This is the day. This is the day miss Sandra and mister Zack will tie their knot. Napatingin naman ako sa paligid at hindi ko pa rin makita si Hiro pati sila mister Zack. Where the hell are they? Si miss Sandra ay nasa bahay pa sabi nila Lauren saakin. Pero sila Ken ay wala pang update saakin kung nasaan o kamusta na sila mister Zack. "Mister Valentine!" Tawag ko sakanila nang makita ko sila kasama yung babaeng sa pagkakatanda ko'y ang pangalan ay May. "Nasaan na po sila Ken?" Tanong ko. "They're at the hotel." "Sige po. Salamat po." Paalam ko sakanila atsaka umalis. Nandoon pa rin sila? Dapat ay mauna sila dito. Habang naglalakad ay nakita ko sila Sam at John kaya ako mabilis na nagpunta sakanila. "Where are they?" Sabay naming tanong ni Sam sa isa't isa. "What do you mean?" "

