Kalagitnaan ng gabi ay naistorbo ako sa ingay ng telepono. Tamad ko itong inabot sa lamesa sa tabi lang din ng kama ko.
"Ma'am Roxanne tulong... Hindi ko na alam kung saan ako hihingi ng tulong ma'am kaya ikaw nalang ang naisipan kong tawagan." Iyon agad ang bumungad sa akin kaya agad akong napabangon sa aking pagkakahiga. May naririnig akong mga putok ng baril. Sila Dinioso kasi ang inutusan ni boss na humawak sa kaso ng mga sindikatong tinutukoy nung mga bata.
"Okay sige pupunta na ako. Stay safe and sound agents." Iyon lang at agad na ibinaba ko na ang tawag.
Agad akong nagpunta sa closet ko at kinuha ang black uniform ko. Tumawag na rin ako kay boss na magpadala pa ng iba sa location nila Dionisio.
Nang makapagpalit na ako ay agad ko namang iniscan ang palad ko sa loob ng closet ko. Bumukas ang pader at pumasok ako. Dito kasi nakatago ang mga babies ko. Matagal tagal ko na ring hindi nagagamit ang mga to'.
Kumuha ako ng karayom na may mga lason at bomba na naglalabas ng kulay green na usok pero huwag ka dahil oras na malanghap mo ang usok na iyon ay patay ka kaagad. At ang baril ko kumuha ako ng dalawang may silencer. Kumuha na rin ako ng mga extrang bala.
Nang matapos ay agad ko ring isinarado iyon at lumabas ng aking condo. Ginamit ko ang aking Ducati para mas mabilis akong makarating sa area nila.
Gabing gabi ngayon kaya malinis ang buong kalsada bihira ka lang makakita ng mga sasakyan dumadaan kaya naman agad akong nakarating sa destination ko.
Pumarada ako malayo sa abandonadong bahay. Nandoon na rin ang ibang mga agent na ipinadala ni Boss.
"Kayo na ang bahala. Alam niyo na ang gagawin niyo." Sabi ko at agad na lumakad papalapit sa abandonadong bahay. Wala na kaming naririnig na putok ng mga baril. Agad naman nagsikilos silang lahat, ang iba sa amin ay mga snipers kaya kanya kanya na silang mahahanapan ng magandang spot at kaming lahat ay papasok sa bahay na iyon.
Hawak hawak ko ang aking baril ng mahigpit habang lumalakad ng dahan-dahan papalapit sa abandonadong bahay. Nilakasan ko rin ang aking pandama lalo na at may mga tao akong nakikita sa labas ng bahay na nga bantay. Buti nalang at may kataasan ang mga talahib plus Naka fully black pa ako kaya hindi nila mapapansin na may tao.
Nakita ko naman ang mga kasamahan ko hindi gaano malayo sa akin. Isa isa nilang napabagsak ang mga kalaban ng hindi gumagamit ng mga patalim.
Nakita ko naman ang isang lalaki na umiihi nakatalikod sa akin syempre.
Walang ingay akong lumapit dito sabay headlock ng kanyang ulo at agad ko itong inikot ng biglaan dahilan para mapipilipit ang leeg nito.
"Dapat lang sayo ang mamatay, peste kayo." Mahinang sabi ko sa bangkay na nakahiga sa damuhan sinipa ko pa ito bago iwan.
Bigla ko namang nakita ang isang lalaki na may katawag pa ata sa kanyang cellphone may pulang ilaw ito sa ulo. Laser iyon ng sniper. At ilang minuto na nga ay bumagsak ang lalaking duguan sa lupa.
"Boss.." Biglang may tumawag sa akin at nakita ko ang agent sa tabi ko.
"Bakit?"
"Nakapasok ako boss... Nahuli po silang lahat." Ang tinutukoy niya ay ang team nila Dinioso.
"Maghanda kayo dahil anumang oras ay makakatunog sila." Sabi ko dito bago ako humiwalay.
Habang papalapit ako ng papalapit sa abandonadong bahay ay may mga napapatay din ako.
Hanggang sa makalapit ako sa dingding ng gusali. Sumilip ako sa maliit na butas at nakita ko doon ang maraming tao na nagsusugal.
Hindi pala ito basta bahay lang. Isa itong building. At sigurado akong underground building ito.
Habang pinagmamasdan ko sila ay nakita ko ang isang pinto na bumukas at lumabas ang isang malaking lalaki na may tauhan. Tama nga ang aking hinala. May elevator, ibig sabihin 14th floor ang building na ito.
Nagmukha lang abandonado dahil tagpi tagpi ang pinakatuktok ng building para hindi mahalata na building ito at walang kahit na anong mga pulis o nakatataas ang makatunog sa mga illegal na gawain nila.
Matalino ang may ari nito. I wonder kung sino iyon. Pero sisiguraduhin kung magbabayad sila ng mahal. Mahal pa sa buhay nilang mga halang ang kaluluwa.
Ngunit bigla akong napatigil ng may maramdaman akong isang matigas na bagay sa likod ng ulo ko.
"Sino ka! Anong ginagawa mo dito?" Maowtoridad na sabi ng kung sino mang nasa likod ko.
Sus hindi manlang ako natakot.
Hindi ako nagsalita pero agad akong kumilos at sa isang iglap lang ay wala ng buhay ang lalaki.
"Huwag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa'yo. Mahinang nilalang." Sabi ko dito bago iwan.
Pero nang paghakbang ko ay agad na may nakasalubong akong lalaki.
Gulat ang makikita mo sa mukha ng lalaki.
Bago ko pa man mapabagsak ito ay nakasigaw na siya.
"MAY KALABAN!!.."
"Peste ka.." Galit kong wika dito habang nakatarak sa leeg nito ang maliit na kutsilyo.
Bago pa man ako maabutan ng mga kasamahan niya ay nakahanap na ako ng mapagtataguan.
Puro putok na lang ng baril ang maririnig sa buong paligid. Buti nalang at Naka silencer lahat ng mga baril naming agent.
Sa pinagtataguan ko ay may nakita akong maliit na butas.. kasyang kasya ang dulo ng silencer ng baril ko dito.
Agad kong binaril ang mga taong tatapat sa baril ko. Hindi naman sa takot ako kaya ako nagtatago masyado lang silang marami at baka hindi na ako sikatan ng araw kinabukasan pag nagpakita ako. Hindi naman ako si wonder woman na kayang iwasan lahat ng bala ng baril nila.
Baka matege pa ako. Edi nawalan kayo ng bida. Hay naku Roxanne nasa gitna ng labanan puro kahanginan ang nasa ulo. Suway tuloy ng utak ko.
Ngunit bigla na lamang nan laki ang mga mata ko ng may maramdaman akong parang gumagapang sa aking balikat.
Naku huwag naman sana ang iniisip ko.
Hindi ako takot sa mga kalaban pero takot ako sa ahas. Pano kung dito ako mamatay parang gusto ko pang magpahabol sa bala ng baril ng mga kalaban kaysa mamatay sa kamandag ng ahas na ito. Bakit kasi dito pa ako sa madilim nagtago.