Napasok ko na ang laboratoryo at masasabi kong pinahanga ako ng nag design nito. Dahil hindi mo aakalaing pagawaan ito ng drugs. Para kasi itong tourist spot sa ilalim ng lupa dahil nababalutan ng makikinang na bato ang buong paligid. Mga mamahaling bato gaya ng diamonds, granite, jade at napakaraming uri pa ng bato. Bawat madaanan ko ay nilalagyan ko ng bomba. Bigla naman akong nakarinig ng mga yabag kaya dali dali akong nagtago sa malaking bato. Nakita ko ang isang lalaki na may malaking armas. Nang makalagpas sa akin ang lalaki ay agad akong lumabas sa aking pinagtataguan sabay hawak sa leeg ng lalaki at pwersahang pinilipit. Hindi ko naman siya pinatay, nakatulog lang. Hinila ko ang katawan nito sa likod ng malaking bato na pinagtaguan ko kanina. Matapos nun ay pinagpatuloy ko n

