CHAPTER 3

1042 Words
Isa iyong VPN... Kasing liit lang iyon ng memory card pero nakakamatay iyon. Lahat ng kilos at salita ng isang tao ay nadedect niyon. Para iyong CCtV na lahat ng gagawin mo ay alam na alam niya. Mapanganib iyon para sa mga tao dahil isang taon lang mahigit ay pwedeng sumabog iyon sa katawan ng tao at pwede nitong ikamatay. "Anong nangyari sa anak ko?" Pumalahaw ang ina ng bata. "Huwag po kayong mag alala gigising din po siya mamaya." Tumingin ako kay Dinioso at naintindihan naman niya ang gusto kong iparating sa kanya. "Hali mo na kayo sa akin. May pag-uusapan lang ang nanay niyo." Pagtawag ni Dinioso sa mga bata. Ayaw pa sanang ibigay ng mga nanay ang kanilang anak pero sinabi ko sa kanilang ligtas ang mga anak nila sa amin. Maya-Maya lang ay dumating naman Si Doctora at may kasama itong nurse na lalaki. Binuhat nito ang bata palabas. May sarili din kasing clinic ang building na ito. Hindi mga basta bastang tao ang kasama ko dito sa building dahil ang lugar na ito ay pugad ng mga agents. Kahit si Dinioso na secretary ko ay agent din. Lahat ng nakikita mong tao rito sa building ay mga agents ma pa janitor man o iyong mga nagtitinda sa canteen lahat iyon ay agent. Maliban kay lola Flor. May kanya kanya lang kaming mga trabaho. At ako ay isa din akong agent. Pero ako lang ang nag iisang attorney sa buong building na to at ang trabaho ko lang ay ipagtanggol ang mga naapi. Kaya hindi na nagbibigay sa akin si boss ng mga mission dahil alam niya ang trabahong napili kong galawan. Pero kung minsan ay kapag talagang kailangan ay binibigyan niya ako ng misyon lalo na kapag masyadong mapanganib at talagang ang mga ellite ang kailangang humawak ng kaso. "Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa mga misis. Hindi po bastang tao ang kakalabanin natin--" "Ibig bang sabihin hindi mo na rin kami ipaglalaban attorney dahil lahat ng pinuntahan at nilapitan naming mga opisyales ay ganyan din ang sinabi sa amin." Singit ng isang nanay sa sasabihin ko. "Makinig pa po muna kayo ma'am. Narinig niyo ang sinabi ng batang iyon. Kung paano niya idenitalye ang mga nakita niya. Isa pong malaking sindikato itong babanggain natin. Kayang kaya ko po kayong ipaglaban kahit pa ikamatay ko pero kayo ma'am dapat ihanda niyo rin po ang mga sarili ninyo. Nakikita niyo ba ang hawak kong ito na tinanggal ko sa batang iyon.." Itinaas ko pa ang kamay kong duguan na may hawak na VPN. "Itong bagay na ito ay inilalagay nila sa katawan ng tao. Delikado po ito at pwedeng ikamatay ng tao. Nalalaman po nito ang bawat ginagawa at sinasabi ng isang tao. Sa makatuwid nalalaman ng mga taong iyon kung nagsuplong sa mga matataas na opisyal ang mga taong nabiktima nila. At ito po gagamitin nila para patayin ang taong iyon..." Ipinaliwanag ko sa kanila lahat ang kanilang mga gagawin. Hindi ko na rin sila pinauwi sa kanilang mga tahanan dahil baka May nag aabang na sa kanila doon. Pinangtanggal ko na rin ang VPN ng dalawang bata at binigyan na rin namin sila ng kwarto dito sa building na to para masigurado na rin ang kanilang kaligtasan. Naglakad ako patungong pinaka taas ng floor para kausapin si Boss tungkol sa mga nalaman ko kani kanina lang. Pagsakay ko sa elevator ay may nakasabay pa akong agent na patungo rin kay boss. Naka fully black ito na siyang karaniwan naming suot especially pag may mission kami. Wala kaming imikan sa loob ng elevator. Nang tumunog ang elevator ay agad na rin akong lumabas, kasunod ko lang din ang babae na hindi ko alam ang pangalan basta ang alam ko lang ay agent din ito. Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Boss. "Come in." Narinig kong sabi niya. Pinihit ko ang seradura at tuloy tuloy na pumasok. Nakita ko si Boss na Naka upo sa sofa habang umiinom ng kape at may nire-review na isang folder. Tumingin ito sa akin bago bumaling ang tingin sa babaeng kasama ko. "Agent Laura." Pagtawag ni boss sa babae agad naman naupo sa kaharap na sofa ang babae. Habang ako ay naupo sa tabi ni boss pero syempre may space sa gitna. "Nanjan na lahat ng mga impormasyon at detalye ng gagawin mong misyon. Ikaw na ang bahala." Sabi ni boss. "Sige boss." Paalam naman agad ng babae at lumabas na ng opisina. "Anong kailangan natin at ngayon ka na lang ulit napadpad sa opisina ko attorney." Pang aasar sa akin nito. "Kailangan ko ng agent." Deretsahan kong sabi. "Para saan?" Inilabas ko naman ang cellphone ko dahil nandoon ang record ko kanina ng tinanong ko ang mga bata. Kinuha naman iyon ni boss at pinakinggan. "Malaking sindikato nga ito. Hindi kakayanin ng isang agent lang ito. Antayin mo at kukuha ako sa tertiary department." Sabi ni boss ng matapos marinig ang recording. Sa building na ito ay may mga kanya kanyang posisyon din ang mga agent. Ang tawag sa mga baguhan na agent ay primary at iyong medyo magaling na ay sekondary at iyong talagang magaling na magaling na ay tertiary. Sabi ni Boss kaya ganun ang ibinigay niyang pangalan ng ranking ay para madaling matandaan. May mga kanya kanyang badge din sila para madaling matandaan kung saan department galing. At ang tawag naman sa mga katulad ko ay spy o ellite. Kami ang pangalawang pinakamataas at syempre si boss ang pinakatuktok at ulo ng buong agent department. Matapos naming pag-usapan ang lahat ay bumalik na ako sa aking opisina dahil marami pa akong nakaimbak na gagawin. Minsan naisip ko na lang na huwag ng magtrabaho at matulog nalang magdamag. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip eh. Maya't maya ay pirma doon pirma jaan. Kung wala lang akong pinaglala anan ng lakas at galing ko ay matagal na siguro akong nag resign. Baka nagtayo na rin siguro ako ng sarili kong agent clubhouse. Mabisita nga si Ate Akiesha at mga anak niya. Namiss ko na rin ang mga batang makukulit na iyon sila lang talaga ang pampatanggal stress ko. Pag uwi ko ng bahay may message recording agad akong maririnig. Nakakawala ng stress ang mga cute na boses nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD