CHAPTER 2

1780 Words
"Anong kasong hahawakan ko?" Tanong ko sa aking sekretarya habang naglalakad ng mabilis patungo sa aking opisina. "r**e case po madam." "Sinong lumapit. Iyong biktima o iyong r****t?" Tanong ko pang muli. Pag pasok na pag pasok ko palang kasi ng building ay iyon agad ang bungad sa akin si Dinioso s***h Diña ang aking sekretarya na lalaki sa umaga bakla sa gabi. Agad nga nitong sinabi sa akin na may bagong kaso akong hahawakan. "Iyong r****t po madam." Napaismid na lamang ako dahil sa narinig. "Alam mong hindi ako tumatanggap ng kaso na ganyan." Wika ko dito. "Pero kasi madam handa silang magbayad para lang ikaw ang maging abogado nila. 20 Million din iyon madam." Pangungumbinsi pa nito sa akin. "DINIOSO." Mariin kong tawag sa pangalan nito. "Ang sinumpaan kong tungkulin ay bigyan ng hustisya ang mga inaapi. Hindi ang bigyan ng kalayaan ang mga taong halang ang kaluluwa. Sa mundong ginagalawan ko kailangan kong protektahan ang mga taong kailangan ng tulong ko kahit gaano pa kayaman ang taong iyong sinasabi na handang magbayad ng dalawampu't libong million ay hindi ko pa rin tatanggapin dahil hindi ako mukhang pera kagaya ng ibang abogado na ang alam lang ay pera, pera. Kung sila walang pakialaman sa mga taong inapi ako meron." Napataas na ang boses ko kaya nasigawan ko ito na nagpayuko sa ulo nito. "Kaya sabihin mo dyan sa kriminal na yan hindi ko tatanggapin ang gusto niyang maging abogado niya ako kahit pa umabot ng billion ang offer niya. Makakaalis ka na." Huling wika ko at naupo sa swivel chair ko. Nahilot ko na lamang ang sintido ko dahil medyo kumikirot ito. Sobra akong nai stress sa mga nagdaang araw dahil naglipana na naman ang mga r****g at p*****n. Marami na rin ang lumalapit sa aking mga kriminal para tulungan ko sila pero hindi ko gagawin iyon. Sumumpa ako na tanging tama lang ang aking papanigan walang puwang ang mga kriminal sa puso ko kaya dapat lang silang mabulok sa kulungan. Kung tutuusin para sa akin hindi ko gustong mapunta sa kulungan ang mga taong sobrang gumawa ng kasalanan dapat sa kanila binibitay o kaya naman silica electrical ang dapat na parusa sa kanila. _ _ "Madam, Madam." Tawag sa akin ni Dino at sobrang hingal pa nito siguro ay nagtatakbo ito. Tumingin ako dito na may pagtataka kung ano na namang sasabihin nito. Inayos muna nito ang sarili bago nagsalita. "Madam may good news ako siguro naman sa ibabalita kong ito ay hindi muna ako pagalitan." Maarteng sabi nito. Tumingin lang ako dito at hinihintay na ituloy niya ang kanyang sasabihin. "Grabe na ka poker face na naman siya." Narinig kong bulong niya na narinig ko naman. "So ito na nga madam hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. May tatlong kabataan sa labas at kasama po nila ang kanilang mga magulang. r****g case po ang kaso. Biktima po sila ng bugaw ma'am at sarili po nilang guro at principal ang nagbugaw sa kanila. Ayon po sa mga magulang ng mga bata ay madami pa silang biktima pero dahil sa takot nila ay tanging tatlong bata lang po ang naglakas loob na magsuplong sa mga nakakataas." "Papasukin mo." Utos ko habang sa mga papel pa rin nakatuon ang atensyon ko. "Maraming salamat po Attorney at binigyang pansin niyo po kami." Naluluhang sabi ng isang nanay. Pinaupo ko naman sila sa pahabang sofa. Itinabi ko na muna ang mga papel na nagkalat sa aking lamesa at itinuon ang atensyon sa kanila. Ngumiti ako sa kanila bago nagsalita. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na tanong. Nagsimula naman silang mag iyakang mga nanay. "Attorney tulungan niyo po kami." (Nanay no. 1) "Gusto po naming mabigyan ng hustisya ang mga anak namin laban sa mga walang hiyang mga taong iyon." Hinagpis pa ng isang nanay. "Binaboy nila ang mga anak namin at ibinenta pa sa mga lalaki." Iyak naman ng isa pang nanay. Ramdam na ramdam ko ang sakit na kanilang kinikimkim. Kung ako siguro naging ina rin siguro ay baka nakapatay na ako. "Mga wala silang puso. Teacher pa naman din kung ituring pero mga demonyo sila." Iyak pa uli ng isang nanay. "Nay kalma po tayo. Bibigyan po natin ng katarungan ang mga anak ninyo at ng mga nabiktima pa." Sabi ko at sinenyasan si Dinioso gamit ang mga mata ko na kumuha ng tubig dahil nahihirapan ng huminga ang isang nanay dahil sa labis na galit nito. "Salamat po Attorney at binigyan niyo kami ng atensyon. Napakabuti po ninyo." Ngumiti na lamang ako sa sinabi ng isang nanay. "Sinubukan din naming lumapit sa mga kapulisan pero hindi nila kami pinapansin kahit ang ibang abogado ay dedma lang kami sa kanila dahil wala kaming perang ipangbabayad. Kaya nga naisip naming ang hustisya ay para sa mga mayayaman lang talaga." Napakuyom naman ako sa aking kamao dahil sa idinugtong nito. Napaka timawa talaga nila sa pera. "Huwag po kayong mag alala.. Libre po ang serbisyo ko." "Maraming salamat po Attorney. Hulog po talaga kayo sa langit." Pasasalamat sa akin ng mga nanay. "Trabaho ko po ang bigyang katarungan ang mga inaapi. Huwag po kayong mag alala dahil ipapanalo ko ang kaso ninyo." Pagbibigay lakas ko naman sa kanila. _ _ Sunod ko namang binalingan ang mga bata na nakayuko. Sa tingin ko ay kailangan nilang masuri dahil sa trauma na nakuha nila. Sinimulan ko na nga silang tanungin isa isa. Nakita ko naman si Dinioso na agad kumuha ng papel at ballpen para isulat ang mga importanteng detalye. "Ilang taon kana iha?" Tanong ko isang batang babae. Nanginginig pa ito sa takot kaya hinawakan ko ang nanlalamig nitong kamay para iparating sa kanya na wala na dapat siyang ikatakot dahil nandito ako. "13 po." Mahinang sagot nito. "Ikaw?" Baling ko naman sa isa na nanginginig din kaya hinawakan ko din ang kamay nito. "14 din po." "Eh ikaw iha?" "17 po." Napakabata pa nila para maranasan ang ganitong paghihirap. "Anong ginawa sa inyo ni Teacher?" "Pinilit niya po kaming sumama sa kanya." Sagot ng isa. "Magkakasama ba kayo ng pinilit kayo ni teacher na sumama sa kanya?" "Opo." Sagot muli ng isa. "Anong ginawa ni teacher sa inyo nung pinilit niya kayong sumama sa kanya." "Piniringan po nila kami ng mata tapos isinakay po kami sa isang van." "Isinakay kayo sa isang van. Nakita niyo ba kung saan kayong lugar dinala ni teacher? Sino ang mga kasama ni teacher nung araw na iyon." "Sa isang abandonadong bahay po. Hindi po namin alam kung saan basta nung tinanggal na po nila iyong piring namin eh nakatali na po iyong kamay namin sa poste." Sagot pa ng isang bata. "Marami ba sila o si teacher lang?" "Marami po sila mga nasuot po sila ng itim." Sagot muli nito. "May namumukhaan ka ba sa mga nakita mong mga tao." "Si Principal po. Hindi lang po kaming tatlo ang nandoon May mga mas bata pa po sa amin." Napakunot naman ako sa noo dahil sa muling isinagot niya. Bata? Naku huwag naman sanang mangyari ang nasa isip ko. "Anong ginawa nila sa mga bata?" "Nakita ko Pong inihiga nila sa semento pagkatapos po binaril sa ulo. Iyon lang po ang nakita ko." "Nakita ko lahat." Biglang nagsalita ang 17 years old na dalagita na kanina pa tahimik. "Kinuha nila ang mga organs ng mga bata pagkatapos ay nilagay nila sa isang bag ang mga bangkay pagkatapos narinig ko si principal na ipakain ang mga bangkay sa mga buwaya. Gabi nung araw na iyon kaya hindi namin alam kung saan nila kami idinala basta ang natatandaan ko isa iyong abandonadong lugar. Napakabaho ng lugar na iyon na para bang madami ng namatay sa lugar na iyon. Takot na takot ako kaming tatlo. Naririnig namin ang mga tawanan nila na parang mga sinaniban. May mga mas matanda rin sa akin na sa tingin ko ay 20 to 25 pataas ang edad. Wala silang mga saplot at nakadilat na ang mga mata nila. Mga patay na sila. Dinala kami sa isang laboratoryo marami pang bata ang nandoon. Ang laboratoryo na iyon ay pagawaan ng drugs at pagkatapos ay pilit na ipinapalunok sa mga bata at pagkatapos ay dadalhin sa ibang bansa. Hindi lang iyon pagkatapos nun dinala kami ni teacher Roxas sa isang silid. Doon ay may tatlong matandang lalaki doon nila kami binaboy ng paulit ulit--" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil humagulgol na ito ng iyak. "Pagkatapos nun tinutukan nila kami ng druga sa katawan at pagkatapos nun para na kaming baliw na nagsasayaw. Alam kung wala na ako sa tamang pag iisip pero ang utak ko ay alam kung matino pa. Marami kami doon. May mga tao pa ngang sa tingin ko ay mayayaman at nanonood sa amin. Pagkatapos nun nagising na lamang kaming tatlo sa isang ibang barangay sa gilid ng bukid." Tumingin ito sa akin na parang may gusto pang iparating. "Kaya hindi magawang--" Napansin kong parang biglang nahirapan itong huminga." "kaya hindi magawang makapagsumbong ng mga biktima ay dahil may ikinabit sila sa katawan ng mga tao na hindi ko alam ang tawag pero alam kong naririnig nila at nadiditect ang mga bawat kilos at galaw ng isang tao." Pagkatapos ay agad nitong ipinakita sa akin ang leeg niya. Nang makita ko iyon ay agad nanlaki ang mga mata ko. Unang tingin pa lamang iyon pero alam na alam ko na kung ano iyon. Agad kung kinuha ang gunting sa mesa ko at walang sabi sabing hinawa ito sa leeg para tanggalin ang bagay na iyon. Dahil kung hindi iyon matatanggal agad ay baka iyon pa ang dahilan ng kamatayan nito. "Dinioso tumawag ka ng doctor. FASTER." Utos ko dito n agad niya ding ginawa. Kahit ang mga nanay ay na alarma na din. Nang matanggal ko ang bagay na iyon ay nahimatay din ang dalagita. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ D I S C L A I M E R This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this story are the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to other's works living or dead, or natural actual events is purely coincidental. C O P Y R I G H T ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the proper written permission of the author is a crime. TYPO ERROR/ SPELLING ERROR/ GRAMMATICAL ERROR IS EXPECTED IN THIS STORY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD