"Hello po, tita. Nanjan pa po ba si Sam?" Tanong ni Lauren. "Ahh. Oo. Nandoon pa sa kwarto niya nagbibihis pa yata." "Halikayo. Pasok kayo dito." "Salamat po." Sabi namin sakanila atsaka naupo sa kanilang sofa gaya ng sabi nila. Lunes na ngayon. Noong mga nakaraang araw ay walang kahit anong nangyari. Naging normal lang naman ang lahat pagkatapos ng kasal nila miss Sandra at mister Zack. Si Hiro naman ay hindi ko na ulit nakita. Gusto ko man siyang makita at makasama ay wala na akong panahon para dito. Inaasikaso ko kasi si Caleb at binabantayan na rin sila mama dito sa mundo ng mga tao, nagrereview na rin ako para sa nalalapit naming finals. At alam kong marami rin siyang pinagkakaabalahan doon sa mundo nila. But I really want to be with him even just for a short time. "Gusto ni

