ang tinginan nilang dalawa. Siguro sa ibang mga tao hindi mapapansin iyon. Pero sa akin parang may ipinapahiwatig ang bawat tinginan nila. They talking silence using eye to eye contact. At napatunayan ko nga ang hinala kong iyon ng makita ko ang isang tattoo sa leeg ng pulis. Dragon, ibig sabihin lang nun ay pugad ng black carat ang lugar na ito. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi nasusugpo ang mga kriminal dahil mga kriminal din sila. Tumayo ako at napagpasyahang lumabas. Tumingin pa sa akin iyong tatlong mga ulupong ng may ngisi

